Chapter Two

2320 Words
"Beshy!" Nagising ako sa dumadagundong na sigaw ni Trinity. Hinahabol ko ang aking malalim na hininga— na parang tinatakasan ang mamamatay tao sa isang eksena. Basang-basa ang suot kong damit, maging ang papel na nasa ibabaw ng aking mesa na nadaganan ng aking mukha nang hindi namalayan ang aking pagtulog. "Besh, binabangungot ka," sabi niya at humugot ng maraming tissue sa isang maliit na plastic box at pinunasan ang buo kong mukha hanggang leeg. Napalunok-laway akong sinuyod ang buong suot niya— naka pajama terno siya na kulay blue. Napakagat-labi ako at malakas na iniuuntog ang aking ulo sa ibabaw ng mesa dahil kumikirot ito. Napaka-unethical ng aking pananginip, bakit sobrang vivid. Nakakatakot. "Tama na 'yan Gracia! Ano bang ginagawa mo? Natatakot na ako," garalgal na boses ni Trinity sa aking likuran. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang miyembro ng aking pamilya. Bakas ang pag-aalala sa kanilang mukha nang lumapit sa'king kinauupuan. "Grace, anong nangyari?" tanong ni Mama. Sapo ko ang aking dibdib at bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Tumayo ako't tumakbo sa direksyon ng aking magulang at niyakap ang aking ina. "Masamang panaginip, isang napakasamang panaginip." Niyakap din ako ni Papa. "Panaginip lang 'yon anak. Sige na magpahinga na kayo. Itigil mo na muna 'yang ginagawa mo. Magdasal ka muna bago matulog, hija." "This is the reason why," sambit ni Kuya habang nakatuon ang mga mata at binubuksan ang bawat pahina ng luma kong notebook na ginawa kong basehan ng assignment. Nagpunas ako ng luha. Nilapitan ko si Agapeth at pilit na inaabot ang kuwadernong hawak nito. "Kuya naman e, bigay mo na 'yan, that's my work a year ago!" Ngumisi ito ng mapanuya. "Why so defensive?" At iniharap sa aming lahat ang nakasulat sa lumang notebook na tanging kami lang ni Trinity ang may alam ng corresponded letters. Sinubukan kong hablotin ulit sa kanya subalit itinaas nito habang nakatingalang binabasa. "GZGZ NZR ZH ZQQZXD." At nagpatuloy na binabasa isa-isa ang mga letra. "X SZVPNB JE JWJ NZUXHP CYI OXBN JE TDWBNYD." Halos tumagos ang puso ko sa narinig. Sa dinami-rami ng pwedeng basahin na mga titik bakit sa parteng iyon pa. "Allien words ba ito?" dagdag ni Kuya at bumulanghit ng tawa. Pinunasan pa nito ang naluluhang mga mata. Kumunot ang aking noo. "Akin na nga 'yan!" At hinigit sa kamay nito ang aking kwaderno. Inihagis ko ang bagay kay Trinity na nakaupo sa aking kama. That's unimaginable story... full of immorality. Nahihiya ako na mabasa ng ibang tao 'yan. "Thats enough. May pasok pa kami ng mama niyo. Son, turn off their light before you leave, nang makapagpahinga na sila," sabi ni Papa. Ngitian ni Kuya ang aming magulang. "Kakausapin ko lang po muna saglit si Grace, Pa... nang kaming dalawa lang." At ibinaling ang mga mata kay Trinity. Sumangayon naman ang aming magulang at tuluyan na silang lumabas ng aking silid. Nakangiti si Agapeth habang ginugulo ang aking buhok. Tumikwas ang aking labi at napabuntong-hininga. "Besh, lalabas na ako," paalam ni Trinity. "Besh?" sambit ni Kuya at pait na ngumiti. "Go to my room, Babe." Nagtinginan kami ni Trinity at bagsak ang kanyang mga matang lumabas— walang siyang imik na isinara ang pinto. Kumunot ang noo ko sa inaasal ng kapatid ko sa aking bestfriend. Kaya minsan may pagkakataong ayaw kong maging sila dahil baka mag-away lang kami ni Kuya kung paiiyakin nito si Trinity. Pinulot ni Agapeth ang mga nilamukos kong papel na nasa sahig at binuksan ito. Mabilis ko namang inagaw at itinapon sa basurahan. Kinuha naman nito sa ibabaw ng mesa ang patapos kong senaryong ginawa para sa aking assignment at ito'y kanyang binasa. "Incestuous Relation—" Hinablot ko agad ang papel na hawak bago nito mabasa ang lahat ng nakasulat. "Ano bang gusto mong sabihin, Kuya?" "An incestuous relationship, is one involving s****l intercourse between two members of the same family," adlib nito at pait na natawang napakamot sa sariling batok. Nagumpisang dinaga ang aking puso sa unusuall na facial expression nito. "Walking google? O sige na, ikaw na ang matalino. Saan pa at naging teacher ka." At nanginginig ang aking labing nginitian ito. Sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito. "May gamot ka pa ba?" Tumango ako at napakagat labi. "Buti you remind me. Tatlong araw na pala akong hindi nakakai—" "Bakit mo kinalimutan!" Kasabay ng malakas na sampal sa aking mukha. Napasubsob ako sa study table at tumama ang ulo ko sa kanto nito. Umiikot ang aking paningin kaya mariin kong ipinikit ang aking mga mata at muling ibinuka. Kinapa ko ang aking basang noo at nakita ko sa aking kamay ang dugo. Sisigaw sana ako nang mabilis nitong naagapan ang aking bibig. Halos lumuwa ang mga mata ni Agapeth, kasabay na lumaki ang butas ng ilong nito. "Trinity taught me how to read those letters before. So, you remembered everything now?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Nakatitig ako sa mga mata ni Kuya na parang maamong tupa, habang pinagpapawisan ang buo kong katawan. "Ano bang pinagsasabi mo Kuya," katagang sinasabi ko ngunit tanging ungol ng boses ko ang lumabas. Kakapusin na ako ng hangin dahil sa higpit ng kamay nitong nakapatong sa aking bibig at halos natakpan na rin ang butas ng aking ilong. Muli kong ipinikit ang aking mga mata dahil inatake na naman sa sakit ang aking ulo— pakiramdam ko ay sasabog ito. Kumawala ang kamay nito mula sa aking bibig. "Breathe sister, breathe." At muling tinakpan ang aking bibig at ngumisi na parang aso. Parte pa ba ito ng panaginip ko? Bakit ganito? Mama! Papa! Kuya! Bes! Gisingin niyo ako! Ang ngiting aso ay napalitan ng ngiting demonyo. "Does your memories creeps your consciousness again?" At sinakal ako papunta sa pader. Tumingkayad ako sa abot ng aking makakaya. May nakapa akong medyo may kalakihang bato, na isa sa collection ko na nasa ibabaw ng study table. Halos lumuwa ang aking mga mata at pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga. Tila nasisiyahan si Kuya sa larong ginagawa. "You never expect this kind of taboo relationship right?" At nagawa pang pasadahan ng hinlalaki nito ang aking mga labi. Bahagya ako nitong ibinaba habang mahigpit parin ang pagkakasakal sa akin. Inilapit nito ang mukha sa aking tainga at inihipan. "It exist... in our family." At buong lakas kong ipinukol sa mata nito ang hinahawakan kong bato. Nabitiwan ako nito kaya sinipa ko ang p*********i ni Kuya. Nauubo akong hinahabol ang aking hininga. Buong lakas akong sumigaw. Lumagapak ang likod ko sa pader dahil sa lakas ng pagtulak nito nang tawagin ko ang aming ama. Dahan-dahang dumausdos ang aking nanghihinang katawan at napahawak ako sa kumikirot na tiyan. Iniluwa mula sa pintuan ng aking kuwarto ang tila naka-slow motion at malabong anyo nina Trinity, Mama at Papa. Narinig ko ang boses ng aking ama. "Anong ginawa mo!" Nilalabanan ko ang pagsara ng talukap sa aking mga mata hanggang sa tuluyang bumagsak ito kasabay ng nanlalambot kong katawan. Ramdam kong may bumagsak sa sahig. Naririnig ko sila pero iilang usapan lang ang aking naiintindihan. Dama ko ang pagtangis ni Trinity. "Beshy! Gumising ka! I-I'm sorry!" "You had an affair, right? Sinabi niya lahat sa'kin," boses ni Kuya at tila napilitang tumawa. Hindi ko man alam kung sinong kausap nito pero parang gusto kong bumulanghit ng tawa— na tanging ang utak ko lang ang nakagawa. Dahil sa ginawa ng nagmamagaling kong kapatid ay naalala ko lahat— mga alaalang nawala, lahat-lahat simula umpisa kung bakit ako nagkaroon ng malaking peklat sa ulo at sinabing aksidente raw akong nadulas sa aking banyo kaya ko ito natamo. Isang taon ang nakararaan, araw ng sabado. Malakas ang ulan sa gabing iyon na may kasamang kulog at kidlat na nakakatakot. Kasama ko ang matalik kong kaibigan— nagsasaya sa loob ng aking kuwarto. Hanggang sa nagdesisyon kaming pumunta sa basement at doon mag-inuman. Mabilis na ipinulupot ni Trinity ang kamay sa aking braso nang narinig namin ang kalampag sa loob ng kuwarto ni Kuya habang pababa kami ng hagdan. "K-Kuya?" sigaw ko. "O-O," sagot nito kasabay ng kidlat. "Let's grab some drink!" "Pass! Ah-I'm not feeling well." Kumunot ang noo ko sa mababang ungol nito. Kumawala ako sa bisig ni Trinity at tumakbo sa kuwarto ng aking kapatid. Pinihit ko ang door knob pero naka-lock ito. "Kuya! Siguradong okay ka lang?" Hindi ito sumagot sa halip ay binuksan nito ang pinto at kita ko ang malalaking butil ng pawis sa kanyang mukha at basa ang katawan nito na tanging jersey shorts lamang ang suot. "Ayos lang ako. Uminom na ako ng gamot." "Sigurado ka ha? Sige na magpahinga ka na," sabi ko at sumenyas na bababa na ako ng hagdan. Ngumiti ito at isinara ang pinto. Nasa basement na kami ng best friend ko. Sa dulo at pinakasulok na parte kami tumambay. Sinubukan naming inumin ang paboritong wine ni Papa. Habang nagkukuwentuhan ay narinig namin ang boses ni Papa kausap ang kasambahay mula sa hagdan ng basement. Tinakpan ko ang bibig ni Trinity at inilapat ang aking hintuturo sa aking labi. Nakaupo ang aking ama sa cleopatra na sofa— tapat ng babasaging mesa. Mayamaya ay bumalik ang katulong, nilapag nito sa mesa ang bitbit na tray na may baso at yelo. Nagtungo ito sa isang rack kung saan nakahilera ang paboritong wine ni Papa. Natigilan ito— marahil napansin ang bakanteng wine holder kung saan ako kumuha ng isang bote. Lumapit ang babae sa direksyon ng aking ama— mariin kong ipinagdikit ang aking mga labi dahil baka magsumbong ito na nawalan ng isang bote. Nanlaki ang aking mga mata nang umupo ito sa kandungan ng aking ama at masuyong hinalikan si Papa. Nanginginig akong humakbang para lapitan sila, pero mabilis akong hinawakan ni Trinity at tinakpan ang aking bibig. Umiling at sumenyas siyang i-zipper ang aking bunganga at nakaturo ang dalawang daliri sa aking mga mata na itinuro naman sa direksyon nina Papa. Naikuyom ko ang aking palad. Nangangatog ang buo kong katawan at dinig ko ang malakas na kabog ng aking dibdib dahil sa galit. Bumalik ako sa puwesto namin ni Trinity at nilaklak ang natitirang alak. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at tinakpan ng palad ang magkabilaan kong tainga. Niyakap naman ako ni Trinity habang hinihimas ang aking likod. Sobrang sakit ng aking ulo nang nagising ako. Hinilot ko ang aking sentido. Nasabunutan ko ang aking sarili at parang pinipiga ang aking puso. Pagkatapos kong lagukin ang alak sa gabing iyon ay hindi ko na alam kung sino ang umalalay sa'kin paakyat ng kuwarto. Sigurado akong dalawang tao 'yon, at marahil si Trinity ang isa. "Bes, anong nangyari kagabi?" Ginising ko si Trinity. "I'm still sleepy," pagmamaktol niya habang sinisipa ang unan sa kanyang paanan. "You're drunk last night. Sakit ng likod at balikat ko, ang bigat-bigat mo," tinatamad niyang kuwento. "May nangyari ba kagabi?" "Nothing. Why?" Tamad pa rin niyang sagot. "Are you sure? I remembered it clearly... I ate your pussy." Mabilis siyang bumangon. "What! Yuck! Ang bastos mo Grace!" At pinaghahampas ako ng unan. Pait akong natawa. "Joke lang!" Habang sinasalag ang pagpalo niya. Ngumiwi ang bibig ni Trinity. Naisip ko kung wala ba talaga siyang naalala, dahil may high tolerance siya ng alak at nagawa niya pa akong pigilan na sugurin sina Viana at Papa—kung tutuusin ay mas marami pa akong nainom sa kanya. Naisip ko na baka takot siyang magsalita tungkol sa nakita. Nag-umpisa akong magduda kay Papa hanggang sa naulit muli ito sa dating lugar. Tuwing uuwi ito mula sa ospital ay dumideretso ito sa basement na sinusundan ni Viana. Dala ko ang aking cellphone at inabangan ko silang dalawa— at hindi ako nagkamali. Nanginginig ang kamay kong kinuhanan sila ng video. Halos hindi naalis sa aking mukha ang nagpang-abot kong kilay at nagbabaga kong mga mata. Ang babae ang nagmamaneho habang napapaungol sa sarap ang aking ama sa bawat giling na ginagawa ng impakta. Pait akong natawa nang sambitin ng bruha ang pangalan ni Papa. "V-Von, hinay-hinay l-lang... a-ahh." "Shh. Masarap ba?" Ipinasok ni Papa ang daliri sa bibig ng ingrata habang nilalamas ang s**o nito. "S-Sobra... Uhm. I'll push it harder. Oh s**t! Suck it harder." At mariing kinagat ang daliri ng aking ama. Kinikilabutan ako sa aking narinig at nag-aapoy na ang katawan ko sa galit. Pinutol ko ang pagkuha ng video dahil naasiwaan ako sa ungol nilang pareho. Gusto kong magsumbong kay Mama ng personal at kung ayaw nitong maniwala ay ipapakita ko ang video ni Papa at ng bruhilda. Tila kakapusin ako ng hangin dahil sa puot na aking naramdaman. Kumakabog ang aking puso. Gusto kong sumigaw pero nagpigil ako. Nagtungo ako sa kwarto nina Mama pero wala ito roon. Tinawagan ko si Kuya pero walang sumasagot. Binuksan ko ang kwarto ng kapatid ko at bumungad sa'kin ang hubo't hubad nilang katawan— ang aking ina na nakaluhod sa harap ni Kuya habang ang kapatid ko ay nakapikit ang mga mata, nakaliyad na nakaupo sa kama at napapamura habang halos sabunutan ang buhok ni Mama. "Ang bababoy niyo!" Nang sumigaw ako'y 'tsaka lang nila ako napansin. Nanlaki ang mga mata nila. Mabilis na tumayo si Mama at hinablot ang kumot at ibinalot sa sariling katawan. Humakbang ito palapit sa'kin habang nagpupunas ng bibig. Napaatras ako, nanlambot at nasuka sa kababoyang ginawa nila. Nahulog ang cellphone na aking hawak at nasipa ko ito; huli na nang napansin ko at napunta na sa ilalim ng cabinet, na nasa hallway malapit sa kuwarto ni Kuya. Kumiling ang ulo ko at nanlaki ang aking mga mata nang isang matigas na bagay ang tumama sa likod ng aking ulo. Bumagsak ako sa sahig at nakita ko pa na hawak ni Kuya ang baseball bat habang si Mama ay nakatayo lang— walang ginawa. Hanggang sa nagising ako sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Papa— may benda ang ulo at walang naalala sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD