Chapter 15

1420 Words
KESHA "HEY! Buti kasama ka ulit! I miss you," Para naman akong mahiya nang sabihin nito ang katagang iyon. 'I miss you' may nakamiss sa akin? "Sabi sa iyo, Kesh e. Hinahanap at kinakamusta ka ni Ate Cloe," nakangiti namang saad ni Patrice sa akin. Napakamot lang ako sa batok ko at nahihiyang ngumiti. Hindi kasi ako naniwala sa kan'ya nang sabihin niya iyon kanina habang naglalakad kami. Sino ba naman kasing makakamiss sa akin na hindi naman nagsasalita at puro ngiti lang ang ginagawa sa kanila? Hindi rin ako gaano nakikipagkwentuhan. "Sorry," saad ko sabay yuko. Nakarinig naman ako ng tawa sa kanilang dalawa sabay akbay sa akin. "It's okay, Kesha. Ngayon alam mo nang namimiss kita ha... paniniwalaan mo na si Patring kasi baka umiyak iyan," biro ni Ate Cloe kaya napaangat ako ng ulo at masiglang ngumiti at tumango dito. Niyaya nila akong umupo sa damuhan kung saan sinabi nilang hihintayin namin yung iba naming kasama. Hindi naman nagtagal ay isa-isang nagdatingan ang mga kasama namin sa small group na sinasabi nila. Pangalawang beses na akong nakasama dito at every saturday at sunday ay excited ako dahil dito ako nakakaramdam ng totoong kaibigan ay pamilya. Pinaparamdam nila sa akin na isa ako sa kanila at belong ako sa kanila kahit pa mataas ang pader na inilagay ko para sa kanila. Gusto ko dito, kahit man lang sa ilang sandali ay maramdaman kong itinuring pamilya. Kahit hanggang mawala lang ako sa mundong ito. Walang pagbabago sa trato sa akin sa bahay o trato sa eskwelahan. Pinaparamdam pa din nilang isa akong maling pagkakamali at hindi kabilang sa kanila. Kinukutya at hinuhusgahan, minsan naiisip kong manhid na lang siguro ako sa mga sinasabi nila pero mali ako, dahil tuwing nag iisa ako sa kwarto ko, bumabalik silang lahat. Araw-araw kong nilalabanan ang isip kong pilit pinapasok para muling tapusin ang walang kwentang buhay ko at sa araw-araw na nangyayari iyon ay paulit-ulit ding pumapasok ang mga kanta at mukha ng mga taong nagpaparamdam sa akin na tanggap nila ako at pamilya ang turing nila. Nabalik ako sa wisyo nang tapikin ni Patrice ang kamay para hawakan dahil kami ay mananalangin katulad nang lagi naming ginagawa tuwing kami ay mag uumpisa. Matapos ang panalangin ay isa-isa kaming tinanong ni Ate Cloe kung kumusta kami at katulad noon ang sagot ko lang ay.. "Ayos lang po," nakangiti kong tugon dito na tinugon din naman niya ng ngiti at pagtango. Hindi katulad ng iilan na nagkukwento—ako ay laging ganon lang ang sagot, medyo nahihiya ako tuwing kumustahan dahil wala naman akong kwento katulad ng iilan. Hindi ko pa kayang ikwento na; outcast ako at loner ako. Na malungkot ako tuwing gabi, na umiiyak ako at pilit nilalabanan ang ano mang nasa isip ko. Hindi ko pa kaya at lalong lalo na, ayokong layuan nila ako dahil ganon ang pag iisip ko. Ayokong ijudge nila ako kagaya ng iba. Muling nagsalita si Ate Cloe at siya din ay nagkwento kung kumusta ang araw niya nitong mga nakaraan. "Actually, I'm not totally okay because of the past days," pauna nito kaya naman napatingin ako dito. "Stress dahil sa school works, since malapit na mag midterm ulit. Pressure but still I know that there's Someone who can help me to get through these things, so the moment na nawawala ako sa track nitong nakaraan, I really cried and bent my knees to pray and asked our God to give me more strength and wisdom… understanding sa mga bagay-bagay! And you know what, guys! Immediately after I prayed, God sent someone in my mind that I can't surrender that easily because if I surrender, that person might surrender too," kwento nito habang isa-isa kaming tinitignan. "Sa buhay, we always need to rest, then get up at lumaban ulit. Minsan talaga nakakapagod lalo na kung wala kang mapagsabihan ng mga nararamdaman mo, na wala kang malabasan ng lahat ng tumatakbo dito." Tinuro nito ang ulo niya, "mahirap pag may mga tumatakbo ditong hindi natin kayang kontrolin, yung hindi natin magawang sabihin dahil natatakot tayong mahusgahan na nag iinarte lang tayo, na sabihan na 'ang drama mo naman!' pero you what, there is always Someone who can talk to, there is Someone waiting for us, that Someone will never judge us, He is always there just to listen to our rants, to our stories na kahit sa mata ng iba, walang kakwenta kwenta iyon pero para sa Kan'ya lahat may kwenta, lahat may halaga, maging sino ka man, maging ano ka man, may halaga ka sa kan'ya," Habang patuloy na nagsasalita si Ate Cloe ay wala akong ibang ginawa kun'di ang yumuko at kagatin ang labi ko para pigilan ang pag tulo ng luha ko, para hindi makagawa ng ingay. Papakinggan Niya ba talaga ako kahit ito lang ako? Kahit wala akong ipagmamalaki? Kahit ang tingin ng lahat sa akin ay isang taong punong-puno ng pagkakamali sa buhay? Pero paano? "All we have to do is to bend our knees, close our eyes and pray.. Even if you don't close your eyes and you just want to talk to Him like you are talking to a friend! He will hear you! After that, mararamdaman ninyong gumagaan yung pakiramdam ninyo.. gagaan yung bigat na matagal na ninyong kinukubli sa isip at puso ninyo," Umangat ang ulo ko dahil ramdam kong nakangiti ito at hindi naman ako nagkamali dahil nakasilay nga dito ang ngiting nagsasabing magiging ayos lang ang lahat.. nakatingin ito sa akin habang may mga ganoong ngiti. Dahil doon hindi ko napigilan na pumikit dahil para may munting luha ang tumulo galing sa akin mata. Agad akong yumuko at ipinunasan iyon. Nagpatuloy ang pag uusap namin hanggang sa matapos, hindi ako halos nag angat ng tingin at nakayuko lang. Kunwari ay walang paki at naiinip pero ang totoo ang lahat ng sinasabi ni Ate Cloe ay damang-dama ko. Matapos ng huling panalangin, kumain lang kami doon ng iilang snacks na binili din nila tapos ay nagpaalam na sa isa't-isa. Paalis na kami ni Patrice nang tawagin ako ni Ate Cloe at naglakad papalapit sa amin. "Ingat kayo pauwi ha!" saad nito at niyakap si Patrice tapos ay ako. "Kesha, if you need someone to talk too. Pwede mo akong kausapin ha," malumanay na saad nito matapos niya akong yakapin. "Kung natatakot ka pa at hindi mo pa kaya? Pwede mo Siyang kausapin, He will listen to you. He is always ready to listen," habol nito at matamis na ngumiti sa akin. "Salamat po," tugon ko dito at tipid na ngumiti. Matapos no'n ay tuluyan na kaming umalis ni Patrice at alam kong gagabihin kaming dalawa kaya naman todo sorry si Patrice dahil baka daw pagalitan ako. "Okay lang, hindi naman siguro," saad ko at muling tahimik na naupo. KATULAD ng inaasahan ko, ginabi na kaming dalawa. Nagpaalam na lang ako dito at pumasok ng bahay. Nanonood sila ng palabas sa T.V. nagtatawanan at kumakain ng mga pagkain minsan ko ding maranasang matikaman kasama sila. Wala namang pumansin sa akin kaya nagdire-diretso na lang ako paakyat. Naupo ako sa kama ko at tumingin muli sa kawalan. Gusto kong lumabas at manood ng pelikulang pinapanood nila pero alam kong pag ginawa ko iyon; hindi sila mag eenjoy, paalisin din nila ako o kaya naman ay papatayin nila yung T.V. at isa-isang aalis. Tiniklop ko na lang ang mga tuhod ko at ibinaon doon ang mukha ko. May iilang luha ang tumulo galing sa mata ko. Mas nag eenjoy sila pag wala ako, mas masaya sila pag hindi nila ako nakikita, baka okay lang.. baka okay lang mawala na talaga ako.. Nag angat ako ng ulo sabay tumingin sa kalangitan habang tumutulo ang luha. "Sabi nila, nakikinig ka daw? Totoo po ba? Hindi niyo po ba ako huhusgahan kung magkukwento ako ng mga katangahan ko sa buhay? Tatanggapin niyo po ba ako kahit ang tingin ng mga tao sa akin ay isang malaking pagkakamali? Sasagutin niyo po ba ako kung magtatanong ako sa inyo? Gusto lang po itanong.. anong pong mali sa akin? Bakit ayaw nila ako? Bakit ipinaparamdam nila iyong sakit at lungkot? Totoo ka po ba?" Umiiyak na tanong ko sa kalangitan na para talagang may kausap akong hindi ko nakikita. Sabi nila, pwede naman daw kahit kausapin ito kung saan mas komportable ka. Sabi nila, totoo Siya.. hindi ko Siya nakikita pero… kung sa kan'ya lang ako pwedeng mag labas at magkwento.. kahit walang naniniwala, paniniwalaan ko. Dahil iyon ang kailangan ko, ang taga pakinig.. ?????
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD