Episode 16

1494 Words
Matapos ang moment nila noong nag-family bonding sila. Heto! Balik uli sa dati. Parang di magkakakilala. Muling pinababa ni Clyde sa kotse si Andy kaya naglalakad uli ang kanyang asawa. Habang naglalakad siya patungong school ay may dalawang lalaki siyang nakasalubong. Mukhang lasing pa. "Hi, pwedeng makipagkilala?" "So sexy. Pwede ka ba sa'min?" "Excuse me. May pupuntahan pa ako," pag-iiwas niya sa mga ito. "Wag ka nang pumasok. Halika, eenjoy-in ka namin." "Oo nga, tara sama ka sa'min." Hinawakan siya ng isang lalaki pero mabilis na iniwaksi niya ang kamay nito pero di na siya nakaiwas pa nang muli siya nitong hawakan. "Ano ba? Bitiwan niyo ako!" sigaw niya. "Sumama ka kasi ng maayos. Halika!" "No! Let me go! Ayokong sumama! Tulong! Bitiwan niyo ako! Ano ba!" Pinipilit niyang kumawala pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. "Sumama ka na, mag-eenjoy ka. Pangako." "Ayoko! Maawa kayo! Paki-usap, bitiwan niyo ako," mangiyak-ngiyak niyang pakiusap. "Wag kang magpupumiglas." "Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ni Andy. Pare, bitawan niyo yan!" Napalingon si Andy sa boses ng lalaki na nasa likuran niya at ganu'n na lang ang saya na kanyang nadarama nang makita niyang si Rex ito. "Rex?!" "Huwag kang makialam kung ayaw mong masaktan." "Alis!" "Bitawan niyo yan!" awat pa rin ni Rex sa mga ito. "Ang tapang mo, ah!" Agad na sinuntok ng lalaki si Rex, buti na lang agad itong nakaiwas. Hawak-hawak naman si Andy ng isa pang lalaki. Habang nakikipagsuntukan si Rex sa isang lalaki. Nag-isip si Andy ng paraan para makawala. Agad niyang inapakan ng buong lakas ng heel ng suot niyang sandal ang paa ng lalaki kasabay ng pagkagat niya sa kamay nitong nakapulupot sa kanyang leeg kaya napasigaw ito at nabitawan siya nito. Hahampasin sana siya nito nang bigla itong hinampas ni Rex gamit ang napulot nitong pamalo. Hingal na hingal si Rex at may pasa na rin siya sa mukha. Break time na rin. Excited nang pumunta ng hide-out si Clyde. Nagtataka siya dahil hindi pumasok si Rex. Dali-dali siyang pumunta ng hide-out pero bago pa siya nakarating du'n, nakita niya si Dani. "Where's Andy? Di siya pumasok, eh," salubong nito sa kanya. Napakunot naman ang kanyang noo. "Di siya pumasok?" nagtataka niyang tanong. Tumangu-tango si Dani. Di raw pumasok si Andy? Kung di ito pumasok, san kaya 'yon pumunta? Di rin pumasok si Rex, posible kayang magkasama ngayon ang dalawa? Pagpasok nila sa room na ginawa nilang hide-out ... "Aray! Dahan-dahan lang. Galit ka ba?" Natigilan sina Dani at Clyde sa nakita. "Sorry. Di kasi ako sanay sa ganito, eh," sabi naman ni Andy. "What are you doing, guys?" tanong ni Dani. "Dani? Nandiyan na pala kayo. Ginagamot ko lang," sagot naman ni Andy. "Nang ganu'n kalapit ang mukha?" Parang naiiritang tanong ni Clyde. "Bakit may problema ba du'n?" tanong naman ni Andy. "Napa'no ka, Dude?" Kent asked. "Naku! Nakipagbugbugan ka, ano?" ani Nico. "Yeah! Exactly!" agad namang sagot ni Rex. "He saved me. May nambastos kasi sa'kin kanina sa daan, buti na lang dumating siya kasi kung hindi, ewan kung ano ng nangyari sa'kin ngayon," depensa naman ni Andy. "Wow, pare! Hero ka na pala ngayon, ah!" nakangiting bulalas ni Oliver. "Iba kasi ang nagagawa ng pag-ibig," segunda naman ni Kent. "A-anong pag-ibig ang pinagsasabi niyo diyan?" kunot-noong tanong ni Andy. "Haist! Wala yon. Wag mong intindihan ang mga yan. Loko-loko ang mga yan," agad na sabad ni Rex. Hindi pa kasi siya handang magtapat kay Andy sa tunay niyang narardaman dito dahil baka aakalain nito na namamantala siya. "Oo nga, Andy.  Buti pa ipagpatuloy mo na lang ang paggamot diyan," saad naman ni Dani na kanina pa nakikinig sa kanilang usapan. Muli niyang ginamot si Rex. Ewan ba ni Clyde kung bakit biglang umunit ang dugo niya habang tinitingnan niya ang mga ito. Parang gusto niyang manapak ng tao ngayon. Para bang sasabog na siya. "Relax Clyde.  Ok? Relax. Wala kang dapat ikagalit," paaalal niya sa kanyang sarili pero ang init talaga ng dugo niya, hindi humupa at lalong umunit ng sumapit ang uwian ... "Clyde, ako ng maghahatid kay Andy," pagpapaalam ni Rex sa kanya. "Ba't kapa nagpapaalam? Go," ani niya na para bang wala siyang pakialam. "Thanks, dude. Guys, mauna na kami," excited na paalam ni Rex sa kanila. "Ok, take care," ani Nico. "Bye," sagot naman ni Oliver. "Bye, Andy," baling ni Dani sa kaibigan. "Ingat sa biyahe. Dumiretso ng bahay. Huwag sa kung saan-saan," pabirong bilin ni Kent. Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Kent habang nagre-ready ng umuwi. Si Andy, di man lang nag-abalang tingnan si Clyde bago ito pumasok sa kotse ni Rex. "s**t na babaeng yon! Gustong-gusto pa yata niya sa kotse ni Rex, ah! Haist! Di hamak, mas maganda pa yata yong kotse ko kaysa dun nuh! Kainis!" himutok ng isipan ni Clyde pero wala naman siyang magagawa para du'n lalo na at nakaalis na ang dalawa. Gabi na pero hindi pa rin umuuwi si Andy. Napaisip tuloy si Clyde kung saan-saan na nagpupunta ang dalawa kaya hanggang ngayon hindi pa ito nakauwi. Sa pag-iisip niya kung nasaan na ang kanyang asawa ay natagpuan na lamang niya ang kanyang sariling nagta-type na ng kanyang ite-text dito pero agad din naman siyang natigilan "Teka! Ba't ko naman siya iti-text? Baka isipin nu'n na nag-alala ako sa kanya," usal ng kanyang isipan. Agad niyang binura ang text message niya para sana kay Andy tapos nagpasya na siyang pumasok na lamang sa kanyang kwarto para matulog pero kahit na anong pilit ang gagawin niya para makatulog lang ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kahit pabaling-baling na siya ng higa pero ganu'n pa rin na siyang lalong nagpainis sa kanya kaya bumangon na lang siya at nagtimpla ng kape. Wala pa talaga sa bokabularyo niya ang matulog. Panay ang tingin niya sa orasan pati na sa labas pero wala pa ring Andy. "Malilintikan ka talaga sa'kin babae ka! Lagot ka mamaya pagdating mo," inis na bulong niya sa sarili habang bahagya pang napahigpit ang pagkakahawak niya sa tasang may lamang kape. Naiinis! Asan na ba kasi yon? Bakit hanggang ngayon di pa rin umuuwi? Nag-eenjoy, nagpakasawa habang kasama si Rex? Ano ba kasi tong pinag-iisip ni Clyde? Ang g**o ng isip niya. Agad siyang napadungaw sa bintana ng may narinig siyang humintong sasakyan at malaki ang pasasalamat niya dahil dumating na rin ang kanyang hinihintay pero biglang nanlaki ang kanyang mga mata at napaawang ang kanyang mga labi sa kanyang nakita nang biglang niyakap ni Rex si Andy! What was that for? Biglang nabuhay ang apoy sa loob ng kanyang katawan kaya nag-init uli ang ulo niya. "May payakap-yakap effect pa? Lagot ka sa'kin, Andy! Ang landi mong babae. May asawa ka na nga, nagpapayakap kapa sa iba!" inis na sabi niya sa kanyang sarili habang lihim niyang pinapanood ang dalawa sa labas ng kanilang bahay. "I gotta go," agad na paalam ni Rex kay Andy matapos siya nitong yakapin. "Take care," aniya. Ngumiti muna siya bago siya pumasok ng kotse at bago pa niya ito pinatakbo, tumingin muna siya kay Andy at kumaway at saka dahan-dahang nawala sa paningin ni Andy ang kotse niya kaya agad na itong pumasok ng bahay. Madilim talaga ng bahay, nandito kaya si Clyde? Baka tulog na kaya pumasok na lamang siya at nang makapasok na siya ay agad din niyang binuksan ang ilaw sa loob ng bahay. "Bakit ngayon ka lang?" "Ai, kabayo!" gulat na sabi ni Andy nang biglang nagsalita si Clyde matapos niyang buksan ang ilaw at nakita niya itong nakaupo sa sofa na nakatalikod sa kanya. "B-ba't gising ka pa?" tanong niya rito pagkaraan. "Don't answer me with a question. Bakit ngayon ka lang?" Halata sa boses ni Clyde ang galit na kanina pa niya pinipigilan. "Ah, ano kasi ...si Rex. Nagpatulong maghanap ng pwede niyang gawing gift sa birthday ng Mama niya next day," paliwanag niya rito. "Nang ganu'n katagal?" parang nagdududang tanong ni Clyde. "Ano ...ah, nagyaya kasi siyang magdinner muna kami." "At pumayag ka naman?" "O-oo! Wala namang masama du'n, eh! Nagyaya yong tao kaya pinagbigyan ko na." "Kaya may payakap-yakap effect pa kayo kanina?" Nagtaka si Andy sa tanong nito. Nakita kaya ni Clyde ang ginawang pagyakap sa kanya ni Rex kanina? Pinanood kaya sila nito? "Wala namang masama du'n. Teka nga! Nagseselos ka ba?" "Ako? Nagseselos?" tanong ni Clyde saka ito tumawa. 'Yong tawa na para bang napipilitan lang, "...gumising ka nga Andy. Ang laki kong bulag kung pagseselosan kita. Ang nais ko lang mangyari, wag ka munang lumandi hangga't hindi pa nailipat ni grandma sa pangalan ko ang mga ipapamana niya sa'kin kundi pareho tayong lagot kapag nalaman to ni grandma at yang pag-iilusyon mo na nagseselos ako, kunin mo yan sa kukuti mo dahil kahit anong mangyari, hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo." Pagkatapos niyang sabihin yon, iniwan niya bigla si Andy na para bang napako sa kinatatayuan dahil hindi talaga nito inaasahan na lalabas ang mga katagang iyon mula sa kanyang bibig na siyang nagpainis dito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD