KABANATA 15

2164 Words
KACEY's POV Inis na inis ako habang pinagmamasdan ang nakangising mukha ni Paul. Katulad pa rin nang dati ay masyadong bilib si Paul sa sarili nito rahil alam nitong hinahabol ito ng mga babae at mga binabae. Katulad na lamang dito sa aking house party ngayon. Halos lahat ng mga pares ng mata ng mga kababaihan at sangkabekihan ay hindi alam kung kaninong Adonis itututok ang kanilang mga paningin. Kung kay Edgar ba o kay Paul? Kalat sa buong Malaking Bato Subdivision ang tungkol sa kung paanong nag-e-enjoy ang magkaibigang Edgar at Paul sa pagpapatakam ng kanilang magandang pangangatawan sa mga taong alam nilang pinagnanasaan silang dalawa. May mga lalaki talagang katulad nina Edgar at Paul. Mga lalaking nagbu-boost ang ego sa tuwing nakikita nilang maraming humahanga at nagnanasa sa kanilang kagwapuhan at ka-macho-han. At kalat na kalat din sa buong Malaking Bato Subdivision ang balitang hanggang pagpapatakam lamang ang ginagawa ng matalik na magkaibigang Edgar at Paul ngunit kahit kailan ay hindi nagpatikim dahil pareho na silang kasal sa kani-kanilang mga asawa. Napangisi ako sa puntong iyon. Well, malapit nang bumigay sa tukso ang dalawang mayabang na magkaibigang Edgar at Paul. Kanina ay nakita kong naghahalikan sa loob ng aking kusina sina Edgar at Barbie. Hindi ko akalaing magiging madali lang para kay Barbie ang maakit ang isang Edgar Santillan. Wala akong nabalitaang babaero at naging unfaithful si Edgar sa girlfriend niyang si Arabella noong nasa College pa kami. Si Arabella na kapatid ni Saul, isa sa mga residente ng Malaking Bato Subdivision. Ang babaeng pinagselosan ko ng todo noon nang malaman kong girlfriend pala ito ni Edgar. Dahil sa mga kabutihang ipinakita sa akin ni Edgar nang muli kaming magkita noong nasa College na kami ay umasa akong masusuklian din ang aking pagmamahal para sa kanya. Pero siguro nga ay masyadong naging ambisyosa ang tulad kong hindi naman kagandahan noon na ako ang pipiliin ni Edgar sa huli at hihiwalayan niya ang dati niyang girlfriend na si Arabella para sa akin. Oo, maaaring naging masyado akong mapaghangad para sa isang bagay na hindi rapat pinapangarap na mangyari ng isang taong hindi naman kagandahan, pero hindi ko naman siguro deserved na maranasan ang mga bagay na ipinaranas sa akin ni Edgar at ng kanyang mga kaibigan. Sumulyap ako kay Edgar na ngayon ay nakikipagkwentuhan na sa kanyang asawang si Sandy. Ano kaya ang dahilan kung bakit hindi nagkatuluyan sina Edgar at Arabella at itong si Sandy ang napangasawa ng lalaking dati kong minahal? Dahil ang alam ko ay mahal na mahal ni Edgar si Arabella at hindi siya tumingin sa ibang babae rahil dito. O maaaring naagaw ni Sandy ang atensyon ni Edgar? Ngunit kong titingnan ko ang kabuuan ni Sandy ay masyadong simple ito para sa angking ganda at kaseksihan ni Arabella. Siguro ay minahal ni Edgar si Sandy hindi rahil sa physical appearance nito kundi rahil sa ugali nito. Pakiramdam ko kasi ay mabait itong si Sandy. Malas nga lang nito at asawa ito ng lalaking pinakakinamumuhian ko sa buong mundo kaya ramay ito sa aking paghihiganti para sa asawa nitong si Edgar. Pero siguro ay hindi ganoon kalalim ang pagmamahal ni Edgar para kay Sandy dahil walang kahirap-hirap na bumigay si Edgar sa pang-aakit ni Barbie. Kawawang Sandy. Pero kahit ganoon pa man ay may nasisilip akong guilt sa mga mata ni Edgar. Dahil sa aking nasilip na guilt sa mga mata ni Edgar ay sandaling sumagi sa aking isipan ang batang Edgar. Ang mabait na batang Edgar na rati kong minahal. Gusto kong isiping may kabutihan pa ring namamahay sa puso ni Edgar kung hindi ko lang alam ang kasamaang kaya niyang gawin sa kanyang kapwa. Pero at least itong si Edgar ay nakikitaan ko pa rin ng guilt sa kanyang mga mata. Samantalang ang kaibigan ni Edgar na si Paul ay hindi ko man lang makitaan ng guilt sa mga mata nito rahil sa ginawa nito kanina. Tandang-tanda ko pa ang mga nangyari kanina nang magkasarilinan kami ni Paul sa isang bahagi ng aking malawak na hardin. Inaaninag ko sa madilim na bahagi ng aking malawak na hardin sina Savannah at Saul. Sinusubukan kong pakinggan ang kanilang pinag-uusapan. Maya-maya ay may narinig akong nagsalita sa aking likuran. "Anong ginagawa mo rito sa dilim?" Kilalang-kilala ko ang may-ari ng malalim na tinig ng boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Paglingon ko ay bumungad sa akin ang matangkad na lalaking may magandang pangangatawan. Basa ang maskuladong katawan ng lalaki. Mukhang kaaahon lang mula sa paglangoy sa aking swimming pool. Bakat na bakat ang malaking alaga ng lalaki sa suot nitong tight swimming trunks. Nakangisi ang lalaki nang umangat ang aking paningin sa mukha nito. I hate his face! I hate Paul Madrigal's face! I hate everything about him! Kung umasta ang Paul na ito ay akala nito ay ito ang pinakamagandang regalong inihulog mula sa langit para sa lahat ng mga kababaihan at mga lalaking may pusong-babae. Overconfident. At minsan ay parang arogante pa. Si Paul ang numero dos na nagpahirap sa akin noon. Kung alam lang ni Paul na ang taong nasa harapan nito ngayon ay ang babaeng kinutya at minaliit nito noon ay baka hindi na ito nakakangisi sa aking harapan ngayon. Wala na ang dating Kacey Lobuton na hindi kagandahan, maitim, at malaki ang katawan. Salamat sa science at sa mga makabagong teknolohiya kaya ibang-ibang Kacey Lobuton na ang nasa harapan ng mga taga-Malaking Bato Subdivision ngayon. Salamat din sa apelyido ng aking ama kaya nagbago na ang aking buhay. Maski na ba hindi ko gusto ang tunog ng apelyidong Lobuton ay malaki naman ang naidulot nitong pagbabago sa aking buhay. Taas-noo akong nakipagtitigan kay Paul at ngumiti. Hindi rapat ako magpakita ng inis o galit sa sinumang taong narito sa aking house party para isipin nilang mabait at cool neighbor ako. Kailangang maging buo ang tiwala sa akin ng aking fellow Malaking Bato Subdivision residents lalo na nga at bagong lipat ako rito sa kanilang lugar. Kacey: Oh, Paul. Ikaw pala. Lumakad ako palapit kay Paul at kitang-kita ko ang pagtulo ng ilang butil ng tubig mula sa dulo ng mga hibla ng buhok nito patungo sa malapad nitong dibdib. Kacey: Wala naman. Naisipan ko lang na magpahangin. Kumusta? Are you enjoying the house party? Nagkibit-balikat si Paul. Paul: Well, masarap ang foods at nakarami na rin ako ng inom, pero tingin ko ay mas nag-e-enjoy ang ibang bisita rahil sa free viewing nila sa aking katawan. Pigil na pigil ko ang aking sarili na barahin ang mga sinabi ni Paul. Ang taas talaga ng tingin nito sa sarili. Akala mo kung sinong gwapo. Paul: Kahit ikaw nga ay nahuli kong napatitig sa aking katawan nang ilang segundo, which I don't mind, Kacey. Libre naman 'yan. Tumawa pa si Paul na may kasamang pag-iling. Ang kapal talaga ng mukha. Bilib na bilib sa sarili nito si Paul. Paul: Imagine, house party mo ito pero parang ako pa ang nagpa-party para sa ibang mga bisita mo rahil pagkain ang tingin nila sa akin sa mga oras na ito. Muling tumawa si Paul na pilit kong sinabayan. Feeling ko nga ay pilit na pilit ang tunog ng aking tawa ngunit napansin kong hindi naman nahalata ni Paul kasi nga masyadong bilib si Paul sa sarili nito. So feeling ni Paul ay talagang nakakatawa ang joke nito. As if. Maya-maya ay narinig kong tumikhim si Paul kasabay nang pagseryoso ng mukha nito. Paul: Pero, Kacey, seryoso na tayo. Dapat ngayon pa lang ay alam mo na ang limitasyon mo. Hanggang pagpapatakam lang ang kaya kong ibigay. No food tasting, okay? Napataas ang aking dalawang kilay dahil sa ibig ipakahulugan ni Paul. Ano ang feeling ni Paul? Gusto ko itong tikman? No way! Ewww! Ma-imagine ko pa lang na may nangyayari sa aming dalawa ni Paul ay parang gusto ko nang sumuka nang limang beses. Lampas-langit naman yata ang pagiging overconfident ng Paul na ito. Kasunod nang pagtaas ng aking dalawang kilay ay mabilis akong pilit na tumawa kasabay nang medyo may kalakasang paghampas sa kaliwang braso ni Paul. Grabe. Ang tigas at laki ng biceps ni Paul. Parang ako yata ang nasaktan. Paul: Uy, Kacey. Alam ko 'yang ginagawa mo. Simpleng tsansing. Marami na ang gumawa niyan. Hindi ikaw ang una kaya alam na alam ko na ang mga galawan ninyong mga babae. Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni Paul. Ang kapal! Talagang itinulad pa ako ni Paul sa mga taong nagkakandarapa rito. Mga taong walang taste. Kung alam lang ng mga taong iyon kung gaano kasama ang Paul na ito ay baka makianib pa ang mga ito sa akin sa pagpapabagsak sa Paul Madrigal na ito. But I must keep the act. Kaya naman sinakyan ko ang biro ni Paul. Kacey: Sira. Kung gusto kitang tsansingan ay hindi ko sa braso mo iyon gagawin. Tumaas-baba pa ang aking dalawang kilay kay Paul. Maangas na ngumisi naman si Paul sa akin na para bang alam na nito ang aking ibig sabihin. Paul: Naku. For my wife's pleasure lang 'yon. Sinundan iyon ng malanding tawa ni Paul na aking sinabayan na may kasama pang pagkagat sa aking ibabang labi. Nagulat ako nang biglang tumigil sa pagtawa si Paul at nakita kong nakatitig na ito sa aking ibabang labi. Kacey: Paul? Bakit? Ngunit hindi sinagot ni Paul ang aking tanong. Nagulat ako nang biglang siilin ng mga labi ni Paul ang aking mga labi ngunit sandali lamang iyon dahil bigla itong natauhan. Nanlalaki ang mga mata ni Paul habang nakatitig sa akin at sa tingin ko ay ganoon din ako rito. Makalipas ang ilang segundong pagtititigan namin ni Paul ay una itong nakabawi sa pagkabigla. Paul: Pa-pasensya na, Kacey. Hi-hindi ko alam kung ano ang nangyari. Pigil na pigil ko ang aking sarili na huwag padapuan ng aking palad ang pisngi ni Paul. Ninakawan ako ng halik ni Paul. Ang mga labi ng talipandas na Paul na ito ay sumayad sa aking mga labi. Parang gusto kong mandiri. Hinalikan ako ng isa sa mga taong aking kinasusuklaman. Pasimple akong luminga sa paligid para tingnan kung may nakakita sa ginawang paghalik ni Paul sa akin. Nakahinga ako ng maluwang nang makitang walang ibang tao sa paligid lalo na ang aking boyfriend na si Bogs. Pilit na pilit ang ngiting sumilay sa aking mga labi nang ngitian ko si Paul. Kacey: Oh. Don't worry, Paul. It was just a kiss. It was nothing. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Paul nang ipakita ko ritong wala lang sa akin ang halik na natanggap ko mula rito. Mabawas-bawasan man lang ang kayabangan ng isang ito. Kacey: Remember, ikaw ang humalik sa akin. Hindi ako. Huwag ka kasing masyadong feeling gwapo, Paul. Tingnan mo nga, mukhang ang isang Kacey Lobuton pa ang magiging dahilan para magtaksil ka sa iyong asawa. Napangisi ako sa aking iniisip. Nakatitig pa rin sa akin si Paul hanggang sa iwanan ko na ito at balikan ang ibang bisita. Kaya naman inis na inis ako ngayon habang nakatitig kay Paul na masayang nakikipagkwentuhan sa iba pang mga bisita. Mukhang naka-recover na agad si Paul sa ginawa nitong paghalik sa akin. Hindi ko man lang makitaan ang mukha nito na nagsisisi sa ginawang paghalik nito sa ibang babae na hindi nito asawa. Kanina ko pa napapansing hindi masyadong nagkikibuan ang mag-asawang Paul at Mila, so I guess may hindi sila pagkakaintindihan ngayon. Napangisi ako. Tamang-tama iyon para sa aking plano ngayong gabi. Ang nakakadiring halik na iginawad sa akin ni Paul kanina ang mas nagpadali sa aking desisyon na umpisahan na ngayong gabi ang aking pagganti kay Paul. Ilang minuto pa ang lumipas ay napansin kong umeepekto na sa misis ni Paul ang aking inihalong pampatulog sa inumin nito. Mila, Mila, Mila. Hindi ka pwedeng maging sagabal sa aking plano para kay Paul ngayong gabi kaya sleep tight, my dear. Napangiti ako nang makitang unti-unti nang iniinom ni Paul ang inuming may halong pampataas ng libido. Kailangan kong maikulong sa isang kwarto si Paul kasama si Savannah. Kailangang may mangyari sa kanilang dalawa ngayong gabi. Ito na rin ang gagamitin kong paraan para makumbinsi si Savannah na maging kanang-kamay ko. Alam ko namang tipo ni Savannah si Paul kaya ikatutuwa nito ang aking gagawin. Pagkabalik ko sa loob ng aking kusina para kuhanin ang isa pang kopitang may halong pampataas ng libido ay ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata. Mabilis akong bumalik sa umpukan ng aking mga bisita at hinanap ang kopitang iyon. Madali ko iyong makikita rahil may kasamang lemon ang wine glass na iyon. Ngunit ganoon na lamang ang aking pagkabigla nang ilang babaeng bisita ang aking nakita na may hawak na wine glass with lemon. Sina Barbie, Georgia, Krista, Sandy, at Savannah. Fudge. Kanino napunta ang kopitang may halong pampataas ng libido? Napailing ako. Bahala na. Kung hindi man si Savannah, ang mahalaga ay may makasiping na ibang babae si Paul ngayong gabi. Hindi pwedeng mauwi sa wala ang aking plano. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD