KACEY's POV
Itinaas ko ang aking hawak na kopita bago sumigaw ng malakas.
Kacey: Cheers, everyone!
"Cheers!"
Sabay-sabay na itinaas ng aking mga bisita ang kani-kanilang mga hawak na kopita sa ere.
Kacey: Kain lang nang kain at inom lang nang inom. Marami akong in-order na foods and drinks for all of you. Remember to have fun!
Naghiyawan ang ilan sa aking mga bisita at ang iba naman ay nagpalakpakan.
Kacey: Remember, this is a house party, kaya pwedeng mag-stay dito sa aking house ang lahat ng mga gustong mag-stay overnight.
Sinundan ko ng malakas na hiyaw ang sinabi kong iyon.
Muli ring humiyaw ang ilan sa aking mga bisita.
Pinipilit kong maging cool para mapalagay sa akin ang aking fellow Malaking Bato Subdivision residents. Parte ito ng aking planong paghihiganti.
Ang makuha ang tiwala ng mga taong aking paghihigantihan.
Nakaranas ako ng kalupitan dati kaya ibabalik ko rin sa kanila ang kanilang itinanim.
Nagtanim sila ng kasamaan sa kapwa kaya aani sila ng parusa.
Parusang doble pa sa aking sinapit mula sa kanilang mga kamay.
Malas nga lang ng iba sa kanila rahil matitikman nila ang aking paghihiganti rahil sa kasamaang naranasan ko mula sa kanilang kapamilya, kadugo, o asawa.
Katulad na lamang nitong si Georgia na babysitter ng anak ng mag-asawang Paul at Mila. Nakakulong na ang pinsan nitong si Bernard na isa sa mga taong nagkasala sa akin noon kaya si Georgia ang makatatanggap ng parusang dapat ay sa pinsan nito.
Katulad din nitong si Mila na half-sister ng isa pang nagkasala sa akin noon, si Veronica. Maliban pa sa misis si Mila ng demonyong si Paul.
Nasa mental institution na si Veronica kaya naman si Mila ang sasalo ng parusang para rapat sa half-sister nito.
Alam kong maling idamay sa aking paghihiganti ang ibang taong hindi naman nagkasala sa akin. Pero galit ako.
Galit na galit ako sa mga taong nanakit sa akin noon.
Galit na galit ako kay Edgar na siyang dahilan nang pagkasira ng aking pagkatao noon.
Si Edgar ang dahilan kung bakit ako naghihiganti ngayon.
Si Edgar at ang kanyang mga kaibigan. Isama pa ang lahat ng taong nakisali sa pang-aapi ni Edgar at ng kanyang mga kaibigan sa akin noon.
At sa aking nakikita ay maganda ang simula ng aking paghihiganti. Mamaya ay kukumustahin ko si Barbie para itanong dito ang tungkol sa aking nakitang paghahalikan nila ni Edgar.
Ito na ang simula nang pagbagsak ni Edgar at ng iba pang mga taong nanakit sa akin.
Gusto kong makapaghiganti sa lahat ng sumira sa aking pagkatao kahit idamay ko pa ang kanilang mga kadugo.
Naaalala ko pa ang naging usapan naming dalawa ng aking kasintahang si Bogs kahapon.
Pinipilit ako ni Bogs na huwag idamay ang mga taong inosente sa aking paghihiganti.
Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha ng aking kasintahang si Bogs habang pinapanood ako sa pagdidikit ng mga larawan ng aking mga paghihigantihan sa whiteboard na nasa aking harapan ngayon.
Narito kami ni Bogs sa loob ng aking tinatawag na secret room.
Kacey: Are you worried, baby?
Dahan-dahang lumapit sa akin si Bogs at hinawakan ang aking dalawang kamay.
Pinisil pa ni Bogs ang aking dalawang palad.
Bogs: Sigurado ka na ba talaga rito, baby? I mean, may oras pa para hindi mo ituloy ang iyong mga pinaplano.
Ngumiti sa akin si Bogs.
Bogs: Maayos na ang iyong buhay ngayon, baby. May maganda kang trabaho, kasama mo ang iyong tunay na ama, at lagi akong narito sa tabi mo para pasayahin ka.
Sinapo ni Bogs ang aking magkabilang pisngi gamit ang dalawang kamay nito.
Bogs: Hindi mo kailangang gawin ito, baby. May mga taong nagpapasaya at nagmamahal sa iyo, always remember that.
Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Bogs at unti-unting inilayo mula sa pagkakasapo sa aking magkabilang pisngi.
Tumalikod ako kay Bogs at nakahalukipkip na humarap sa whiteboard. Pinagmasdan ko ang mga larawang nakadikit doon.
Mga larawan ng mga taong aking paghihigantihan.
Kacey: Ito ang tuluyang magpapasaya sa akin, Bogs. Ang makapaghiganti sa mga taong nanakit sa akin noon.
Malalim akong nagbuntung-hininga.
Kacey: Hindi ako magiging tunay na masaya kung alam kong hindi pa pinagbabayaran ng mga taong iyon ang mga kasalanan nila sa akin.
Ikinuyom ko ang aking dalawang palad.
Bogs: Pero bakit kailangang pati ang mga inosenteng tao ay madamay sa iyong paghihiganti, baby?
Matalim kong tinitigan ang mga nakadikit na larawan sa whiteboard.
Kacey: Kailangang may sumalo ng aking parusa para sa mga taong wala na rito sa Malaking Bato Subdivision.
Narinig kong malalim na nagbuntung-hininga si Bogs.
Bogs: Pero kung gagawin mo iyon ay parang wala ka na ring ipinagkaiba sa mga taong nanakit sa iyo noon, baby.
Marahas akong lumingon kay Bogs.
Kacey: No! Malaki ang aking ipinagkaiba sa mga taong nanakit sa akin noon. Ginawa ng mga taong iyon ang ginawa nila sa akin noon dahil lamang sa kapritso nila, Bogs.
Naramdaman kong nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata.
Kacey: Wala akong kamalay-malay sa masamang hangarin ni Edgar sa akin nang mga panahong iyon. Nagmahal lang ako, Bogs. Nagmahal lang ako.
Naramdaman kong nagsisimula nang maglandas ang mga luha sa aking magkabilang pisngi.
Kacey: Isang akong babaeng humanga at nagmahal sa isang lalaki. Inakala kong masusuklian din ang aking pagmamahal para sa kanya. Pero ano ang aking napala?
Humigpit ang aking pagkakakuyom sa aking dalawang palad.
Tuluy-tuloy na ang pagdaloy ng mga luha sa aking magkabilang pisngi.
Nahihirapan na rin akong makapagsalita ng diretso.
Kacey: Si-sinira nila ang aking pagkatao, Bogs. Ipinahiya ako sa ha-harapan ng maraming tao. Pinagtulungan nila ako. Wa-wala akong naging kakampi nang mga oras na iyon.
Nanlalambot ang aking mga tuhod dahil sa matinding emosyong aking nararamdaman.
Kacey: At na-nasaan ang lalaking iniibig ko nang mga oras na iyon? Wa-wala siya. Hi-hinanap ko siya sa paligid, pero wala siya. Wa-wala si Edgar. Wala si Edgar para saklolohan ako!
Bigla akong sumigaw ng malakas at buong-lakas na sinipa ang isang maliit na upuan sa tabi ng whiteboard.
Malakas akong nagsisisigaw habang tuluy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha sa aking magkabilang pisngi.
Kacey: Wala si Edgar! Wala si Edgar! Pinabayaan niya ako! Hindi ako minahal ni Edgar! Sinaktan niya ako! Sinaktan niya ako, Bogs!
Hilam sa luha ang aking mga mata at para akong isang miserableng babae habang nakatingin kay Bogs.
Mabilis akong dinaluhan ni Bogs at niyakap ng mahigpit. Hinimas-himas ni Bogs ang aking likod habang pilit akong pinapakalma sa pamamagitan nang pagpapatahan sa akin.
Bogs: Ssshhh. It's going to be fine, baby. I just wanted to make sure na buo ang loob mo sa gagawin mong ito. Ayokong pagsisihan mo ito sa bandang huli. Nag-aalala ako sa iyo rahil mahal na mahal kita.
Ibinulong sa akin ni Bogs ang mga salitang iyon.
Parang isang gamot ng pampakalma ang tinig ng boses na iyon ni Bogs na unti-unting nagpapatigil sa aking pag-iyak.
Sinapo ni Bogs ang aking mukha gamit ang dalawang kamay nito.
Bogs: I'm always here to support you, pero nandito rin ako para lagi kang paalalahanan, baby. Ikaw na lang ang mayroon ako and I don't want to lose you.
Nakita ko ang samot-saring emosyon na dumaan sa mga mata ni Bogs habang binabanggit ang mga katagang iyon.
Marahang pinahid ni Bogs ang mga luha sa aking mga mata.
Maya-maya ay tinawid ni Bogs ang pagitan ng aming mga labi at masuyo ako nitong hinalikan.
Ginantihan ko ang mga halik ni Bogs hanggang naging malalim ang aming paghahalikan. Pumalibot ang aking mga bisig sa leeg ng aking kasintahan.
Ang mga kamay ni Bogs ay naglandas mula sa aking mukha pababa sa aking dalawang hinaharap. Marahang pinisil ni Bogs ang aking dalawang bundok na nagpaungol sa akin sa loob ng bibig ni Bogs.
Lalong lumalim ang paghahalikan namin ni Bogs. Napapikit ako nang matapos pisil-pisilin ni Bogs ang aking dalawang bundok ay bumaba ang dalawang kamay nito sa aking pang-upo.
Pinisil ni Bogs ang aking pang-upo na muling nagpaungol sa akin sa loob ng bibig nito.
Nang bumaba pa ang mga kamay ni Bogs sa aking mga hita ay hindi na ako nagulat nang bigla ako nitong buhatin. Kusang pumaikot sa baywang ni Bogs ang aking dalawang binti.
Tuloy pa rin ang aming paghahalikan ni Bogs habang naglalakad ito patungo sa malaking mesa na nasa loob ng secret room na iyon.
Dahan-dahan akong iniupo ni Bogs sa ibabaw ng mesa habang magkalapat pa rin ang aming mga labi.
Sandaling naghiwalay ang mga labi namin ni Bogs para hubarin ng aking boyfriend ang fit sando na suot nito. Basta na lang nitong inihagis sa kung saan iyon matapos mahubad.
Parang tigreng gutom na gutom si Bogs nang bigla nitong haklitin ang aking suot na purple tank top at punitin sa gitna. Nakabuyangyang na sa harapan ni Bogs ang aking dalawang naglalakihang pakwan.
Mabilis na sinapo ni Bogs ang aking dalawang pakwan matapos nitong ihagis sa kung saan ang aking punit na tank top.
Parang sanggol na salitang sinipsip ni Bogs ang matigas na tuktok ng aking dalawang pakwan.
Napasabunot ako sa buhok ni Bogs at nakapikit na tumingala sa kisame ng secret room na iyon.
Malakas akong umungol nang biglang bumaba ang kaliwang kamay ni Bogs para ipasok iyon sa loob ng aking maliit na shorts at kapain doon ang aking naglalawang hiyas.
Napasinghap ako nang biglang ipinasok ni Bogs ang isa nitong daliri sa loob ng aking hiyas. Humigpit ang aking kapit sa buhok ni Bogs.
Ilang beses na naglabas-pasok ang daliri ni Bogs sa loob ng aking hiyas habang walang-tigil ang salitang pagsipsip nito sa naninigas na tuktok ng aking dalawang pakwan.
Napadilat ako ng mga mata nang biglang itinigil ni Bogs ang paglabas-pasok ng daliri nito sa loob ng aking hiyas. Tumigil na rin ito sa pagsipsip ng aking dalawang matigas na pasas.
Nakatitig ang mga mata ni Bogs sa aking mukha habang unti-unti nitong ibinababa ang suot nitong dark blue boxer briefs.
Dahan-dahan ding umaangat ang aking pang-upo mula sa pagkakalapat sa ibabaw ng mesa habang unti-unti kong hinuhubad ang aking maikling shorts.
Umalagwa ang malaking alaga ni Bogs sa aking harapan nang tuluyang mahulog sa sahig ang boxer briefs nito kasabay nang pagkalaglag ng aking maikling shorts sa sementadong sahig ng secret room na iyon.
Muli kaming naghalikan ni Bogs habang magkayakap. Malalim ang aming paghahalikan na tumagal nang ilang minuto.
Maya-maya ay naramdaman ko na ang pagkatok ng malaking ulo ng alaga ni Bogs sa namamasang pintuan na nasa pagitan ng aking mga hita.
Dahan-dahang ipinasok ni Bogs ang malaking alaga nito sa loob ng aking naglalawang hiyas. Bumitiw ako sa aming paghahalikan ni Bogs para magpakawala ng isang malakas na ungol.
Ilang sandali pa ay mabilis nang naglalabas-masok ang malaking alaga ni Bogs sa loob ng aking hiyas. Naghahabol ng paghinga si Bogs habang mahigpit na nakayakap sa akin at nakasubsob ang mukha nito sa aking leeg.
Kapit na kapit ang aking dalawang kamay sa buhok ni Bogs habang nakatingala sa kisame at hinahabol ang aking paghinga.
Pawis na pawis ang aming mga katawan habang inaabot namin ni Bogs ang sukdulan.
Ilang sandali pa ay parang rumaragasang along nagsilabasan ang mga malapot na likido mula sa malaking alaga ni Bogs patungo sa aking masikip na yungib.
Magkayakap kaming nakaraos ni Bogs. Hinalik-halikan ni Bogs ang aking mukha habang pumipitik-pitik ang malaking alaga nito sa loob ng aking yungib.
Bogs: I love you, baby.
Napangiti ako sa ibinulong na iyon ni Bogs sa aking kaliwang tainga.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking mga labi matapos alalahanin ang nangyari kagabi.
Alam na alam ni Bogs kung paano ako pakakalmahin. Kahit kailan ay hindi pa ako nabitin sa malaking alaga ng aking boyfriend.
Panandaliang nawawala ang galit sa aking puso para sa mga taong nanakit sa akin sa tuwing niroromansa ako ni Bogs.
Napakasarap ng aking kasintahang si Bogs. Masarap magmahal at masarap magpaligaya sa kama.
Napalingon ako nang may marinig akong nagbubulungan sa isang madilim na bahagi ng aking malawak na hardin.
Dahan-dahan akong lumapit sa pinanggagalingan ng mga tinig ng boses na iyon.
Hindi ko maaninag ang mukha ng dalawang taong nagbubulungan sa dilim pero pamilyar ang bulto ng dalawang taong iyon.
Isang lalaki at isang babae.
Tama ba itong aking nakikita?
Sina Saul at Savannah?
Mukhang matapos hiwalayan ni Krista itong si Saul ay talagang p-in-ursue na si Savannah, ang babaeng naging dahilan ng pagkasira ng relasyon nina Saul at Krista.
Maya-maya ay may narinig akong nagsalita sa aking likuran.
"Anong ginagawa mo rito sa dilim?"
Kilalang-kilala ko ang malalim na tinig ng boses na iyon.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Paglingon ko ay bumungad sa akin ang matangkad na lalaking may magandang pangangatawan.
Basa ang maskuladong katawan ng lalaki. Mukhang kaaahon lang mula sa paglangoy sa aking swimming pool.
Bakat na bakat ang malaking alaga ng lalaki sa suot nitong tight swimming trunks.
Nakangisi ang lalaki nang umangat ang aking paningin sa mukha nito.
I hate his face!
----------
itutuloy...