
Muling nagulo ang nananahimik na buhay ni Yassie nang muling salubungin ng pang-aasar at pambibwisit ang dapat sana'y masayang unang araw ng pasukan. Ito ay dahil sa pinagsamang pwersa ng pang-aasar na ginagawa sa kanya ng kanyang kaklase na si Christian at ng pinaka-kaaway niyang si Sugar. Kahit na pinipili niyang manahimik at lumayo'y ang problema at pambibwisit ang kusang lumalapit sa kanya. Sa kabutihang palad, lagi niyang kasama ang kaniyang dalawang matalik na kaibigan, sina Sheena at John. Tinutulungan siya ng mga ito sa tuwing siya ay binubully sa school.
Hanggang sa isang araw, biglang lumapit sa kaniya si Jordan, ang ultimate crush niya. Lingid sa kaniyang kaalaman na manloloko at babaero ang lalaking iyon. Pilit na siyang pinipigilan ng kaniyang mga kaibigan ngunit hindi siya nakikinig. Mas pinili nya pa rin ang isinisigaw ng kaniyang puso at naniniwalang ang ipinapakita sa kaniya ng binata ay totoo na at wala nang halong panloloko.

