CHAPTER 4

1192 Words
Kinabukasan, 4 a.m pa lang ay nagising na ko at nag almusal. Mabilis akong nagbihis at umalis. Ngayong araw, ang pakay ko ay makita na ang aking ama sa personal kaya kaylangan kong hanapin ang kanyang office. Pagpasok ko sa office ay wala pang katao tao. Dinapuan naman ako kaagad ng antok kaya kaagad akong nagpunta sa cafeteria. Nag social media naman ako at bigla ko na namang naamoy ang pabango ni Enzo. Bigla siyang pumasok sa cafeteria at mayroong matandang lalaki na sumunod sa loob. Sinara niya pa ang pinto at parang galit pa nga ito. Halos mapalunok ako dahil sa unang pagkakataon, nakita ko ang aking ama. Ngayon ay napagtanto ko na na galit ang nangingibabaw sa aking puso. "YOU ARE SUCH A FAILURE, ENZO!! PURO KA NA LANG KAPALPAKAN! SABI KO SA'YO NA BITAWAN MO NA ANG POSISYON BILANG SALES MARKETING PRESIDENT DAHIL MAYROON PANG IBANG MAS DESERVING! HONESTY, SANA AY HINDI NA LANG KITA PINAG-ARAL SA HARVARD. IT MAKES NO DIFFERENCE TO ME, SANA PALA HINDI NA KITA INAMPON!" Yan ang malakas na sigaw ng tatay ko. Kalmadong humingi ng tawad si Enzo sa kanya. "Dad... sorry... I promised to do my best! Just give me another chance!" "I NEED MORE BRAND NEW IDEAS FOR OUR UPCOMING SUMMER FASHION SHOW. ONCE NA PUMALPAK KA SA EVENT AT WALANG NAG INVEST OR NAG SPONSOR, I WILL DISOWN YOU!" Yumuko lamang si Enzo na tila ba ay dinamdam ang nangyari. Lumabas ang tatay kong ngayon ko lamang nakita sa cafeteria. Sa isip ko, gusto ko siyang harapin at ibuhos lahat ng galit na nararamdaman ko sa kanya. Subalit nagulat ako ng bigla siyang natumba. Walang atubili akong lumabas upang siya ay saklolohin. Napatingin si Enzo sa likuran at nakita rin niya na bigla na lamang natumba ang aming ama. "Dad!! What happened?" sambit niya habang kaharap ang ama namin. "I think it's a heart attack!" sagot ko kay Enzo. Tumingin siya kaagad sa akin. "Please help me bring my father to the clinic!" sabi niya na with american accent. Inakbayan namin ang aming ama at dinala namin ito sa clinic subalit wala pang nurse kaya tumawag kami ng ambulance at tinulungan siyang dalhin sa ground floor. Hanggang dito na lamang ang tulong na naiabot ko. Pagbalik ko sa office ay 8 a.m. na nang umaga. Kaagad akong tinanong ni Ma'am Lanie. "What happened to Mr. Robert?" Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita and I filtered sa isip ko kung ano lang ang mga puwede kong sabihin sa kanya. "Ma'am, nagkataon lang po na maaga akong pumasok ngayong araw at nagpunta ako sa cafeteria. Then all of a sudden, bigla nalang po silang pumasok mag ama at halos sigaw sigawan si sir Enzo ng kanyang ama. Marahil ay labis niyang dinamdam ang pagkadismaya niya sa kanyang adopted child kaya po bigla siyang hinimatay sa labas ng cafeteria!" mahabang salaysay ko. "I see..." ngumisi si Ma'am Lanie. "On behalf of Mr. Joseph and his family, maraming salamat sa ginawa mo! Hindi mo lang siya iniligtas, iniligtas mo rin ang korporasyong ito!" Namutla ako sa sinabi ni ni Ma'am Lanie l but na realize ko na wala akong galit nang iligtas ko si papa at nagkausap kami ni Enzo. Hininaan ko muna ang boses ko dahil chismis na ang susunod naming paksa. Delikado na at baka may makarinig pa sa akin. "Hindi ko lamang po lubos maisip kung bakit sobrang galit ang nararamdaman ni sir Robert sa anak niya!" "Well, masanay ka na! Ewan ko ba kung bakit ganu'n na lang ang pagtrato niya sa kanyang anak. Sigurado ako na kawawa na naman ang mga staff ni sir Enzo kasi sila naman ang unang pinagbubuntungan ng galit niyan!" Inilapit ko ang mukha ko kay Ma'am Lanie para mas matiyak ko na wala talagang ibang makakarinig ng sasabihin ko kung 'di siya lang. "Pero kayo po ba? Never ba kayong napagbuntungan ng galit n'yan ni sir Enzo?" "Well, Marketing and Sales departments have fair share of interest and objectives, as a matter of fact kasama ako sa meeting niya sometimes!" diretsahang sagot ni Ma'am Lanie. "But I am not intimidated by him even he talks arrogantly when presenting his ideas with us!" Wala na akong sumunod na tanong at gusto ko nang bumalik ulit sa pwesto ko. "Ah okay... sige po! Balik na po ako sa puwesto!" "Saglit lang... bakit parang sobrang interesado ka sa pamilya Montreal? Ramdam ko kasi sa tono ng pananalita mo na para bang gusto mong malaman ang tungkol sa kanila?" Matapang akong nakipag-eye to eye contact kay Ma'am at tinawanan ko lang ang kanyang sinabi kahit na namumutla na ako. "Gusto ko lang po sanang makadaupang palad ang mga bilyonaryo. At tsaka parang ang bait lang po kasi ni sir nilang dalawa at ang buong akala ko ay kapag mayaman ang pamilya, wala pong nagiging issues. I guess, nagkamali lamang po ako!" "I know na isa kang matalinong tao, Joe! Alam mo sobrang bilib kasi ako sa observation skills mo kaya kita tinanggap dito. Hindi naman ako sa nagbubuhat ng sarili kong bangko, but I can see na magiging isa kang matagumpay na tao balang araw. At tama lang na ginawa mong role model si sir Robert!" Naiilang ako sa mga tingin ni Ma'am Lanie na hindi maalis ang tingin sa aking mga mata. Halatang binabasa niya talaga ako deep inside. "S-sige po, babalik na po ako sa puwesto ko!" Tumungo lamang siya kaya tumayo na ako at lumabas. Siyempre hindi pa rito natatapos ang pagkukuwento ko kaya para lang akong sirang radyo na nagpaulit ulit sa mga kasamahan ko sa trabaho. 11:30 am ng umaga ng biglang sumulpot si sir Enzo sa harapan ng aming department, suot pa rin niya ang kanyang ngiti kahit pa siya ay napagalitan ng lihim kong ama kanina. Amoy na amoy ko pa rin ang kanyang mamahaling pabango. Tumingin siya sa akin. "Hey, I haven't say thank you yet! Are you new hear?" tanong niya. Tumayo ako at pinilit kong gayahin ang way niya ng pagsasalita at bahala na kung magmukha akong social climber sa aking american accent. "You are very welcome sir. My name is Joe Balthazar!" Medyo natawa ang ilan sa mga katrabaho ko pero dedma na lang ako sa accent failed ko. "So, I would like to invite you to lunch today! Just a token appreciation!" Pag aaya niya sa akin. Pinanindigan ko na ang pagi-english ko, magkaintindihan lamang kami ng ampon kong kapatid. Tumingin ako kay Ma'am Lanie at ngumiti siya. "I accepted your offer sir!" "It's fine!" Lumingon si Ma'am Lanie kay sir Enzo at nagtanong. "So how is sir Robert doing?" "Luckily naagapan naman, it was a mild heart attack. Stable na ang lagay niya sa hospital!" "That's good to hear! Anyway, you can borrow Joe for a while. Naikwento niya kasi sa akin na idolo niya raw si sir Robert at gusto niya itong makadaupang palad!" Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ni Ma'am Lanie kung bakit niya ako nilaglag ng ganito. Nailang na tuloy akong sumama sa lihim kong kapatid. Tagaktak ang pawis ko kahit na malakas naman ang aircon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD