bc

Assignment: Incestuous

book_age18+
540
FOLLOW
2.1K
READ
murder
family
aloof
twisted
bxg
mystery
female lead
small town
abuse
friendship
like
intro-logo
Blurb

WARNING: With explicit s****l scenes, contains profanity and sensitive issues. Please read at your own risk.

"Yes I did," sagot niya sa katanungan kung pinatay niya ang kanyang kapatid at ina.

Si Grace Fuentabella, twenty-five years old college student. Sa tulong ng bagong kaibigan at pamilya ay nagawa niyang ibaon sa limot ang madilim na nakaraan at lumaki siyang masaya. Ngunit, ang pamilyang kinalakihan ay may tinatagong maling relasyon na hindi niya kayang pigilan— hindi katanggap-tanggap sa batas at huhusgahan ng sinuman.

Dahil sa isang assignment ay napukaw ang kanyang masalimuot na alaala; nawala ang mga taong naging mundo niya na naging dahilan ng paghimas niya sa malamig na rehas.

"Walang sinuman ang naging masaya sa kanilang buong buhay. Gayundin, walang sinuman ang naging malungkot sa kanilang buong buhay."

A dramatic psychological-mystery-thriller. A sacrificial confession/mentally ill confessor.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Naglalakad ako sa kahabaan ng kalsada pauwi sa aming bahay— nag-iisip, dahil kunti na lang ay mabubuang na ako sa isang subject namin. Hanggang nasa tapat na ako ng aming bakuran, at tanaw ko ang dalawang palapag naming tahanan — ay wala pa rin ideyang pumasok sa aking isipan. "Gracia!" Napalingon ako sa direksyon ng boses. Kabababa lang ni Trinity sa isang taxi na huminto sa tapat ng kanilang mansyon. Litaw na litaw ang magandang hubog ng kanyang katawan sa suot niyang fitted croptop na kulay pula at itim na skinny jeans. Halos kinaiingitan siya ng maraming babae at pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan. Natawa ako nang yumuyugyog ang kanyang s**o habang tumatakbo patungo sa aking kinatatayuan. Sapo niya ang dibdib, hinahabol ang hininga at ngumiti ng matamis. "Tapos ka na ba sa assignment mo? You need help?" At ipinilupot ang kamay sa aking braso. Nginitian ko siya at umiling bilang sagot. "Galing ka pa ba sa shop mo?" Umiling siya. "Hinatid ko sina Mama at Papa sa airport. Beshy, can I sleep at your house?" At may pa-beautiful eyes pang nalalaman. "Ako lang mag-isa sa bahay e. So I can see your pretty brother na rin," dagdag niya sabay taas-baba ng dalawang kilay at ngumisi na siyang ikinalitaw ng malalim na dimples nito sa pisngi. "Tigilan mo na pagpapantasya kay Kuya. Iba ang type no'n," panunukso ko sa kanya. Nanatili siyang nakangiti at niyakap ako ng mahigpit sa beywang. "It's okay. As long nakikita ko siya, it doesn't matter if hindi niya ako type." "Sige na, dahil holiday naman bukas, dito ka na matulog. Anytime pwede ka rin namang pumasok sa flower shop mo. Kunin mo na ang gusto mong kunin sa bahay niyo't hihintayin kita," sabi ko at ininguso ang daan papunta sa bahay nila. Pinagmasdan ko siya hanggang nakaabot siya sa kanilang gate— apat na bahay ang pagitan mula sa aming tinitirahan. Abot tainga ang kanyang ngiti nang nakalabas ng mansyon nila bitbit ang puting paper bag. Hindi na siya nag-abalang magbihis. Natawa lang ako at napakamot sa batok—gustong-gusto niya talagang akitin at makuha ang puso ng kapatid ko, kaso, conservative si Agapeth. Nang pumasok kami sa bahay ay naabutan namin sina Kuya, Mama at Papa na masayang nanunood ng t.v sa sala. "Ma, Pa. Nandito na ako. Kasama ko si Trinidad," bati ko sa aking magulang sabay diin sa makalumang pangalan ni Trinity. Natawa sila habang ang kapatid ko naman ay nagbabaga ang mga matang nakatitig sa aking kasama. "Magandang hapon po, Tita at Tito." Nilapitan ko si Papa para magmano at kay Mama rin sabay halik sa pisngi. Pinasadahan ko ng aking palad ang nakabusangot na mukha ni Kuya at pinisil ko ang hindi katangusang ilong nito. Ginaya rin ni Trinity ang ginawa ko sa aking magulang at pagdating kay Kuya ay nagtago siya sa aking likuran— kaya nilingon ko siya. "Hi, Agapito," bati niya na abot hanggang langit ang ngiti at parang ibong nabalian ng pakpak na kumakaway kay Kuya. Tumayo si Kuya at kita ko ang pag-alsa ng magkabilaang balikat nito 'tsaka nagtungo sa kusina. Kinakapa ni Trinity ang kanyang lalamunan. "Besh, namamalat ang throat ko. Inum lang ako ng tubig." At sinenyasan akong siya lang ang kukuha. Napatingin sina Mama at Papa sa direksyon ng dalawa. Mariin kong itinikom ang aking mga labi at pinigilang ngumiti. Masyadong kang halata Trinidad. “Ma, Pa, akyat na po ako. Pakisabi kay Trinity sumunod na lang po siya. Gagawin ko pa kasi assignment ko." Tumango silang pareho bilang tugon at nginitian ako. Nasa kalagitnaan ako ng hagdan nang muli ko silang nilingon. Nakita ko na nagkakamabutihan sina Kuya at aking kaibigan, habang si Mama ay nakahilig sa balikat ni Papa at pareho silang tumatawa sa pinapanood nilang palabas. Laking pasalamat ko sa Diyos na napabilang ako sa ganito kasaya, mapagmahal at mapayapang pamilya. Naipikit ko ang aking mga mata dahil sa sakit ng aking ulo— nasobraan siguro kaiisip tungkol sa nakabinbin kong assignment na ipapasa na sa makalawa. Hindi ko alam kung paano ko magagawa o gagawan ng senaryo 'yon dahil ni minsan ay hindi ko naranasan, at hindi ko alam ang magiging epekto sa'kin kung maranasan ko ang ganoong sitwasyon. Patakbo akong umakyat sa aking kuwarto. Naupo ako sa harap ng aking study table at nag-umpisang magsulat ng iba't ibang ideya sa pinaglumaan kong notebook. Hanggang sa nakailang punit at lamukos ako na nakalatag lang sa ibabaw ng aking mesa. "Grrr," atungal ko sabay wagagwag ng ang aking mga paa. Isinandal ko ang aking katawan sa inuupuan kong swivel chair at pinaikot ito. "Ay empakta!" Sabay angat ng aking puwit. Bumulanghit ng tawa si Trinity habang nakaupo sa aking kama. "Hindi mo man lang ako naramdaman Beshy?" Nasapo ko ang aking dibdib. Napabuntong-hininga at umiling. "Kanina ka pa ba riyan?" Ngumisi siya. "Mga two minutes? Kain na raw sabi ni Tita. Mukhang ako pa ang anak at ikaw ang bisita." At pinisil ang aking pisngi. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at hinatak ako patayo— ako naman, nagbigat-bigatan ng katawan. Bigla ko siyang dinaganan at bumagsak kaming pareho sa malambot na kama. Tawanan kami habang sinusundot ang isa't isa. Nagbibiro pa siyang halikan ako pero ngumiwi ang aking bibig na itinutulak palayo ang kanyang mukha. "Naglalaro pa rin kayo? Hindi pa ba kayo nagugutom na dalawa?" Sabay kaming tumingala sa bukana ng pinto habang nanatiling siyang nakanguso. Nakita namin ang seryosong mukha ni Kuya. Si Trinity na ang sumagot, "Sorry na po." At naunang bumangon. Natawa akong tumayo. "Kuya, daig mo pa ang babaeng may regla." Napabuntong-hininga ito. "Grace, alam mong masama na pinahihintay ang pagkain. Baba na at naghihintay na sina Mama at Papa." At tinalikuran kaming dalawa. "Opo!" Tinginan kami ni Trinity. "Sungit," sambit naming pareho na walang tinig kaya kami'y napahagikhik. Hindi na bago si Trinity sa'min. Nag-iisa lang siyang anak ng kanyang mga magulang. Bata pa lang kami ay lagi na kaming magkasama hanggang sa paglaki. Higit pa sa magkapatid ang turingan naming dalawa. Masaya kaming nagkuwentuhan sa harap ng hapag kainan. Hanggang sa natapos kaming kumain pero si Kuya— humirit pang magsalita. "Ma, Pa. May gusto akong ipakilala sa inyo." Tinginan sa isa't isa ang magulang namin at halatang kinikilig para kay Agapeth. "Sige anak, masaya ako para sa'yo. Invite her here, to have dinner with us." Napahawak sa batok si Kuya. Namagitan ang katahimikan sa aming lahat. Napansin ko ang mga mata nitong malagkit na nakatitig kay Trinity. Pinagmasdan ko ang aking kaibigan, namumula ang kanyang mukha at pinipigilang ngumiti. Napahalakhak ako at nabilaukan sa sariling laway. "Huwag niyong sabihing..." At palit-palit ang turo ko sa kanila habang naluluha ang aking mga mata. "Si Trinity, girlfriend ko." "Kaya nakabusangot si Agapito kanina dahil sa suot ko. Ayaw niya raw pinagpapantasyahan ako ng ibang lalaki," panunuya ni Trinity kay Kuya at malutong na tumawa. Kuwento nilang dalawa ay matagal ng nanliligaw ang kapatid ko sa kanya. Alam din ng mga magulang niya dahil laging bumibisita si Agapeth sa bahay nila— at magdadalawang araw pa lang nang naging opisyal ang kanilang relasyon. Nang matapos ang masayang kuwentuhan na may kunting asaran ay napagpasyahan naming magpahinga, dahil may pasok pa ang aking mga magulang kinabukasan— kailangan ko ring gawin ang naiwang takdang-aralin. "Beshy, susunod lang ako sa kwarto mo. Usap muna kami ni Agapito," diin niya sa pangalang tawag kay Kuya. Ibinaba ko ang hawak na lapis at nag-unat ako ng katawan habang nakaupo sa harap ng aking study table. Alas dos na pala ng madaling araw nang sumilip ako sa table clock. Lumingon ako sa aking kama at wala roon si Trinity. Hindi ko naramdamang pumasok ito o lumabas ng aking kuwarto. "Baka katabi si Kuya sa pagtulog," usal ko at napangisi sa maruming naiisip. Napagdesisyunan kong uminom ng beer, total ay wala namang pasok kinaumagahan. "Sila may partner, ako wala," bulong ko at natawang bumababa ng hagdan para magtungo sa kusina. Naisip kong mag-wine na lang kesa mag-beer. Ngunit wala ang paboritong wine namin ni Papa sa wine rack na nasa ibabaw ng countertop. Nagpasya akong bumaba ng basement kung saan may wine cellar kami. Kumabog ang dibdib ko nang may narinig akong mababang ungol. Nanlaki ang aking mga mata nang narinig ang boses ni Trinity. "V-Von, hinay-hinay l-lang... a-ahh," sambit niya ang pangalan ng papa ko. "Shh. Masarap ba?" Naipikit ko ang aking mga mata nang nakumpirma ang boses ng aking ama. "Sobra... Uhm. Owsh... Push it harder." Nakakakilabot. Uminit ang aking mga tainga at ramdam ko ang init ng aking hininga—para akong dragon na naglalabas ng apoy mula sa aking ilong. Dahan-dahan akong lumapit sa direksyon na pinangalingan ng boses habang nanginginig sa galit. Nagsitayuan ang balahibo ko sa buong katawan sa bawat ungol ni Trinity at mahihinang mura ni Papa. Gustong kong magmura pero tila walang boses na lumalabas sa aking bunganga. Nagbabaga ang aking mga mata. Nakita ko ang matalik kong kaibigan na nakatayong nakasandal sa pader at nagpaubaya ang katawan sa ginagawa ni Papa na tanging t-shirt lang ang suot. Walang saplot pang-ibaba si Trinidad; nakaangat ang damit niya at litaw na litaw ang malulusog niyang dibdib na nilalamutak ng aking ama na parang sanggol na ilang oras na hindi napadede ng ina. Napaungol ang empakta at tumirik pa talaga ang mga mata sa labas-masok na sandata ng hayop kong ama. Buong lakas kong itinumba ang isang wine rack. Nagsilaglagan ang mga laman nitong bote. Nagkalat ang mga bubog at wine sa sahig. Nakita ko ang demonyitang ngiti ni Trinidad. "Isa kang puta! Trinity Mendez!" At umalingawngaw sa buong basement. Gusto ko pang magmura pero hindi ko alam kung bakit 'yon lang ang nakayanan kong sambitin. Dali-dali akong bumalik sa taas para magsumbong kay Mama— sigurado akong narinig nila ang komosyon na nilikha ko. Halos lumipad ako sa hagdan maabot ko lang ang kwarto nila. Pagbukas ko ng pinto ay wala ito roon. "s**t!" Naisip ko baka on-call ang aking ina sa clinic at nang nakaalis ito ng bahay ay ginawa nila ang kawalang-hiyaang iyon. Napansin kong hindi sumunod sa'kin ang malandi kong kaibigan at ang hinayupak kong ama. Nagpatuloy pa ang mga hayop? Aso lang? Lalong kumulo ang dugo ko— kunting push na lang at parang bulkan na akong sasabog. Naisip kung kuhanan sila ng video bilang ebidensiya pero ang tanga ko dahil huli na. Bigla akong may naalala. "Si Kuya, kailangan niyang malaman ang kalandian ng bago niyang syota at kataksilan ni Papa." Tila kakapusin ako ng hangin dahil sa puot na aking naramdaman. Nagtungo ako sa kwarto ng tulog-mantika kong kapatid. Pagbukas ko ay bumungad sa'kin ang hubo't hubad nilang katawan— si Mama, gumigiling ang katawan na nakapatong kay Kuya, habang si Agapeth ay nakaliyad na nakaupo sa kama at napapamura. "Ang bababoy niyo! Ano 'to exchange partner?" Nang sumigaw ako'y 'tsaka lang nila ako napansin. Nanlaki ang mga mata nila pareho. Mabilis na tumayo si Mama at hinablot ang kumot at binalot sa sariling katawan. Humakbang ito palapit sa'kin at napangisi habang nakaangat ang isang kilay. Napaatras ako at halos masuka ako sa kababoyang ginawa nila. Akmang tatakbo ako pabalik ng aking kuwarto nang nasalubong ko sina Trinity at Papa. Nilingon ko ang kwarto ni Kuya. Kumunot ang noo ko nang sarado ito. "Beshy, may sagot ka na sa assignment mo." Beshy? Parang bulkan akong sumabog sa narinig na sinabi ni Trinity. Sinabutan ko siya at pinagsasampal kasabay ng malulutong na mura at kasumpa-sumpang mga salita. Sa sandaling 'yon ay hinihiling ko na sana sa bawat murang pinakawalan ko mula sa aking bunganga ay may magmang lumabas at tumama sa balat ng walang hiya, hanggang sa malapnos ang buong katawan niya. Todo awat si Papa sa aking ginagawa. Maging sina Kuya at Mama ay lumabas ng kuwarto at inaaawat kami. Ngunit malakas akong nagpumiglas. Nangigigil ako. Gigil na gigil sa kanya. "Gusto kitang balatan ng buhay impakta ka! Assignment huh. Assignment kong patayin ka walang hiya ka!" Hinila ko ang mahaba niyang buhok at muling ginawa nang paulit-ulit ang kanina ko pa ginagawa. Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ang bruha, dahil tila manhid ito at hinayaan lamang ako sa ginagawa kong pananakit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit wala na ring umaawat sa 'kin. Hindi ko rin alam kung saan ako humuhugot ng lakas sa sandaling 'yon. Tatlo laban sa isa— dinaig ko yata sila dahil sa nagpupuyos kong galit, pagkatapos ng pasarap nila na para silang nakalutang sa langit. Nahagip ng mga mata ko ang tubo na hindi ko alam kung saan nanggaling. Pinulot ko ito para hambalusin silang tatlo. "Papatayin ko kayong lahat! Bakit kayo-kayo lang at hindi niyo ako isinali!" "Besh!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
277.0K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
455.2K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
968.3K
bc

NINONG II

read
620.3K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
287.6K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
270.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook