Pagbalik namin sa office, 12:30 pa lamang ng tanghali. Halos nakapatay ang lahat ng ilaw sa mga departments maging ang mga kasamahan ko sa trabaho. Dahan dahan akong nagpunta sa puwesto ko at uupo pa lamang ako ng biglang magising si Andrea. Kaagad ko naman siyang nginitian at umupo sa puwesto ko.
"Huy, kamusta naman ang lakad ninyo ni sir? Nabusog ka ba?" nakangiti niyang tanong sa akin.
Dumighay ako bigla at napatingin sa paligid, mabuti na lamang at walang nagising. Bigla namang tumawa si Andrea sa akin.
"Hahahaha, wag mo nang sagutin. Alam ko na naman!" pilya niyang sagot na dinugtungan ng panibagong tanong, "Okay naman ba siyang kasama?"
"Oo naman, sobrang saya niyang kasama!" sagot ko sa tanong niya. "Marami kaming nakain na masasarap!"
Hindi ko na nagawa pang idetalye ang buong nangyari lalo na noong sigaw sigawan kami ni Enzo. Grabe talaga ang pangyayari na 'yun at sa pakiwari ko, tatak na ito sa isipan ko habambuhay.
"Sana all," hininaan ni Andrea ang kanyang boses. "Wala ba siyang inaway na waiter or manager? Alam mo mapatakan ng mantsa ang damit niyan, mainit na ang ulo niya!"
Gamunggo bigla ang pawis ko. Mukhang marami itong nalalaman si Andrea sa pagkatao ni Enzo kagaya ng akala ko. Siyempre kahit gusto kong aminin ang totoo, kailangan ko pa ring pagtakpan si Enzo para maging mas maayos ang samahan naming dalawa.
"Hehe, wala naman ganoong nangyari kanina. Pero alam mo ba mayroon siyang gustong iparating na mensahe sayo?"
Nanlaki ang mga mata ni Andrea at halata ko sa kanyang seryosong mukha na maging mas interesado ito sa paksa namin.
"Talaga? Baka naman kapangalan ko lang ang tinutukoy mo? Sa pagkakaalam ko, marami ang Andrea rito sa office eh!"
Nanindigan naman ako sa sinabi ko sa kanya. "Sure ako na ikaw ang tinutukoy niya. Alam mo ba na gusto ka niyang gawing model para sa darating na fashion show?"
"Wow! Totoo ba 'yan? Ang tagal ko nang pinangarap maging model!"
Halata ko kanyang mukha ang pagiging excited.
"I-cha chat ko si sir mamaya para malaman ko ang ibang details. By the way, thank you for that news Joe!"
I was so shocked to learn about this. "Hold on a sec, you are chatting with him?" I asked in wonder.
"Yes, we used to be close that is why I chatted with him for a while. Why did you ask?"
"No, nothing!" I replied.
"Why don't we go home together?" she asked.
In as much as I'd like na tanggapin ang offer niya na sabay kaming uuwi, naka oo na ako kay Enzo. Lakas loob ko naman itong sinabi sa kanya.
"Actually, sabay kami uuwi ni sir Enzo mamaya!"
"Siguro may lakad kayong dalawa no?" tanong niya.
Wala namang mali sa pagsasabi ng totoo. "Sa katunayan, mag iinuman kaming dalawa ni sir mamaya. Niyaya ko kasi siya at hindi naman siya tumanggi!"
"Okay. Please enjoy, mukhang panatag ang loob niyo sa isa't isa. Feeling ko nga kapatid kaagad ang turingan ninyo eh!"
Deep inside, totoo naman ang sinabi ni Andrea. Pero naiisip ko kung ako ang nasa kalagayan ni Enzo, baka kaya kong mataasan ang performance ko!
"Oo naman, mabait naman si sir Enzo at masarap din siyang kakuwentuhan. Medyo nahihirapan lang akong makipag sabayan ng english sa kanya!"
"Hayaan mo na, masasanay ka rin niyan. At least nae-enhance mo rin ang english speaking mo. The fact na honored student ka means madali lang matutuhan lahat ng bagay para sayo!"
"Salamat Andrea, ang bait bait mo naman!"
"Siya nga pala, ano pa ang iba ninyong napagkwentuhan?"
Bigla namang nagbukas ang mga ilaw. 1 p.m. na pala at ni hindi man lang namin napansin ni Andrea dahil na rin sa sarap ng kwentuhan namin. At kagaya ni Andrea, tinanong rin ako ng iba pa naming mga kasamahan kaya naman para na naman akong sirang makina na paulit ulit sa pagkukuwento.
Lumipas ang araw na ito at uwian na. Papatayin ko pa lang sana ang computer ko nang biglang nagsend sa akin ng email si sir Enzo. Siguro ay nakuha niya ito kay Ma'am Lanie pero hindi ko na ito tinanong pa sa kanya.
"Hello Joe, please wait at the parking lot. Need ko lang tapusin ang mga reports ko then aalis na tayo mamaya!"
Nakiusyoso naman si Andrea sa email ko.
"Naks! Mukhang tuloy na tuloy na talaga ang lakad ninyo ni sir ah?"
Nginitian ko si Andrea. "Oo hehe. Pero babawi talaga ako sayo, sir Enzo does not take no for an answer kasi!" pagpapaliwanag ko sa kanya.
Inayos na ni Andrea ang kanyang mga gamit habang nagsasalita ito. "Ano ka ba, okay lang naman sa akin 'yun. But I hope ma enjoy ninyo ni sir ang bonding niyo. Mauna na ako ha?"
"Ingat," pagpapaalam ko sa kanya.
Nagpaalam na rin ang iba naming mga kasamahan sa trabaho at ako na lang ang natitira. I turned off my pc at nag c.r muna ako ng saglit. Pagpasok ko sa toilet, mayroong dalawang lalaki na pumasok at tila ba ako yata ang pinaparinggan nila sa chismis nila.
"Pre, alam mo ba 'yung bagong lalaki sa marketing department?"
"Yun ba yung mayabang umasta? Parang feeling ko nga manyakol rin ang lalaki na 'yun eh!"
Nangginig ang laman-loob ko sa sinabi niya. Although aminado naman ako na totoo rin naman ang sinabi niya sa akin.
"Mukhang popormahan niya ang chicks mo dun eh, tapos mukhang sisipsip din siya kay sir Enzo!"
"Alam mo, wala akong pakialam kung maging close sila ng mayabang na boss. But subukan lang niyang ligawan si Andrea, may kalalagyan siya sa akin!"
"Hindi ba't binasted ka nun?"
"Kung hindi mapupunta sa akin si Andrea, ayaw ko naman siyang mapunta sa iba. Lalong lalo na sa lalaki na 'yun. Ano nga ulit ang pangalan niya?"
"Narinig ko na ang pangalan niya ay Joe. Instant bayani nga kaagad ang turing ng iba sa kanya eh!"
Humina ang boses nilang dalawa, indikasyon na wala na sila sa c.r. Lumabas na ako at aminado akong nasaktan ako sa mga narinig ko. I guess, I can't please everyone at sa paninging ng iba, bida bida akong tao kahit in reality, bukal naman sa loob ko ang pagtulong.