"Kaunti na lang kuya. Malapit na tayo." Hayag ni Aiko habang binabagtas namin ang daan patungong talon. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ng kapatid ko. Baka mabitawan ko ito lalo pa't may pagmamadali sa kanyang kilos. "Dahan-dahan lang naman Aiko." Maktol ko. Kung makahila kasi ay parang wala ng bukas. Nakalimutan kaya ng mokong na 'to ang kalagayan ko? "Pasensya na kuya. Gusto ko na rin kasing makaligo ulit sa talon. Alam mo namang minsan lang tayo nakakapuslit dito e." Paliwanag niya. Napangiti ako. Katulad niya, ganoon din ang nararamdaman ko. "Pero kapag nalaman 'to nila tatay at nanay siguradong mapapagalitan na naman tayo." Dugtong niya at humagikhik. Napatawa na lang din ako. "Ikaw lang naman ang mapapagalitan, hindi ako." Saad ko. "Hala! Grabe ka kuya. Ikaw kaya ang nagp

