OFF-CAM

OFF-CAM

book_age16+
6
FOLLOW
1K
READ
billionaire
bxg
lighthearted
female lead
campus
enimies to lovers
school
actress
like
intro-logo
Blurb

Cherill Mayne Agustine o mas kilala sa stage name na Erill Acuesta, a box office queen, multi-talented, award-winning and one of the highest-paid actresses in Philippines. She made her debut as a model, then played her first lead role in NWC hit drama In your arms (2015), the drama’s popularity soared not only in Philippines but also abroad.

Hindi maitatangging na kay Erill na ang lahat, pera at kasikatan, pero sa kabila nito ay hindi pa rin niya magawang maging masaya. Kung mabibigyan siya ng pagkakataon na pumili, mas gugustuhin niya ang isang payak at tahimik na buhay. Ngunit imposible niya iyon magawa sa industriya na kan’yang ginagalawan. Sa kagustuhan niyang maranasan na maging ordinaryo ay nakaisip siya ng paraan. She decided to disguise as a nerd.

Masaya si Erill sa kabila ng kan’yang pagpapanggap, iba man sa orihinal na itsura, nagagawa niya naman ang mga bagay na hindi niya naranasan bilang isang artista. Nakakapag-aral siya gaya ng ibang normal na estudyante, walang special treatment at malayo sa magulong mundo ng showbiz. Pero paano kung isang araw ay kan’yang makilala ang lalaking magpapatibok sa puso niya? Will she reveal her true identity off-cam?

chap-preview
Free preview
LIGHTS, CAMERA, ACTION (1)
“Box office hit ang new movie mo, Erill. Ano ang masasabi mo?” “Ano ang sikreto ng Before me at pumatok ito sa mga tao?” “Sa tingin mo ba’y magkakaroon ka rin ng award sa pelikulang ‘to?” Sunod-sunod na tanong ng mga reporters sa’kin kasabay ng walang humpay na flash ng mga camera. Kakatapos lamang ng tv guesting ko sa Your Morning Drive at heto ang bumungad sa’kin paglabas ng building. Walang nakapagsabi sa’kin na may mga darating pala na reporters. Dalawang araw pa lang ang nakakalipas nang simulan ipalabas sa mga cinemas ang bago kong movie na may title na Before me, hindi ko inaasahan na magiging ganoon kainit ang pagtanggap ng mga tao sa pelikulang ‘yon. It’s a heavy drama at tragic din ang naging ending kaya hindi ako masiyadong nag expect na papansinin ito ng mga manonood. “The movie was a hit, all thanks to my supporters.” matipid na sagot ko habang tuloy pa rin sa paglalakad, nakaalalay lang ang mga guards sa dinaraanan ko, natanaw ko ang personal assistant ko na nagaabang sa pinto ng white mercedes-benz sprinter van. Hinahabol ko pa ang aking paghinga nang tuluyan akong makapasok sa loob ng van kasunod ang assistant ko. Ilang taon ko ng ginagawa ito pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay. I get easily exhausted kapag masyadong maraming tao sa paligid ko. “Glad you make it here, that’s a pack of reporters there.” ani ng Manager ko which also my Mom, habang nakaupo sa passenger seat. “I guess it’s not a surprise tv guesting after all.” sagot ko kasabay ng pag dampot sa bottled water. We’re not expecting na mayroong mga reporters sa labas ng building dahil wala naman ibang nakakaalam na may guesting ako rito. “Don’t forget your tv guesting at the Power Hour later in the afternoon huh? Don’t be late.” Tumango na lang ako bilang pagsang ayon. “Wait, kaya mo pa bang pumasok ng school? You’re kind of busy today.” dagdag pa nito. “Don’t worry, Mom, I can manage. Plus the school year has just begun, hindi pa ‘ko puwedeng mag absent.” I answered while reaching for my phone. “Alright. I’ll see you later, Honey.” paalam ni Mom bago bumaba ng van. I was busy scanning my social media account, ni hindi ko na siya natapunan ng tingin. “Shoot! Mag a-alas otso na, Zems!” bulalas ko nang mapansin ang oras sa phone na hawak ko. Our first class will start at 8:45. Hindi na chineck ni Zemy ang oras at kaagad nitong inabot ang pink makeup box sa likuran ng sasakyan. “Kalma, Bes. Hindi tayo ma l-late.” binuksan niya ang box na hawak.  Zemy is my personal assistant and my makeup artist, we’re inseparable since we were 12. I treat her as a sister, we’re taking the same course, going in the same campus and has the same section. Magisa na lang siya sa buhay, her parents died a long time ago, no siblings and relatives, kami na ang kumupkop at naging pamilya niya.    Nilabas niya mula sa box ang isang matte black round eyeglasses, false teeth na nasa loob ng isang container, fake bangs extensions and a contact lense. Sinimulan niya munang burahin ang makeup sa mukha ko, then she started putting a primer followed by a concealer and she drew a fake mole on my lower lip using a black waterproof cosmetic pen. Ipinusod niya ang nakalugay kong buhok saka idinagdag ang fake bangs extensions. I put in the contact lenses, it changed my eye color from light brown to dark brown. Sunod kong sinuot ang eyeglasses at false teeth. “Kahit ano talagang ilagay sa mukha mo, maganda ka pa rin.” Komento ni Zemy saka niya inabot sa’kin ang hawak niyang salamin. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha ko, I look like a nerd. Ganito ang routine namin sa tuwing may klase. Nag d-disguise ako in order to live a normal life. Sobrang sarap sa pakiramdam na nakakapaglakad ako sa hallway ng campus nang hindi ako pinagkakaguluhan. Nagagawa ko ang gusto ko nang hindi nagaalala sa maaaring isipin ng mga taong nakapaligid sa’kin. “Long time no see, Cherill Mayne Agustine.” Inabot niya ang  isang simpleng white t-shirt, bold pants at black boots na isusuot ko. Tinted ang van pero binaba niya pa rin ang mga roller blinds para makasiguro. Nang makapagbihis kami pareho ay halos gumapang sya pabalik sa driver’s seat. Binuhay niya na ang makina  ng van at nag maneho na papunta sa Queensmill School of Arts. Pareho kami ni Zemy ng kursong kinuha, Bachelor of Arts in Film, dalawang taon na lamang at g-graduate na kami. Punong-puno ako ng excitement sa tuwing ma-i-imagine ko ang pag akyat ko sa stage para tumanggap ng diploma. “Bes, ang balita ko mamaya raw ang dating ng transfer student sa section natin. Sana, guwapo!” nakuha niya pa ‘yong sabihin, e, halos liparin na namin ang classroom sa bilis at laki ng mga hakbang namin. “Mag dilang anghel ka sana, nang ganahan ka naman pumasok.” sagot ko habang hinahabol ang paghinga ko. “Kapag iyon gwapo, palilipatin kita para siya ang makatabi ko.” aniya habang naka ngisi. Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko. Nakarating kami ng classroom limang minuto bago magsimula ang class. Pareho kaming humahangos sa magkatabi naming upuan nang dumating si Ms. Nolasco, may nakasunod dito na isang matangkad na lalaki. “Good Morning Everyone! May I introduce, Brylle Thomas. Starting from today he’ll be part of this section.” Humarap sa klase ‘yung matangkad na lalaki matapos siyang ipakilala ni Ms. Nolasco. Nakarinig ako ng ilang pigil na pagtawa sa bandang likuran namin. Tinignan ko si Brylle mula ulo hanggang paa. Walang dress code at uniform ang school na ‘to pero sana naman nag effort pa rin siyang mamili ng isusuot. He’s wearing a red button down polo shirt, khaki shorts and a white rubber shoes. Hindi siya mukhang papasok ng school, no wonder natatawa yung iba naming blockmates. “Lord, ba’t naman kabaligtaran ng hiniling ko ang binigay niyo. Parang kambal mo Bes, nerdy din pero malalang version mo.” bulong ni Zemy. Muli kong ibinalik sa mukha ni Brylle ang tingin ko. Makakapal ang kaniyang mga kilay, ganoon din ang lense ng salamin na suot niya. He’s wearing braces and has a classic side-part haircut. Parang napadami ang lagay niya ng hair pomade sa sobrang kintab ng buhok nito. Hindi sa panghuhusga pero tama naman si Zemy, I may look like a nerd pero malayo sa itsura ni Brylle. “You can take a seat.” dugtong ni Ms. Nolasco. Napansin kong gumala ang tingin ni Brylle na tila naghahanap ng mauupuan. Nagkataon na bakante ang puwesto sa kaliwa ko at iyon ang pinaka malapit mula sa kinatatayuan niya, kaya hindi na ko nagulat na roon siya umupo. “Excuse me, do you have an extra pen?” hindi ko napigilang magtaas ng kilay bago siya lingunin. Seriously, he’s asking for a pen on his first day? Hindi na ko sumagot at inabot ko na lang ang extra kong sign pen. “Thank you, nakalimutan ata ng assistant ko na ibalik sa bag, nandito pa ‘yun kagabi e.” pagdadahilan pa niya. Tumango na lamang ako bago ibinalik ang tingin sa harapan. “About the class activity that I mentioned yesterday, I already have the list now, and to be fair ay ako na ang pumili nang makaka-partner niyo. You will be working on this for the entire year, every week magbibigay ako ng panibagong activity then I’ll choose 3 groups na mag p-present in front. Please take this seriously, dito ko kukunin 50% ng grades niyo.” paliwanag ni Ms. Nolasco habang isa-isang dini-distribute ang hawak niyang papel. “What the – Look, bes!” halos ingudngod ni Zemy sa mukha ko ang hawak nitong papel kaya hindi na ko nagkaroon ng pagkakataon na i-check ‘yung inilapag ni Ms.Nolasco sa desk ko. “Ano ba kasi –” natigilan ako nang makita ang pangalan ko katabi ang pangalan ni Brylle. “No changing of partners, feel free to drop the class kung hindi niyo gusto ang ka-partner niyo.” napangiwi na lang si Zemy sa tinuran ni Ms. Nolasco. Hindi naman issue sa’kin kung sinuman ang maka-partner ko pero mas convenient sana kung si Zemy since palagi naman kami ang magkasama. “For the first activity, you need to get to know more about your partner so your task is to spend 24 hours with each other. Take a video and create a short presentation not longer than 30 minutes. The deadline will be on Monday, you still have Saturday and Sunday to work on this.” lumakas ang bulungan ng mga blockmates ko. “Nasobrahan yata nang kakanood ng vlog si Ma’am. Wish ko lang maisingit pa natin ‘to sa weekend.” reklamo ni Zemy habang nakapangalumbaba. “I will dismiss the class early so you can start talking with your partners. I’ll see you next Monday, class.” Walang ka abog-abog na umalis ng silid si Ms. Nolasco, bakas sa mukha ng iba kong blockmates ang excitement habang ang iba naman ay mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa. Nilingon ko si Brylle na abala sa hawak niyang phone. Hindi siya mukhang apektado, siguro’y wala naman kasi itong ginagawa ‘pag weekend. Nilapitan na si Zemy at inaya kumain ng ka-partner niya, hinayaan ko na lang siya’t mukhang hindi naman sila magtatagal. “What’s your plan?” tanong ko kay Brylle, nakaupo pa rin siya sa silya niya at busy sa kadudutdot sa screen ng kan’yang phone. “So your name is Cherill.” Tinigil niya ang ginagawa para mag angat ng tingin sa’kin. “Unfortunately, yes.” matipid na sagot ko. “Hindi ako puwede on Sunday, can we make it tomorrow?” tanong niya. Then I guess I need to cancel all my Saturday appointments. “I’ll let you know, give me your number.” Inabot ko sa kaniya ang phone na gamit ko for school, may iba pa kasi akong phone na dinadala ko sa mga shooting. “I should be the one asking you that.” bulong niya saka tinanggap ang phone ko. “As if I’m asking for your number so we could go out, it’s just for the sake of the activity.” wika ko. Nadinig ko ang mahina niyang pagtawa bago siya muling nag angat ng tingin para ibalik ang phone ko. “I missed call my number para ma save ko rin ang sa’yo.” aniya. I went to contacts  to check his name. “Partner in crime?” basa ko sa pangalan niya sa phonebook ko.  “Hindi pa sa ngayon, but eventually. So do you want to eat?” pagbabago niya sa usapan. “I’m still full.” Kinuha ko na ang bag sa upuan ko. May sasabihin pa sana ito pero naglakad na ko palabas. Nagpunta ako sa library para ipagpatuloy ang librong binabasa ko. Sa school ko lang talaga natatamasa ang ganitong klase ng kalayaan. May dalawang oras pa bago ang susunod naming klase, might as well do something productive. “Was that Freedom? A novel by Jonathan Franzen.” Tinigil ko ang pagbabasa at nag angat ng tingin sa isang hindi pamilyar na boses. “Do I know you?” tanong ko kasabay nang pagsara sa librong binabasa ko.   “I’m Von, I was actually looking for a vacant seat…” pareho kaming napatingin sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. “You can take it, wala namang nakasulat na pangalan diyan.” Ibabalik ko na sana ang atensyon ko sa binabasa kong libro nang marinig ko ang usapan nang mga babae sa kalapit naming lamesa. “Gosh,  he look much better in person. Ang guwapo!” “I know right, sana sa atin na lang siya naki-share ng table.” “Ang suwerte nung panget na nerd, ang malas ni Von, mawawalan ako ng gana kung ganiyan ang kaharap ko.” Mukhang narinig din nito ang usapan nila dahil napansin kong tinapunan niya ng tingin ang kabilang lamesa. Hindi ako affected pero ‘di ko pa rin mapigilan ang mairita, kung mag chi-chismisan lang naman pala sila sana ay gawin nila iyon sa labas at hindi sa loob ng library, sayang ‘yong table na puwede sana gamitin ng ibang estudyante. “Just ignore them, thanks by the way.” Tumango na lamang ako, ibinalik ko na sa bag ko ang libro na binabasa ko at tatayo na sana ako sa pagkakaupo nang humahangos na dumating si Zemy. “Sinasabi ko na nga ba’t nandito ka, sana hinintay mo na ko sa classroom para nasamahan –” nahinto siya sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang lalaki sa harapan ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung sino ba siya. “Von? You’re Von, right?” In-extend ni Von ang kamay niya. “Nice to meet you.” Halatang hindi mapigilan ni Zemy ang kilig nang tanggapin niya ang kamay nito. “Mauna na ko sa classroom, Zems, maingay na masyado rito.” Pero bago pa ko makahakbang ay napigilan na ko ni Zemy sa pagalis, hawak niya ang handle ng bag ko at sapilitan akong binalik sa pagkakaupo. “We’re staying, naalala ko na kailangan pala natin mag review sa bib-stud, may long quiz mamaya.” Pagdadahilan niya. Sinubukan ko ulit tumayo pero hinila niya lang ulit ako paupo. “I can’t believe you’re doing this.” Pasimple kong bulong sa kaniya. “Bes, it’s Von Calixiz, MMEG’s hottest model. Binabasa mo ang magazine na ‘yon paanong hindi mo siya namukhaan?” pabulong din na sagot niya sa’kin habang hindi maalis ang mga ngiti at nakatitig sa kaharap niya. “Hanggang anong oras mo balak mag stay dito?” Muli kong kinuha sa bag ang librong binabasa ko kanina. Ano pa nga bang magagawa ko, hindi ako mananalo sa katigasan ng ulo ni Zemy. “Uh, Von, by the way I’m Zemy and her name is Cherill.” Gusto kong mahiya para sa kaniya. Sabihin ba naman ang pangalan namin ganoong hindi naman tinatanong nung tao. “Nice meeting you Cherill.” Sinagot ko siya ng matipid na ngiti. Tinotoo nga ni Zemy ang sinabi niya, nanatili kami hanggat hindi umaalis si Von. Mabuti na lamang at isang oras lang ito nagtagal sa library. Marahil ay nailang na rin sa kakatitig ni Zemy. Luckily, we only have 3 subject every Friday so I still have time to prepare for my tv guesting this afternoon. Nakakapagod, but I’m doing this for a long time kaya siguro na-immune na lang din sa pagod ang katawan ko. Kakatapos lang ako ayusan ni Zemy, nakapagpalit na rin ako ng suot. Nakaparada ngayon ang van namin sa parking lot ng school. “Deretso na tayo sa studio, Bes, o may gusto ka pang daanan?” tanong niya nang biglang kumulo ang sikmura ko. “Shoot, kailangan ko mag cr!” bulalas ko. “Seryoso ka ba riyan? Kung kailan tapos na kitang ayusan? Doon ka na mag cr sa gasoline station na madadaanan natin.” Binuhay niya na ang makina ng van. “Hindi na ‘to aabot hanggang doon, I’ll be quick, hindi ko na talaga kaya.” Sapo ko ang tiyan ko at hindi na rin ako mapakali sa kinauupuan ko. “Ano ba kasing kinain mo kanina! Bilisan mo at wag mo hayaang may makakilala sayo.” Inabutan niya ako ng basketball cap at itim na sunglasses. Halos lundagin ko ang van palabas, dali-dali akong dumeretso sa pinaka malapit na restroom mula sa parking lot. May iilan akong nakasalubong na mga estudyante pero masyado silang abala sa kani-kaniya nilang ginagawa para mapansin ako. Ang laki ng ginaan ng pakiramdam ko pagkatapos ko manggaling ng restroom, sa sobrang pagmamadali ko ay naiwan ko sa cubicle ang suot kong sunglasses. Nakalayo na ko mula roon bago ko pa ma-realize na naka-expose na pala ang mukha ko. Kaagad kong tinakpan ang kalahating bahagi ng mukha ko gamit ang palad ko habang mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad. “Erill?” pamilyar ang boses pero hindi na ko nag abala na lingunin kung sino iyon at nagpatuloy lang ako. “s**t, it’s really you, Erill! I’m a big fan!” Sinabayan niya ang paglalakad ko, hindi ako nag aangat ng tingin pero pamilyar talaga ang boses nito. “Can you please stop following me.” malamig ang tonong wika ko. “I can’t believe na dito ka nag-aaral, what course are you taking?” patuloy pa rin siya sa pagsunod sa’kin. “Don’t jump into conclusion just because you saw me here. We were nearby and I needed to use the restroom.” Ewan ko bakit ako nagpapaliwanag, basta ang alam ko hindi puwedeng makalabas o may makaalam na dito ako nag-aaral. Ilang taon ko nang sinisikreto ito at ginawa namin ni Zemy ang lahat para maitago ito. I still have 2 years before I graduate, dalawang taon na lang, hindi ko kakayanin mapunta sa wala lahat ng pinaghirapan ko. “You don’t need to explain, I won’t tell anyone that I saw you here.” nasa bandang tago na bahagi na kami ng school, papasok sa parking area, tumigil ako sa paglalakad para harapin siya. “What do you need? Hindi ako naniniwalang walang kapalit ang pananahimik mo.” Nabigla ako pero hindi ko pinahalata. Kaya pala pamilyar ang boses niya, it was Von. “Maybe a dinner date will be enough.” Malapad ang pagkaka-ngiti niya nang iabot sa akin ang maliit na card. Hindi na ko nag abalang tignan kung anuman iyon at ibinulsa ko na kaagad sa suot kong skirt. Magsasalita pa sana ito pero tinalikuran ko na siya, halos liparin ko ang sasakyan namin. Padabog kong hinagis ang suot kong cap nang makapasok ako sa van. “Don’t tell me hindi ka nakapag labas ng sama ng loob?” tanong ni Zemy habang ini-i-start ang sasakyan. “I did, kaso may nakakita sa’kin.” Napansin kong nabigla siya pero hindi siya tumigil sa ginagawa. “Ano nangyari, sinuhulan mo ba para manahimik?” Napa buntong hininga ako sa tanong niya. Sana nga nagpasuhol na lang si Von para less hassle. “Si Von ‘yong nakakita sa’kin, sa palagay mo siya yung tipo ng tao na tatanggap ng suhol para manahimik?” Biglang inapakan ni Zemy ang preno kaya halos masubsob ako. “Of all people?! Pero Bes, he seems nice, tingin ko wala siyang hihingin na kapalit.” Dinukot ko mula sa skirt na suot ko ang card na binigay ni Von at ibinato ko ‘yon kay Zemy. “He asked for a dinner date.” Nanlaki ang mga mata niya na nasundan ng malakas na pagtawa. “Pasalamat ka pa rin at ‘yon lang ang hiningi sa’yo, buti at hindi ka tinanong kung puwede ka ba niyang maging girlfriend. May pag-asa pa rin ako.”  Sinipa ko ang likuran ng driver’s seat. Napuno ng tawa ni Zemy ang loob ng sasakyan, pinagpatuloy niya na rin ang pagmamaneho. Siguro nga ay tama siya, masuwerte pa rin ako at dinner date lamang ang hiningi ni Von. He could ask for more, pero hindi nito ginawa. And what if he really asked me to be his girlfriend? Will I say yes? Baka hindi. Puwede ring oo. Who knows? Handa akong gawin ang lahat maprotektahan lang ang sikreto ko. I won’t let anyone take away my life as Cherill.    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
94.7K
bc

His Obsession

read
102.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
26.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
80.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
168.2K
bc

The naive Secretary

read
68.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
28.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook