Cassandra's POV Nagulat ako ng isang hapon ay bigla nalang dumating si Elvin sa shop ko. Kaya pala nagkakagulo ang mga tauhan ko ay dumating ito. "Oh, napadalaw ka?" natatawa kong tanong sa kanya ng labasin ko ito. "Namimiss ko lang ang nililigawan ko. Masama na ba?" masungit niyang sagot. Impit naman na nagtilian ang mga tauhan ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Tuwing umaga kase ay lagi niya akong inihahatid dito sa shop at tuwing hapon naman ay susunduin niya ako para sabay kaming magdinner. Lagi rin ako nito tinatawagan at tinetext. Lagi rin itong nagpapadala ng mga bulaklak. Minsan nga napagalitan ko ito ng muntik ng magmukang flower shop ang botique ko. Pero hindi naman ito nawawalan ng dahilan kaya hinayaan ko nalang. Inaya ko ito sa private office ko dahil kung dito kami sa

