MIKKO Naabutan kami nina Nanay at Aiko ng ulan habang naglalakad pauwi sa bahay. Hinatid kasi naming tatlo ang pananghalian ni Tatay. Hindi kasi ito nakapagdala ng baon. Pinasama kami ni Nanay dahil natatakot siyang iwanan kami ni Aiko baka kung bumalik ang mga lalaking nakausap niya kaninang umaga. Kahit naman ako ay natatakot dahil hindi pa namin sigurado kung mabuti ang kanilang intensyon sa akin kahit sinabi nilang pinapahanap kamo raw ako ng aking lolo. Habang hinihintay na tumila ang ulan, nakisilong muna kami kina Aling Pasing kung saan ang pinakamalapit na bahay nang maabutan kami ng pagbagsak nito. "May balita ho ba kayo kay Isko?" Tanong ko rito. Simula kasi ng umalis ang kaibigan kong iyon papuntang Mindanao ay hindi na ito nagparamdam kahit sa text man lang. Nakakamiss din a

