PARANG gusto ko ng umuwi nang araw na iyon, magkulong sa kwarto at ibuhos ang lahat ng sakit sa pamamagitan ng pag-iyak. Ganito pala ang masaktan. Sobrang sakit. Halos hindi ko nagawa ng maayos ang trabaho ko. Tila naging malabo sa akin ang lahat. Nahuli ko pa ang sarili na umiiyak habang nililinis ang banyo ni Senyorito. Dapat ay handa ako. Alam kong walang patutunguhan ang relasyon naming dalawa. Pero hindi ko pa rin pala kaya kapag aktwal nang nangyayari lalo pa't harap-harapan pa. Ni hindi niya ako nagawang batiin nang dumaan ako sa sala kung saan sila nag-uusap ng dating nobya. Nasa babae ang buong atensyon niya at nakikita ko sa kanya kung gaano siya kasaya habang kausap ito. Sino ba naman ang nawawalan ng interes kapag kaharap mo ang ganoong klaseng babae? Kulang pa ang sali

