Days, weeks, months na ang nakalipas. Kung ano yong pakikitungo ni Clyde kay Andy noong una hanggang ngayon ay ganu'n pa rin pero may nagbago, kung dati malayo ang loob niya rito, ngayon mas lumayo.
Lagi na lang siyang di nakikita at nakakasama nito. Kung nakikita't-nakakasama man siya nito ay doon lang sa kanilang tagpuan sa school pagkatapos nu'n, wala na!
Si Rex na rin ang palaging naghahatid kay Andy pag-uwi. Halos doon na nakatira si Clyde sa condo nito, mukhang ayaw umuwi. Pakiramdam tuloy ni Andy, ang bigat-bigat ng kalooban niya sa ginagawang paglayo't-pagbabalewala sa kanya ng kanyang asawa.
"Hoy, Andy! Kanina ka pang tulala diyan. Anong problema mo?" tanong sa kanya ni Dani nang mapansin nito ang pagkatigagal niya.
"Huh? Ah ...eh, wala naman."
"Anong wala, huh? Alam mo bang para akong baliw na nakikipag-usap sa hangin?"
"B-bakit? May sinabi ka ba?"
"See? You're totally out of your mind. What's the problem, girl?"
"Dani, ano bang pwedeng itawag mo sa isang damdamin na kapag all the time lagi mong hinahanap ang presensiya ng isang taong gusto mong makikita at makakasama? Yon bang tipong ...ayaw mong mawala siya sa tabi mo, gusto mong andiyan siya lagi, nakikita, nahahawakan at nakakausap. Pero kapag wala siya, para bang ang bigat-bigat ng pakiramdam mo?"
"You're in love with that someone," agad na sagot ng kanyang kaibigan.
"In love?" hindi niya makapaniwalang tanong.
"Oo! That's one of the signs that you are in love with him. Kasi, di mo naman siya iisipin kung wala ka namang dahilan di ba?"
Napatahimik siya sa sinabi ni Dani. Tama ba ang sinabi ni Dani? Is she really in love with that bingi at mayabang na Clyde?
"Sino ba yang tinutukoy mo? Si Rex ba yan?" tanong sa kanya ni Dani matapos siya nitong sikuhin.
Magsasalita pa sana siya nang biglang may nagsalita mula sa labas ng kanilang hide-out.
"Oh, Clyde! Ba't di ka pa pumasok?" tanong ni Oliver sa kaibigan na nakatayo sa labas.
Napatingin sina Andy At Dani sa labas. Si Clyde nasa labas daw? Narinig kaya nito ang pinag-uusapan nila? Ok lang yon dahil wala namang binanggit na pangalan si Andy.
"Huh? Ah ...k-kakarating ko lang kasi," narinig niyang sagot ni Clyde pagkatapos ay pumasok ang lahat.
"How was your day, guys?" salubong ni Dani sa mga ito.
"Itong si Nico, siyempre! Ok lang kasi nandiyan honey niya. Ito namang si Rex, okeng-ok lalo na kami ni Kent pero ewan ko lang kung kumusta ang araw ni Clyde," masiglang pahayag ni Oliver.
"Ok lang ang araw ko," agad na sagot ni Clyde kahit ang totoo'y hindi. Narinig kasi niya ang pag-uusap nina Andy at Dani.
Is she in love? With whom? Kay Rex ba? Bakit ganu'n? He felt that something is wrong.
"Bakit naman hindi magiging ok ang araw ni Clyde, eh ang dami kayang fans niyan. Andaming in love diyan kaya for sure, di lang ok ang araw niya. Okeng-ok!" singit naman ni Rex.
Napangiti na lang si Clyde sa sinabi ni Rex at maya-maya, kanya-kanya na sila naghanap ng pwesto.
"Look, dude. Parang nagkakadevelop-an na yang dalawa ah!" sabi ni Oliver habang nakatingin ito sa direksyon kung nasaan nakaupong magkatabi sina Andy at Clyde.
Napatingin na rin sa direksyong tiningnan ni Oliver and he saw Andy and Rex, talking to each other with a big smile on their faces. Biglang nag-init ang kanyang dugo kaya bigla siyang tumayo at lumabas ng silid.
"Dude, where you going?" pahabol na tanong sa kanya ni Oliver pero hindi na niya ito pinansin pa at ang naging hantungan niya ay ang beer house nina Oliver.
He can't understand his feelings towards her. Is he jealous? Bakit naman siya magseselos, eh di naman niya 'yon gusto, ni gusing wala siyang nararamdaman para riro but why everytime he saw her happy with someone else, pakiramdam niya ang hirap-hirap. Lagi niya itong iniiwasan at binabalewala cause he don't want to see her kasi kapag lagi niya itong nakikita, mas lalong lumalalim ang di niya maintindihang damdamin pero kapag di naman niya ito nakikita lalo siyang nahihirapan sa isipin na ibang lalaki ang kasama nito at wala siyang magawa upang ilayo ito at kapag di niya ito kapiling, lalo siyang nananabik dito.
Nanaiinis rin siya kapag maririnig niya ang malakas nitong tawa kapag ibang lalaki ang kasama nito. Gusto niya sa kanya lang tatawa ng malakas si Andy at hindi sa iba. He hate this feelings!
"Saan 'yon pupunta?" tanong ni Andy kay Oliver matapos umalis na lang bigla si Clyde.
"Ewan, bigla na lang umalis eh," sagot naman ni Oliver.
"Anong problema nu'n?"
"Di ko rin alam. Basta ang alam ko lang, tinuro ko kayo ni Rex sa kanya tapos sabi ko, mukhang nagkakadevelop-an na kayo then yon, agad nagback-out. Galit yata
Natahimik si Andy sa sinabi ni Oliver. Bakit ganu'n kung magreact si Clyde? Nagseselos kaya siya? At bakit naman? O baka nagalit lang dahil akala nito sa mga ginagawa niya ngayon, baka mabuko na sila.
"Andy!" untag ni Rex sa kanya.
"Huh? Bakit may problema ba?"
"Kanina pa kita kinakausap."
"S-sorry, Rex. Di ko narinig."
"Magkatabi lang tayo tapos ------" Hindi na natapos pa ni Rex ang iba pa sana niyang sasabihin nang biglang tumunog ang phone ni Andy.
"Excuse muna. Si oliver tumatawag," sabi nito sa kanya. Bahagya namam siyang tumango saka sinagot na ni Andy ang tawag, "Oliver, bakit?," tanong nito kay Oliver mula sa kabilang linya, "...bakit, anong nangyari sa kanya?" Napatingin siya kay Andy at nakita niya kung papaano gumuhit sa mukha nito ang pag-aalala.
"Oo, sige. Bantayan mo siya, pupunta na'ko. Sige, bye."
Agad nitong pinatay ang tawag ni Oliver saka siya nito binalingan mg tingin.
"Rex, sorry ulit kailangan ko munang puntahan si Clyde."
Matapos nitong magpaalam sa kanya ay agad-agad na siya nitong iniwan, ni hindi man lang nito hinintay ang kanyang sagot. Ni hindi man lang siya nito tinanong kung ok lang ba sa kanya ang iiwan nito.
Sa naging reaksiyon ni Andy, hindi tuloy napigilan ni Rex ang mapaisip. Bakit ganu'n? Mukhang wala itong paki-alam sa nararamdaman niya pero pag ang pinag-uusapan ay si Clyde daig pa nito ang hangin sa bilis ng kilos nito. Bakit ganu'n ito kung mag-alala kay Clyde? Ganu'n lang talaga siguro 'yon dahil magpinsan ang mga ito. Dapat lang na mag-alala ito para kay Clyde.
Dali-daling pumasok sa beer house na sinabi ni Oliver si Andy at nakita niya agad si Clyde, lasing at nagwawala kaya agad siyang lumapit at sinubukang awatin ito.
"Clyde, tama na!" awat niya rito pero hindi pa rin ito nagpatinag.
"Dude, stop it!" awat din ni Oliver.
"Wag niyo akong paki-alaman! Ayoko na! Ayoko na!" lasing nitong sigaw.
"Clyde, please tumigil kana!" sigaw ni Andy na siyang nagpatigil kay Clyde. Mapupungay ang mga matang napalingon ito sa kanya.
"Ikaw! Wag kang makialam sha'kin ! Wala kang alam sha nararamdaman ko!"
"Dude, please. Tama na, nakakahiya sa ibang customers," muling awat ni Oliver pero lalo lang nagwala si Clyde.
"No!" sigaw pa nito.
"Clyde, please!" pakiusap naman ng kanyang asawa.
"No! Leave me alone!"
"No! Stop it, please!" ani Andy saka siya nito niyakap nang mahigpit sa beywang, "Stop it now, please."
Napatigil si Clyde sa pagwawala at dahan-dahan siyang humarap sa kanyang asawa.
"You," tanging salitang namutawi sa kanyang mga labi.
Nagkatitigan sila. Different emotions she saw in his eyes, di niya mabasa kung anu-ano ang mga yon. Napatingin si Clyde sa mga labi ni Andy and then he lay down his face little by little. Palapit ng palapit ang mukha nito sa mukha ng kanyang asawa.
A-anong gagawin niya? Hahalikan ba niya si Andy? P-pa'no na'to? Mabubuko na ba sila ni Oliver? A-anong gagawin ni Andy? Iiwas ba siya?
Palapit pa ng palapit ang mukha ni Clyde kay Andy until she feel his breath on her face and they're almost to kiss when ...
"Tutulungan na kita, Andy," ani Oliver
Tinulugan siya ni Clyde kaya tinulungan na lamang siya ni Oliver para maisakay ito sa kotse nito. Akala niya, hahalikan na siya nito pero bigla na lang bumagsak ang ulo nito sa kanyang balikat, nakatulog na pala.
Ihahatid sila ni Oliver sa bahay, nagtataka ang binata kung bakit sa bahay niya raw ihahatid si Clyde bakit hindi du'n sa bahay nito.
Ang sabi naman niya, dito lang sa bahay para di na mag-alala o magtataka sina grandma at Tita Lucy kung bakit naglasing si Clyde.
Di na rin nagtanong si Oliver ng kung ano-ano. Pagkatapos nilang maihiga sa kama si Clyde, agad na rin itong nagpaalam.
Tinanggal ni Andy ang suot nitong sapatos at inayos niya ang pagkakahiga nito. Naririnig niya ang mahihina nitong paghilik at di niya napigilan ang sariling titigan at hamplusin ang pisngi nito.
Nang aalis na sana siya, bigla nitong hinawakan ang kamay niya habang nanatili itong nakapikit.
"Please stay," pabulong nitong sabi.
Hinila siya nito nang biglaan kaya napahiga siya sa tabi nito. He hugge her and she was so shocked. Gusto niyang kumawala dahil ayaw niyang umasa pero ang puso niya nagsasabing " wag!" Dahil everytime his arms wrapped around her like this, she felt that she is safe. She really want to stay inside of his arms, she want to feel his breath over her head.
"I- I love you, Cassandra."
Napapikit si Andy nang marinig niya ang binanggit nitong pangalan. Lahat ng kaligayahan na nadama niya kani-kanina lang bigla na lang nawala. Di niya napigilan ang kanyang mga luha sa pagdaloy.
Bakit ganu'n? Bakit ang sakit-sakit? Siya pa rin pala? Akala niya may pag-asa na siya. Pero hindi siya dapat masaktan, di ba? Pero bakit parang durog na durog ngayon ang puso niya?
Pestang luha din, oh! Bigla na lang umagos! Alam niyang di niya kayang palitan si Cassandra sa puso nito pero bakit umaasa pa rin siya?
"Clyde, sana maramdaman mo rin ang nararamdaman ko," bulong ng kanyang isipan.
Dahan-dahan siyang bumangon at pinahid niya ang mga luha saka niya muling sinulyapan ang asawa.
"Sorry kung minahal kita. Pero sana hayaan mo muna akong mahalin ka ng palihim dahil sa ganoong bagay, kahit papaano'y napapasaya ko narin ang sarili ko," sabi ng kanyang puso saka na siya tuluyang lumabas ng kwarto nito.