MIKKO Maaga akong nagising dahil mamamalengke kaming dalawa ni Aiko. Nagawa niyang pilitin si Nanay na isama ako. Natuwa ako dahil matagal-tagal na rin nang huli akong nakapunta sa palengke. Isa iyon sa pinakamahalagang lugar sa buhay ko. Naging dahilan iyon para makilala ko ang mga taong magmamahal sa akin ng ganito. Abot-langit ang ngiti ko habang lulan ng tricycle papunta sa palengke. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng eksayment. Siguro matagal lang bago ako nakalabas papunta sa isang malayong lugar. Napansin ni Aiko ang ngiti ko. Tinanong niya ako. "Natutuwa lang ako dahil pinayagan ako nila Nanay na isama mo. Sana lang talaga ay hindi ako makasagabal sa pamimili mo." Nakangiti kong saad. Natawa lang si Aiko at biniro pa ako. Totoong makakasagabal ako sa kanya. Pero malak

