Chapter 42. Father and Son

2313 Words

Mavvie. "Hello, hello.... helloooooo everyone!" Hiyaw ni Anne sa boses na masayang-masaya na akala mo sarili niyang bahay ang bahay namin. "Ninang!" Sigaw rin ng anak ko nang makita si Anne sa b****a ng pintuan namin. Pati mga kapatid ko pasigaw rin siyang binati ng "Ate," na para bang siya ang totoong ate nila at hindi ako. Napailing na lang ako bahang nakakros ang kamay na mag-isang naiwan dito sa sala at nakaupo. Hinihintay talaga namin s'ya dahil nagsabi na uuwi dito sa amin. "Naku, Charlie baby you're so big now!... I miss you so much." Nanggigigil namang sabi niya sa inaanak niya habang pinauulanan ng halik ang buong mukha. Hindi naman nagreklamo ang anak ko dahil tudo rin talaga ang yakap sa Ninang. Kinarga na lang siya ng Ninang niya habang kinakausap ang mga kapatid ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD