Cassandra's POV "Babe, huwag ka ngang malandi! Ang landi landi mo!" Natatawang saway ko kay Elvin. Kanina pa kase ito yakap ng yakap sa akin. Halos sa amin nalang nakafocus ang atensyon ng mga empleyado ko. Hindi tuloy makakilos ng maayos ang mga ito. Akala siguro ng mga ito ay nanunuod sila ng teleserye. At hinihintay ang office kiss namin na parang rooftop kiss ng JaDine. "I just missed you. Masama na bang mamiss ang girlfriend ko?" sabi nito sa akin at hinalikan pa ako sa leeg. I giggled kase nakikiliti ako. Tinampal ko nga ang braso nito. "Namiss din naman kita, kaya lang wag ka ngang PDA. Saka may ginagawa ako. Paano ko matatapos agad ito kung nakalingkis ka ng nakalingkis." He just smirked. "Kiss mo muna ako." Parang batang sabi nito at ngumuso sa akin. "Ikaw talaga, para kang

