Emperor's POV "Pasensya kana kila Lola. Palabiro lang talaga sila." nahihiyang sabi ko kay Cassandra ng ihahatid ko na ito pauwi. Natawa naman ito saka umiling. Her laughter is like a music to my ears. "Ano ka ba? Okay lang, sanay naman na ako sa kanila. Matagal ka naman ng ibenebenta sa akin ng Mama at Lola mo." natatawang sabi nito. I smirked. "Matagal na pala. Bakit hanggang ngayon hindi mo pa ako binibili?" biro ko rin dito. Nagkibit balikat lang ito at hindi na umimik. Kahit kelan walang mahabang sinabi ito. Bilang na bilang ang salita. "Elvin, where are we going?" tanong nito sa akin ng mapansin na hindi patungo sa bahay niya ang tinatahak naming daan. "It's too early to go home. May papasyalan lang tayo." Sagot ko. "Why?" tanong pa rin nito. "Because I want to spent more

