Bigla naman niyang ibinalik ang tanong sa akin.
"How about you? Nasaan ang tatay mo?"
Tagaktak ang pawis sa sinabi niya sa akin. Halos malunok ko nga ang kanin sa bibig ko ng walang nguya nguya. Umabot ng ilang segundo bago ako utal utal na nagsalita. Hinay hinay lamang para hindi ko masabi na ako ang totoong anak.
"Ah... eh... ano kasi... matagal nang wala ang tatay ko sir Enzo, cancer ang ikinamatay niya kaya mag isa akong tinaguyod ng nanay ko!" pinilit ko talagang umiyak para madala siya sa emosyon ko. Buti na lamang kahit papaano ay mayroong pumatak na luha sa aking mga mata.
Lumiyad siya at nakita ko sa kanyang mga mata na nalulungkot ito para sa akin.
"Sorry if I brought such painful past. Pero sure ako na sobrang hirap ng pinagdaan ninyong mag-ina at nakahinga siya ng maluwag nang maka graduate ka!"
Sumangayon naman ako sa sinabi sa akin ni Enzo. "Well, hindi ko naman maitatanggi na totoo ang sinabi mo sa akin. Nang sabitan niya ako ng parangal, halos bumaha ng luha ang stage namin!"
"Sayang, kung nandoon siguro ang tatay mo baka maging mas masaya pa ang lahat!"
Bago pa muling madulas ang bibig ko, tinanong ko siya. "Ikaw, sigurado ako na proud sayo ang tatay mo noong umattend siya ng graduation mo!"
Para namang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Enzo sa sinabi ko at nagulat ako sa mga sinabi niya.
"Actually, my father did not attend my graduation because he was very busy that time. So I was all by myself. Although I was not born yesterday kaya alam ko that he was not interested na umattend kasi siguro pinagsisihan niya na inampon niya lang ako!"
Labis labis akong naaawa kay Enzo. Sino bang mag aakala na hindi pala siya suportado ng kanyang ama?
"Well, ngayon na ang tamang panahon para patunayan mo ang sarili mo sa kanya!"
Binigyan ako ng seryosong tingin ni Enzo. "Look, I am doing my best para maging isang magaling na boss pero sobrang taas kasi ng standard ng tatay ko kaya hindi ko alam kung magreresign ako or what. Lalo na ngayon, gusto niya na magkaroon ng fashion show para sa malaking event ng ating kumpanya. Dadating ang mga investors kaya kailangan mapaghandaan!"
"Fashion show? Bakit parang wala po akong ganoong nabalitaan dati?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Alam mo, we need to go with the flow. Millennials na ang target market natin ngayon kaya kailangan nating sumabay sa uso para hindi tayo mapag iwanan!"
"I see. Pero for sure ako na isa ka sa magiging model kasi sa totoo lang, ikaw ang anak ni sir Robert at may hitsura ka pa!"
Namutla naman si Enzo sa pagpuri ko sa kanya.
"Really bro? Salamat naman, pero gusto ko sanang kuhain si Andrea bilang ka partner ko sa darating na event. Siya kasi ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa office! Natitiyak ko na magiging perfect couple kami kapag nagkataon!"
Muli na namang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Enzo. Mukhang wala na yata akong pag-asa sa puso ni Andrea sakalang malaman niya na kursonada rin siya ng taong gusto niya. At ang masaklap pa rito, kapatid ko pa ang magiging karibal ko. Subalit, hindi naman ako basta papayag na magkatuluyan silang dalawa so bigla kong nilakasan ang loob ko na mag participate sa nasabing event.
"Wait lang bro, gusto ko rin sanang sumali sa event. Pwede naman siguro kahit hindi gwapo diba?"
Napangiti naman si Enzo bigla. "Puwede ka naman sumali pero dapat kasi ay magana ang katawan mo. Hindi naman ako sa nanghuhusga ng tao but you need to work out para mas maging fit ka. Lalo na ngayong summer, sobrang trending ng mga revealing clothes!"
"Teka kailan ba ang eksaktong date ng event?"
"Next month pa naman pero ngayon pa lang, kailangan mo nang mag gym para mas maging maganda ang katawan mo. Pero nahihiya kasi akong magsabi kay Andrea, baka puwede namang ikaw ang magsabi sa kanya, tutal naman magkatabi kayong dalawa eh!"
Masakit man pero alam ko na walang dapat personalan pagdating sa trabaho.
"Oo naman sir Enzo, wala naman pong problema sa akin ang bagay na 'yan hehe!"
"Maraming salamat bro, at tsaka kapag nasa labas tayo ng office, wag na sanang Enzo ang itawag mo sa akin. Kahit brother or bro na lang. Tutal parang magaan na ang loob natin sa isa't isat!"
"Okay lang naman sa akin, pero matanong ko lang may girlfriend ka na ba bro?"
Sumandal si Enzo sa kanyang upuan and he crossed his arms over his chest. "Believe it or not, wala pa akong nagiging girlfriend. Masyado akong tutok sa career so past muna talaga. Ayaw ko sanang magbuhat ng sarili kong bangko pero marami nang babae ang nagkagusto sa akin, yung iba nga niyayaya pa ako na makipag s*x sa kanila eh. Hindi naman ako nagtetake advantage ng mga ganoong babae!"
Ngayon, napagtanto ko na mahanging tao itong si Enzo. Kung pwede lang kami magprangkahan, kanina ko pa siya sinabihan na ang yabang yabang niya.
"By the way, tomorrow after work shift, I will go to the gym. Wanna come?"
Sumangayon ako kaagad. Magagamit ko ang pagiging close namin ni Enzo para mas marami pa akong malaman tungkol sa tatay ko.
"Sure, bakit naman hind! Ano ba ang mga kakailanganin natin para ma maintain natin ang pagiging fit?" tanong ko sa kanya.
"Wag kang mag alala, ituturo naman sa atin ng gym instructor lahat ng gagawin although may idea ako pero iba pa rin kasi ang nanggaling talaga sa kanila. Siya nga pala, mayroon ka na bang girlfriend?"
Napangisi ako, as expected ibabalik niya sa akin ang tanong. Mabilis naman akong nagreply. "Kagaya mo, career lang din muna ang inaatupag ko. Pero sa katunayan, gusto ko na rin talagang magkaroon ng syota since mayroon naman akong trabaho!"
Biglang may dumanang waiter at natisod. Natapunan ng juice sa damit si Enzo at kaagad namang humingi ng tawad sa kanya ang waiter.
"Sir, sorry po hindi ko po sinasadya!"