Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kay tatay ang nakita niya sa amin ni Senyorito. Wala akong lakas ng loob para kausapin siya. Mabuti na lang at wala siyang sinabi. Kinamusta niya lang si Senyorito at kinausap sandali. Sa tingin ko'y hindi niya binigyan-pansin ang nakita. Pero pihadong kakausapin niya ako mamaya ng kaming dalawa na lamang. Kailangan kong ihanda ang sarili ko lalo pa't seryosong tingin ang binibigay niya sa akin. Si Senyorito na mismo ang nagpaalam sa akin kay tatay. Pumayag naman ang huli. Nawalan man ng gana dahil sa kaba ay sumama pa rin ako kay Senyorito. Hindi ko na sana gustong sumama para mabawasan ang pagtataka ni tatay pero nakapangako na ako sa isa. Siguro naman ay hindi mag-iisip ng kakaiba sa tatay dahil alam niyang lalaki pa rin ang amo ko. Mabilis lang

