Eto na na naman.
Kainis.
Tsss.
Hayaan mo sila.
Makakarma din yung mga yun.
Eto ako ngayon, naglalakad sa pathway nitong campus. First day. Sa halip na maexcite, kabaligtaran ang nararamdaman ko ngayon.
"Hi, Yassie!"
"Hi."
"Yassie, bago haircut ahh!"
"Oo nga."
"Yassie, smile naman dyan!"
"Kayo na lang. Wala ako sa mood."
*********
Settings: Classroom. As usual, maingay, magulo, palibhasa first day. Buti naman wala pa yung mga ultimate kontrabida ng buhay ko. Tss. Sana di na sila pumasok kailanman.
Actually, nandito pa ako sa may pinto ngayon. Nang pahakbang na ako papasok, may bigla namang tumulak sakin. Paglingon ko, hay. Mga campus 'queens' daw. Ayst!
"Excuse me, dadaan kami."
"Tsss. Padaanin ang mga reyna." bulong ko
" What did you say?"
"Wala po. Daan na po kayo."
"Tsss."
At nagsimula na silang maglakad papasok.
Halos lahat ng mga lalaki dito sa classroom pinapantasya sila.. Actually buong campus nga ata. Pweh! Kasuka!
"Hi Sugar! Lalo kang gumaganda ahh!"
"Ano ka ba! Matagal na akong maganda!"
"Eh di wow.." bulong ko.
*Documentation*
-Sugar Delos Santos: The Leader; Queen of all Queens
-Dina Marie Perez: Assistant Leader
-Colleen Prudentia: Member
-Jean Santos: Member
-Shane Garcia: Member
-Valleen Ramos: Member
Ayan, sila ang anim sa labindalawang kontarabida sa buhay ko.
Yes! Labindalawa sila! Saklap, diba? Bakit pa kasi naging kaklase ko pa yang mga yan!! Uurgh!
Pumasok na ako, at agad na nagtungo sa upuan ko. Nilapag ko muna bag ko sa desk. Kukunin ko cp ko, kaya nagkalkal muna ako sa bag ko.
Ayokong mastress ngayong araw kaya, #relax mode, turned on.
"Woah! Hi guys!What's up!?"
Hayst! Nandyan na sila. Ayoko na! The Ultimate Bullies! Good luck sa 'kIn!