Bigla namang tumayo si Enzo at base sa kunot sa kanyang noo at salubong na mga kilay, mukhang nabadtrip talaga ito sa nangyari. Napabuntong hininga na lamang ako sa nangyari.
"f**k, are you stupid? Sa lahat ng taong kumakain dito, ako pa talaga ang babanggain mo?!"
Halos mataranta ang waiter at para bang hihimatayin na ito sa kaba. Dito na ako nagsalita.
"Bro, pagpasensyahan mo na ang waiter. Baka kasi first time lang niyang magtrabaho sa isang restaurant!"
Bigla akong dinuro ni Enzo. "Shut the f**k up, I am not talking to you!"
Nagulat akong bigla na sinita niya rin ang panghihimasok ko. Natahimik akong bigla at napaupo na lamang sa silya ulit. Muli siyang lumingon sa waiter na nagsalitang muli habang nanatiling nakayuko.
"Sir, babayaran ko na lang po ang damit ninyo kung gusto niyo!"
Ngumisi si Enzo na para bang nainsulto siya sa kanyang narinig. "Nagpapatawa ka ba? Alam mo ba kung magkano ang halaga ng damit na 'to? Kahit magtrabaho ka pa habangbuhay hinding hindi mo ako mababayaran!" sigaw niya sa waiter.
Lumabas naman bigla ang manager ng restaurant dahil sa nakatuon ang atensyon ng lahat kay Enzo.
"Ano pong nangyari sir?" tanong ng manager.
Hindi sinanto ni Enzo ang manager at binungangaan niya rin ito.
"Isa ka pa! Why hire someone na tulig? Aksidente niyang natapunan ang coat ko na binili ko pa sa france sa halagang kalahating milyon. Kahit pagsamahain pa ang kita ninyong dalawa, hindi niyo mababayaran ang coat ko!"
This time, wala na akong ibang choice kung hindi ang manindigan. Masakit na makitang mayroong inaapakang tao at bilang kapatid, gusto kong matutuhan ni Enzo ang maging mapagkumbaba.
"Bro, I think it's inappropriate kung dudurugin ang pagkatao ng isang marangal na empleyado dahil lamang sa maliit na bagay!"
Muli na naman akong dinuro ni Enzo but this time, hindi na ako nagpatinag sa kanya. "Did I not tell you to shut up your mouth? Alam mo ba na yung pera na pinambili ko rito ay ipon ko pa. Paano mo nalaman na maliit na bagay lang ito?"
"Kasi kahit kailan, wala tayong karapatang mantapak ng ibang tao. Please, wag mo nang tangkain na hamakin and maliitin ang kahit na sino sa kanila dahil kung hindi, mapipilitan ako na isumbong ka sa tatay mo sir Enzo!"
Kumalma at nahimasmasan si Enzo sa sinabi ko sa kanya. Halatang halata na takot na takot ito nang tinakot ko siya.
"You cannot take back words that you said but at least, try to say sorry!" lakas loob kong sabi sa kanya.
Huminga ng malalim si Enzo at mahinhin itong nanghingi ng sorry sa waiter at manager. Matapos naming kumain, naglakad na kami pabalik sa office. Nagulat naman ako nang biglang magsorry sa akin si Enzo.
"Bro, I am sorry for what I did earlier. I know you felt ashamed na kasama mo ang isang tulad ko na mayabang ang asta. Honestly, hindi ko alam na naadopt ko ang ugali ng tatay ko. Madalas kasi siyang namamahiya ng mga tao at madalas sa akin pa nga yun mangyari eh!"
"Naiintindihan ko naman bro, sorry din kung nakalimutan ko na boss kita. Sana ay hindi ito maging hadlang sa pagiging magkaibigan natin!"
"Oo naman!"
"Pero seryoso ako, hindi ako makapaniwala na kalahating milyon ang halaga ng corporate attire mo bro. Gusto mo ba na labhan ko na lang 'yan?"
"Don't mention it," sambit niya. "Sobrang importante kasi sa akin ng damit na ito but I realized na tama lang ang sinabi mo kanina. Ang sabi nga nila, kung may something personal na ibinigay mo sa ibang tao, that only means na pinahahalagahan mo ang relationship ninyo!"
Kumunot bigla ang noo ko. "What do you mean, bro? Parang ang lalim yata ng hugot mo ah?"
"Ikaw naman, what I mean is I'd like to give this corporate attire to you as a symbol of our flourishing friendship!" sambit niya. "Puwede mo na itong labhan and please sana ay ingatan mo ito kung hindi, sige ka sira na ang pagkakaibigan natin!"
Trip ko rin naman ang corporate attire ni sir Enzo and since he takes no for an answer, pumayag naman ako kahit na alam kong hindi bagay ang ganitong mahal na suot sa katawang lupa ko.
"Maraming salamat, bilang ganti gusto mo bang uminom mamaya or sa susunod na araw? Yung inumang pang kanto lang sana para naman ma experience mo ring tumapak sa lupa hehe!"
"Touch the ground?" wika niya na tila ay naguguluhan.
"Sorry bro, ang ibig kong sabihin para ma experience mo rin kung paano ang buhay ng isang dukhang kagaya ko. Although, I am not forcing you if hindi mo rin naman trip!"
Tiningnan niya ako ng may ngiti sa kanyang labi. "That's cool. I'd like to experience that. It's been a while since nagkainuman kami ng mga barkada ko sa harvard. After kasi ng graduation, diretso pasok ako sa company ni dad so tuloy tuloy rin ang stress! Mamaya. free naman ako eh. Sabay na tayong umuwi para maibigay ko na rin ang corporate attire mo!"
Inakbayan ko si Enzo at binulungan. "Gusto mo bang mang chicks tayo pagkatapos nun? Marami akong alam na bar na may pa extra service!"
"Well, is that the terms for s*x after drinking?" tanong niya. Mukha kasing iba ang terms na ginagamit sa ibang bansa.
"Oo parang ganun na nga. Feeling ko parang mga santo ang mga taga ibang bansa?"
"How do you say that? s*x is very common to the place where I came from. Virginity is not luxury nor a big deal there!"
Nagulantang naman ako sa naging revelation ng hilaw kong kapatid na ampon. "Pero brad usapang lalaki lang naman tayo, may experience ka na ba?"
"Yes, believe it or not I already banged my classmate when I was in college because we were both drunk!"
Sumimangot naman ako bigla. "Wow, ikaw na may experience. Samantalang ako, gusto ko lang naman i-reserve ang virginity ko sa babaeng pinakamamahal ko. Iba kasi sa lugar na ito, big deal kasi ang virginity!"
Sumangayon naman dito si Enzo. "That's what I also observed. This is a religious country so I respect that tradition!"