THIRD PERSON POV
Mabilis na nagnakaw ng halik sa kanang pisngi ni Paul si Georgia habang nakatulala ang lalaki sa kawalan.
Iniisip pa rin ni Paul ang nangyari sa kanilang dalawa ni Krista kagabi kung saan wala siyang kaide-ideya na si Krista pala ang katalik niya sa loob ng isa sa mga kwarto ng bahay ng bagong kapitbahay niyang si Kacey.
Nagkaroon ng house party sa bahay ni Kacey at isa si Paul sa mga imbitadong bisita.
Hindi alam ni Paul kung bakit ibang-iba ang kanyang pakiramdam matapos makainom ng ilang baso ng nakalalasing na likido kagabi kumpara sa mga ibang pagkakataon na uminom siya ng ganoong uri ng inumin.
Oo, hindi kagabi ang unang beses na nalasing si Paul ngunit kadalasan ay kontrolado pa rin niya ang kanyang katawan kapag nalalasing siya. Katunayan ay mas kaunti pa ang baso ng nakalalasing na likido na ininom niya kagabi kumpara sa rati.
Ngunit nang malasing si Paul kagabi pakiramdam niya ay parang antok na antok siya at kinakailangan niyang ihiga sa kama ang kanyang buong katawan. Kasabay niyon ay nakaramdam din siya ng malakas na tawag ng laman.
Kaya naman nang maramdaman ni Paul na may tumabing katawan ng babae sa kanyang katawan sa ibabaw ng kama sa loob ng kwartong iyon kung saan siya dinala ni Kacey at ng kasintahan nitong si Bogs ay hindi na napigilan pa ni Paul ang kanyang sarili at sinunod niya ang isinisigaw ng kanyang sistema na pawiin ang init sa kanyang katawan kasama ang isang babae.
At nang makaraos si Paul kasama ang babaeng katabi niya sa kama kagabi ay ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat at parang nawala ang kanyang kalasingan nang makitang ang pinsan ng asawa ng kanyang matalik na kaibigan ang katabi niya sa ibabaw ng kama.
Ipinunla ni Paul ang kanyang mga buto ng buhay sa loob ng yungib ni Krista.
Nabalot ng guilt ang buong sistema ni Paul sa kadahilanang nagtaksil siya sa kanyang asawang si Mila.
Iyon ang unang beses na nagtaksil si Paul sa kanyang asawa at kasama pa talaga ang babaeng pinsan ng asawa ng kanyang best friend.
Hindi alam ni Paul kung paano pakikiharapan ang mag-asawang Edgar at Sandy ngayon.
Umaasa si Paul na sana ay wala pang binabanggit si Krista kina Edgar at Sandy dahil alam niyang hindi siya mapapatawad ng mag-asawa kapag nalaman ng mga ito ang totoo.
Tama si Kacey nang sabihin nito sa kanilang dalawa ni Krista matapos nitong mahuling magkatabi silang dalawa ni Krista sa ibabaw ng kama na nasa tamang edad na sila para gawin kung anuman ang gusto nilang gawin sa buhay pero ang hindi tama ay ang pagiging may asawang tao ni Paul.
Paniguradong masasaktan ni Edgar si Paul kapag nalaman nitong nagtaksil siya sa kanyang asawa at pinsan pa ng asawa nito ang kasama niya sa pagtataksil na iyon.
Kilala sina Paul at Edgar sa buong Malaking Bato Subdivision na mahilig magpatakam ng mga babae at ng mga lalaking may pusong-babae pero kahit kailan ay hindi sila titikim ng ibang putahe maliban sa kanilang mga misis.
Ngunit ngayon ay sinira na ni Paul ang usapan nilang iyon ng best friend na si Edgar.
Bumigay si Paul sa tawag ng laman at nagtaksil sa kanyang butihing asawa.
Parang gustong saktan ni Paul ang kanyang sarili rahil sa kanyang pagiging mahina sa tukso.
Hindi makatingin ng diretso si Paul sa kanyang asawa kaninang umaga simula nang umalis sila ng bahay ni Kacey hanggang sa makapasok na ng school si Mila kung saan nagtatrabaho ito bilang isang guro.
Nakatulong pa siguro ang cold treatment nina Paul at Mila sa isa't isa para hindi mapansin ni Mila na may gumugulo sa isipan ni Paul ngayon.
Simula nang malaman ni Mila mula mismo kay Savannah na kasama ni Paul ito sa isang photo shoot para sa isang underwear brand ay hindi na siya kinikibo ng kanyang asawa.
Ilang araw nang hindi kinikibo ni Mila si Paul at noong nasa house party sila ni Kacey ay pilit na pilit silang dalawa na huwag ipahalata sa kanilang mga kapitbahay na mayroon silang hindi pagkakaunawaan ngayon.
Lalong umigting ang kagustuhan ni Paul na saktan ang sarili rahil kung kailan may hindi sila pagkakaunawaan ng kanyang asawa ay saka pa siya nagtaksil dito.
Kapag nalaman ni Mila ang tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa ni Krista ay hindi alam ni Paul kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanilang relasyon ni Mila.
Hindi gustong isipin ni Paul na magkakahiwalay silang dalawa ni Mila oras na malaman nito ang kanyang malaking kasalanan dito.
Kumunot ang noo ni Georgia nang makitang walang reaksyon si Paul sa paghalik nito sa kanang pisngi ng lalaki.
Tiningnan ni Georgia ang wall clock na nakasabit sa dingding ng bahay ng mag-asawang Paul at Mila. Thirty minutes pa bago makauwi si Mila ng bahay mula sa school.
Isang ngisi ang sumilay sa mga labi ni Georgia bago nito unti-unting inilapit ang mga labi nito sa mga labi ni Paul.
Nanlaki ang mga mata ni Paul nang maramdamang may malambot na mga labi na dumampi sa kanyang mga labi.
Agad na lumingon si Paul sa kanyang kanang gilid at ganoon na lamang ang kanyang pagkabigla nang makitang nasa tabi na pala niya si Georgia, ang babysitter ng kanyang anak na si Camille.
Sa sobrang pag-iisip ni Paul sa nangyari sa kanilang dalawa ni Krista ay hindi na niya namalayang katabi na pala niya si Georgia sa couch sa loob ng sala ng kanilang bahay ni Mila.
Agad na umatras palayo kay Georgia si Paul at nanlalaki ang kanyang mga mata nang kausapin niya ito.
Paul: Nahihibang ka na ba, Georgia? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit mo ako hinalikan?
Hindi makapaniwala si Paul nang makitang hindi man lang natinag si Georgia at ngumisi pa ito sa kanya.
Georgia: Bakit, Kuya Paul? Ang lagay ba, eh, ikaw lang ang pwedeng magpatakam sa akin? Hindi ko malimutan ang ginawa mong pagpapatakam sa akin noong nakaraang linggo.
Kumunot ang noo ni Paul nang ngumusong parang nagtatampo si Georgia bago muling nagsalita.
Georgia: Pinasabik mo ako tapos wala rin palang mangyayari. Then the next day hanggang sa mga sumunod pang mga araw ay umasta kang parang walang nangyari.
Tumayo mula sa pagkakaupo sa couch si Paul.
Paul: Dahil wala naman talagang nangyari, Georgia.
Pigil na pigil si Paul na huwag magtaas ng tono ng boses kay Georgia.
Georgia: Anong wala, Kuya Paul? We flirted with each other. 'Di ba nga pinag-usapan pa natin thru chat messages ang kulay ng panty ko?
Napalunok si Paul.
Dahil sa cold treatment ni Mila kay Paul kaya naisipan niyang patakamin si Georgia pero hanggang doon lang iyon. Wala siyang planong patulan ang babysitter ng kanyang anak.
Iba pala ang naging interpretasyon ni Georgia.
Nagbuntung-hininga muna si Paul bago muling nagsalita.
Paul: Okay, Georgia. Nagawa ko lang 'yon dahil alam naman ng lahat ng mga tao rito sa subdivision natin na mahilig lang kaming magpatakam ng kaibigan kong si Edgar.
Kinabahan si Paul nang makitang tumalim ang mga mata ni Georgia sa pagkakatitig sa kanya.
Georgia: So, ano ako? Pampalipas-oras mo lang din tulad sa ibang babae?
Napahilamos si Paul sa kanyang mukha.
Mukhang panibagong problema na naman ito.
Paul: Look, Georgia. May asawa akong tao. Gets mo naman siguro na walang pwedeng ibang mangyari sa atin. Kaya, please, kalimutan mo na lang 'yong sinasabi mong paglalandian nating dalawa. Wala lang sa akin ang mga iyon.
Lalong kinabahan si Paul nang makitang kumuyom ang mga palad ni Georgia at yumuko ito.
May mga ibinubulong sa hangin si Georgia na hindi marinig at maintindihan ni Paul. Hanggang sa biglang mag-angat ng ulo ito at nakangiting tumingala sa nakatayong si Paul.
Nakita ni Paul na hindi na nakakuyom ang mga palad ni Georgia.
Georgia: Ito namang si Kuya Paul. Hindi na mabiro. Joke lang 'yon. Syempre alam kong wala lang sa 'yo 'yong mga nangyari sa atin. Nagpapatakam ka lang.
Sinundan pa ng tawa ni Georgia ang sinabi nitong iyon.
Kumunot ang noo ni Paul sa nakitang pagbabago ng mood ni Georgia. So binibiro lang pala siya nito.
Georgia: Sinakyan ko lang ang pagpapatakam mo. Ang galing kong umarte, 'di ba?
Matamis pang ngumiti si Georgia kay Paul.
Pero hindi gustong paniwalaan ni Paul ang sinabing iyon ni Georgia. Alam niyang pinagnanasaan siya nito rahil kitang-kita niya sa footage mula sa nanny cam kung paanong halos lamunin nito ang kanyang used boxer briefs.
Walang duda na ito ring si Georgia ang nag-iiwan ng bakas ng laway sa iba pang pinaghubarang boxer briefs ni Paul bago pa niya ma-install ang nanny cam sa loob ng kanilang laundry room.
Kaya alam ni Paul na natuwa si Georgia nang bigyan niya ito ng kaunting atensyon sa loob ng ilang oras noong nakaraang linggo.
Hindi mabasa ni Paul sa mukha ni Georgia kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ngayon kaya naman pinaalalahanan ni Paul ang kanyang sariling mag-ingat sa babaeng ito.
Sa palagay ni Paul ay may itinatago itong si Georgia sa kabila ng maamo nitong mukha.
----------
Parang gustong maiyak ni Krista nang mabasa sa kanyang social media account ang official announcement ng kanyang ex-boyfriend na si Saul na girlfriend na nito ang babaeng dahilan kung bakit sila nagkahiwalay, si Savannah.
Muling binasa ni Krista ang caption ng in-upload na photo ni Saul kasama si Savannah kung saan nakaakbay si Saul kay Savannah at nakahalik naman sa kanang pisngi nito ang babae.
Ang photo ay kuha pa mula sa hardin ng malaking bahay ng kanyang kapitbahay na si Kacey kahapon sa house party nito.
Krista: Thankful for this woman. The missing piece to my puzzle. My new girlfriend and my future wife.
Nanggigigil sa inis kay Saul at Savannah si Krista at naiirita rin siya kung bakit pakiramdam niya ay parang maiiyak siya anumang oras dahil sa photo na iyon.
Alam naman ni Krista na hindi siya nasasaktan sa panloloko ni Saul sa kanya rahil mahal niya ito kundi rahil sa paulit-ulit na pagtapak nito sa kanyang pride bilang babae.
Natuklasan ni Krista na ilang beses siyang pinagtaksilan ng kanyang ex-boyfriend na si Saul kasama si Savannah at nang mahuli niyang pinagtataksilan siya nito ay hindi man lamang nagdalawang-isip si Saul na hiwalayan siya sa harapan ng maraming taong nakikiusyuso sa labas ng bahay ni Savannah.
Maliban doon ay wala pang kaabog-abog na ipinagsigawan ni Saul sa harapan ng maraming tao na kay Savannah nito nahanap ang pagmamahal na hinahanap nito.
At ngayon nga ay magkasintahan na sina Saul at Savannah wala pang isang linggo mula nang maghiwalay sina Krista at Saul.
Durog na durog na ang pride ni Krista bilang babae at mas lalo pa iyong nadurog nang may mangyari sa kanilang dalawa ni Paul kagabi.
Nakipagtalik si Krista sa isang may asawang lalaki.
Mas lalong madudurog ang pride ni Krista kapag nalaman ng mga tao sa kanilang subdivision na nakipagsiping siya sa lalaking may asawa at best friend pa ng asawa ng kanyang pinsan.
Ngayon pinagsisisihan ni Krista ang lahat ng ginawa niyang pang-aakit kay Edgar, ang asawa ng kanyang pinsang si Sandy.
Totoong hindi minahal ni Krista ang ex-boyfriend na si Saul dahil ang lalaking iniibig niya ay si Edgar.
Ilang beses sinubukang akitin ni Krista si Edgar. Hindi niya inalintana ang katotohanang pwede niyang masira ang pagsasama nito at ng kanyang pinsan.
Hindi nirespeto ni Krista ang kasal nina Edgar at Sandy.
At ngayon ngang may nangyari sa kanilang dalawa ni Paul ay naisip ni Krista na baka ito ang kaparusahan sa lahat ng kanyang mga kasalanan.
Ang nangyari sa pagitan nina Krista at Paul ang naging daan para magising sa katotohanan si Krista na mali ang subuking makipagtalik sa isang may asawang lalaki.
Ngayon ay namomroblema si Krista kung sakaling magbunga ang ginawa nilang kasalanan ni Paul.
Hindi alam ni Krista kung paano pakikiharapan ang magiging galit ng misis ni Paul kapag nalaman nito ang katotohanan.
Litong-lito na si Krista.
----------
Malakas na humalakhak si Molly matapos ipakita sa kanya ng kaibigang si Savannah ang newly-uploaded photo ng boyfriend nitong si Saul sa social media kung saan inanunsyo ni Saul na girlfriend na nito si Savannah.
Molly: Grabe! In love na in love sa 'yo!
Nagtatalsikan pa mula sa loob ng bibig ni Molly ang ilang crumbs ng tinapay na kanyang kinakain habang malakas na nagsasalita.
Napapangiwi naman si Savannah rahil sa kadugyutan ni Molly.
Savannah: Alam mo naman tayo, maganda. Kaya hindi nakakadudang ako ang piliin ni Saul over Krista. Nakabawi rin ako sa pambabato ng babaeng iyon sa aking ilong.
May band-aid pa rin ang ilong ni Savannah kahit ang tingin ni Molly ay magaling na ito.
Molly: So, paano 'yan? Titigilan mo na si Daddy Paul? Isusuko mo na ba ang laban sa akin?
Malakas na tumawa si Molly matapos sabihin iyon na naging dahilan para mabulunan siya at agad na inabot ang isang baso ng orange juice sa ibabaw ng center table sa sala ng bahay ni Savannah.
Tinaasan ng isang kilay ni Savannah si Molly.
Savannah: Asa ka. Syempre ginamit ko lang 'yang si Saul para makampante si Mila. Alam mo naman ang nangyari noong nakaraan, 'di ba? Mega selos si Mila sa akin dahil lang sa underwear brand photo shoot namin ni Paul.
Malakas na tumili si Molly matapos niyang mailapag sa center table ang baso ng orange juice.
Molly: Speaking of! Ipakikita ko sa 'yo 'yong photos ninyo ni Paul together! Grabe! Kayo na ang hottest underwear couple!
Si Savannah naman ngayon ang tumili matapos sabihin iyon ni Molly.
Savannah: Excited me!
Nag-high five pa sina Molly at Savannah.
Makalipas ang ilang sandali ay biglang sumeryoso si Molly na ipinagtaka ni Savannah.
Savannah: Ang bilis mong mag-shift ng mood, ah. Biglang serious mode.
Ngumuso muna si Molly bago nagsalita.
Molly: Nag-uusap kasi tayo about photos. Bigla lang akong may naalala.
Bigla namang na-curious si Savannah sa gustong ipakahulugan ni Molly.
Savannah: Ano ang ibig mong sabihin?
Huminga muna ng malalim si Molly bago sinagot ang tanong ni Savannah.
Molly: Kahapon kasi nang mag-house tour ako sa bahay ni Kacey during house party, alam mo naman, usisera ang friend mo, nagtingin-tingin ako sa bawat kwarto. Pero syempre hindi ko nakita ang loob ng lahat.
Pinanood ni Savannah ang muling pag-inom ni Molly ng orange juice bago siya nagsalita.
Molly: Tapos may isang room na papasukin ko na sana kaso bigla akong pinigilan ni Kacey. Tambakan daw kasi 'yon ng iba pa niyang mga gamit.
Kumunot ang noo ni Savannah.
Savannah: Eh, nasaan doon 'yong photos?
Pabirong hinampas ni Molly ang kaliwang tuhod ni Savannah.
Molly: Ito na nga. Bago maisara ni Kacey 'yong pintuan ng kwartong sinasabi ko, may nasilip akong white board sa loob na may mga nakadikit na photos.
Tumaas ang dalawang kilay ni Savannah sa sinabing iyon ni Molly.
Savannah: Photos? Photos nino?
Nagkibit-balikat si Molly.
Molly: Malay ko. Naisara na ni Kacey 'yong pinto, eh.
Muling nilantakan ni Molly ang mga tinapay na nasa ibabaw ng personalized wooden round bread board habang si Savannah naman ay iniisip kung bakit mayroong white board na may nakapaskil na photos si Kacey sa loob ng bahay nito.
----------
itutuloy...