KABANATA 9

1377 Words
THIRD PERSON POV Umaga ng Lunes ay hindi mapakali si Paul. Pagkagising na pagkagising pa lang ay naisip agad niyang magkikita silang dalawa ni Georgia ngayong araw na ito. Babysitter si Georgia ng anak nila ni Mila na si baby Camille. Lunes hanggang Sabado ay pumupunta si Georgia sa bahay ng pamilya Madrigal para bantayan at alagaan si Camille. Pero ngayong hindi na kailangang mag-report ni Mila sa school tuwing Sabado ay hanggang Biyernes na lang kada linggo pupunta si Georgia sa bahay ng mag-asawa. Hindi alam ni Paul kung paano pakikiharapan si Georgia matapos ang huling palitan nila ng chat messages kagabi. Muli niyang inalala sa isip kung paano niyang nahuli ang babysitter nila na may ginagawang kababalaghan sa kanilang bahay. Mga ilang linggo nang napapansin ni Paul na laging nasa ibabaw ng patung-patong na labahin sa loob ng laundry basket ang kanyang used boxer briefs. Nagduda siya roon kaya naman umisip siya ng paraan para malaman kung sino ang gumagalaw ng kanyang used boxer briefs at ano ang ginagawa rito ng taong gumagalaw ng mga iyon. Nag-purchase si Paul ng nanny cam at in-install sa isang household object na nasa loob ng laundry room. Hinding-hindi ito mapapansin ng ninuman na papasok sa loob ng laundry room. Sigurado siyang hindi ang misis niya ang gumagalaw ng kanyang underwear. Malakas ang pakiramdam niyang ang babysitter nilang si Georgia ang gumagawa niyon. Kung bakit ay hindi niya alam. Nang araw ng photo shoot ni Paul para sa isang underwear brand ay nalimutan niyang i-check ang kanyang phone para silipin kung ano ang nangyayari sa loob ng laundry room ng kanilang bahay. Dagdag pa rito na inagaw ng photographer na si Molly at ng kasamang model sa phoot shoot na si Savannah ang buong atensyon niya na nauwi rin naman sa wala rahil tingin niya ay ginagamit ng dalawa ang photo shoot para matsansingan siya. Medyo mainit ang ulo ni Paul ng araw na iyon dahil sa naging resulta ng underwear brand photo shoot kaya mas lalo niyang nakalimutan ang tungkol sa nanny cam. Nang makauwi siya ng bahay at makita si Georgia na naghihintay sa kanya sa sala ay saka niya naalala ang tungkol sa nanny cam. Mabuti na lang at pwede niyang i-playback ang footage na kuha ng hidden nanny cam sa loob ng laundry room gamit ang kanyang phone dahil paniguradong may na-detect na motion ang camera sa loob ng kwartong iyon. Tumayo si Georgia mula sa pagkakaupo sa couch sa sala at lumakad palapit kay Paul. May ngisi sa mga labi ng babae habang papalapit kay Paul. Georgia: Hi, Kuya Paul. Mabuti po at nakauwi na kayo. Ngumiti lamang si Paul sa babysitter. Iniabot niya ang sahod ni Georgia para sa araw na iyon. Georgia: Maraming salamat po, Kuya Paul. Paul: No worries. Sana ay hindi ka magsawang magbantay sa anak namin ni Mila. Ngumiti ng matamis si Georgia. Georgia: Hinding-hindi po ako magsasawa, Kuya Paul. Kailangan ko rin po kasi ng pera. Nang lumabas na ng bahay si Georgia ay pumunta si Paul sa loob ng laundry room. Hinanap agad niya ang used boxer briefs niya at tulad ng inaasahan ay nandoon ito sa ibabaw ng patung-patong na labahin sa loob ng laundry basket. Kinuha ni Paul ang boxer briefs. Pagkatapos ay kinapa at inamoy niya ang harap ng used boxer briefs. Amoy na amoy niya ang natuyong laway na humahalo sa natural na lalaking amoy niya at natuyong likido at pawis na mula sa kanyang sistema. Paul: Positive. Napailing na lang si Paul. May dumidila o maaaring sumusubo ng kanyang used boxer briefs at iyon ay walang iba kundi si Georgia. At para makasiguro ay ch-in-eck ni Paul ang footage na kuha ng camera gamit ang kanyang phone. Sa footage ay kitang-kita ni Paul ang kahayukang ginagawa ng kanilang babysitter sa kanyang used boxer briefs. Halos lamunin na ni Georgia ang buong boxer briefs niya. Halos mapunit na ang tela ng manipis na saplot sa gigil ng babae sa pagdila, pagkagat, at pagnguya nito sa loob ng bibig nito. Hindi makapaniwala si Paul na ganoon ang ginagawa ni Georgia sa mga pinaghubaran niyang boxer briefs. Para itong hayok na hayok sa amoy at lasa ng kanyang maliit na saplot. Bilang isang lalaki na mahilig magpatakam ng mga kababaihan at mga lalaking may pusong-babae, nakaka-boost ng ego ang nakikita niya ngayon sa screen ng kanyang phone. Pinagnanasaan siya ng babysitter nila. Pinagpapantasyahan nito ang ama ng batang inaalagaan. Pumintig ang p*********i ni Paul sa kaisipang iyon. Napahilamos ng mukha si Paul matapos alalahanin ang araw na iyon. Nang dahil sa natuklasan niya noong Sabado ay kaya naman ay nakaisip siya ng kapilyuhan kagabi. Sinimulan ni Paul ang planong patakamin ang babysitter ng anak nila ni Mila kagabi. Nagpadala siya ng private message kay Georgia na nauwi sa mahabang palitan ng chat messages. Marami siyang natuklasan na mga hilig, paborito, at interest nito. Hanggang sa umabot na nga sa puntong biniro niya na baka color pink ang underwear na suot nito rahil favorite color nito ang pink. Na sinabi naman nitong hindi at black thong daw. Nag-offer pa na mag-send sa kanya ng proof kung gusto niya. Sa puntong iyon ay hindi na nag-reply si Paul kay Georgia. Hindi alam ni Paul pero parang nag-backfire sa kanya ang planong patakamin si Georgia. Siya ngayon ang parang natatakam sa babysitter. Halos wala siyang tulog kagabi rahil ini-imagine niya si Georgia sa kanyang isip. Ini-imagine niya kung ano ang hitsura ni Georgia kung tanging black thong lang ang suot nito. Pigil na pigil siyang magsarili kagabi rahil tingin niya ay parang magkakasala siya sa asawa kung magpaparaos siya na ang laman ng isipan ay ang babysitter nila. Narinig ni Paul ang mga tunog na nagmumula sa kusina. Malamang ay naghahanda na ang asawa niya para sa pagpasok sa school. Hindi pa rin siya pinapansin nito. At sa isip niya ay parang gusto niyang gantihan ang ginagawa nitong paninikis sa kanya. Tumayo mula sa pagkakahiga sa kama si Paul at ch-in-eck ang phone niya. Himala. Wala siyang naka-schedule na photo shoot ngayon kay Molly. Eh, kulang na lang pati araw ng Linggo ay mag-photo shoot sila. Ang ibig sabihin ay may maiiwang isa sa kanila ni Mila kasama si baby Camille at hindi kailangan ng serbisyo ni Georgia. Pero mangyayari lamang iyon kung sasabihin niya kay Mila at Georgia na wala siyang trabaho ngayon. Narinig ni Paul mula sa labas ng pinto ng kwarto nila ni Mila na rumating na si Georgia. Ang babaeng dahilan kung bakit puyat siya ngayon. Narinig niyang nagsasalita si Mila at mukhang nagpapaalam na ito sa anak nilang si Camille at kay Georgia. Ngumisi si Paul. Gusto niyang makalimutan ang inis sa misis niya kaya kailangan niyang makahanap ng diversion at iyon ay walang iba kundi si Georgia. Gusto niyang gumaan ang pakiramdam niya at mangyayari iyon kung magpapatakam siya ngayong araw. At sino pa ba ang masarap takamin? Walang iba kundi ang taong sigurado siyang malaki ang pagnanasa sa kanya. Ang babysitter ng kanyang anak. Narinig niyang sumara na ang main door. Hudyat na umalis na si Mila. Ni hindi man lang nagpaalam sa kanya. Napailing siya. Mas lalong kailangan niya si Georgia para makalimutan ang inis niya sa kanyang misis. Niyuko ni Paul ang sarili. Naka-boxer shorts lang siya. Bigla niyang naalala ang kahalayang ginagawa ni Georgia sa kanyang boxer briefs. Nakaisip siya ng kapilyuhan at naisipang magsuot ng masikip na boxer briefs na ang tela ay sobrang nipis na rahil sa kalumaaan. Bakat na bakat ang malaki niyang alaga. Lumabas ng marital bedroom si Paul at pinuntahan si Georgia sa dining room. Pinapakain nito ang anak. Nakatalikod ito sa kanya. Paul: Georgia... Sinadyang laliman ni Paul ang tono ng kanyang boses na parang nang-aakit. Pagkarinig sa boses ni Paul ay parang nanigas si Georgia at dahan-dahang lumingon sa direksyon ni Paul. Ganoon na lang ang pagpipigil ni Paul na mapangisi nang mabitiwan ni Georgia ang hawak na kutsara rahil sa nakita nitong ayos niya. Georgia: Ku-Kuya Paul... Malagkit ang mga titig ni Paul kay Georgia. Parang kakapusin sa paghinga ang babysitter habang naglalakad palapit dito si Paul at matuon ang mga mata nito sa bukol sa pagitan ng mga hita ng lalaki. Napabulong si Georgia. Georgia: Ang laki... ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD