Napaangat naman ng tingin ang babae sa kanya. "Ito ba, inilalako ko itong mga magic blankets. Maliit lang pag nakasara pa pero malapad na kumot siya pag nahanginan." Sagot nito. Napangiti siya ng lihim dahil doon. Pag balik ni Warren ay may dala itong folding bed, marahil ay galing iyon sa yate. "Ilapag niyo dito ang mga bata, gagawa muna ako ng apoy." Sabi ng kaibigan sa kanila. Inilatag nila sa isang bahagi ng mabato ang folding bed para pantay ang maging paghiga ng mga bata. Binuksan naman ng babae ang bag nito at binuksan ang isang supot, at gaya ng sinabi nito kumot nga ang laman. Dahil may secret knife si Warren ay hiniram niya iyon para makakuha ng kawayan na magiging silungan nila. Sa tantiya niya ay alas tres palang naman ng hapon. Bibilisan lang nila sa paggawa ng kanilang mag

