Chapter 16

1634 Words
KESHA Simula noong gabing sinubukan kong makipag usap sa kalangitan iyon na ang ginagawa ko gabi-gabi. Puro iyak at puro tanong ang nasasabi ko dito. Pero sa totoo lang kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. Mabigat, nasasaktan at malungkot pa din ako pero kahit paano ay nabawasan. May mga tanong pa din sa isip ko na gusto kong bigyan ng sagot.. tanong sa isip kong hindi ko alam kung kanino ko dapat itanong para makakuha ng sagot dito pero kahit paano at least may natanong ko. Muli akong nagkwento dito at nagsabi ng mga mangyari sa akin sa school at bahay. Sinabi ko lang dito na muli na naman akong walang kausap at pinagtawanan. "HI! Thank you na nakarating ka ulit!" saad ni Ate Cloe nang makarating kami sa small group namin. Kasama ko ulit si Patrice na hindi matigil ang kakakwento sa mga gagawin pa namin para daw sa post-party ng event noong nakaraan. Sa totoo lang excited akong pumunta ngayon dito. Hindi ko alam, hindi naman ako mahilig maexcite pero tuwing sasapit ang sabado at linggo ay may kakaunting saya sa puso ko. Nawawala ang mga bagay na pinag aalala ko. Isa ito sa naramdaman ko simula noong gabi na naglabas ako ng lungkot sa itaas. "Oo naman, ate! Si Kesha pa nga ang sumundo sa akin sa bahay! Excited iyan!" pagyayabang ni Patrice sabay akbay sa akin. "Wow! Talaga? Mukhang may aabangan akong kwento kay Kesha ah," saad nito kaya bahagya akong yumuko. "Wala naman po, excited lang po talaga ako," saad ko na ikinatawa ni Ate Cloe sabay tapik sa balikat ko. "Okay lang iyan, masaya akong marinig sa iyo na excited ka. Tara na!" usal nito. Sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa pwesto namin para makaupo. Magaan ang loob ko sa buong pag uusap namin. Hindi katulad noon na para akong laging madaming iniisip. Alam kong napapansin iyon ni Ate Cloe kaya naman nang matapos kami ay agad ako nitong nilapitan. "Kesha! Can I have a word?" tanong nito na ikinatitig ko lang sa kan'ya. "I mean ilalayo muna kita kay Patrice," biro niya kaya napangiti ako na tumango sa kan'ya. Nagsabi lang siya kay Patrice na intayin ako dahil may sasabihin lang ito sa akin bago kami lumayo papunta sa gilid at doon muling naupo. "I'm so happy to see you every Saturday and Sunday, I mean minsan lang kasi kami makakita ng interesado sa ginagawa namin kaya masaya kami 'pag nakakasama kami ng mga bago naming kaibigan," paumpisa nito. "Masaya din po akong sumama dito, wala din naman po akong ginagawa sa bahay," tugon ko na medyo literal na wala akong ginagawa sa bahay kun'di ang magmukmok. "I see, pero bukod sa masaya ako na nakikita ka, masaya din akong may kakaunting ngiti ka na sa labi na hindi pilit," usal nito. Napakamot naman ako sa batok ko at bahagyang nahiya sa sinabi niya. Halata palang pilit ang ngiti ko. "Pasensya na po," saad ko sabay yuko pero napaangat din nang tapikin nito ang balikat ko. "It's okay, I know na hindi ka pa sanay kaya gano'n at kaya din masaya ako na nakakangiti ka dahil kahit paano ay nagiging komportable ka na sa amin," saad niya kaya muli akong ngumiti. Iyong totoo at wala itinatago... Itinatago? Marami akong itinatago pa sa kanila.. hindi ko lang alam kung paano ko ioopen sa kanila.. Nakakahiya na sasabihin ko, gusto ko magpakamatay para makatakas sa mundong ito. Ayokong majudge! Ayokong masabihan na nag iinarte lang! Ayoko silang mawala sa akin dahil sila na lang ang meron ako. "Kumusta ka nitong nakaraan?" tanong niya bigla kaya napabalik ang atensyon ko sa kan'ya. "Okay naman po ako," saad ko, nakita ko na tumango tango ito at parang ineexpect na niya na iyon ang sasabihin ko. "Sa totoo lang po, simula po nang marinig ko ang sinabi ninyo na pwede akong makipag usap sa nasa itaas at papakinggan ako nito at hindi ijajudge? Ginawa ko po iyon.. kinausap ko po siya," dagdag ko. Tinignan lang niya ako na may ngiti sa labi na parang sinasabing ituloy ko lang ang kwento. "Sinabi ko po lahat ng nasa puso ko at isip ko," saad ko at bahagyang pinunasan ang mata ko na may lumabas na luha. "Lahat po ng tanong ko—itinanong ko sa kan'ya kahit alam ko pong hindi siya sasagot, ginawa ko pa din, ung mga naiisip ko pong unfair na nangyayari sa buhay ko, sinabi ko po sa kan'ya. Tinanong ko sa kan'ya kung bakit ganito lang ako? Bakit hindi ako katulad ng mga kapatid ko na matatalino at tingin ng mga magulang ko ay perpekto? Bakit walang gustong makipagkaibigan sa akin? Bakit tingin ng lahat ay isa akong pagkakamaling nabuhay sa mundo? Tinanong ko siya kung ano bang mali sa akin?" Hindi ko alam kung anong nakain ko at sinabi ko lahat iyon kay Ate Cloe na nakikinig lang at hinihimas ang likod ko dahil sa biglaan kong pag iyak. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa isang tao ang nasa isip ko at kung ano ang nararamdaman ko. "Bago po ako makita ni Patrice sa labas ng bahay namin, ilang beses na po akong nagtangkang kitilin ang buhay ko. Nawalan na po ako ng ganang mabuhay at gawin ang mga nakagawian ko... pati po pag aaral ko ay hindi ko na inaasikaso dahil wala naman pong sense... hindi rin naman po nila mapapansin, tingin pa din po sa akin ay isang walang alam na tao... kahit ang mga kaibigan kong itinuturing, walang kwenta ang tingin sa akin," umiiyak na kwento ko sa kan'ya. Para naman nagulat si Ate Cloe kaya bigla niya akong nakabig para yakapin. "I'm sorry to hear that pain of yours, Kesha.. ang lakas mo.. ang tatag tatag mong bata.." saad nito na mahihimigan ng pagkagaralgal. "Hindi ko din po alam kung saan ako kumukuha noon, noong una sabi ko para maging proud sa akin sila papa at ayokong makagawa ng ikakagalit nila. Pero matapos po ng insidenteng iyon, hindi ko na po alam.." Binitawan ako nito at tumingin lang sa mga mata ko. "Malaki po ang pasasalamat ko kay Patrice kasi noong mga panahon na sawa na po ako sa buhay ko, hindi naman po siya umalis sa tabi ko, kahit pa po hindi ko siya gaano kinakausap at pinapansin. Siya po ang naging dahilan kung bakit ako nakapunta dito, kung bakit ko po kayo nakilala at kung bakit po ako nananatiling buhay," saad ko. "Kahit po na eto lang ako, walang alam at walang kwenta sa paningin ng iba, tinanggap n'yo pa din po ako.." "Kesha, you are enough.. God always accepts you for who you are and what you are. There's nothing wrong with you because you are fearfully and wonderfully made by God. Lahat tayo ay may kan'ya-kan'ya uniqueness," paliwanag nito sa akin. Muli na namang tumulo ang luha sa mata ko dahil sa sinabi nito. "We need to learn to accept ourselves. Alam kong mahirap lalo na at may mga taong hindi tayo tanggap dahil average lang tayo pero once we accept the fact na walang mali sa pagiging average natin, they will also accept us for who we are," usal pa nito at tinapik ang balikat ko. "Wag mo na ulit gagawin iyong mga nasa isip mo ha.. 'pag naiisip mo iyon, just kneel down and pray.. talk to our God, okay? Nandito lang kami para sa iyo," saad niya na ikinangiti ko kahit pa may luha sa mukha. "Okay lang din ba sa iyo if punta tayo sa isang counseling? It will help you more..." habol niya na ikinatango ko. "Salamat, Ate Cloe," usal ko dito. Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng pag aaruga at pag aasikaso ng isang ate.. hindi ako nito jinudge at piangsalitaan ng masasakit na salita bagkus binigyan ako nito ng advice na makakatulong sa akin para mas matanggap ko ang sarili ko. Eto lang ako, average person, neglected person pero may isa pa ding handang tumanggap sa akin. Matapos naming mag usap ni Ate Cloe, ipinagpray lamang ako nito at hiningian ng gabay sa may kapal lalo na ang aking isipan. Nakangiti kaming lumapit kay Patrice na walang ginawa kun'di ang kumain ng kwek-kwek. "Salamat po ulit, Ate Cloe... gumaan po ang pakiramdam ko... ingat ka po," paalam ko dito. "No problemo, Kesha... kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Always open, ingat din kayo," paalam niya. Muli kaming naglakad ni Patrice papuntang sakayan pero habang naglalakad kami ay nagsalita ako. "Patreng, thank you kasi inimbitahan mo ako dito. Nakakilala ako ng tunay na kaibigan at pamilya," saad ko na ikinalingon niya lang sa akin. "Wala iyon, kaibigan kita kaya naman ayokong nalulungkot ka. Hindi ko man alam ang pinagdadaanan mo, alam kong malungkot ka dahil sa mga mata mo pero alam mo, nitong mga nakaraan.. nagbabago iyon, may sigla na," masigla nitong tugon sabay akbay sa akin. "Nandito lang kami pag kailangan mo ng kausap," habol niya na ikinatango ko. NANG makauwi ako sa bahay ay magaan ang loob ko. "Nakauwi na po ako," mahinang paalam ko sa kanila. Katulad noon ay hindi naman nila ako tinapunan ng tingin. Huminga lang ako ng malalim at naglakad na lang papuntang kwarto ko. Muli parang may kung anong punyal ang sumasaksak sa puso ko. Ilang beses kong hinampas iyon at hindi pa din natatanggal ang sakit at kirot.. gusto kong tanggalin ung sakit! Magaan ang pakiramdam ko kanina, pero mabilis na bumagsak dahil sa pambabaliwala nila... muling mag unahan ang mga luha ko sa mata.. Hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak habang nakaluhod.. Muling kinakausap ang Diyos para muli akong bigyan ng lakas para lumaban at mabuhay... para muling alisin ang boses sa isip kong nang sasabing kunin na ang buhay ko.. ?????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD