BAGO pa man makalapit si Senyorito ay mabilis ko nang kinuha ang mga damit niya sa sahig at tumakbo palabas. Tinawag pa niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon pa. Hiyang-hiyang ako. Parang nawala lahat ng sama ng loob ko sa kanya dahil sa ginawa ko.
Hindi tuloy ako makakilos ng maayos. Kahit sa paglalaba ng damit niya ay hindi ko makusot-kusot. Parang nawalan ako ng lakas. Nanghihina ang mga kamay at mga tuhod ko. Nakakahiya talaga. Hindi ko na alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanya matapos ang nangyari.
Mabuti na lang at dumating si Ate Tasya sa laundry area upang labhan ang damit ni Senyorita Ysabelle---ang personal na katulong ng huli. Kahit papaano ay nawala sa isip ko ang nangyari dahil sa kaingayan nito. Hanggang sa natapos ako ay hindi ito nawawalan ng kwento.
"Apo, pakiakyat mo na iyong mga damit ng Senyorito mo na nilabhan mo ng nakaraan. Naplantsa na lahat ng iyon ni Baklot kahapon." Utos ni Lola Sima nang madtnan ko siya sa kusina. Katatapos ko lang ding maglaba.
Napakagat ako ng labi. Kung kailan na iniiwasan ko si Senyorito ay doon naman dumadating ang sandali na magtatagpo ang aming landas. Hindi pa nga ako nakakabawi sa kahihiyang ginawa ko kanina. Naghalu-halo pa sa nangyari roon sa batis. Iyong malapit na niya akong halikan.
Ikaw? Hahalikan ni Senyorito? Hiyaw ng parte ng isang utak ko. Oo nga naman, bakit ako hahalikan ni Senyorito? May gusto ba siya sa akin? Ano ka ba Mikko, nag-aassume ka na naman!
Nahampas ko tuloy ng palad ang noo. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Para na akong baliw. Pati sarili ko, kinakausap ko na.
"Bitbit ang isang basket na naglalaman ng mga damit ni Senyorito ay umakyat na ako sa itaas. Habang binabagtas ko ang daan ay nananalangin ako na sana wala siya roon sa kwarto niya. Pero imposiblemg mangyari iyon dahil hindi naman mahilig maglibot sa mansyon ang damuhong iyon.
Dininig nga ng Diyos ang panalangin ko. Wala ang Senyorito pagpasok ko sa kwarto niya. Kahit sa banyo ay wala akong narinig na ingay.
Nagbunyi ang kalooban ko kaya naman nagmamadali kong tinungo ang aparador at inilagay isa-isa roon ang mga damit ni Senyorito bago pa niya ako maabutan. Hindi pa ako handang harapin siya. Nilulukuban pa rin ako ng matinding hiya.
Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa nang marinig kong bumukas ang pinto ng banyo. Nanlalaki ang mga matang napalingon ako roon at ganoon na lang ang pagkagulat ko nang iniluwa niyon si Senyorito na nakatapis lang ng tuwalyang puti sa ibabang bahagi habang nagpupunas ng basang buhok gamit ang maliit na towel na hawak niya.
Sumikdo ng pagkalakas-lakas ang puso ko sa kaba.
Mas lumakas ang kabog nito nang sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Senyorito na waring pinapaalala sa akin ang walangkahiyaan na ginawa ko kanina.
Hindi naman siguro kawalanghiya iyong ginawa ko. I-Inamoy ko lang naman ang damit niya kung... kung...
Huli ka na sa akto, Mikko. Mangatwiran ka pa.
Mas lalong lumapad ang ngisi ni Senyorito nang ibaba ko ang tingin sa katawan at bumalik sa mukha niya. Ibinalik ko agad ang atensyon sa ginagawa. Kinakabahan man, binilisan ko na lang ang pag-aayos ng mga damit niya sa aparador.
Kaya mo 'to Mikko. Kaya mo 'to.
"Mikko." Nanigas ako sa kinatatayuan nang maramdaman ko siya malapit sa aking likuran.
"B-Bakit Senyorito?" Nauutal na tanong ko. Halos wala ng lumabas na boses sa lalamunan ko dahil pa rin sa kaba. Hindi ko na rin naaayos ang pagkakasalansan ng mga damit niya.
Nanigas ako nang dumikit sa likuran ko ang katawan niya. Tumayo lahat ng balahibo ko. Hindi ito ang unang beses na nagdikit ang aming katawan subalit iba ang hatid marahil sa nagawa ko.
"Stay. I'm just going to get a shirt."
Mariin akong napapikit at napakagat ng labi nang maramdaman ko ang mainit na hangin mula sa bibig niya na dumampi sa leeg ko. Nagbigay ito ng kakaibang init at kiliti sa buong katawan ko dagdagan pa na pumupuno sa ilong ko ang mabangong amoy niya.
Para na akong estatwa dahil hindi ko makuhang gumalaw habang namimili siya ng damit. Gusto kong kumilos at lumayo sa kanya para makapili siya ng maayos. Pero paano ko gagawin iyon kung nakakulong ako sa mga bisig niya.
"I can't choose what I'm going to wear." Reklamo niya. Ilang segundo na ang dumaan pero hindi pa rin siya kumukuha ng damit at patuloy lang sa pamimili.
"Pwede bang ikaw na lang ang pumili ng susuotin ko Mikko."
Agad kong sinunod ang utos niya kahit nanghihina ang mga kamay ko. Ang hawak na t-shirt ang binigay ko sa kanya. "I-Ito Senyorito."
Kinuha naman niya iyon. "Okay."
Para akong nabunutan ng tinik nang umalis na siya sa likuran ko.
Nabitin ang pasimpleng paghugot ko ng hangin nang narinig ko ang pagdaing ni Senyorito. Agad akong napalingon sa kanya. Hawak ng isang kamay niya ang kabilang balikat, dumadaing sa sakit.
"Masakit ang balikat ko. Dahil yata ito sa kabubuhat ko sayo kahapon para turuan kang lumangoy. Paano na 'to? Hindi ko maisuot ang damit ko." Saad niya sabay ngiwi nang iikot niya ang braso. Napatungo naman ako dahil sa hiya. Kasalanan ko kung bakit sumakit ang balikat niya. Pero hindi ko naman siya pinilit na turuan akong lumangoy. Siya iyong pursigido.
"P-Pasensya na Senyorito. Kasalanan ko." Mahina kong saad. Imbes na kaba at hiya lang ang nararamdaman ko nadagdagan pa ito ng konsenya.
"Partly, yes. Pero ako naman ang may gustong turuan ka. Ganito na lang, para makabawi ka, ikaw na lang ang magdamit sa akin."
Napaangat ako ng tingin sa kanya, gulat. Anong sabi niya? Ako ang magbibihis sa kanya?
Ngumiti siya. "Hindi naman siguro mahirap gawin iyon 'di ba? Hindi ko lang kasi talaga siya maigalaw ng maayos. Parang may naipit na ugat. Kanina nga, hirap akong hubarin ang damit ko." Paliwanag niya.
"S-Sige po." Pagpayag ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Kasalanan ko rin naman kung bakit sumakit ang balikat niya. Hirap na hirap pa naman siyang turuan ako kahapon.
"Uupo ako sa kama para hindi ka mahirapan."
Tumango akong bilang tugon. Tinungo naman niya ang kama at umupo roon. Sumunod naman ako sa kanya. Nang makalapit, inilahad ng isang kamay niya ang damit.
Pigil ang hininga ko habang sinusuot ko sa kanya ang damit. Hangga't maari ay hindi ako tumitingin sa mukha niya. Pero sa gilid ng mga mata ko ay alam kong nakangiti siya. Hindi ko na lang iyon pinasin. Alam ko ang ibig sabihin ng ngiting iyon. Ngiting nangloloko.
Nahirapan lang ako nang ang isang braso niya kung saan ang may masakit ang ipapasuot ko. Panay ang daing niya. Pero parang hindi naman totoo dahil nakikita ko siyang ngumingiti.
Nang maisuot ko ang damit niya ay agad akong umalis sa harap niya pero mabilis nang hinablot ang braso ko ay hinila sa kanya. Napatili ako dahil sa bigla.
"S-Senyorito..." Namamalat na ang aking boses. Dahilan nito ang kanina pang init na nararamdaman ko. Nadagdagan pa ito sa naging posisyon naming dalawa. Nakaupo ako sa kandungan habang nakapulupot ang bisig niya sa baywang ko.
Mataman siyang nakatitig sa akin na ilang pulgad na lang ang espasyo sa pagitan ng mga mukha namin. Bumaba ang ito pababa sa mga labi ko. Nakita ko ang paggalaw ng kanyang adams apple na tila lumulunok.
Awtomatikong napapikit ako nang ilapit niya ang mukha sa akin at bago pa man mangyari ang inaasahan ko, nakarinig kami ng sunod-sunod na katok.
"Fvck!"
Doon lang ako natauhan sa nangyari at napadilat ng mata. Sumalubong sa akin ang nakabusangot na mukha ni Senyorito.
"Disturbo!"
HINDI na ata nawala ang pang-iinit ng pisngi ko dahil sa paulit-ulit kong naaalala ang nangyari kanina sa kwarto ni Senyorito.
Gusto niya akong halikan. Sigurado ako roon. Hindi ako pwedeng magkamali.
Pero bakit? Bakit niya ako hahalikan?
Ibig bang sabihin, may gusto sa akin si Senyorito?
Hindi maaari... M-May gusto siya sa akin.
Ibig bang din sabihin, iyong nangyari sa batis ay katulad din kanina.
Pero imposible talaga. Paano ang tulad ni Senyorito Yvo ay magkakagusto sa isang tulad ko? O 'di kaya'y pinagtitripan na naman niya ako. Baka kung hindi kumatok si Senyorito Ysmael kanina ay humagalpak na siya ng tawa.
E bakit ganoon na lang ang pagkakadikit ng katawan niyo? Ramdam na ramdam mo ang init na nagmunula sa kanyang katawan. Pagpapaalala ng isang parte ng utak ko.
Ewan! Hindi ko alam. Naguguluhan na ako. Simula pa lang na nagpapakita ng kabaitan sa akin si Senyorito ay litong-lito na ako. Dagdagan pa ng mga sinasabi niya. Sa batis. Lalo na kanina lang.
Kunting-kunti na lang ay sasabog na ang utak ko sa kakaisip na pati ang trabaho ko ay naapektuhan na. At hini lang isip ko adng naguguluhan, doble pa ang nararanasan ng puso ko.
Hindi ko matukoy kung ano itong nararamdaman ko para kay Senyorito Yvo. Ngunit pihadong delikado ito. Masasaktan na naman ako.
Siguro'y papaiiralin ko na lang sa isip na langit siya at lupa ako. Nasa semento siya, nasa putikan ako. Kung ano man itong nangyayari ay sana huwag hahantong sa kinatatakutan ko. Kaya hanggat maaari ay dapat na umiwas ako. Kunting tiis na lang at matatapos na ang kalbaryo ko sa bahay na ito.
Kaya ko ito. Walang-wala ang mga ito kumpara sa mga naranasan ko noong bata pa ako.
"Mikko! Mikko! Hey, nasa'n si Mikko!" Napapikit ako ng marinig ko ang aburidong boses ni Senyorito 'di kalayuan sa malaking halamang pinagtataguan ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nagtatago rirmto. Upang hindi makita ang Senyorito ay nagpunta ako rito sa hardin. Nagkunwaring nagdadamo rin ako para hindi paghinalaan ni Mang Elvie o ng ibang katulong na nagtatago ako.
"Kanina ay nandito lang siya Senyorito. Baka pumasok na siya sa loob ng bahay." Anang katulong na pinagtanungan niya. Hindi ako nagtangkang sumilip at pinagbuti ang pagkubli.
"Walang Mikko sa loob ng bahay. Tulungan mo akong hanapin siya. Malilintikan talaga siya kapag hindi siya nagpakita. Kanina pa ako tawag ng tawag sa kanya." Mariing wika niya.
Alam kong galit na galit na siya ngayon pero hindi ko magawang magpakita sa kanya. Wala akong mukhang maiiharap dahil sa nangyari.
Wala na akong may narinig na nagsalita sa kanila kaya naglakas-loob akong sumilip. Wala na nga ang dalawa! Napahinga ako ng maluwag pero muling naninikip ang dibdib ko kasabay ang panlalaki ng mga mata ko nang pagtalikod ko'y si Senyorito Yvo ang nabungaran ko. Matalim ang titig at parang kakainin na ako.
"I've been looking for you for almost an hour now pero nandito ka lang pala at nagtatago. Pinagtataguan mo ba ako ha, Mikko?" Kahit ang boses niya ay nakakatakot na rin.
Katapusan mo na Mikko.
"S-Senyorito..." Nauutal na wika ko.
"Galit na galit ako ngayon Mikko, alam mo ba 'yon?" Mariing hayag niya. Napatungo ako. Kahit hindi niya sabihin ay makikita sa kanya ang galit lalo na ang matatalim niyang mga tingin.
"P-Patawad Senyorito."
"Hindi ako tumatanggap ng simpleng sorry, Mikko. You should do something to ease my anger."
Napakagat ako ng labi. Galit nga talaga siya.
"A-Ano po ba 'yong inuutos niyo?"
"Huwag mong ibahin ang usapan Mikko."
"K-Kaya niyo naman po ako hinahanap k-kasi may iiuutos kayo sa akin."
Umangat ako ng tingin. Pinilit kong salubungin ang kanya. Kung kanina'y matatalim ito ngayon ay hindi na.
"Fine! May iuutos ako sayo. Pero doon tayo sa kwarto ko. Doon ko sasabihin." Saad niya at tumalikod. Nag-umpisa na rin siyang maglakad pero hindi ko nagawang sumunod. Inis na lumingon siya sa akin.
"Huwag mo ng dagdagan ang galit ko Mikko. You don't want to get me more angry, right?"
Ayaw ko man ay sinunod ko ang utos niya. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang kabahan. Pinaninindigan din ako ng balahibo.
Ano ba kasing iuutos niya at bakit doon pa sa kwarto niya? Hindi kaya'y...
Tumigil ka Mikko! Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip mo! Saway ng isang parte ng isip ko.
Pakiramdam ko ang bigat ng mga paa ko. Hindi ko magawang makapaglakad ng maayos. Inis na inis na tuloy sa akin si Senyorito. Daig ko pa raw ang pagong sa bagal ng lakad ko.
Humugot ako ng malalim na hininga nang marating namin ang kwarto niya. Pagdating sa loob ay laking gulat ko nang hinila niya ang kamay ko at isinandig sa likod ng pinto. Ikinulong niya ako gamit ang katawan niya. Dahil malaki siyang tao at hawak pa ng dalawang kamay niya ang mga kamay ko na nakataas kapantay ng pisngi ko, pihadong hindi ako makakawala nito.
Mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib ko. Kasabay nito ang kakaibang init na lumukob sa buong katawan ko sa kadahilanang pagkakadikit ng katawan niya sa akin.
Nakabaling ako ng tingin sa kabilang direksyon dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.
"What have you done to me, Mikko? You're drivingme crazy." Tila nahihirapang tanong niya. Malalim at magaspang ang boses niya.
"S-Senyorito b-bitawan niyo po ako." Nauutal na sabi ko. Sinubukan kong magpumiglas pero hindi ako nagtagumpay na makaalis bagkus mas idiniin pa niya ang pagkakadikit ng katawan niya sa katawan ko.
"Hindi kita bibitawan hanggat hindi ko nakukuha ang sagot." Giit niya sa maawtoridad na boses.
Anong sagot ang kailangan niya? Paano ako makakasagot ng maayos kung hindi niya ako bibitawan.
"Look at me, Mikko."
Hindi ko sinunod ang utos niya.
"Huwag mong hintayin na magalit ulit ako Mikko. Tandaan mo, may kasalanan ka pa sa akin kanina."
"S-Senyorito..."
Bakit kailangan pa niya akong ganituhin? Pwede niya naman akong kausapin ng maayos. Gulong-gulo na ako sa mga kinikilos niya. Tulad niya ay gusto ko rin malaman ang sagot kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin.
"Mikko?" Bakas na sa boses niya ang pagkainip.
Napalunok ako. Susundin ko na ang gusto niya para matapos na ang lahat ng ito.
Muli akong lumunok bago humarap sa kanya. Pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang puso ko lalo na nang magkasalubong ang aming mga tingin. Kung ano ang naramdaman ko roon sa batis ay ganito rin ang nararamdaman ko ngayon.
Umukit ang isang ngiti sa kanyang mukha.
"Bakit ba takot na takot kang tumitig sa akin Mikko? Hindi naman ako nangangagat unless you want me to." Sabi niya sa nakakalokong boses. Pagak din siyang tumawa. Mabilis lang iyon at muling bumalik sa seryoso ang kanyang mukha.
"What did you do to me Mikko? At bakit ako nagkakaganito sayo? To be honest, wala namang kagusto-gusto sayo outside. You're not even a girl. Doon pa lang ay malaking difference na. And compare to other gays like you, wala ka talagang panama. Pero hindi 'yon ang kagusto-gusto sayo. You're feisty. A strong person. Sa kabila ng lahat ng ginawa ko sayo, kahit parati kitang pinapagalitan at pinapahirapan nandito ka pa rin. Proving yourself to me. Ipinaglalaban mo ang karapatan mo.
You know what, I envy you. I'm the guy here but you are stronger than me. Kung ako ang nasa kalagayan mo ay matagal na akong umalis dito. Bakit Mikko? Bakit hindi mo ako inaayawan?"
"K-Kailangan ko po ng trabaho." Sagot ko. Halos wala ng boses na lumabas sa bibig ko. Nahihiya rin ako sa kadahilanang magkalapit lang ang aming mukha. Baka mabaho ang hininga ko. Nakakahiya kapag naamoy iyon ni Senyorito.
"Your both parents are working, aren't they?"
"H-Hindi naman sa lahat ng panahon aaasa ako sa kanila." Lakas loob kong sagot. Hindi ko alam kung bakit nakakayanan ko pa ang magsalita sa kabila ng posisyon namin.
"Okay? But I still not convinced. Tell me, Mikko. Do you like me too?"
Lumaki ang hugis ng mga mata ko sa naging tanong ni Senyorito. Napaawang pa ang bibig ko.
"Because me, I like you. I really like you."
Tila nabingi ako sa sunod niyang sinabi.
G-Gusto ako ni Senyorito?
P-Paano? B-Bakit? Imposible...
"Damn! You're torturing me! You don't know how much I wanted to taste that lips of yours. Do you want me to do that, huh Mikko?"
H-Halik? Gusto niya akong halikan? Bakit niya ako hahalikan?
"Fvck!"
Hindi ko na inasahan ang sumunod na nangyari. Bago pa man may lumabas na boses sa lalamunan ko ay nasakop na niya ang mga labi ko.
***