3RD PERSON POV
Mabilis na lumipas ang mga araw, Lingo at Buwan ay naging busy sila kanya kanya nilang mga routine sa buhay. Busy si Yohanna dahil Huling taon na kasi ito ni Yohanna bilang Senior High dahil sa susunod ay College na ito. Si Ae naman ay talagang Mabilis makakuha ng Project, sa edad nyang yan ay kabi kabila ang kanyang Proyekto.
Halos hindi narin namalayan ni Yohanna na Ika 18th kaarawan nya na pala sa susunod na buwan, kung hindi pa sya tanungin ni Evren.
"Anak, Anong balak mo? mag de debut ka na, baka may gusto ka?" Tanong ni Evren sa anak saka hinaplos ang ulo nito.
"Ma, ok lang po ako kahit simpleng celebration."
"Eh anak, Nag usap na kami ng Daddy mo dahil 18th kana naman. Magkakaron tayo Birthday Celebration mo para sa 18th birthday. Minsan lamang ito kaya sabi ng Dad mo sulitin kaya may mga 18th roses ka rin sa Debut mo."
"Ah, sige po Mommy kayo po ang bahala, kung ano po sa palagay nyo, basta po hwag kayo maaabala ng husto ni daddy.
"Kopya Anak,Basta pinaghandaan namin ang birthday mo, at sana mapasaya ka namin.
"Thanks Mom, yes po ngayon palang masaya na ako, thank you po sa inyo ." Saad ng dalaga saka tinuloy ang ginagawa.
Nag focus sa pag aaral ang dalaga, kumuha na rin sya ng exam sa PMA kung saan gusto nya mag aral ngunit inilihim nya sa kanyang Ina na nag exam sya rito.
Gusto nya rin kasi maging pulis tulad ng ama nya. Ngunit ang mommy nya ay gusto ng ibang kurso wag lamang pag pupulis, dahil nag aalala raw ito sa Kanya. Kaya inilihim muna nya ito. Saka na lamang nya sasabihin.
Habang busy sya sa pag aaral Ay Busy rin ang mag asawang Yohan at Evren para sa Debut ng kanilang panganay na anak. Masaya sila dahil mag De Debut na ang kanilang panganay.
Halos handa na ang lahat para sa kaarawan nito maging ang mga kasama sa 18th roses. Mga Malalapit na kaibigan ng Pamilya at ka klase ni Yohanna ang kanilang kinuha na kasali sa Debut Program.
Maging sa motif ng kulay ay tinanong nila si Yohanna powder blue ang kulay na gusto nito kaya yon ang sinunod ng mag asawa. Lahat ay Okay na, hinihintay na lamang ang pagsapit ng kaarawan ng dalaga.
Maging ang mga invitation ay naipamahagi na rin nila.
Kasama sa Program para sa 18th roses ang mga anak ni Xav na sina Xylas at Xavi , Anak ni Keegan na si Midnight, at iba nya pang kaibigan at Ka klase. Kasama rin doon si Ae, at ang Partner nya sa kanyang Debut walang iba kundi ang kapatid na si Graeson.
Samatala..
YOHANNA
Mabilis na lumipas ang mga araw ay Debut ko na pala next week. Dahil busy ako ay sila Mom and Dad talaga ang abala sa mga nakaraan buwan na preparation. Tinatanong lamang nila ako kung anong theme ang gusto ko, Kung anong motif. Pero the rest ay sila na. Ang sabi ko nga noong una ay simpleng debut celebration na lamang ngunit gusto nila ay may event na din. Pasasalamat na rin daw nila sa ika labing walong taon na kaarawan ko.
Sa sobrang busy ko ng mga nakaraan ay halos di na talaga kami nakakapag usap ni Kuya Ae, Simpleng kumustahan lamang palagi, busy rin kasi sya sa work nya. Talagang napaka sipag ng isang iyon hehe, akala mo may binubuhay na pamilya kung maka kayod.
One time bago ako matulog ay nagulat ako ng tumawag sya. 3 days bago ang aking kaarawan.
"Hello B, Advance Happy Birthday!"
"Salamat Kuya Ae, Ang aga mo naman bumati, hehe."
"Oo B, hehe gusto ko kasi ako ang unang babati sayo, Saka B, I'm sorry Baka hindi ako makapunta, Nagsabi na rin ako kay Tita Evren na baka sakali e hanapan na lang nya ako ng proxy." Saad ni Kuya Ae sa kabilang linya. Hindi ko alam ngunit tila nakaramdam ako ng lungkot ng malaman na di sya makakapunta.
"Ganon ba kuya? Sayang naman, isa sa mga masayang eksena ng buhay ko pero di ka makaka attend. Pero ok lang Kuya Ae, no Worries..Alam ko naman na busy ka kaya Ok lang, nauunawaan ko." Saad ko ngunit deep inside ay nalulungkot ako dahil di sya makakadalo.
"Don't worry B, Babawi na lang ako kapag uwi ko, ahm..may gusto ka bang pasalubong or gift na gusto?"
"Ahmm..Wala Kuya Ae, ok na..Makauwi ka lang ng safe sa Atin ok na yon."
"Hmm...Bait naman B, hehe..kumusta pala si Aea? Mis ko na din yan.
"Eto si Aea sa tabi ko, nakaupo mis kana rin nito Kuya Ae, pag nga may nag do doorbell nangunguna pa, akala siguro ikaw hehe."
"Nice, Haha..Aea mis mo na ba si Daddy? Dont worry malapit na umuwi ang daddy, hindi nga lang aabot sa Debut ng Mommy mo pero uuwi ako nextweek." Saad pa ni Kuya Ae sa kabilang linya.
"Ingat ka daw Kuya Ae sabi ni Aea."
"Salamat Mommy B," saad pa ni Kuya Ae, napakalakas talaga magpakilig nito. Sayang nga lang at wala sya sa birthday ko, pero ok lang wala naman akong magagawa.
Kinabukasan ay Bisperas ng aking kaarawan kaya Busy na Busy na kami. Handa na rin ang Garden na gaganapan ng aking debut. Nalagyan na iyon ng napakalaking Tent upang kahit umulan ay di Mababasa ang mga Bisita.
Lumapit ako kay Mom and Dad na nakaupo sa table habang buhat ko naman ang bunsong kapatid na si Addie.
"Mommy, ano po yan? " tanong ko kay Mommy na Tila may nililista.
"Ah, list anak ng mga bisita,Si Ae pala baka di makapunta busy daw kasi. May bidding na project at hindi sya makakaalis agad." Saad ni Mommy.
"Opo Mommy sabi nya nga po."
"Don't worry anak, may kapalit na muna sya."
"Thanks Mom sa effort nyo po ni Dad para sa Birthday ko."
"Wala iyon anak, Una ka naming anak at minsan ka lamang mag de debut kaya dapat lamang na i celebrate."
"Thank you po Daddy," wika ko saka yumakap kay Mom and Dad.
Matapos kong yumakap ay nagulat ako sa tanong ni Daddy.
"Anak, San galing yang kwintas mo? Parang ngayon ko lamang nakita iyan? Tanong ni Dad sa akin."
"Ahm..Galing po kay Kuya Ae dad, pasalubong nya po, Tig iisa daw po kami nila Xierra, Xavina at Xavia." Saad ko rito kahit medyo kabado bente.
"Ah okay, akala kung kanino eh"
Saad ni Dad saka muling binaling ang tingin sa binabasa.
Hangang sa dumating na ang Pinakahihintay kong araw. Ang aking kaarawan.
Nakasuot ako ng Powder blue na gown. May suot din akong maliit na crown. Ang buhok ko naman ay naka lugay ang ibang part saka naka curl ang dulo.
Ganap na akong 18th ngayong araw. Masaya ako hindi lang dahil sa birthday ko kundi sa taong mga nasa paligid ko at mahal ko sa buhay. Kompleto ang Aming Pamilya simula sa Mother side at Father side. Narito sila Lolo at lola na step mom ni Daddy kasama ang mga anak nito na sila Tito Red at Tita Peachy, si lola Gretta naman ay narito rin kahit naka wheelchair na ito, Kahit na may Pamilya ng iba si Lolo ay magkaibigan parin naman sila. Samantala narito rin ang Pamilya ni Mommy ang aking mga lola at lolo sa mother side narito rin sila tito Hyde at si tito bunso na Step bro ni Mommy.
Kita ko na rin ang pagdating ng mga bisita. Halos mapuno na ang mga upuan na nakalaan para sa mga bisita.
Hangang sa Magsimula na ang Program, Syempre introduction muna ng buhay ko, hindi pa ako lumalantad sa venue pero may monitor sa backstage kung saan ako naroroon kaya napapanood ko.
Halos unti unting namamasa ang mata ko habang pinapanood ang video ko na may background music pa ng "THE BEST DAY ni Taylor Swift". Sa Video ay makikita ang simula nang pinagbuntis ako ni Mommy.
Ang mga ibang larawan ay kuha pa sa bundok kung saan kami nanirahan ni mommy noong ipinagbubuntis at ipianganak nya ako. Naroon din si Nanay soling sa ibang larawan kaya lalo akong naiyak. Ma mi miss na naman sya ni Mommy. Hangang sa Sumunod na larawan ay ang una naming pagkikita Ni Daddy sa Family Day ngunit di pa namin alam na Mag Ama pala kami. Naiiyak ako na natatawa. Sumunod naman ay ang pagkikita naming tatlo na ipinakilala na sya bilang Daddy ko, Nakakatawa balikan ang memories hangang sa sumunod ay Grade school nako mga larawan kasama ang mga kapatid ko, hangang sa makarating sa Present at amg Pinaka last na Picture ay Kuha Nung isang araw Stolen Shot ko habang buhat amg regalong aso ni Kuya Ae na si Aea.
After na ipalabas ang Video ay Tinawag na amg pangalan ko.
"We are gathered here tonight to witness the transformation of a young girl to a young lady. You see her grow up. You see her laugh, You see her smile. You see her everything. And now you are about to see her as a grown up lady. A lady of a good heart, character and ambition.
Ladies and Gentlemen, May i introduce to you the debutant. Let us welcome our Dazzlinb lady of the night. Miss Yohanna Leigh Ann Escobar"
Saad ng Host at kasunod noon ay ang Palakpakan ng mga tao.
Dahan dahan akong naglakad palabas. At doon ko napansin na marami pala talagang bisita. Syempre sinalubong ako ni Mom and Dad na naabutan ko pang Magkayakap pag labas ko, pano iyak ng iyak si Mommy habang pinapanood ang video ko kaya niyakap ito ni Dad, at ngayon nga ay sinalubong nila ako at nihatid patungo sa upuan ko sa unahan.
"Happy Birthday Anak" bati ni Mom and Dad saka nila ako Hinalikan at Niyakap.. Nagtawanan kaming Tatlo kasi Nakita ko na pati si Dad ay naiyak din.
"Hala mhie sa dad naiyak rin hehe."
"Kaya nga eh, mas nauna pa syang uniyak sakin hehe "
"Pano nakakaiyak ang memories haha" saad naman ni Dad.
Habang nakaupo ako ay nagpatuloy pa ang programa at Nagsimula ang mga 18th Gifts, 18th Candles,at ang Hindi Mawawala ang 18th roses.
Sa simula ng 18th rose ang mga nasa unang Numero ay mga ka klase ko na kaibigan ko rin, simple lamang puro tawanan habang nag sasayaw kami sa unahan. Bandang gitna naman ay mga kaibigan at pamilya ko na malalapit sila tito Red at tito Bunso , Pang 14 naman ay Si Xylas,15 si Xavi at ang ika 16 ay si Midnight nagtatawanan pa kami ni Midnight dahil sa isa sa mga linakitanh picture kanina ay magkasama kaming Dalwa puro Chocolate ang mga Mukha namin, halos kapatid na kasi ang Turing ko kay midnight dahil magkadikit lang naman din ang Hacienda namin at ang parte na lupang tinitirhan nila kaya kami talaga amg madalas na magkalaro noong bata. Matapos ang sayaw ni Midnigt ay tinawag na ang pang 17 roses. Hindi ko inaasahan ang pangalan na tinawag dahil alam ko namang hindi darating si Kuya Ae dahil nga may importanteng ganap ito sa Manila. Marahil ay Hindi napalitan ang List na naibigay, kaya proxy na lamang siguro.
17th Roses Engr: Aelous Escaño saad ng Emcee, Naghihintay ako sa Mag Pro Proxy para kay Kuya Ae. Ngunit nagulat ako ng biglang mayag salita mula sa aking likod na labis nagpakabog ng Dibdib ko.
"HAPPY 18TH BIRTHDAY MY B" saad ng isang boses na tila matagal ko nang hinahanap hanap. Humarap ako mula sa likod at doon at nakita ko si Kuya Ae, naka Semi Formal attire ito at Talaga namang napaka Gwapo sa suot nya. Ibinigay nya sa akin ang Rosas saka kiniha ang aking kamay saka kami Sumayaw. Habang nag sasayaw kaming dalwa ay YOU AND ME ng LIFEHOUSE ang kantang natapat sa amin.
"Ku..kuya Ae..I thought na..na hindi ka makakarating.." nauutal na wika ko.
"Pwede ba naman yon? Eh isa to sa importanteng event sa buhay mo B" saad ni Kuya Ae habang nagsasayaw kaming dalawa.
"Hmm..Loko ka talaga, palagi mo akong timitrip." Saad ko rito
"Hehe..Ang cute mo kasi asarin, pero Mas napaka ganda mo ngayong gabi, isa kanang ganap na dalaga, hindi kana batang supunin, hehe."
"Hoyy..grabe ka Kuya Ae, di naman ako batang uhugin nung bata ako haha."
"Haha...Batang Paslit ka nga dati eh, haha pero ngayon ganap ka nang dalaga."
"Hehe..Oo nga Kuya Ae, Diba sabi mo liligawan mo ako kapag 18 na ako.? Itutuloy mo pa ba iyon?" Tanong ko kay Kuya Ae na walang kagatol gatol.
"Hmmm..Oo gusto kitang ligawan hahanap ako mg tyempo na magsabi kay Tito at Tita.
"Ganon ba..Okay, Pero Kuya Ae, gusto kong malaman mo na kahit di mo pa ako nililigawan mg formal eh SINASAGOT na kita hehe." Saad ko kay Kuya Ae saka ako natawa nawala sa isip ko na nagsasayaw nga pala kami.
"B! Yun tawa mo, haha, Pasaway ka talagang B ka."
"Hehe, syempre sayo lang naman ako nagungulit."
"Okay Copy B, let's talk later, pinagtitinginan na tayo dahil sa tawa mo, hehehe." Saad ni Kuya Ae.
Pagkatapos namin ni Kuya Ae ay si Graeson naman ang pinaka 18th roses.
"Happy Birthday Ate, Ang ganda mo ngayon lalo, hehe, "
"Hehe salamat Grae, anong kailangan mo kay ate ha."
"Haha, wala no.. kailangan agad? Pero ate, kita ko yung mga tinginan nyo ni Kuya Ae kanina hehe."
"Shhh..hehe Pano akala ko kasi di sya darating."
"Syempre kunwari lang yon na di sya makakapunta ,hehe"
"You mean alam mo na kunwari lang?
"Yup, haha Alam namin nila Mommy na kunwari di makakapunta, haha Gulat ka no."
"Ang daya nyo talaga, Pinagkaisahan nyo na naman ako hehe."
"Sorry na ate, pero basta Kita ko ang Saya sa mga mata nyo ni Kuya Ae kanina."
"What do you mean?"
"You know what i mean Ate hehe" saad ni Graeson na parang may nais ipakahulugan. Tumawa na lamang ako saka yumakap sa kanya.
Kung may kakampi man at kasangga ako, walang iba kundi ang kapatid ko.