KABANATA 10

1397 Words
THIRD PERSON POV Pakembot-kembot na naglalakad si Savannah pauwi ng kanyang bahay nang biglang may sumapo ng kanang pisngi ng kanyang pang-upo at pisilin iyon. Napatili si Savannah at akmang hahampasin ang mapangahas nang makitang si Saul pala iyon. Ang nobyo ng kinaiinisan niyang si Krista. Savannah: Hayop ka, Saul! Ginulat mo ako! Pinaghahampas ni Savannah ng kanyang handbag si Saul. Sa braso, sa bisig, at sa abs nito. Akala talaga niya ay may masamang tao na sa tabi niya at balak siyang nakawan at pagsamantalahan. Savannah: Hayop ka! Hayop! Hayop! Hayop! Natatawang inaawat naman ni Saul ang mga bisig ni Savannah sa kahahampas dito. Saul: Tama na 'yan, Savannah. Sorry kung nagulat kita. Pero na-miss ko lang talagang lamutakin ang hot body mo. Bigla ay kinurot ni Saul ang baywang ni Savannah na nagpatili sa babae. Inilapit ni Saul ang bibig nito sa kaliwang tainga ni Savannah at bumulong. Saul: Na-miss mong babuyin kita sa kama, 'di ba? Na-miss mo ang kahayupan ko, tama? Kumindat pa si Saul kay Savannah. Kumagat-labi naman si Savannah. Tumingin-tingin muna ang babae sa paligid bago sumagot kay Saul. Savannah: Tamang-tama. May sakit si Molly ngayon kaya wala akong photo shoot. Buong araw mong sirain ang pagkatao ko sa kama, Saul. Ngumisi si Saul. Saul: At buong araw namang tatao si Krista sa ukayan ng pinsan niya. Iyong-iyo ang malaking kayamanan ko ngayon. Kinilig naman si Savannah sa sinabi ni Saul at hinatak na ang kanang kamay ng lalaki patungong bahay niya. Savannah: Doon tayo sa bahay ko, Saul. Kailangang makarami tayo ngayon. Pilyong tumawa si Saul. Saul: Sure, Savannah na mahilig sa banana. Akala nila Savannah at Saul ay walang ibang tao sa paligid, pero may isang pares ng matang nakatingin sa kanila mula pa kanina. Si Barbie. Barbie: Sinasabi ko na nga ba at may itinatagong sungay itong si Savannah. Role model of our subdivision kuno. Bigla ay naalala ni Barbie na sinabihan ito ng walang utak ni Savannah kahapon. Barbie: Wala palang utak, ha? Puwes, Savannah, tingnan natin kung sino ang mawawalan ng utak ngayon kapag sinabi ko kay Krista ang kawalanghiyaan ninyong dalawa ni Saul. Nag-hair flip pa si Barbie at maya-maya ay isang malademonyong ngisi ang sumilay sa mga labi nito. ---------- Nasa labas na ng ukay-ukay store ni Sandy si Barbie. Kanina pa siya pasilip-silip sa loob ng store para kumpirmahin kung wala nga roon si Sandy, ang asawa ni Edgar, ang lalaking madalas landiin ni Barbie. Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang madalas na panlalandi ni Barbie kay Edgar tuwing pumupunta ang babae sa fitness club ng lalaki. Laging sinisigurado ni Barbie na wala si Sandy sa gym kapag pupunta siya roon. Alam ni Barbie na mula Lunes hanggang Biyernes ay sinasamahan ni Sandy si Edgar sa fitness club nito. Kaya naman tuwing Saturday siya pumupunta sa gym ni Edgar at doon ay inaakit niya ito na lagi naman nitong dini-deadma. Tuwing Linggo naman ay nagpapahinga ito kasama ang misis nito. Kaya naman siguradong-sigurado si Barbie na wala sa ukay-ukay store nito si Sandy ngayon at nandoon sa fitness club ng asawa. Tuwing Saturday lang naman madalas pumunta si Sandy sa store nito rahil alam nitong maraming tao kapag weekend. Pero mas mabuti pa ring makasiguro rahil ayaw ni Barbie na magpang-abot sila ni Sandy sa teritoryo nito. Wala siyang laban. Nang makumpirmang wala nga si Sandy sa loob ng ukay-ukay store ay pumasok na si Barbie at dumiretso sa cashier counter kung saan nakaupo roon ang kanyang pakay. Si Krista, ang pinsan ni Sandy at tumatayong cashier sa ukay-ukay nito. Napatayo si Krista nang makitang papalapit si Barbie sa cashier counter. Hindi nito gusto si Barbie rahil kalat ang balitang nilalandi niya si Edgar, ang asawa ng pinsan nitong si Sandy. Kahit may boyfriend na si Krista ay hindi nito maiwasang pagnasaan ang mister ng pinsan nito. Matagal na rin nitong inaakit si Edgar, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nito natitikman. At hindi natutuwa si Krista sa kaalamang may kalaban ito sa pang-aakit kay Edgar. Krista: O, naligaw ka yata, Barbie? Pasalamat ka at wala si Ate Sandy dito. Nakataas ang kilay ni Krista habang kausap si Barbie. Hindi naman alam ni Barbie kung bakit siya tinatarayan ni Krista. Barbie: Kalma ka lang, Krista. Ikaw ang ipinunta ko rito at hindi ang anupaman. Kumunot ang noo ni Krista. Krista: At bakit mo ako pinuntahan, aber? Hindi alam ni Barbie kung bakit nagtataray si Krista, pero hindi niya papatulan ang pagtataray nito rahil mas gusto niyang makaganti kay Savannah. Bumuntung-hininga muna si Barbie para dramatic effect. Barbie: Ganito kasi 'yon. Nakita ko si Savannah kanina. Ka-holding hands niya 'yong... Sinadya talagang bitinin ni Barbie ang sasabihin para ma-curious si Krista and for dramatic effect ulit. Krista: Ka-holding hands? Ang alin? Sino? Nakuha na ni Barbie ang buong atensyon ni Krista. Lumingon-lingon muna si Barbie sa loob ng ukay-ukay store. Iilan lang ang customers at may tatlong staffs. Barbie: Okay, huwag mong isiping naninira ako, ah. Pinapatagal talaga ni Barbie para mas madrama ang revelation. Krista: Sabihin mo na! Ano ba 'yon? Parang naiinis na si Krista ngunit makikitang kinakabahan ito at naroon ang kuryosidad sa mga mata. Barbie: Si Savannah ka-holding hands niya si Saul. 'Yong boyfriend mo. Tapos dumiretso sila sa loob ng bahay ni Savannah. Ayoko sanang sabihin, pero tingin ko ay hindi mo deserve ang maloko. Pinalungkot ni Barbie ang tinig ng boses na parang nakikisimpatya kay Krista. Si Krista ay biglang namula ang mukha sa galit. Lumalaki ang mga butas ng ilong na parang gustong manugod. Maya-maya ay lumabas ito ng counter at nakakuyom ang dalawang palad na lumapit sa isang staff. Krista: Kayo muna ang bahala rito. May kakalbuhin lang ako. Kitang-kita ang pagtitimpi sa mukha ni Krista. Lumakad ito palabas ng ukay-ukay store at humabol pa si Barbie rito para i-cheer. Barbie: Go, Krista! Show Savannah what you've got! Nang makalayo si Krista ay sumasayaw-sayaw si Barbie sa tapat ng ukay-ukay store habang nakapikit. Kumekembot-kembot siya habang nakataas ang mga kamay sa hangin at umiikot-ikot pa. Masayang-masaya si Barbie rahil tingin niya ay makakabawi na siya sa pang-iinsulto sa kanya ni Savannah kahapon. ---------- Kitang-kita ng magkasintahang Kacey at Bogs ang pagsayaw-sayaw at pagkembot-kembot ni Barbie sa labas ng ukay-ukay store na pagmamay-ari ng asawa ni Edgar. Ang lalaking paghihigantihan ni Kacey. Natatawa si Bogs na sa ganitong paraan pa makikilala ang sinasabi ng girlfriend nitong gagamitin daw sa paghihiganti kay Edgar. Nagmo-morning jog sina Kacey at Bogs hanggang makaabot sila sa parteng iyon ng subdivision. Nang makita ni Kacey si Barbie na sumasayaw-sayaw habang nakapikit ay itinuro niya ito sa kanyang boyfriend at sinabing ito iyong Barbie na kakausapin nila para gamitin sa kanyang paghihiganti. Lalong natawa si Bogs nang sa pagmulat ng mga mata ni Barbie ay parang kinagat ito ng ahas nang makita sila ni Kacey at biglang tumigil sa pagsasayaw. Parang nahiya ito at namula ang mukha. Nakita ni Bogs ang girlfriend na si Kacey na lumakad palapit kay Barbie. Sumunod ito sa kasintahan. Nakita ni Bogs na kinawayan ni Kacey si Barbie. Kacey: Hey, neighbor. Ako 'yong nag-invite sa iyo noong isang araw para sa house party na gaganapin sa house ko. Remember me? Kumunot ang noo ni Barbie na parang may inaalala hanggang sa ngumiti ito. Barbie: Ah, yes. 'Yong katapat na bahay ng mga Santillan. Kacey, right? Tumango si Kacey at ngumiti. Kacey: Yes. Baka next week na 'yong house party ko? Anyway, this is my boyfriend, Bogs. Bogs, si Barbie. Kumaway at ngumiti si Bogs kay Barbie. Bogs: Hindi na ako makikipagkamay. Puno ako ng pawis. Nag-jogging kasi kami ni Kacey. Nice meeting you, Barbie. Ngumiti rin si Barbie kay Bogs at kitang-kita nga nito ang mga pawis sa katawan ni Bogs nang pasadahan nito ng tingin ang kabuuan ng binata. Barbie: Okay lang, Bogs. Pawis na pawis ka nga. Nice meeting you rin. Tumawa pa si Bogs bago pinunasan ang mga pawis sa braso gamit ang small towel. Kacey: O siya, mauuna na kami, Barbie. By the way, nice dance steps, ah. Pagkasabi ni Kacey niyon ay pinamulahan ng mukha si Barbie. Malakas na tumawa si Kacey habang nakangiti naman si Bogs kay Barbie. Naiilang na ngumiting pabalik si Barbie. Maya-maya ay nag-jogging na paalis ng lugar na iyon sina Kacey at Bogs. Si Barbie ay nakamasid lang sa dalawa at napangiti sa sarili. ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD