CHAPTER 9 "MUNTIK na MAPUNIT"

2081 Words
YOHANNA Matapos ang Program sa 18 Roses ay Huli ang sayaw namin ni Daddy. Halos maiyak ako sa tuwa habang nagsasayaw kami ni Dad. Pinupunasan nya naman ang luha ko. Parang kelan lang nung una kaming nagkita. "Happy Birthday Anak, Dalaga ka na..Wala kaming ibang wish ng Mommy mo kundi para sa ikabubuti mo, matupad lahat ng pangarap mo, at mas mag grow ka sa Karera na gusto mo. Mahal na Majal ka namin Anak. Palagi mong Tatandaan na andito lang kamo palagi." Saad ni Dad saka ako niyakap at hinalikan sa ulo. Maya maya ay lumapit na rin si Mommy at Hinalikan at niyakap rin ako. "Happy Birthday Baby Yohanna namin, Dalaga ka na anak, Ang bilis ng panahon kinakandong lang kita noon." Wika ni Mama. "I love you Mommy, Mahal na mahal ko po kayo, Kayong mga pamilya ko. Salamat po ng sobra." Saad ko saka yumakap muli sa kanila. Matapos ang ma dramang tagpo ay Its Time to PARTY. Binuksan na ang entablado para sa party party na sayawan. Simula na rin ng kainan. Ako naman ay nilapitan ng bisita at binati. May mga nag aabot ng Regalo at ang iba ay Nagpapa picture at ang iba naman ay nakikipag chikahan lalo na ang mga ka klase ko. Maya maya ay inaya naman ako ni Mommy para lumapit sa mga kamag anakan namin. Binati ako ng aking mga lolo at Lola both side. Masaya sila kasama pareho. Maya Maya ay lumapit sa akin si Midnight, tumingin naman ako sa table nilang mag anak. Nakangiti at bumati pa si Tita Sheng, kumaway naman si Tito Keegan pati ang kapatid ni midnight na si Keenan at Freya. Maya maya ay Umakbay sa akin si Midnight Saka kami nag Picture. Tatlong shot din iyon na iba ibang pose. After mag picture ay nagtawanan kami. Nalipat naman ang Tingin ko sa table Nila Tita Eris at Tito Xav kumaway din ang mha ito, Sila Xylas at Xavi ay busy sa pagkain pati si Xavina at kambal na Xerxes at Xavia ngunit si Xierra ay Nakatingin sa akin habang susubo ng pagkain sabay nguso kay Kuya Ae na nasa Gilid, doon ko lang napansin na naroon pala si Kuya Ae kitang kita ang salubong na kilay nito. Luhh..masaya to kanina bat biglang naging Dragon ang hitsura? Tanong ko sa aking Isip. Lumapit na lamang ako para pasimpleng alamin. Bumati muna ako kina Tita Eris at Tito Xav, ganon din sa mga anak nila. Maya maya ay lumapit ako kay Kuya Ae,. "Kuya Bakit salubong kulay mo?" "Bakit? Ano naman? "Bakit nga? Masaya ka naman kanina bat ganyan na ngayon? "Gusto mo Malaman? Wag na..Sige na asikasuihin mo na muna yung ibang mga bisita." Wika ni Kuya Ae. "Ok, Babalikan kita Kuya Ae." Saad ko saka nagtungo sa ibang table. Matapos ko mag ikot ay tinawag ako sa unahan para sa picture taking namung pamilya. Super saya ngayon lang kami nakompleto ulit. Matapos mag picture ay nagpalit na muna ako mg Damit. Masyado kasing mabigat itong gown. Nagsuot na lamang ako ng casual dress na above the knee. Nag retouch na rin ako. Paglabas ko ay Kanya kanya nang grupo ang mga bisita. Kita ko rin na nasa isang table na si Dad, Tito Xav, Tito Keegan,Tito Hyde,Tito Red at si Kuya Ae, kwentuhan habang nag sho shot. Sa ibang table naman ay ang mga asa asawa nila. Si Tito Red ay hindi pa asawa ngunit kasama nya ang GF nya. At syempre si Kuya Ae single pa yan, pero pag niligawan nya ako sasagutin ko yan hehe. Habang nag sho shot ay pansin ko ang pag tingin sa akin ni Kuya Ae. Hindi na salubong ang kilay nito tulad kanina. Maya maya ay nag message sya. Doon ay bumati ulit sya ng Happy Birthday. Nakalagay din doon na usap daw kami mamaya pag wala nang ganong bisita. Nag reply naman ako saka tumingin sa kanya. Habang lumalalim na ng gabi ay unti unti na ring nag uuwian ang mga bisita. Hangang sa matira na lamang ay ang Pamilya Namin, pamilya nila Tito Keegant at Pamilya nila Tito xav. Maya maya lamang ay nagpaalam na rin sila tiro Keegan at inaantok na daw, marami na ring nainom. Sila Tita Eris at mga anak naman nito ay Nag paalam narin, pero naiwan pa si Tito Xav at Kuya ae, sila tito Hyde at tito Red naman ay pumasok na sa loob at nagpahinga na rin. Kaya ang ending Naiwan na naman sa inuman si Daddy, Tito Xav at Kuya Ae. Maya maya lamang ay pansin kong lasing na si Dad kaya inaya ko na ito pumasok sa loob. "Dad, tama na po muna ulit yan medyo madami na po kayong nainom." "Oo nga anak, naparami na naman, yari na naman ako sa mommy mo nito hehe." "Hehe, Naku opo nga, hatid ko na po kayo" saad ko pero inalalayan naman sya ni Kuya Ae pero di naman sya super lasing. Ihahatid pa sana sya ni Kuya Ae pero kaya nya naman daw. Halos wala ng tao, mga ibang nag lilinis na lamang. Nagtungo ako sa Gazebo sa likod ng bahay dahil doon ako pinapunta ni Kuya Ae. "Happy Birthday Again Young Lady" bati nya sa akin. "Thank You Kuya Ae, pang ilang bati mo na yan haha" "Syempre birthday mo, ayaw mo ba? Pag sa iba gusto mo nakikipag picture ka pa, pag sa akin ayaw mo." Saad ni Kuya Ae na animo nagtatampo. "Woi, di naman kuya, Di ka naman kaya nag ask na mag picture tayo." "Hindi nga, pero si Midnight Nag picture kayo kanina, bat ang lapit nyo ng isang yon." "Hehe.. Kuya Si Midnight ay parang kapatid ko na, Kababata ko nga diba kalaro ko dahil wala naman palagi rito ang mga pamangkin mo. "Promise? Kaibigan lang?" Tanong ni Kuya Ae na animo bata. "Oo naman haha, Parang Graeson ang tingin ko roon, teka bat nga pala napunta kay midnight." Tanong ko rito. "Wala Change the Topic na B, Ahm oo nga pala Eto pala yung gift ko sayo." Saad nya saka iniabot ang Isang Bracelet "Salamat dito Kuya Ae, palagi mo na lang akong nireregaluhan, Para ka tuloy Sugar Brother, hehe " "Ah..So Sugar Brother pala ha, hmm.hehe" saad nya saka ako hinawakan sa kamay at kinabig palapit sa kanya. "Hahaja ,hindi Joke lang." Natatawang wika ko pero bago pa iyon ay nahila nya na ako palapit sa kanya saka napasandal sa kanyang matipunong Dibdib. Dahil medyo madilim sa part na iyon ay wala naman sigurong makakapansin sa amin. "Nakayakap sya sa akin habang ang ulo ko ay nanatiling nakasandal sa kanya. Hindi ko alam pero dahan dahan na din akong yumakap sa kanya., hinalikan nya pa ang aking ulo. "B, Hindi ko alam kung papayag sila Tito Yohan pero tulad ng sinabi ko sayo, Gusto kita. Pero sabi Ni Tito Yohan after 10 years kapa nila papayagan makipag Nobyo B." saad ni Kuya Ae na animo malungkot na himig "10 years? Ang tagal pa non Kuya Ae? Sure ka? Baka naman nag jo joke lang si Dad, 18 palang ako, Luhh ang Tagal pa natin mag hihintah Kuya Ae. "Ganon talaga B, wala tayong magagawa kung hindi papayag si Tito Yohan." "Ganon, Sasagutin pa naman sana kita ngayong gabi, Legal age na naman ako kaya kung mangliligaw ka ngayon OO Na agad ang isasagot ko Kuya Ae." Seryosong sabi ko sa kanya. Pero nagulat ako ng tumawa sya "Hahaa..Loko ka talaga B, hindi pa nga ako nakakapag paalam manligaw eh." "Kahit Pa...OO na agad ang isasagot ko., Bakit Hindi? Eh ikaw kaya ang taga pagtanggol ko noong bata ako. Naalala mo nung Grade School. Yung binaba mo ako sa likod mo mula highway hangang sa Hacienda kasi masakit ang Paa ko." Sa sinabi kong iyon ay natawa si Kuya Ae. "Haha ang tagal na non ah, peri naalala mo parin, iba ka talaga B" "Syempre ako pa ba? Hindi kana lugi sa akin Kuya Ae," saad ko pa saka sya natawa saka pinisil ang pisngi ko. "Aray naman Kuya Ae, napaka naman, hehe." "Napaka ano Ha..? haha Saad ni Kuya Ae saka natatawang inilapit ang Mukha sa akin. Hindi ko alam ngunit nang mag titigan ang mga mata namin ng malapitan ay unti unting napawi ang ngiti ko, seryoso akong napatingin sa kanyang mga Mata, Nakangiti iyon kanina ngunit tila ramdam ko na may lungkot na nababalot roon. Tulad ng sinabi ko dati tahimik lang si Kuya Ae nung bata sya madalas mas pinipili nyang mapag isa. Pero minsan naman ay nakikihalubilo sya. Kaya masaya ako na nakikita ko na syang nakakangiti ngayon. Nanatili na nakatitig ang mga mata namin sa isat isa. Maya maya lamang ay dahan dahang lunapit ang labi nya sa labi ko hangang sa maramdaman king lumapat iyon. "This is it!, eto pala yung First Kiss na tinatawag. Tila may mga kabayong tumatakbo sa aking Dibdib, at tila may mga paru-paro naman sa aking Tyan. Magkalapat ang aming mga labi. Hindi ko ginawang gumalaw, tila nakahinto ang aking paghinga. Dahil sa nakakapos ng hininga ay Inawang ko ang aking labi hangang sa naramdaman ko ang kanyang labi na Gumalaw dahilan upang mas ibuka ko ang labi ko dahil na cu curious ako sa nangyayari at Doon nga ay unti unti pang gumalaw ang labi nya hangang sa tumutugon na rin pala ako kahit di ko alam kung tama ba yung paraan na ginagawa ko. AEOLUS Dapat ay isang simpleng halik lamang iyon, pero nang lumapat ang labi ko sa malambot nyang labi ay Tila may init na bumalot sa akin, Ginalaw nya ang kanyang labi kaya nagkaron ako ng chance na makapasok hangang sa naging malikot na ako at hinalikan ko na sya ng husto, tila naman binigyan nya ako ng access sa ginagawa ko kaya naman nagpatuloy ang aming halikan hangang sa naramdaman ko na tinutugon nya na ang aking halik. Mainit ang kanyang labi, hindi ko alam kung gano kami katagal nag halikan hangang sa igiya ko sya sa mas tagong Parte sa may Halamanan. Nakaupo ako sa Damuhan at naka sandal sa puno habang si Yohanna naman ay naka kandong sa ibabaw ko. Mainit at walang patid parin ang aming laplapan hanggang sa unti unti nang maglikot ang kamay ko sa kanyang dibdib at kanyang maputi at makinis na hita. Nahinto lamang iyon ng tingnan ko syang Muli. Biglang Bumalik sa isip ko ang Batang Yohanna, ang dating batang kinakandong at binababa ko noon. At bigla ko rin naalala sila Tito Yohan at Tita Evren. Ang mabuting pakikitungo ng mga Ito. Sa akin. Sa paghinto ko ay nagtaka naman si Yohanna. "Kuya Ae, Bakit? "Halika na B, Hindi tama ito.. I'm sorry." Saad ko sa kanya saka inalalayan syang makatayo. "Bakit Kuya Ae? May Problema ba? Bad Breath ba ako? Amoy pawis na ba ako?Hindi naman ah." Saad nya pa na tila inamoy pa ang sarili. "B, STOP! Walang Mali sayo, Mabango ka, Hindi ka Bad breath okay." "Pero Bakit ka Huminto Kuya?" "B, Mali ito, Gusto kita pero hindi pa ito ang tamang panahon. Kung matatangay tayo pareho hindi ko alam ang mararamdaman ng parents mo, tiyak na masasaktan sila. Kaya I'm sorry B,. "Okay, Sabi mo eh, Ok na iyon, Atleast naranasan kong malaplap ngayong Gabi " "B! Your mouth! Come here nga, Alam kong curious ka lang sa mga bagay bagay B, May tamang panahon para dyan okay? Pero hindi pa ngayon, At kapag nangyari yon, I assure you na hindi sa DAMUHAN ang una. Kaya wag kang makulet my B." Saad ko saka sya niyakap ulit sa likod. "Okay Kuya Ae, sabi mo Eh, sya tara na, sabi mo nga hindi pa dapat, baka pag nagtagal pa tayo rito baka kung ano pa maganap hehe tara na nga" saad nito saka ako inaya palabas. Nagpaalam na rin ako sa kanya pagkatapos noon. Nakangiti naman syang kumaway saka pumasok sa loob. Ako naman ay Umalis na rin. Habang pauwi ay naalala ko ang mainit na tagpo namin ni Yohanna kanina, Ang Malambot nyang labi ,ang mainit nyang hininga, ang Dila ko na nakikipag espadahan sa Dila nya. Ang mga kamay kong naging malikot na humimas sa kanyang Dibdib at mga hita. Kung hindi ako natauhan ay Baka may mas malalim na maganap sa amin sa Damuhan. Pero Tulad nga ng sinabi ko, hindi pa ito ang tamang panahon. At Sisiguraduhin kong hindi sa Damuhan ang Una, dahil kapag nangyari yon sisiguraduhin ko na sa lugar kung saan Comfortable sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD