Nakaraan: Hindi nagawang maipaabot ni Jerome ang kanyang mga bulaklak at mensahe para sa kanyang inay sa Mother’s Day gawa nang ipinabugbog siya sa mga guwardiya at ipinadampot pa ng mga pulis ng mismong inay niya. Doon nakatulog si Jerome sa prisinto. Kinabukasan ay sinundo si Jerome mula sa prisinto ng mag-inang Steff at July. *** Lungkot na lungkot ako sa pagkabasa ko sa dedication na nasa card ni Jerome para sa kanyang inay. Tila tinadtad ang aking puso sa matinding awa. Kumbaga, sa sakit na aking nadarama sa pagkabasa ko sa sulat ay bull’s eye na tumama ang sibat nito sa aking puso. At hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. Nang nakita ng aking inay na lumuha ako, hininto niya ang sasakyan at ipinarada ito saglit sa gilid ng kalsada. Hinugot niya mula sa aking

