"Really? That is great to hear. I hope we can be friends, Joe!" nakangiting sabi ni Enzo.
Bigla namang nag hi si Andrea kay sir Enzo
"Good day sir!"
"Good day din, Andrea!" sagot ni Enzo.
Something was odd, bakit parang iba ang tinginan nilang dalawa. Muli tuloy akong naguluhan kay Andrea dahil sa mga paninira niya kay Enzo.
Tumayo ako at sumama sa kanya. Damn! Ang sakit pala sa pakiramdam kapag itinabi ang panget sa gwapo, wala talagang papansin sayo. Kitang kita ko kasi ang atensyon na nakukuha ni Enzo sa mga tao sa paligid, siguro kung palagi kaming magkasama, kailangan ko nang masanay sa ganitong klase ng sitwasyon.
Pagkarating namin sa harapan ng elevator, todo puri ako sa half-brother ko habang naghihintay kami ng elevator na pababa sa ground floor.
"Naks! Ang lakas po pala ng charisma n'yo sir. Mabuti pa kayo mayroong fan base, kung ganyan lang ang hitsura ko malamang sikat na rin ako!"
Nagbukas ang elevator na walang laman at pumasok muna kaming dalawa.
Yumuko siya at tsaka niya sinagot ang tanong ko, "mas magiging masaya siguro kung pati ang tatay ko ay magiging proud sa akin. Actually, nahihiya nga ako sayo kasi ikaw lang ang bukod tanging nakarinig ng pinagusapan namin kanina. Gusto ko ngang mag walk out kanina nang marinig kong idi-disown niya ako. Palagi na lang kasi niyang pinapangalandakan na mahina ang kokote ko!"
"Y-yes sir Enzo... sorry po, wala naman akong intensyon na mangialam sa pag-aaway ninyong mag-ama."
"Alam ko naman 'yun. Sorry din, parang nasira tuloy ang image namin sa'yo ni dad!"
"Hindi naman po sa nangingialam ako, pero araw-araw po ba kayong sinisigawan ni sir Robert?" tanong ko.
"Well, puro naman kasi talaga ako kapalpakan sa trabaho kaya hindi ko rin masisisi si dad kung nadisappoint siya sa mga nangyayari!"
"Wag kang mag-alala, sir Enzo. Darating din yung time na magiging maayos din ang lahat," payo ko sa kanya. Ganito rin kasi ang payo sa akin ng nanay ko noon kaya naging matatag akong tao. Siyempre, ito rin ang payong puwede kong maipamahagi sa iba.
"Siya nga pala, saan ka nagtatrabaho before, Joe?" tanong niya.
"Actually I am a fresh graduate po sir!"
"Congrats. Are you an honored student?"
"Yes sir! Consistent honor student po ako before and 'yung moment na nakita 'yun ng HR at ni sir, tinanggap nila ako kaagad!"
Nagbukas ang elevator at lumabas na kami. Mukhang nakalimutan yata niya ang sinabi ko sa kanya kaya iniba na naman niya ang topic.
"Pupunta tayo sa Vikings na malapit dito, doon tayo kakaing dalawa!"
Halos biglang kumalam ang sikmura ko sa sinabi niya. Sa buong buhay ko kasi, never akong nakakain sa ganoong klase ng restaurant. Usually sa tabi tabing kainan lanng naman ako. Nahiya naman ako sa kanya, yung tipong gusto ko pero magpapapilit ako para lang hindi halata na makapal ang mukha ko.
"Actually sir, okay lang naman po sa akin kung sa tabi tabing mga karinderya lang naman po tayo. Hindi naman po ako maselan sa pagkain."
"No! I'll take no for an answer!" seryosong sabi ni Enzo. "On top of that, bibigyan din kita ng allowance for the whole month para may budget ka since you are just a fresh college, okay na ba ang 20k?"
Tumayo ang balahibo ko sa katawan. Mas mataas pa ang inaalok niyang allowance kaysa sa sasahurin ko! And since he takes no for an answer, I grabbed the opportunity.
"Thank you so much po sir!"
"Don't mention it, I think that ain't enough for what you did earlier!"
Naglakad kaming dalawa at nang makarating kami sa vikings, kaagad niyang binigay ang kanyang credit card sa cashier.
"Please dine in for two people!"
"1000 each po sir," sambit ng cashier.
Para sa akin, sobrang big deal na ng 1000 subalit alam ko na para kay Enzo, barya lamang ito. Muling ibinigay ng cashier ang kanyang credit card at lumingon siya sa akin.
"Come on, I've got a big appetite today. I'll teach you how to eat here!"
Kumuha kami ng mga kobyertos subalit wala akong ibang kilala sa mga pagkain bukod sa kanin kaya ginaya ko lamang ang mga kinukuhang pagkain ni Enzo. Maya maya pa ay naupo kami ng magkaharap.
"Wow, you coincidentally like what I want!" sabi niya.
Napakamot na lang ako sa ulo at ipinagtapat na ginaya ko lamang ang mga pagkain na kinuha niya. "Sa totoo lang, walang pamilyar na pagkain sa paningin ko bukod sa kanin kaya kinuha ko na lang ang mga pagkain na kinukuha mo!"
Nanlaki naman ang mga mata ni Enzo na para bang hindi ito makapaniwala sa aking sinabi. "Really? You could have told me that, baka mamaya biglang sumakit ang tyan mo bro?"
Napangisi na lang ako. "Hayaan mo na, at least kahit papaano ay naranasan kong makakain dito!"
"Siguro kailangan nating dalasan ang pagpunta rito para masanay ka lang din. Sa totoo lang, hindi kasi ako kumakain sa fast food chain. Hindi ko kasi trip ang mga pagkain doon, and besides malakas talaga akong kumain kaya sulit na sulit dito!"
Nagtawanan kaming dalawa ni Enzo. Who would have thought na may sense of humour din pala siya at tuwid rin siyang magtagalog.
"Look bro, I may dislike the fast foods chains but I am filipino by the heart and I can started tagalog well. Since you already know that I am adopted, I guess there is no point of hiding that I am an autrallian!"
Ngumisi ako. "No, that is just okay. Regardless whether you are adopted or not, the fact of the matter is you have a family to bond with. But where are your real family though?"
"My parents have died since I was a kid, nobody in my relatives wanted to adopt me so Mr. Robert volunteered himself. He dressed and sustained my studies in private schools until I graduated. I would really like to return the favor however I can but it seems so difficult to please my dad!"
Kitang kita ko sa mga mata ni Enzo ang lungkot na kanyang nararamdaman. Halatang nangungulila ito sa kalinga ng isang magulang.