Nang magising sila ay kapwa sila nakatali sa may dingding, walang busal ang bibig nila pero masakit ang panga niya. Tulog si Warren at nakayukyok ang ulo sa tabi niya, alam niyang di maganda ang lagay nila ng kanyang kaibigan ng mga oras na iyon. Nang igala niya ang kanyang tingin sa paligid ay napanganga siya sa kanyang nakita. Di lang sila ang nandun nakabitin sa dingding, marami ding ibang mga banyaga ang nandun. Ang tanong niya ay kung paano nakalusot ang mga ganung bagay sa higpit ng airport sa lugar. Maraming mga kano ang nandun karamihan ay mga babae. May isa pa nga na maraming pasa sa mukha at gula gulanit ang damit. Napapikit siya nang maisip kung ano ang posibleng pinagdaanan ng babae. Marahil ay ginahasa ang babae kaya ganun ang hitsura nito. So far this is the worst experie

