Kinabukasan ay maaga kaming nagising. May pasok pa kasi kami. Naligo kami sa accommodation ng inay at pagkatapos ay umalis na. Tulog pa kasi ang inay kaya hindi na namin inistorbo. May libre naman ding agahan sa boarding house namin kung kaya ay hindi na kami nag-agahan sa accommodation ng inay. Halos wala kaming tulog sa nakalipas na gabi dahil si Jerome ay 1:00 na ng madaling araw nakapasok ng flat ng inay, basang-basa pa, kaya naligo at syempre, hindi agad nakatulog gawa nang pinalabas pa kami ng inay sa kuwarto niya. Habang naglalakad kami palabas ng compound patungo ng gate, si Jerome ang nagbitbit ng mga gamit ko. Inakbayan pa niya ako na tila isa talaga kaming magpartner, magkarelasyon, magkasintahan. Gusto ko nga ring isipin na para kaming tunay na mag-asawa. Iyong eksenang luma

