Part 1 of Final chapter (Ang Kamatayan ng Diyosa) fr: Book 1 Fuckboy Desire 'My Girlfriend is a Freak Doll
Sama-sama akong nilulusob ng mga kawal ng Emerald Kingdom, isa-isa at walang habas ko silang pinapaslang sa pamamagitan ng matatalim kong kuko at mahaba kong buntot.
Kahit anong sigaw ko para bigyan ng babal na huwag akong labanan, atuloy pa rin nila akong sinasagupa.
"Sumpain kang halimaw ka!" Isang mabangis na sigaw ang binitawan ni Fortress kasabay nun ang paglundag niya sakin. Nasalo ng matigas kong kamay ang malaking palakol na gamit niya ipangpupukol sakin.
Sobrang lakas ng kapatid ni Lyka, halata yun sa naglalakihang mga muscle sa kanyang katawan similar to a body builder. Hindi ako makapaniwalang naihagis ko siya sa di kalayuan.
Sumunod na sumagupa sakin ang iba pang kapatid ni Lyka. Hindi ko maipaliwanag kung paanong naririnig ko ang mga tinig nila sa napakalayong distansiya. Marahil sa kapangyarihang bumabalot sakin.
"Myst pagsamahin natin ang ating kapangyarihan para sugpuin ang halimaw." Wika ng mala sirena ang itsura na may hawak na truncheon. Isa sa mga kapatid ni Lyka.
"Nakahanda na ko Nympha!" Dinig kong sabi ng kapatid ni Lyka na lumilipad sa pamamagitan ng hangin.
Nagliliwanag ang kanilang kamay ng lumilipad na kapatid ni Lyka at ang truncheon na hawak naman ng sirena. Bumuo sila ng masa ng tubig at hangin upang ipukol sakin. Ibinaon ko sa tuyot na lupa ang aking mga kamay at kuko upang hindi tangayin ng rumaragasang pinagsamang tubig at hangin. Nabigo sila dahil hindi man lang ako natinag sa pinagsama nilang kapangyarihan. Hindi ko rin maipaliwanag ang sobrang bilis ng aking pagkilos. Sa isang iglap ay nasa harapan na ako ng sirena nang siya aking sugurin. Sinakal ko siya sa leeg at pagkatapos ay ubod lakas kong ibinato s sa kapatid ni Lyka na nagtataglay ng kapangyarihan ng hangin. Nakita kong parehas silang bumagsak sa malayo.
Why am I doing this? Why I turned into monster. Hindi ko lubos maisip kong ano itong nagyayari sakin. Pinagmasdan ko ang paligid, marami na kong napaslang at nasugatan mga kawal.
Can someone help me and turn me back into normal. God bakit nangyayari ito?! Muli kong sabi saking sarili.
Saglit akong nag-isip, inalala ko ang nanggyari before mapunta ako dito sa Avarlone. No! This can't be ito na ba yun sinasabi ni Lyka sakin na prophecy, the curse that has created by my Mom noong nabubuhay pa siya dito sa Avarlone. Ang Misteryosang babae posible siya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Anong purpose niya at dinala niya ko dito sa Avarlone just to fulfill the prophecy. Nagkamali ba si Lyka o talagang may mga bagay na hindi maiiwasan mangyayari. I stongly disagree to fate for I believe na tayo mismo ang gumagawa ng sarili natin kapalaran, pero bakit nangyayari ito!
How dare she ruin my wedding! Nasaan siya! Ginawa na ni Lyka na hindi matupad ang sumpa ng aking ina at heto, siya ang gumawa ng paraan para mangyari ang nasa prophecy. Papatayin ko siya!
Sa galit na nadarama ko ang siyang naging dahilan upang umatungal ang katawan kong halimaw. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay parang nasa loob ako ng katawan ng halimaw. Hindi ko makontrol ang sarili kong katawan. Sa paglalakad ko nakakita ko ng shield na hawak kanina ng isang kawal. Nakita ko ang mukha ng halimaw dahil sa relection ng makinang na shield na yari sa matibay na uri ng bakal.
Hindi! Isa akong werewolf na may kakaibang itsura, may tig talong sungay ako sa gilid ng aking ulo na namistulang korona. Napakatalim ng aking mga pangil. Punong puno ng dugo ang aking katawan.
Si Lyka! Siya lang ang makakatulong sakin. Naalala ko noong nasa bahay ako at nakaramdam ako ng kakaiba. Kahit nandedeliryo ako nun mga oras na yun nakita kong may ginawa si Lyka na nagpatigil sa sakit na nararamdaman ko noon. Lyka nasaan ka na? Help me please ! I'm so damn and badly need you right now. Help me get out this f*****g s**t happening on me! Lyka nasaan ka na!
Isang kakaibang tunog ang narinig ko mula sa palasyo ng Emerald Kingdom, parang tunog ng mga namumuong yelo. Nang tingnan ko ang palasyo nakita kong nakatayo sa tarangkahan ang Mama ni Lyka. Gumagawa ito ng mala pader na yelo upang harangan ang mga halimaw na nagtatangkang pumasok sa palasyo. Halos abutin na ng makapal na yelo ang isa sa pinakamataas na tower ng kanilang palasyo.
Sa kabila ng nakamamanghang kapangyarihan ng Mama ni Lyka na napakabuti sakin nang magkaharap kami. Sumisigaw pa rin sa pagkasindak ang mga mamamayan at ibat ibang mabubuting nilalang ng Avarlone. Nakakapangyanig ng laman ang kanilang paghiyaw at paghingi ng saklolo. Tangay-tangay sila ng nakakatakot na lumilipad na halimaw. Pinatatamaan ng napakaraming kawal ng sibat at palaso ang mga lumilipad na halimaw ngunit hindi sapat para sa napakaraming halimaw.
Muli na naman umatungal ang dambuhalang dragon na may maraming ulo. Nakito ko rin sa wakas ang aking Ina na kasamang lumilipad ang dragon. Mas lalo pang tumindi ang sigaw sa takot ng mga mamamayan ng Emerald Kingdom. Kaagad silang lumikas nang mamataan ang dambuhalang dragon na papalapit sa palasyo.
Sobrang kapangyarihan ang tinataglay ko na kahit sa malayo ay nakikita ko ng malinaw ang mga kaganapan. Lumapag ang Mama ko sa kinatatayuan ng Mama ni Lyka. Hindi maganda ang iniisip ko, mukhang magsasagupa silang dalawa.
Nakita kong nagliwanag ang kamay ng Mama ni Lyka at lumitaw ang isang espada na yari sa kristal o yelo. Ang Mama ko naman ay nag labas ng mahabang sibat mula sa usok.
Kasabay ng paglipad ng mga dragon na may mga nakasakay na tao, sinalakay ng Mama ni Lyka ang Mama ko at pati ang malaking dragon. Ang Mama ko laban sa Mama ni Lyka at tatlong dragon laban sa dambuhalang dragon.
Hindi ko maikilos ang katawan ko upang pigilan ang paglalaban ng aming mga Ina ni Lyka. Pantay ang lakas ng aming mga Ina, parehas sanay sa pag gamit ng kanilang mga sandata. Habang nagaganap ang pagtutunggalian ng aming mga Ina, Ang tatlong dragon na may mga nakasakay na mukhang mga kabalyero ayon sa kanilang kasuotan. Pilit nilang itinataboy ang dambuhalang dragon gamit ang apoy na ibinubuga ng kanilang mga bibig. Labanan sa ere ng mga dragon na nagpabilib sakin ng sobra. Hindi ko akalain sa tana ng buhay ko ay makakapanood ako ng totoong nagaganap sa mga movies.
"Miseluem halvarra!"
"Miseleum halvarra!"
Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin ang mahiwagang tinig na pinanggagalingan nito.
Sa aking paglilibot ng aking paningin nakita ko si Eyhan, ang binatang salamangkero na may hawak na nagliliwanag na palaso.
Susuriin ko sana ang kasama niyang matanda na may mahabang puting buhok at nakasuot ng napakaputing mahabang damit, nang bigla na lamang akong tinamaan ng palaso sa paa. Napahiyaw ako sa sobrang sakit pakiramdam ko'y tumagos ang palaso saking buto at bumaon pa sa lupa. Makailang ulit pa kong pinatamaan ni Eyhan ng Palaso sa ibat ibang bahagi ng katawan ko. Hindi ko na napigilan ang pag atungal at pamililipit sa sakit.
Ang matandang sa tingin ko ay isang Wizard ang siyang may likha ng magic sakin kaya hindi ako makagalaw. May sinambit na salita si Eyhan na hindi ko naintindihan. Naging espada na yari sa makinang ni silver ang dating palaso na hawak ni Eyhan.
Muling nagsalita si Eyhan tungkol sa propesiya.
"Kung hindi kaya ni Reyna Zuleika na paslangin ka, Ako na lang ang tatapos sa iyo at sa walang kuwentang sumpa na ito." Wika ni Eyhan.
Sa mga mata niya ay halatang seryoso siyang tatapusin ang buhay ko. Kailangan ko siyang mapigilan kung hindi lagot ako. Patakbong papalapit sakin si Eyhan nang may maitim na usok ang lumitaw saking katawan. Ito ang dahilan kaya nakawala ako sa magic ng matandang Wizard. Matagumpay akong nasagutan ni Eyhan ngunit nahawakan ko siya sa Leeg.
"Eyhan!!!!" Sigaw ng matandang Wizard.
Nagpupumilit si Eyhan na makawala mula sa pagkakasakal ko, ngunit wala siyang magawa sa sobrang lakas at higpit ng pagkakasakal ko sa kanya. Akmang dudukutin ko ang puso niya nang makarinig ako ng malamyos na tinig.
"Huwag Razzo!"
"Lyka! Ikaw nga ba yan pinakamamahal ko."
Inihagis ko si Eyhan sa di kalayuan upang hanapin si Lyka. Nakita kong tila may nagliliwanag na comet mula sa langit na bumubumulusok pababa. Bumagsak ito sa mataas na lupa na may malaking tipak na bato, malapit sa kinatatayuan ko.
Si Lyka nga ang nakita kong parang comet na bumagsak sa lupa. Gaya nang makita ko siyang nakasuot ng armor. Napakaganda niya sa kanyang suot. Narito na ang mapapangasawa ko para iligtas ako.
Tila nabuhayan ako ng pag-asa gaya ng mga kawal na sugatan at duguan nang makita namin si Lyka.
"Zuleika, salamat narito ka na aming kapatid." Wika ni Fortress habang tinutulungan niyang bumangon ang iba niyang mga kapatid.
Habang pinagmamasdan ko ang napakagandang si Lyka, ramdam na ramdam ko ang mahiwagang kapangyarihan na bumabalot sa kanya bilang Valkyrie. Isang wasiwas lang niya ng hawak niyang espada parang alikabok na naagnas ang mga halimaw. Laksang laksang halimaw ang lumusob sa kanya. Walang takot niyang hinarap ang mga halimaw. Sa tindi ng kakaiba niyang lakas masasabi kong isang tunay na Diyosa ang mahal ko.
Ang kapana-panabik na pagsupil ni Lyka sa napakaraming halimaw, natigil lang ng makarinig kami ng malakas na ugong mula sa isang bagay.
Nakita naming humampas ang dalawang dragon sa kinatatayuang napakataas na tarangkahan ng aming mga Ina. Dahil sa pangyayaring iyon unti-unting gumuguho ang tarangkahan. Kaagad na kumilos si Lyka upang isalba marahil ang aming mga Ina. Katulad ko na may pambihirang bilis, sa isang iglap ay nakarating ako sa kaagad kay Fortress, ngunit mas mabilis si Lyka sing bilas ng pagkurap ng mga mata ko. Naabot niya ang aming mga Ina, Hawak niya ang tig-isang mga braso ng aming mga ina. Lumulutang si Lyka sa mga oras na yun at dahan-dahan niyang inilapag ang aming mga Ina sa patag na lupa.
Pero nasindak ako sa mga sumunod na pangyayari matapos mailapag ni Lyka ang aming mga Ina. Nasaksak ng Mama ni Lyka ang aking Ina dahil nagtangka ang aking Ina na saktan si Lyka habang silay magkayakap.
"Mama!!!!" Ubod ng lakas kong sigaw dahil sa sinapit ng aking Ina.
Tumakbo ako para lapitan ang aking Ina na yakap-yakap ni Lyka. Nagbalik na sa normal ang aking Ina. Hindi pa man ako nakakalapit sa kanila ay bumagsak sa harapan ko ang katawan ng malaking dragon na may maraming ulo. Unti-unti itong naging bato. Nabigla ako isang malakas na puwersa ang humati sa katawan ng halimaw. Isang lalaki na may matipunong ang katawan ang tumambad sakin. Sa dami ng peklat na mga sugat niya sa katawan , halatang maraming na siyang pinagdaanang labanan ang naturang lalaki. Matalim ang tingin nito sa akin.
"Ares, Siya ang halimaw na tinutukoy sa propesiya!" Sigaw ng isang magandang babae na nakasuot ng baluti tulad ng suot ni Lyka.
Nilundagan niya ang katawan ng dambuhalang dragon kaya nagkandarug-durog ito gaya minason na pader. Pagkatapos noon ay inumang niya sakin ang mahabang sibat na hawak niya. Pinagmasdan ko ang bilog na pananggalang na hawak niya nakaukit ang ulo ni Medusa (Ang babaeng may maraming maliliit na ahas sa ulo.) Kung ganoon siya si Athena.
Nasa harapan ko ngayon ang mga Diyos at Diyosa ng digmaan nagliliwanag ang kanilang mga katawan nila mula ulo hanggang paa. Akala ko ay sinaunang kuwento lamang ang mga tungkol sa mga Greek Gods and Goddesses. It was really true at nabibilang sa kanila si Lyka at ang mga kapatid niya.
Sabay-sabay silang sumugod sa akin pinilit kong kontrolin ang sarili ko ngunit ang halimaw na lumulukob saking katawan ay sinagupa din sila. Hindi ako makapaniwalang kayang tapatan ng halimaw ang lakas ng dalawang Diyos. Kagaya ng ibang na hindi mahigitan ang lakas ng halimaw kong katawan. Hindi nila ako mapigilan sa pag-atake sa kanila.
"Razzo! Pakiusap labanan mo ang masamang kapangyarihang lumulukob sa iyo." Sigaw ni Lyka na nasa ibabaw ng nanigas na ulo ng dragon.
"Lyka, tumakas ka na!" Sigaw ko nang maramdamang ko siya ang puntirya ng halimaw na sumapi saking katawan.
Bakit ganoon kanina pa ko sumisigaw, but no one of them can hear me.
"Damn s**t! Lyka tumakbo ka na please!" Sigaw kong muli nang malapitan ko na siya.
Sa halip na tumakbo ay hinarap niya ako. Sinagi ng kanyang hawak na pananggalang ang inumang kong kanang kamay. Napaatras ako sa ginawa niyang iyon. Nanginig ang kamay ko nang ihanpas niya sakin ang shield na hawak niya. Napakalakas niya!
"Razzo pakiusap! Ayaw kong maglaban tayo pigilan mo ang masamang kapangyarihan na bumabalot sayo. Kontrolin mo ang sarili mo!" Sigaw ni Lyka.
"Lyka kung alam mo lang kanina ko pa hindi ko mapigilan ang sarili ko. tulungan mo ko Lyka utang na loob ayaw ko din masaktan ka." While I was saying this I felt my eyes shedding in tears.
"Sinabi na sayo batang Diyosa na kailangan mong patayin ang halimaw pero hinayaan mo siyang mabuhay." Sigaw ni Ares.
Parang umalingawngaw sa utak ko ang sinabing iyon ng Diyos ng Digmaan. Ito pala ang misyon na sinasabi niya noon. Na kaya pala hindi niya ko kayang ipaglaban dahil sa misyon na dapat niyang gawin but she never did. Hindi niya ako pinatay dahil sa pagmamahal niya sa akin.
Umaagos na ang mga luha ko saking mata. Now ko lang narealize ang hirap at ang pagsasakripisyo niya para sa akin. Mas pinili niya akong makasama kaysa tuparin ang misyon niyang pigilan ang propesiya. Ang sama-sama kong tao, maraming beses ko siyang nasaktan. Sarili ko lamang ang iniisip ko to the extent na gusto ko pang pagsabayin sila noon ni Jessica. But the truth is Lyka really loves me hindi niya ko pinatay alang-alang sa pagmamahal niya sakin.
Habang iniisip ko ang mga bagay na ito ay hindi ko namalayan na sinasagupa na ko nila Fortress, ang Diyosang si Athena at Diyos na si Ares. Balewala ang tinatamo kong sugat dahil mas malaking pinsala ang tinatamo nila mula sakin. Wala sa kanila ang makakapigil sa nagngangalit na halimaw na lumulukob sakin.
"Huwag niyo siyang papatayin siya pa rin si Razzo, ang mahal ko!" Sigaw ni Lyka.
"Nababaliw ka na ba hindi na siya si Razzo. Patayin mo na siya Lyka bago mahuli ang lahat." Sigaw ni Natalia
Pati si Natalia ay narito na rin at upang ako'y patayin.
Patuloy akong nakikipagpambuno kay Ares at Athena. Hinahampas ako Athena ng kanyang hawak na shield o pananggalang saking katawan. Hindi ko namalayan na nahawakan ako sa magkabilang balikat ni Fortress at Ares dahil dun ay hindi ko nagawa pang umatake. Akma akong sasaksakin ni Natalia gamit ang hawak niyan pilak na punyal. Kaagad siyang pinigilan ni Lyka at inagaw sa kamay nito ang punyal.
"Patawad pero hindi ito ang paraan para mapigilan ang propesiya." Sambit mo Lyka.
"Zuleika anong ginagawa mo! Sigaw ni Fortress, pagkasabi niya nito ay binitawan ako ni Fortress upang agawin kay Lyka ang punyal. Magkatulong sina Ares at Athena na mahigpit akong hinahawakan maski si Natalia ay hawak niya aking ulo at leeg. Pinagtulungan nila akong tatlo para mapigilan ako saking gagawin. Naging mabilis ang pangyayari sa pagpapambuno ni Lyka at Fortress. Matagumpay na naagaw ni Fortress ang pilak na punyal na pqg-aari ni Natalia. Palagay ko ang punyal na iyon ang tatapos sa kasaamaang bumabalot saking pagkatao.
Hindi ko akalain makakawala ako sa pagkakahawak sakin ni Athena at Ares, kaya nang susugurin ako ni Fortress inihanda ko ang napakahaba kong buntot na may matalas na buto sa dulo upang siya'y aking paslangin.
TO BE CONTINUE