KABANATA 13

2034 Words
KACEY's POV Bumuntung-hininga muna ako bago isa-isang pinasadahan ng tingin ang aking mga bisita rito sa aking bakuran. Nakikita kong nag-e-enjoy sa paglangoy at pagtampisaw sa aking malaking swimming pool ang ibang bisita. Masaya ring nagkukwentuhan ang iba habang kumakain ng mga in-order kong pagkain. Higit sa lahat, mukhang nag-e-enjoy ang lahat sa hard drinks na aking inihanda para mawala ang inhibisyon sa katawan ng aking mga bisita. Ngayon na ang itinakdang araw nang pagsisimula ng aking paghihiganti. Dito sa aking in-organize na house party magsisimula ang paghihiganti ng isang Kacey Lobuton. Tiningnan ko si Georgia. Ito ang pinsan ni Bernard, ang isa sa mga nangutya sa akin noon. Kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mata ni Georgia habang nakatunghay kay Paul na asawa ni Mila. Sinusundan ng tanaw ni Georgia ang paglangoy ni Paul sa swimming pool. Alam kong babysitter ng anak ng mag-asawang Paul at Mila si Georgia pero base sa aking nakikita ay mukhang ang ama ni baby Camille ang mas gustong alagaan ng babysitter na ito. Napangisi ako. Mukhang may magagamit na ako para masira ang pamilya ng hayop na si Paul, ang numero dos sa pangwawalanghiya sa akin noon. Tiningnan ko si Mila, ang half-sister ni Veronica na isa sa mga nanlait sa akin noon. Kitang-kita ko ang paranoia sa mga mata nito. Marahil ay alam nitong maraming nagnanasa sa mister nito. Hindi ko naman masisisi si Mila. Kahit noon pa man ay habulin na ng mga kababaihan at mga lalaking may pusong babae si Paul. At sa nakikita kong hitsura nito ngayon ay mas lumakas pa ang manly appeal nito. Oh well, isa ako sa mga babaeng hindi tinablan ng charm ng isang Paul Madrigal. Humanda kayong dalawa, Paul at Mila. Bilangin niyo na ang mga nalalabing araw na masaya kayo bilang mag-asawa rahil narito na si Kacey Lobuton para sirain ang inyong pagsasama. Sunod kong tiningnan ang binabaeng photographer na si Molly, ang numero tres sa panghahamak sa akin noon. Mukhang pati si Molly ay naglalaway din kay Paul. Nakatutok ang mga mata nito sa malaking bukol sa suot na swimming trunks ni Paul. Humanda ka, Molly. Sisiguraduhin kong mapapahiya ka rin katulad nang ginawa mo sa akin noon. Tiningnan ko naman si Savannah. Katulad nina Georgia at Molly ay mukhang takam na takam din ito kay Paul. Ngumiti ako ng mala-demonyo. Si Savannah ang gagawin kong kanang-kamay para sa aking mga plano. Siguro naman ay mukhang-pera rin si Savannah katulad ni Barbie. Kung ganoon nga ay hindi na magiging mahirap para sa akin ang mapasunod ito sa aking mga iuutos dito. Dumako ang aking mga mata kay Saul, ang bunsong kapatid ni Arabella na isa sa mga nang-insulto sa akin noon. Nakatingin ito kay Savannah. This is interesting. Kahihiwalay lang ni Saul sa ex-girlfriend nitong si Krista ngunit ang mga mata nito ay nakatuon na agad sa babaeng naging dahilan ng break-up nito kay Krista. Muli kong tiningnan si Savannah. May benda pa rin ang ilong nito rahil sa batong tumama rito. Ang salarin ay walang iba kundi ang inagawan ng boyfriend ni Savannah, si Krista. Tiningnan ko si Krista. Ang pinsan ng misis ng taong umalipusta sa akin. Ini-expect kong makikita kong malungkot si Krista rahil kahihiwalay lang nito sa ex-boyfriend nitong si Saul, pero hindi ganoon ang aking nakikita ngayon. Masaya ito. Hindi lang masaya si Krista kundi masayang-masaya habang kumakain ng barbecue at nakikipagkwentuhan sa pinsan nitong si Sandy. Ngunit hindi makalalagpas sa aking paningin ang mga palihim na pagsulyap ni Krista sa asawa ng pinsan nito. Oh, wow. I didn't expect that. Kaya pala mukhang mabilis na naka-move on si Krista mula sa break-up nila ni Saul ay dahil may iba nang umaagaw ng atensyon nito. Hindi kaya rati pang may lihim na pagtingin si Krista sa mister ng pinsan nito? I love it! Mukhang hindi lang si Barbie ang pwede kong magamit para sa pagsira ng pamilya ng aking numero unong kaaway na si Edgar. Mukhang pati si Krista ay pwede ko ring gawing kasangkapan para mas maghirap pa si Edgar. Mukhang magiging maganda ito kung mag-aaway ang magpinsang Sandy at Krista rahil lamang sa iisang lalaki. At si Edgar, sa huli ay walang matitira sa kanya. Walang matitira kay Edgar. Kailangan ding danasin ni Edgar ang sama ng loob na ipinaramdam niya sa akin noon. Tumingin ako kay Edgar. Kausap niya si Barbie. Mukhang inuumpisahan nang gawin ni Barbie ang iniutos ko rito noong huling nagkausap kami tungkol sa aking plano para kay Edgar. Syempre iba ang dahilang sinabi ko kay Barbie kung bakit gusto kong akitin nito si Edgar. Hindi ko gusto ang ideyang may nakakaalam ng aking mga plano maliban sa aking boyfriend na si Bogs. Hindi na ako makapaghintay na makitang nasisira ang buhay ni Edgar nang dahil sa sarili kong kagagawan. Gusto kong makabawi. Gusto kong makaganti. Kumuyom ang aking mga palad nang muli na namang pumasok sa aking isipan ang alaala ng nakaraan. Umiiyak na naman ako rito sa loob ng aking kwarto habang iniisip ang mga masasakit na salitang sinabi sa akin ng pangalawang asawa ng aking stepfather. Mula nang mapangasawa ng stepfather kong si Daddy Carlos si Tita Morena ay naging impyerno na ang aking dating masayang pamilya. Dati ay sa pamilya ako humuhugot ng lakas para makayanan ang mga panlalait na aking nararanasan mula sa aming mga kapitbahay, at mula sa aking classmates at schoolmates. Simula Elementary ay tampulan na ako ng tukso rahil sa nagmula ako sa broken family. Sinabi ng aking ina na iniwan nito ang aking ama nang ilang taon na silang nagsasama ay hindi pa rin nito mapakasalan ang aking ina. Maliban sa nagmula ako sa broken family ay hindi rin ako kagandahan, maitim, at medyo malaki ang katawan kaya madalas akong tuksuhin ng mga kapitbahay at ng aking mga kaklase. Pinagtatawanan ako ng ibang estudyante sa tuwing dumaraan ako sa corridor ng paaralan at minsan pa ay sinasadya nilang banggain ang aking katawan para ma-out of balance ako at mabitiwan ang aking mga bitbit na gamit. Sa tuwing umiiyak ako ay nandiyan palagi ang aking ina para ipaalala na mahal na mahal ako nito. Ang aking ina ang nagpapalakas sa akin sa tuwing gusto ko nang sumuko noon. Sampung taong gulang ako nang makilala ko ang batang si Edgar. Umiiyak ako noon sa lilim ng isang malaking puno rahil tinukso na naman ako ng aking mga kaklase. Nang bigla ay may lumapit sa aking batang babae at iniabot sa akin ang isang box na may kasamang note. Mayroon daw nagpapabigay niyon sa akin. Bago ko pa matanong ang batang babae kung sino ang nagpapabigay ng box of chocolates sa akin ay mabilis na itong nakalayo. Binasa ko ang nakasulat sa note na nasa ibabaw ng kahon. Kacey: To the cutest girl I've ever seen. Napangiti ako nang mabasa ang nakasulat sa note at bigla ay parang naglaho ang sakit sa aking puso na dulot ng panunukso sa akin ng aking mga kaklase. Ang box of chocolates na iyon ang unang regalong aking natanggap na hindi mula sa aking ina. Kaya naman itinago ko ang maliit na note na nakadikit sa ibabaw ng box of chocolates sa isang maliit na kahon. Mula nang araw na iyon ay ginawa kong memory box ang maliit na kahong iyon na pinaglagyan ko ng note. Pagkatapos nang araw na iyon ay sinimulan kong alamin kung sino ang nagbigay sa akin ng box of chocolates na iyon. Ilang araw matapos kong matanggap ang kahong naglalaman ng mga tsokolate ay may lumapit sa akin na isang batang lalaki kasama ang batang babaeng nag-abot sa akin ng box of chocolates. Nagpakilala ang batang lalaki na Edgar. Naawa na raw siya sa batang babae rahil lagi ko itong kinukulit para malaman kung sino ang nagbigay sa akin ng mga tsokolate. Nang umalis ang batang babae ay iniabot sa akin ni Edgar ang isang santan flower. Kinilig ang aking batang puso nang mga sandaling iyon. Inaamin kong humanga agad ako kay Edgar dahil sa kagwapuhan niyang taglay. Nalaman kong schoolmate ko si Edgar at matagal na raw niya akong pinagmamasdan. Humahanga raw siya sa aking katapangang patuloy na pumasok pa rin sa paaralan sa kabila ng mga panlalait na aking natatanggap. Sinabi ko kay Edgar na mahalaga sa akin ang pag-aaral dahil laging ipinapaalala sa akin ng aking ina na ang edukasyon ang isang kayamanan na hindi mananakaw sa akin ng ibang tao. Gusto raw akong kaibiganin ni Edgar kaya naman mula nang araw na iyon ay naging magkaibigan na kami. Inilagay ko rin sa loob ng aking memory box ang ibinigay niyang santan flower. Itinago ko rin sa loob ng memory box ang unang larawan na magkasama kami ni Edgar. Pati ang laruang singsing na isang free item mula sa tigpipisong chichirya ay itinago ko rin sa loob ng aking memory box. Naalala ko pa ang sinabi sa akin ni Edgar nang ibigay niya sa akin ang laruang singsing. Edgar: Balang araw, totoong singsing na ang isusuot ko sa daliri mo. 'Yong mamahalin at hindi madaling mayupi. Nang araw na iyon ay alam ko sa aking batang puso na mahal ko na si Edgar. Mula nang maging magkaibigan kami ni Edgar ay nagkaroon na ako ng tagapagtanggol mula sa mga nanlalait kong kaklase. Masayang-masaya ang aking batang puso sa tuwing kasama ko si Edgar. Ngunit panandalian lamang pala ang aking kasiyahang iyon. Isang araw ay nagpaalam si Edgar at sinabi niyang sa probinsya na siya mag-aaral ng High School. Nalungkot ako ngunit nag-iwan siya ng isang panyo. Remembrance daw iyon ng aming pagkakaibigan at isang alaala ng pangakong babalik siya. Tulad ng ibang bagay na ibinigay sa akin ni Edgar ay inilagay ko rin ang panyong iyon sa loob ng aking memory box. Nang dumating ang High School ay nagpalipat ako ng school ngunit mas malala ang naging pagtrato sa akin sa aking bagong paaralan. Sa High School ko naranasan ang mawalan ng mga gamit sa loob ng aking bag, ang masiraan ng mga gamit, ang maagawan ng baon, at ang manakawan ng pera. Hindi pa sila nakuntento sa ganoon at minsan ay ikinukulong pa ako sa loob ng comfort room. Minsan ay biglang ihaharang ang kanilang paa para matapilok ako. Minsan din ay may mga idinidikit silang papel sa aking likod na hindi ko namamalayan. Nakasulat doon ang iba't ibang bagay. "Huwag ninyo akong tularan. Kabit ang aking ina. Anak ako sa pagkakasala." "Huwag lumapit kung ayaw ninyong mahawa sa aking kapangitan." "Ibinabad ako sa araw kaya nasunog ang aking balat." Ilan lamang iyon sa mga isinusulat nila sa mga papel na idinidikit nila sa aking likod. Third Year High School ako nang makilala ng aking ina si Daddy Carlos. Nagpakasal sila at itinuring ako ni Daddy Carlos na parang isang tunay na anak. Kay Daddy Carlos ko naramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Fourth Year College ako nang pumanaw ang aking ina na nagdulot sa akin ng sobrang kalungkutan. Nasa College na ako nang muling mag-asawa si Daddy Carlos at muling magbalik si Edgar sa aking buhay. Ang pagbabalik na iyon ni Edgar sa aking buhay ang nagdulot sa aking puso ng sobrang sakit at galit. Kasabay pa ng pang-aapi sa akin ng pangalawang asawa ni Daddy Carlos na si Tita Morena. Si Edgar at ang kanyang mga kaibigan na sina Paul, Bernard, Arabella, at Veronica. Pati na rin ang binabaeng si Molly. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ginawa nila sa akin. Ipinikit-pikit ko ang aking mga mata para hindi tuluyang tumulo ang mga luhang nagsisimula nang mangilid sa aking mga mata. Hindi ko gustong alalahanin pa ang ginawa sa akin ni Edgar at ng kanyang mga kaibigan. No. Hindi ako maaaring magpadala sa aking emosyon sa mga oras na ito. Kailangang hindi ako ma-distract mula sa aking totoong misyon. Muli kong sinulyapan ang pwesto kung saan nakita kong nag-uusap sina Edgar at Barbie kanina. Nagulat ako nang makitang wala na roon ang dalawa. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Wala sina Edgar at Barbie. Nang mula sa bintana ng kusina ay may napansin akong dalawang aninong gumagalaw. Dalawang taong naghahalikan. Yes! Nagtagumpay si Barbie! Isang mala-demonyong ngisi ang sumilay sa aking mga labi. Oh, Edgar. You are going down. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD