CHAPTER 9

1010 Words
Paglabas ko ng c.r. ay naghilamos kaagad ako ng mukha upang mahimasmasan ako. Damn! Ngayon ko lang na experience na ma chismis ng ganito katindi sa buong buhay ko at tagos sa puso ang sakit. Pagbalik ko sa office, nakita ko si Enzo na nagcecellphone sa harapan ng area ko. Nakasuot siya ng polo shirt at mayroon siyang dalang bag. Ilang yapak muna bago ng paa ko bago siya lumingon at salubungin ng ngiti. "Hey bro, shall we go?" tanong niya. "Sorry for my email, puwede ka palang mag hintay rito!" Pumunta ako sa area ko at kinuha ang mga gamit ko sabay tingin sa kanya. "Okay lang naman 'yun. Actually kahit saan naman ako maghintay ay okay lang naman ako!" "Teka lang muna, ano nga pala ang social media account mo or kahit cellphone number na lang. For business purposes kasi ang email natin kaya mas maigi na kung sa ibang means tayo mag communicate!" Binigay ko naman ang number at social media account ko sa kanya. Inadd niya ako at kaagad ko naman tinanggap ang kanyang friend request. Naglakad kami papunta sa parking lot hanggang sa makita ko ang napaka gara niyang Red Ferrari. Grabe napanganga ako sa ganda! Biglang nagbukas ang kanyang sasakyan nang lumapit kami rito. Bigla naman siyang nag explain bago ko pa man siya tanungin kung paano niya ito nabili. "This is the car I purchased sa US at ipinadala ko na lang dito. Actually, it's my birthday gift for myself. Tara sakay ka!" Sobrang nag uumapaw ang sayang nararamdaman ko. Who would have thought na makakasakay ako sa isang sasakyan na kahit sa panaginip ay hindi ko man lang naranasan. Para akong nasa alapaap sa mga sandaling ito. Walang atubili akong sumakas sa front seat at tsaka sumakay si Enzo. At dahil sa first time kong sumakay, iniikot ko muna ang mga mata ko sa palagid. Lumapit naman si Enzo at ang akala ko ay mayroon siyang gagawin sa akin, 'yun pala ay aayusin niya lang ang seatbelt ko. "Relax ka lang bro," sambit niya. "Don't worry, I am a real man hehe!" "I know sir," sambit ko sa kanya. "Siya nga pala," mayroon siyang kinuha sa likod ng kanyang kotse at nagulat ako nang makita ko ito. "Kagaya ng ipinangako, sayo na ang corporate attire ko!" sambit niya matapos ibigay sa akin ang paper bag. "As I said earlier, please take care of that. Mayroon lang kaunting stain pero lalabhan mo naman 'yan diba?" I gave him an appreciative grin. "Maraming salamat sayo bro. Pramis iingat ko talaga itong corporate attire mo!" "Wag mong pupunasan ng dagta mo 'yan ha!" Nagulat ako nang makarinig ako ng green joke galing sa labi ni Enzo. Ang buong pag aakala ko pa naman ay isa siyang sosyal na tao pero hindi, nasorpresa talaga ako sa kabastusan ng bunganga niya. "Nakakagulat naman na marunong ka pa lang magbiro ng ganyan bro!" "What are you talking about?" tanong niyang muli. "The jokes in other countries are way rude than that. It's not unusual to say such a thing, so saang bar ang punta natin? Gusto ko yung magandang chicks ha? Parang kasing ganda ni Andrea!" Mukhang mataas ang standard nitong si Enzo kaya parang feeling ko, mapapahiya ako pasi puchu puchong mga bars lang naman talaga ang alam ko sa pasay. Still, wala naman akong ibang choice kung hindi ituloy ang lakad namin. "Sige, ako ang bahala sayo bro. Sagot kita!" mariing sabi ko sa kanya. Sinimulan niya namang paganahin ang makina ng kanyang sasakyan at lumarga na kami. Habang nagmamaneho siya, bigla namang nag chat sa akin ang nanay ko. "Anong oras ka uuwi, anak?" tanong niya. Kaagad naman akong nag reply, "ma medyo male late lang po ako ng uwi. Marami kasi kaming trabaho eh!" Walang ilang segundo nang mag chat ulit si Mama. "Anak, sa lahat ng tao sa akin mo pa talaga naisipang magsinungaling? Alam ko na mabarkada kang tao kaya sure ako na gagala ka na naman!" Napangisi na lang ako na napansin ni Enzo. "Sino yang kausa mo bro?" biglang tanong niya habang nakatingin sa daan. "Ah, yung nanay ko kasi nag chat sa akin at tinatanong kung anong oras ako uuwi!" sambit ko sa kanya habang nakatitig ako sa cellphone at nag iisip kung ano ang puwede kong ireply sa nanay ko. "Your mom really loves you, I wonder if my real parents were still here. Would they also care for me?" "Oo naman. Ganun naman talaga sila kahit pa minsan ay nakakayamot din. Alam mo ba ang nanay ko, kilalang kilala niya ako mula ulo hanggang paa!" "Why, did he caught you lying?" "Actually yes, tinatanong niya kasi ako kung anong oras ako uuwi. Sabi ko malelate ako but she caught me lying. Alam niya na mag iinom ako kagawa nang nakagawian ko when I was still in college!" "Really? Mahirap pagsabayin ang pag aaral at pagtotropa bro, tapos naging honored student ka pa pala!" "Yes. Alam mo ba na second choice ko lang ang business management. My first dream is to become a fashion designer kaso lang para sa akin, masyadong pambabae ang course. Noon kasi sa school namin, mahilig talaga akong mag design ng sarili kong line of clothing but I stopped pursuing it kasi karamahin ng mga nakakasama ko sa school ay puro mga babae!" "Talaga? May I see kung ano ano ang mga designs mo? I think we can utilize your talent for our upcoming projects. Malay mo, i-consider ko ang mga designs mo!" Napakamot naman ako kaagad sa ulo. "Sir, ang problema kasi wala po sa akin ang mga designs ko. Nasa school na po nakatambak lahat!" nahihiya kong sabi sa kanya. "Bro, that ain't a problem to me. If you want, you can make new designs for the summer theme. Although we are almost done with finalizing the clothes to present, we can have a last minute change. After all, ako naman ang mag a-approve ng mga desings at kapag nagustuhan ko ang mga gawa mo, puwede natin 'yang iparampa sa mga models!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD