THIRD PERSON POV Sumama ang loob ni Paul nang malamang nagsinungaling sa kanya ang asawang si Mila. Sinabi ni Mila sa kanya na dinala nito sa mga magulang nito ang anak nilang si Camille para ang mga ito ang magbantay sa kanilang anak habang nasa house party sila ng bago nilang kapitbahay na si Kacey. Ngunit nabigla si Paul nang malaman niya mula kay Georgia, ang babysitter ng anak nilang si Camille, na inutusan pala ito ng kanyang asawa na humanap ng taong maaaring mag-alaga kay baby Camille habang lahat sila ay nasa house party na in-organize ni Kacey para sa halos lahat ng residente ng Malaking Bato Subdivision. Sinabi ni Georgia kay Paul na ang kakilala nitong matanda na si Lola Carrie ang agad nitong naisip para magbantay kay baby Camille dahil matagal na nitong kilala ang matanda

