KABANATA 8

1342 Words
THIRD PERSON POV Hingal na hingal si Kacey nang sumandal sa main door ng kanyang bahay matapos maisara ito. Hinihimas-himas pa niya ang dibdib habang hinahabol ang paghinga. Para siyang hinahabol ng sampung demonyo sa ginawang pagtakbo kanina. Umaasa siyang walang nakapansin sa kanya. Nag-iikot-ikot si Kacey sa subdivision kanina upang i-familiarize ang sarili sa pasikot-sikot ng Malaking Bato Subdivision. Pabalik na siya ng kanyang bahay nang marinig niyang may dalawang babaeng nag-uusap at nabanggit ang pangalang Edgar. Napukaw ang kanyang kuryosidad pagkarinig ng pangalang iyon kaya nanubok siya sa usapan ng dalawang babae. Kung hindi siya nagkakamali ay Barbie ang pangalan ng isang babae. Ito iyong nakita niyang maputing babae na rumaan sa tapat ng bahay niya na nagsabing ito raw ang pinakamagandang babae sa Malaking Bato Subdivision. Base sa pag-uusap ni Barbie at ng kausap nitong babae ay mukhang may interes si Barbie sa lalaking si Edgar at gagawin nito ang lahat para matikman ang lalaki. Napangiti si Kacey sa kaalamang iyon dahil maaari niyang magamit si Barbie para sa kanyang plano. Ang Plan B nila ni Bogs dahil hindi na uubra ang Plan A. Maganda na sana ang pwesto ni Kacey habang nakikinig sa likod ng mga makakapal na halaman nang may matapakan siyang tuyong dahon na nakaagaw ng atensyon ng babaeng kausap ni Barbie. Kinabahan siya kaya naman dali-dali siyang umalis sa lugar na iyon, hoping na walang nakakita sa kanya. Binilisan niya ang pagtakbo pauwi ng bahay. Kaya ngayon ay hingal na hingal siya. Lumalawit pa ang dila. Pinapaypayan ni Kacey ang sarili gamit ang kanang kamay habang naglalakad papuntang sala ng bahay. Dito niya nakita ang boyfriend na si Bogs na nagpu-push-up. Nagpuputukan ang muscles sa mga malalaking braso, sa mga balikat, sa malapad na likod, sa dibdib, sa mga hita, at sa mga binti nito. Tumatagaktak ang pawis sa buong katawan nito na naging dahilan para mapakagat si Kacey sa kanyang ibabang labi. Tanging gym shorts lang ang suot ng kasintahan at sa oras na iyon, kung kailan hingal na hingal at pagod na pagod si Kacey mula sa pagtakbo, ay isang masarap na ulam ang tingin ni Kacey sa kasintahan. Kacey: Grabe naman. Ang ganda ng view! Kinikilig pa si Kacey habang nagsasalita. Sumagot naman si Bogs habang tuloy lang sa pagpu-push-up. Bogs: O, nandiyan ka na pala, baby. Kanina ka pa? Medyo hinihingal pa si Bogs habang nagsasalita, pero diretso pa rin naman ang pananalita. Kacey: Yes, at matutuwa ka sa nalaman ko. Mukhang may pwede na tayong magamit para sa plano ko. Pwedeng hindi na ako ang mismong magsagawa ng Plan B at may ibang taong gagawa para sa atin. Tumigil sa pagpu-push-up si Bogs at tumayo. Inabot ang tumbler na may lamang tubig sa ibabaw ng center table ng sala. Nilagok ang lamang tubig bago hinarap ang girlfriend. Nasa mga mata nito ang curiosity. Bogs: Ano naman 'yang natuklasan mo? Ngumiti si Kacey ng pagkatamis-tamis bago isinalaysay kay Bogs ang mga narinig niya kanina mula sa usapan ni Barbie at ng kausap nitong babae. Tumatango-tango si Bogs habang nagsasalita si Kacey. Mukhang nauunawaan na nito kung ano ang gustong mangyari ng girlfriend. Bogs: So, kakausapin mo 'yong Barbie? Umiling si Kacey at itinuro ang sarili at ang boyfriend niya. Kacey: Tayong dalawa. Syempre, gagamitin mo ang charm mo. Babae 'yon, so kailangan ng charm ng isang lalaki. At sino pa ba ang pinaka-charming na lalaki sa balat ng lupa? Tumaas-baba pa ang mga kilay ni Kacey. Kacey: Walang iba kundi ang boyfriend ko! Napakamot sa batok nito si Bogs. Alam na nito ang nasa isip ng girlfriend. Bogs: Eh, kung hindi pumayag? Ngumisi ng malademonyo si Kacey. Kacey: Eh, 'di tatapalan ng pera. Humalakhak ng malakas si Kacey at napailing na lamang ang supportive boyfriend niyang si Bogs. Bogs: Sana lang talaga ay makuntento ka kapag naisakatuparan mo na ang plano mo. Biglang tumigil sa paghalakhak si Kacey nang marinig ang sinabi ng boyfriend at sandaling nag-isip. Nang matapos mag-isip ay muling humalakhak si Kacey at nagsalita. Kacey: Sinisigurado ko sa iyo, Bogs, na luluhod sa harapan ko si Edgar oras na magtagumpay ang plano ko. At biglang naging seryoso ang mukha ni Kacey. Makikita ang poot at galit sa mga mata niya. ---------- Sa bahay ng pamilya Santillan ay naghaharutan ang mag-asawang Edgar at Sandy. Magkayakap ang dalawa habang kinikiliti ng tungki ng ilong ni Edgar ang leeg ni Sandy. Tili nang tili si Sandy. Buhay na buhay ang alaga ni Edgar dahil sa pakikipaglandian sa misis niya. Maya-maya ay may narinig ang mag-asawa na nag-uusap sa labas ng bahay. Sumilip si Sandy sa labas ng bintana at nakita nitong dumating na galing sa paglalakad-lakad sa loob ng subdivision ang pinsang si Krista kasama ang boyfriend nitong si Saul. Nilingon ni Sandy si Edgar at sinita ang asawa. Sandy: Dumating na si Krista. Itigil mo na ang panghaharot mo. Napangisi naman si Edgar. Edgar: Sus. Kunwari ka pa. Gustung-gusto mo naman. Ituloy natin sa kwarto mamaya. Tumaas-baba ang mga kilay ni Edgar pagkasabi niyon. Sandy: Hay naku, Edgar. Tumigil ka nga. Magsi-CR muna ako. Naiihi ako sa mga panghaharot mo. Malakas na tumawa si Edgar. Edgar: Naku, sweetie pie, ibang ihi 'yan. Binato ni Sandy ng throw pillow ang asawa bago pumunta ng banyo. Tawa naman nang tawa si Edgar. Maya-maya ay tumayo si Edgar dahil nagtataka siya kung bakit hindi pa pumapasok sa loob ng bahay si Krista. Sumilip siya ng bintana at nakita niyang naghahalikan ng malalim sina Krista at Saul. Matapos maghalikan ay malakas pang pinalo ni Saul ang kanang pang-upo ni Krista at hinablot ito at pinisil ng buong gigil. Biglang kumislot ang kanina pang matigas na alaga ni Edgar sa loob ng boxer shorts niya. Napailing siya. Pabalik na siya sa couch ng sala nang bumukas ang main door at pumasok si Krista. Ktista: Selos ka? Naguluhan si Edgar sa biglaang tanong ni Krista kaya napakunot ang noo niya. Painsultong tumawa si Krista. Krista: Nakita kitang nakasilip sa bintana. Don't worry. Ikaw ang iniisip ko habang kahalikan ang boyfriend ko. Nagulat si Edgar sa sinabi ng pinsan ng misis niya. Edgar: Hindi pa ba malinaw na hindi ako interesado sa 'yo? Tumawa ng mahina si Krista at umiling-iling. Nagkibit-balikat ito. Krista: Oh, well. Sabi mo, eh. Pero iba ang sinasabi ng alaga mo sa ibaba. Dumating lang ako, tumigas na. Inginuso nito ang namumukol na harapan ni Edgar. Pagkatingin ni Edgar sa harapan ng kanyang boxer shorts ay kitang-kita ang iskandalosong bukol na likha ng kanyang naninigas na alaga rahil sa paglalandian nila ng asawa kanina. Biglang tumalikod si Edgar at natatawang umakyat sa itaas ng bahay si Krista. Bahala si Krista kung gusto nitong isipin na interesado siya rito. Mahilig lang silang magpatakam ng kaibigang si Paul, pero hinding-hindi sila titikim ng ibang babae maliban sa mga misis nila. ---------- Dahil cold ang treatment ni Mila sa asawang si Paul ngayon ay hindi nito napapansin ang pagngisi-ngisi ng asawa habang ka-chat ang babysitter nilang si Georgia. Kanina pang magka-chat sina Paul at Georgia. Itinatanong ni Paul ang mga paborito, hilig, at interest ni Georgia. Kasama sa pagpapatakam niya rito na ipakitang interesado siya rito. Ramdam na ramdam niyang crush siya ng babysitter nila. Hindi naman ito nagtatanong pabalik sa kanya na ikinatutuwa niya. Kanina ay nabanggit nitong favorite color daw nito ang pink kaya biniro niya na baka pink underwear ang suot nito ngayon. Matagal na hindi ito nag-reply. Maya-maya ay may nag-notify sa phone niya. Nag-reply na si Georgia. "Mas prefer ko pong tawaging thong ang underwear ko. And hindi po pink ang suot ko ngayon. Black thong po. Na parang useless lang din naman dahil sa sobrang nipis ng tela." Napalunok si Paul dahil sa nabasang message. Nagsusuot ng thong ang babysitter nila? Si Paul ang nag-umpisa ng larong pagpapatakam sa babysitter na si Georgia, pero bakit parang si Paul ang natatakam? Naguguluhan si Paul. Alin ang mas tama? Itigil ang laro habang maaga pa? O tapusin ang nasimulan na? Maya-maya ay may natanggap ulit siyang message. "Want a proof?" ---------- itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD