Cassandra's POV Napapailing nalang ako habang inaalalayan ako ni Elvin pasakay kay Flash. Ayaw kaseng maniwala nito na marunong akong mangabayo. Mamamasyal daw kase kami kasama ng mga kaibigan niya. "Babe, I'm fine. Really." Natatawang sabi ko dito. "Tayo nalang kaseng dalawa dyan." Pangungulit pa rin nito. Inirapan ko lang ito. "Ayoko! Manananching ka lang." Napakamot naman ito sa ulo. "Babe, kasama na dun yon. Alam mo na yun." He winked at me. I just rolled my eyes. "Gusto mo dun nalang ako kay Wonderstruck?" tanong ko dito at itinuro ko ang puting kabayo ng Papa nito. Umiling ito. "Nah! Mas kampante ako pag kay Flash ka sumakay. Alam kong hindi ka niya ipapahamak." Sabi nito at hinamas himas pa ang alagang hayop nito. "Sigurado ka ba talaga na marunong ka?" tanong na naman nito.

