Chapter 11

3193 Words
"GOD, your lips are so soft." Wika niya nang ihiwalay ang labi niya sa akin. Ako naman ay hindi makuhang gumalaw dahil gulat na gulat pa rin sa nangyari. Nanatiling nakaawang ang aking bibig. Hinalikan ako ni Senyorito. Hinalikan niya ako sa labi! Bago pa ako makabawi ay muli niyang inilapat ang labi niya sa labi ko. Dahil bukas ang bibig ko'y ipinasok niya ang dila niya rito. "Kiss me back, Mikko." Saad niya sabay kagat sa ibabang-labi ko. Hindi ko alam ang gagawin, ang iisipin. Naging blangko ang isip ko dahil sa labis na gulat. "Mikko..." Ipinikit ko ang mga mata ko. Kasabay nito ang pagkawala ko sa sarili. Kinontrol ako ng aking katawan. Sinunod ko ang gusto nito. Naging hudyat iyon para kay Senyorito upang pailalimin ang paghalik sa akin. Nagsimula akong makaramdam ng kakaibang init kasabay ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Mali itong nangyayari. Hindi dapat namin ginagawa ito. Kahit bakla ako, alam kong mali ito sa mata ng Diyos at ng mga tao lalo pa't isang Jontaciergo si Senyorito Yvo. Maraming magugulat, mayayanig. Imposibleng magagawa ito ng isang tulad niya sa isang tulad ko na dukha at higit sa lahat, bakla. Pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Nadadarang ako sa halik niya at init na nagmumula sa kanyang katawan. Binuhat niya ako at isinandig sa pader. Awtomatikong nangunyapit ang mga braso't binti ko sa batok at baywang niya. Habol ang aming hininga nang maghiwalay ang mga labi namin. Perong ilang segundo lang ay muli niyang sinakop ang mga labi ko. "You're driving me crazy, Mikko." Nahihirapan niyang wika nang muli siyang tumigil sa paghalik. "Senyorito..." "P-Please stop me before I own you completely." Pagsusumamo niya sa mabibigat na paghinga. Napaliyad ako nang sa leeg ko naman niya idinampi ang kanyang mga labi. May kakaibang boses na lumabas sa bibig ko. "Yes, moan for me, Mikko." Saka ko napagtanto na ungol iyon. Nang akmang hahalikan muli ako ni Senyorito ay may kumatok sa pinto. Doon lang ako natauhan. Si Senyorito naman ay napamura. Hindi ko malaman ang gagawin pagkababa niya sa akin. Muntik pa akong matumba dahil sa pagkakataranta papalayo sa kanya. Nag-iisip at naghahanap ng pwedeng gawin sakaling papasukin ni Senyorito ang tao sa labas ng pinto ng kwarto niya. Dumeretso ako sa aparador at mabilis na binuksan iyon. Ginulo ko ang pagkakasalansan ng mga damit niya at nanginginig na muling tinupi ang mga ito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang gusto ng kumawala ng puso ko dahil sa bilis ng t***k nito. "Relax, Angel. As if you did not enjoyed my kisses." Aniya at mahinang tumawa. Ikinatigil ko ang ginagawa nang marinig ang sinabi niya. Angel. Tinawag niya akong Angel? Bago pa man masagot ang tanong ko ay bumukas na ang pinto. Napalingon ako. Muntik na akong mapasinghap nang makita si Donya Helena. Kung sakaling hindi ini-lock ni Senyorito ang pinto at bigla na lang nitong binuksan ay pihadong huling-huli kami nito sa akto. Pero bakit ako hinalikan ni Senyorito? Hindi lang basta halik. Umabot pa kami sa puntong iyon at kung hindi pa kumatok si Donya ay mas higit pa roon ang ginagawa namin ngayon. Hindi! Kahit hindi kumatok si Donya ay mapipigilan kong mangyari 'yon. Hindi pwedeng umabot kami sa ganoon ni Senyorito. Ang paghalik pa lang niya sa akin ay mali na. Maling-mali na! "M-Magandang hapon po." Bati ko sa Donya. Tiningnan lamang ako nito at ibinaling ang atensyon sa anak. Napatungo naman ako at muling humarap sa aparador. Napapikit ako ng mata. Pagkatapos humugot ng malalim na hininga ay pinagpatuloy ang ginagawa. Nagsimula na ring mag-usap ang mag-ina. "We will be there for two weeks. It is an important business conference and it is necessary for us to be there. Since ikaw ang matanda sa magkakapatid, ikaw na ang bahala muna sa kanila especially to your brother. You know him, masyadong pasaway." Rinig kong wika ni Donya. Tama nga ang narinig kong usap-usapan ng mga katulong na aalis ang mag-asawa papuntang ibang bansa dahil sa kanilang negosyo. "You don't need to remind me mom. I'm old enough. Kayang-kaya kong bantayan ang mga kapatid ko. Kayo ang dapat i-remind. Mag-iingat kayo ni dad. Don't forget to take your meds." "Malaki na nga ang panganay ko. Dati, ha---" "Stop it mom! Masyado nang masakit sa tainga 'yan." "Fine, fine. Just take care. Ikaw na ang bahala sa buong hacienda. Alam kong marami ka ng alam pero kailangan mo pa rin ang tulong ng lolo mo." "I know. I know." "I'm going. Bye." Pagpaalam ng Donya at maya-maya'y narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Doon naman ako nabalik sa sarili. Mas lalong dumagundong ang dibdib ko sa kaba. Kaming dalawa na lang ulit ni Senyorito sa kwarto niya! "So where were we, Mikko?" Pinandigan ako ng balahibo nang magsalita siya lalo na ng nang maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko. Ikinapitlag ko ang paghawak niya sa magkabilang braso ko. Ipinaharap niya ako sa kanya. Muling nagtama ang aming mga mata. Kumpara kanina ay marami ng ibig ipahiwatig ang tingin niya. Hindi ko alam pero nawala ang takot ko sa maari niyang gawin dahil sa titig niya. Na para bang dapat na pagkatiwalaan ko siya dahil hindi na niya ulit gagawin ang ginawa niya kanina. "Gusto-gusto man kitang halikan, pipigilan ko ang sarili ko. I don't want to scare you. We need to talk first to clear things out especially from what happened earlier." Gumuhit ang pilyong ngiti sa labi niya sabay tingin sa mga labi ko. Hinawakan niya ang isang kamay ko at hinila ako patungo sa kanyang kama. Pinaupo niya ako roon at ganoon din siya. "I like you Mikko. I don't know how it happens but I like you." Panimula niya. Kahit nasabi niya na ito kanina ay hindi ko pa rin maiwasan ang magulat. At paano kung hindi pala totoo. Na pinaglalaruan niya lang ako. Pero matapos ang halik na pinagsaluhan namin kanina ay unti-unti na akong naniniwala na ang isang Yvo Rain Jontaciergo ay magkakagusto sa isang tulad ko. Imposibleng wala siyang nararamdaman sa akin para halikan ako, hindi siya magiging mabait sa isang tulad ko. "Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang nagpadama sa akin ng ganito. Hindi ka babae pero nakuha mo akong baliwin. Exaggerated at it is, pero iyon ang nararamdaman ko. At first, hindi ko pinaniwalaan ang sarili ko. Pero sa bawat araw ay ginugulo mo na ang isip ko. Alam kong maraming tanong ang namumuo sa isip mo but please don't doubt my feelings towards you, Angel. Lalaki ako at babae ang nakikita kong maging kapareha pero simula nang makilala kita, nang nasa ibabaw ka ng manggang iyon, sinimulan mong baguhin ang pananaw ko. And days passed by, when I know how good person you are, you completely changed everything especially that day when I suspected you for stealing my wrist watch. Ginawa ko iyon to prove something and for other reason. And I'm sorry for that." Ewan ko kung paano ko pa mapoproseso sa utak ko lahat ng pinagsasabi niya ngayon. Hinihiling ko na lang na bumukas ang sahig at lamunin ako nito pababa o di kaya'y magising na ako sa kinasasadlakan kong bangungot. Sana hindi niya ako niloloko dahil parang hindi ko ata kakayanin kapag ganoon lang ang lahat ng nangyayaring ito lalo pa't lumulundag sa tuwa ang puso ko dahil sa lahat ng mga pinagsasabi niya. "Marami ka ng ginawa sa akin and you are liable for everything." Ano namang mga ginawa ko sa kanya? Kung totoosin ay siya itong maraming ginawa sa akin at dapat siya ang magbayad at hindi ako. "Hindi naman ako mapagsamantala sa taong may utang sa akin. Simple lang ang kabayarang hinihingi ko. Be mine, Angel." Para bagang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. "And being mine, it means you're mine only. Walang pwedeng lumapit sayong ibang lalaki especially that Carl." "Senyorito..." "Ako lang ang pwede, Mikko. Ako lang, naiintindihan mo?" Hindi ko makuhang sumagot pero nang muli siyang magtanong at sinakop ang aking labi nakita ko na lang ang sarili na unti-unting tumatango. HINDI nga talaga ako nananiginip dahil kinabukasan, pagkarating na pagkarating ko sa kwarto ni Senyorito ay agad niya akong sinalubong ng halik sa pisngi. Pagkatapos ay may inabot siyang kumpol na bulaklak na mukhang galing sa hardin ng mansyon. Sabi niya na kahit kami na ay liligawan pa rin niya ako. Kagabi ay hindi niya ako tinigilan sa text at tawag. Dahil sa kaba ay hindi ko sinagot ang lahat ng 'yon. Nang tumigil siya, pinatay ko ang cellphone. Pagbukas ko kanina habang papunta sa mansyon ay marami siyang naging mensahe na nakapanghina sa akin. Kinabahan ako dahil ilan sa mga ito ay mukhang galit siya. "Nakakatampo ka, alam mo ba 'yon? Hindi mo sinasagot lahat ng text at tawag ko. You even off your cellphone. Gusto mo bang madagdagan ang kasalanan mo sa akin ha, Angel?" Napatungo ako. Hindi pa rin ako sanay sa pagtawag niya sa akin ng Angel, pero ibayong kiliti naman ang hatid niyon sa puso ko. Alam kong mali itong nangyayari pero kakaibang saya ang dulot nito sa akin lalo na't tulad niya ay gusto ko rin siya. Sino ba naman ako para tanggihan ang isang tulad ni Senyorito? Akala ko hanggang sa panaginip lang ang lahat. Na isang butuin na hindi kayang abutin. Pero ito, abot kamay ko na. "P-Pasensya na Senyorito." "Tatanggapin ko lang ang apology mo kapag hinalikan mo ako." Napaangat ako ng tingin sa kanya, hindi makapaniwala. Suot pa rin niya ang malapad na ngiti pero may halong pagkapilyo na ito. Dumoble tuloy ang kabang nararamdaman ko. "I'm waiting, Angel." "Senyorito..." "Kapag hindi mo ako hinalikan, ako mismo ang hahalik sayo at alam mong hindi lang simpleng halik ang gusto ko kapag nagsimula ako. So don't try me, Angel. Now, kiss me." Parang gusto ko na lang himatayin. Hindi ko na talaga alam kung paano siya papakiharapan. Nanghihina man ang tuhod ay nagawa kong lumapit sa kanya. Binaba naman niya ang mukha niya para maabot ko. Pikit-mata ko siyang hinalikan sa pisngi. Umatras agad ako pagkatapos niyon. "Its not what I want." Hinaing niya. Nakakunot din ang kanyang noo. "K-Kasi... A-Ano..." Hindi ko mahanap ang boses ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Napatungo ako. Pagkuway narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Okay, it's fine. Alam kong bago ang lahat ng ito sayo. Kahit din naman sa akin. It's my first time to feel this way towards a guy. Dahan-dahanin na muna natin. Ayaw ko ring madaliin ang lahat para sa ating dalawa. Let's just enjoy what we have now." Napahinga ako ng maluwag. Tama ang sinabi ni Senyorito. Bago sa amin ang lahat kaya dapat lang na huwag namin madaliin ang lahat lalo na sa kanya. Baka naguguluhan lang siya. Baka isang araw mapagtanto niya na mali pala ang nararamdaman niya. Ayaw kong masaktan dahil ngayon pa lang, alam ko ng doon ako hahantong. Kailangan ko ring ihanda ang sarili ko. Hindi ako nagsalita. Ganoon din siya. "Senyorito, maglilinis na po ako." "Yvo. Just call me Yvo. Tawagin mo ako sa pangalan ko kapag tayong dalawa lang." Hindi ko alam kung makakaya ko ba siyang tawagin sa pangalan niya. Pero susubukan ko dahil iyon ang gusto niya. "S-Sige, Sen---Yvo." "Again, Angel." "Y-Yvo. Yvo." "Ugh! It sounds music to my ear. Sige na, umpisahan mo na ang paglilinis. Sa kama lang ako at panonoorin kita." Aniya at tumalikod. Tinungo niya ang kama at humiga siya roon. Mataman niya akong tiningnan. "Akala ko ba maglilinis ka?" Natatawang tanong niya. Nabalik naman ako sa sarili. Pihadong hindi ako makakapaglinis ng maayos nito. HINDI ako makakain ng maayos dahil nakatitig siya sa akin. Halos hindi na niya nagagalaw ang pagkaing inihanda ko sa kanya dahil sa akin lang nakatuon ang buong atensyon niya. Minsan nabibitawan ko ang kutsara dahil sa kaba at tatawa lamang siya. Nasa mesa kami rito sa kanyang kwarto at magkaharap habang kumakain. Iutusan niya akong magluto at paghatid dito ay inaya niya akong kumain na ikinagulat ko naman. "I can't help my self not to stare you, Angel." Sambit niya. Sinulyapan ko siya. Mataman pa rin siyang nakatitig sa akin. "You have beautiful eyes. Your nose is cute," bumaba ang tingin niya sa labi ko. "And your lips..." Inabot niya ng isang hinlalaki niya ang gilid ng mga labi ko at pinahiran ito. Nanlaki ang mga mata ko nang dalhin niya ito sa bibig niya. "...are luscious." Dugtong niya at mahinang tumawa. "Continue, Angel. Marami pa tayong gagawin ngayong araw." Wala sariling ipinagpatuloy ang pagkain ko. Kapag nagpatuloy si Senyorito sa pagiging ganito ay baka hindi ko kayanin. Ngayon pa lang ay tunaw na tunaw na ang puso ko. Nang sumapit ang hapon ay isinama niya ako sa tubuhan. Tulad ng inaasahan ay nagpabida naman si Mang Gorio. Pero hindi ito binibigyan ng pansin ni Senyorito. Ang huli ay nagpatuloy sa paglalakad at tinitingnan ang mga tao. Ilan sa mga ito ay kinakausap niya. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Dati ay halos patayin ko na siya sa isip ko dahil sa sama ng ugali niya pero nang dahil sa pag-amin niya at sa nakikita kong pagbabago ng ugali niya ay nawala na ang kung ano man ang namuong galit ko para sa kanya. Ganito siguro kapag gusto mo ang isang tao. "Hoy, Iko!" Naputol ang pagkakatitig ko kay Senyorito nang may nagsalita sa tabi ko. Si Isko na nakatingin din sa tinitingnan ko. "Anong mayroon sa inyo ni Senyorito? Kung makatitig ka parang tutunawin mo na siya." Usisa niya. Nagulat ako sa kanyang pinahayag. Paanong nalaman ng isang ito ang tungkol sa amin ni Senyorito. Hindi ako nagpaahalata kay Isko nga tama nga siya sa kanyang hinala. Kinabahan man ay matapang ko siyang hinarap. "Ano bang pinagsasabi mo, Isko? Walang namamagitan sa amin ni Senyorito." Mariing saad ko. "Meron e. Ramdam ko at hindi ako boto sa kanya lalo na si Carl. Tiyak magwawala ang isang iyon kapag nalaman niya." "Pwede ba Isko, tumahimik ka na lang. Kung saan-saan na nakarating 'yang mga pinag-iisip mo. Alam mo ang kasarian ko at sa tingin mo, magkakagusto sa akin si Senyorito." Giit ko pa. Napatingin naman ako sa paligid. Mabuti na lang abala ang mga tao kaya walang nakakapansin sa amin ni Isko at nakakarinig sa pinag-uusapan namin. "Kalma lang Iko. Mapaghahalataan ka niyan e. Iisipin ko talaga na mayroon ngang namamagitan sa inyo ni Senyorito." Hindi na lang ako nagsalita at muling ibinalik ang atensyon kay Senyorito na abala pa rin sa pakikipag-usap sa mga trabahante. Si Isko naman ay pinaalis ko at pinabalik sa kanyang trabaho dahil baka makita siya ni Senyorito at mapagalitan. Humigit-kumulang dalawang oras kami nanatili sa tubuhan bago nagdesisyon na umalis. "Alam mo ba kung saan ang daan patungo ng burol kung saan makikita ang kabuuan ng Del Rio?" Tanong ni Senyorito nang makasakay na kami sa kanyang truck. Napangiti ako at tumango. Mabilis lang namin narating ang tuktok ng burol. Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng daan. "I like it here. Ang sarap ng simoy ng hangin." Aniya nang makababa ng sasakyan. Mula sa aming kinatatayuan ay tanaw ang kabuuan ng bayan namin. Maganda talaga dito lalo kapag ganitong oras. Papalubog na ang sikat ng araw at malakas na ang ihip ng hangin. Kaya nga rito ang ang paborito naming tambayan nina Carl, Isko at Koray lalo na sa puno ng ipil-ipil kung saan kami umaakyat tuwing naririto kami. Na-miss ko tuloy ang mga panahong magkakasama kaming apat. "M-Marunong ka bang umakyat ng puno Senyo---ay Yvo pala?" Mula sa pagkakapikit ay dumilat siya at tumingin sa akin. Nagrigodon ang puso ko nang magtama ang tingin namin. Hindi pa rin ako sanay dito. Hindi ko nga alam kung masasanay pa ako. "Ask me again, Angel." "M-Marunong ka bang umakyat sa puno, Yvo?" "I don't think so. The last time I climbed a tree, I fell. Tatlong araw akong napilayan. Why?" Gusto ko sanang sumimangot pero hindi ko ginawa. Baka kung ano pa ang isipin ni Senyorito. Porket may gusto siya sa akin ay hindi pa rin mawawala ang katotohanan amo ko siya. "Wala Senyorito. Natanong ko lang." "Gusto mo ba akong umakyat ng puno?" Tanong niya. "Naku hindi Seny---Yvo. Natanong ko lang." Tumango-tango siya. Mahina akong napatili nang hapitin niya ako sa baywang at inakbayan. Dahil hanggang balikat niya lang ako ay kulong na kulong ako sa bisig niya. "Do you remember the first time we met? Noong umakyat ka sa puno ng mangga at binato kita ng maliit ba bato." "O-Oo. N-Nasabi mo na rin ito kanina." Nauutal na sagot ko. Nawalan na naman ako ng lakas dahil sa pagkakadilit ng katawan namin. "I want to ask you again. Gusto ko lang na binabalik ang unang pagkikita natin. Hindi man naging maganda pero naging daan naman iyon para makilala kita." Hindi ako nagsalita. Ganoon na rin siya. Ngunit nagkakaintindihan naman kami kahit walang lumalabas na mga salita sa aming bibig. Mula sa pagkakaakbay ay niyakap niya ako sa likuran ko. Ipinatong niya ang baba sa ulo ko at ipinulupot ang dalawang kamay sa itaas ng tiyan ko. Hindi ko alam pero napapikit ako at dinama ang kanyang yakap. Ang sarap-sarap sa pakiramdam ng ganito. Kaya kong mabuhay na ganito lang kami ni Senyorito. Sana hindi na lang matapos ang lahat ng ito. DUMAAN ang ilang araw ay mas umigting pa ang nararamdaman namin ni Senyorito para sa isa't-isa. Lalo na siya. Hindi siya pumapalya para pakiligin at pasiyahan ako. Bawat araw ay may binibigay siya sa akin na halos hindi ko na gustong tanggapin ngunit masyado siyang mapilit kaya wala akong magawa kung 'di tanggapin kung ano man ang binibigay niya. Bagamat may namamagitan sa amin ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang obligasyon ko bilang katulong sa mansyon. Ayaw nga sana akong pagtrabahuin ni Senyorito pero ako naman ang nagpumilit. Ayaw kong mapaghalataan at isa pa ikakasama niya iyon. Alam kong ayaw din niyang malaman ng iba ang tungkol sa amin. Kahit ako. Ayaw ko ng gulo. Tama nang kaming dalawa lamang ang nakakaalam sa relasyon naming ito. Kasalukuyan akong naglilinis ng banyo nang bigla na lang pumasok si Senyorito na nakaboxer brief lang at may nakasukbit na tuwalya sa balikat. Nagulat ako, syempre. Sinabi kong hindi pa ako tapos pero ngumisi lamang siya. Nang hahakbang siya papasok sa shower room ay pinigilan ko siya. May bula kasi ang sahig at baka madulas siya. Apektado man sa presensya niya lalo na't sa halos hubad niyang katawan ay nagmamadali akong binuhusan ang sahig ng tubig. Nang matapos ay nagpaalam ako sa kanya na lalabas. Binigyan niya naman ako ng daan pero ilang beses kong sinabing nakaharang siya sa pinto bago siya umusog. Napatili na lang ako nang paghakbang ko ay nadulas ako. Naging maagap si Senyorito at nahawakan ang kamay ko pero naupo pa rin ako sa sahig. Gumuhit ang sakit sa balakang ko dahil medyo malakas din ang pagkakauntog ng p'wet ko. Subalit nawala ang atensyon ko roon nang maramdaman at makita ko kung saan napadpad ang isang kamay ko. "Mikko..." Sa gitna ni Senyorito kung saan tinatakpan ng boxer brief niya ang tinatago roon. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD