AEOLUS
Natatawa ako sa reaction ni Yohanna, para kasi syang batang nauutal. Napaka ganda nya lalo ngayon, Nakasuot lamang sya ng simpleng dress na above the knee, at sandals na sa tingin ko ay nasa 2 inches. Ang kanyang buhok naman ay naka Curl ngunit nakalugay. Ang kanyang amoy na tila amoy sangol na bagong paligo ay humahawa sa hangin.
Nakapasok na kami sa Church na sinisimbahan nila tita Evren. First time ko pumasok sa church na ito.
Magkatabi sa Upuan sila Tito Yohan, Tita Evren, Si Graeson ang Kambal Sunod si Yohanna at Ako sa Dulo. Para kaming isang Pamilya. Syempre sa umpisa ay Praise and Worship ngayon lang ulit ako naka attend sa ganitong gawain. Pero nung college ay nasama naman ako kapag inaaya ako ng classamate ko, natatandaan ko pa nga nag outreach kami ka Collab namin yung Mga Youth sa Church ng classmate ko, ako pa ang nag gitara habang nag pre praise and worship. Hindi nga lang ako Sumusimba linggo linggo tulad nila Yohanna.
After ng Praise and Worship ay Nag batian syempre, Nagbatian kahit di mo kilala ang iba sa paligid mo, Simpleng tango at ngiti ay ayos na, Ako naman ay binati din nila Tito Yohan at Tita Evren at tinapik pa nila ako sa balikat, at syempre si Yohanna hindi lang bati ang ginawa Dahil yumakap din sya kay Tito Yohan, Nag beso pa sila ni Tita Evren..ganon din sa Mga kapatid nya, Hinihintay ko kung anong gagawin nya sa akin. Pero paglapit nya sa akin ay tinapik nya rin ako sa balikat tulad ng ginawa ni Tita Evren sabay sabi "PEACE BE WITH YOU KUYA AE"
"Peace Be with You Baby" saad ko, Alam kong rinig nya iyon. Kita ko na naman ang pamumula ng kanyang Mukha at napangiti na lamang ako.
Nang nakaupo na kami ay nagsimula nang mag preach ang pastor.
Eto lang din ang masarap sa pag attend sa Ganotong gawain, makaka Focus ka talaga.dahil tahimik, Wala kang maririnig na Nag Chi chismisan, Walang matatandang Nag bubulungan, lahat ay nakikinig. Hindi ko alam kung aksidente lang ba na maisama ako sa Service na ito pero yung mensahe ng pastor ay talagang sapul na sapul sa akin, nadadala ako.
Habang nag pre preach ang pastor ay sinabayan pa ng tugtog ng piano sa saliw ng kantang OH COME TO THE ALTAR. Hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam na kulang ako, bigla ko naalala ang mga magulang ko, ang agaran nilang pagkawala na hindi ko man lang sila nasilayan. Saka ko lamang naramdaman na umiiyak na pala ako. AT hindi lamang ako dahil bukod sa sarili kong iyak ay may naririnig din akong iba. Naramdaman ko na lamang ang isang kamay na Humahaplos sa likod ko. Walang iba kundi Si Yohanna. Hangang sa Daluhan na rin ako ni Tita Evren at Niyakap ako.
Hangang sa Lapitan din ako ng sa tingin ko ay isa Sa mga leader ng Church at Ipinag Pray ako. Doon labis na bumuhos ang luha ko, Basta Hindi ko maipaliwanag ang dahilan. Habang pinag pre pray ako ay Hindi ako iniwan ni Yohanna nasa tabi ko sya at patuloy na hinahagod ang likod ko habang ako ay sumusunod na sa prayer at tumatangap. Hangang sa gumaan ang aking pakiramdam at natapos akong ipag pray.
Matapos ang Service ay muling nagkamayan ang mga member, may kumuha pa ng details ko para daw isasama sa prayer. Bago kami lumabas ay inakbayan pa ako ni Tito Yohan.
"Ang Sarap sa Pakiramdam ano Ae? Ganyan din ako dati nung una akong sama rito noong unang sama ko sa Tita Evren mo, Iyak malala rin ako, may kasama pang Sipon, hehe."
"Opo nga Tito ang sarap po sa pakiramdam."
"Congrats Ae, Natutuwa ako dahil kasama ka namin, hundi aksidente ang pagsama mo sa amin."
"Opo nga Tita Evren, First time ko po maka attend dito."
"Oh diba kuya Ae, masarap sa feeling?
"Yup B!, thank You ha." Saad ko rito.
Ngunit mahina lamang.
"So let's go, Kumain na muna tayo, saan nyo gusto kumain?"
"Daddy, pwede po ba sa Max's Restaurant? Saad ng Kambal na sabay pa.
"Hmm..Don ba ang gusto nyo?
"Ok lang naman po sa akin Dad," sang ayon naman ni Yohanna kaya doon na nga kami nag Tungo.
Dahil kanina pa Buhat ni Tita Evren si Baby Addie ay kinuha muna ito ni Yohanna. Nakakatuwa silang pagmasdan mag ate pano pareho silang kulay ng Dress.
Dahil waiting pa naman ng order ay naisip muna ni Yohanna na ilabas si Addie dahil sa tapat ay may mga Flower na design na makukulay. Sinundan ko sila nilalaro ko si Addieson sa likod kaya humahagikhik ito hindi naman alam ni Yohanna na nakasunod ako sa kanila kaya halos magulat siya ng makita ako pag harap.
"Aba at bakit humahagik...Ay Ut€n." Biglang bulalas ni Yohanna.
"Shhh...Kuya Ae, kakagulat ka naman , Kakasimba pa lang natin di pa tayo nakakauwi nagkasala na ako."
"Hahaa..Your Mouth B, Ang dami dami naman kasing words bakit yon pa."
"Aba, malay ko ba e sa nagulat ako eh." Saad nya na pulang pula na naman ang mukha.
"Akin na nga si Baby, Alam mo B, iwas iwasan mo ang pagka Kape, nagiging magugulatin ka masyado Baby." Saad ko saka lumapit sa punong tenga nya.
Saka kami lumayo ni Baby at lumapit sa ibang design na bulaklak. Maya maya lamang ay tila nagugutom na si Addie dahil sinusubo na nya ang kanyang munting daliri. Nakita naman iyon ni Yohanna kaya lumapit ito sa amin.
"Naku Kuya Ae, Gutom na yan padededehin ko muna saad nya saka kinuha si Addie pagka buhat nya ay ako naman ang kumuha ng Feeding Bottle saka ko ito hinawakan at unti unti naman dumede si Addie. Nasa ganing tagpo kami ng makarinig kami ng usap usapan sa ibang tao na naroroon.
"Ang Cute naman ng Pamilyang to, Maganda yung Nanay, Pogi Yung Tatay ang ganda din ng Anak, perfect Family,"
"Oo nga kaso parang bata pa yung Babae, maaga siguro nabuntis"
"Tangi, Baka di naman anak, Parang di naman nanganak yung babae tingnan mo nga perfect pa ang hubog."
"Hwag nga kayong maingay baka marinig kakahiya kayo"
Dagdag pa ng Isa.
Di na lamang namin iyon pinansin, maya maya ay tinawag na rin kami ni Tita evren dahil ok na ang order.
Masaya kaming kumain. Tulad kanina ay para kaming isanga masayang pamilya.
3RD PERSON POV
Matapos nilang Kumain ng pananghalian ay naisipan nila na maglibot pa. Pero pagkatapos noon ay nagka ayaan na rin na umuwi na. Alas Tres ng hapon na ng makarating sila sa bahay.
Nagpasalamat ang mag asawang Yohan at Evren kay Ae dahil sa pag dra drive nito para sa kanilang pamilya.
Hindi na rin naman nagtagal si Ae dahil nagpaalam na din ito.
Pagdating sa Mansion ay nabungaran nya agad ang kanyang Mama Xena, ang kinagisnan nyang ina. Malapit at malambing ito sa kanya at tinuring na syang bunsong anak.
"Ae, Hijo, nariyan ka na pala, Kumusta?" Tanong ng ginang
"Ok naman po Ma, Kayo po kumusta?"
"Ok lang din naman Anak,"
Anak, May tanong ako 23 years old kana, pero bat wala ka pang ipinakikilalang babae sa amin bilang nobya? Tanong ng gunamg rito.
"Hehe, Eh kasi po Mama wala pa po akong GF kaya wala akong maipalikilala hehe."
"Ganon ba Hijo, E di manligaw ka na para magka Nobya ka na."
"Darating po tayo dyan Mama kapag Ok na hehe" Nakangiting wika ng binata sa mahal na Ginang.
Mabilis pang Lumipas ang mga araw ay naging busy rin Ang binata sa kanyang Trabaho bilang Engineer dahil merojnsyang Proyekto sa Maynila.
Bihira lamang din silang makapag kita ng dalaga. Dahil nga sa schedule nya.
May pagkakataon pa na kailangan nyang lumuwas ng Karatig Lalawigan dahil meron din Syang tina trabaho doon.
Sa Viber na lamang sila nagkakausap ng dalaga. Sa bilis ng araw ay halos isang buwan na pala silang di nagkikita nang personal.
Sobrang Mis na nya ito. Kailangan nya lamang tapusin ang isa sa mga project nya para makabalik na rin sya at magkaron ulit ng oras.
Makalipas pa ang isang linggo sa wakas ay makakauwi na ulit sya sa lugar nila. Ngunit bago sya uwuwi ay naisip muna nyang bumili ng pasalubong.
Hindi na sya makakapag hintay ng pag uwi bukas, Kaya mamayang gabi lamang ay luluwas na rin sya.
Napadaan sya sa isang Pet Shop sa Mall.
Nakakita sya ng isang napaka cute na Dog. Binili nya ito. Naalala nyang mahilig si Yohanna sa Aso dahil lagi itong nagpapakain mg Askal o pusakal tuwing namamasyal sila sa Park.
Napangiti sya sigurado syang magugustuhan ito ng dalaga.
Nang mabili nya ang aso ay Agad na syang nagtungo sa park upang uwuwi na sa kanila.
Alas Syete sya umalis at halos 10 na rin ng gabi sya nakarating, partida pa iyon dahil walang traffic.
Excited na syang ibigay bukas ang aso, dalangin nya na magustuhan ito ng dalaga.
Samantala..
YOHANNA
Pag gising ko ay Tila nakarinig ako ng boses ng nagkwe kwentuhan. Nag toothbrush lamang ako at naglinis ng katawan saka ako bumaba. Nasa Hagdan pa lamang ako ng marinig ko ang boses na ilang linggo kong di naririnig. Nanlali ang mga mata ko ng makita si Kuya Ae sa bahay ng napaka aga.
Ang isa sa nagpamangha sa akin ay ay dala nito. May dala dala itong Cute na aso.
"Good morning Yohanna" bati nito sa akin.
"Good morning Kuya Ae,"
"Anak, May Surpresa ang Kuya Ae mo sayo, "
"Oo nga anak, Dapat Bibilhan ka palang namin pero naunahan na kami ng Kua Ae mo " dagdag pa ni Daddy.
Maya maya lamang ay iniabot na ni Kuya Ae ang napaka Cute na aso. Sobrang Cute nito at napaka magiliw.
"Hala Kuya Ae, Thank you dito ha ang cute naman."
"Syempre naman, ako ang pumili eh hehe, sana nagustuhan mo."
"Oo naman Kuya gustong gusto," saad ko saka hinimas ang cute na aso.
Naiwan kami ni Kuya Ae, dahil si Daddy ay kailangan na dumuty sa HQ. Si Mommy naman ay umakyat na muli sa taas upang tingnan si Addieson kaya kami lamang dalwa ni Kuya Ae ang naiwan rito sa baba dahil ang iba kong mga kapatid ay tulog pa.
"May naisip ka na bang name nya B?" nakangiting tanong nya sa akin.
"Hmm..Oo nga Kuya eh nag iisip pa."
Turan ko saka muling tumingin sa Cute na aso at Voila may naisip na ako.
"Kuya may naisip na akong Name nya."
"Anong name ang naisip mo?"
"Dahil sayo sya galing Kuya Ae, Papangalanan ko syang 'AEA' pronunciation is EYAH."
nakangiting wika ko. Napakapit naman sya sa kanyang Baba saka tumingin sa akin na tila nag iisip.
"Hmm..Okay Deal AEA ang name nya, Pero Alam mo ba ang Totoong name ni AEA?"
Tila nang uuyam na tanong nya sa akin.
"Ano Kuya Ae? Anong tunay na name ni AEA?" takang tanong ko na naghihintay ng Sagot nya.
"Ang tunay na name ni AEA walang iba kundi AEANA, combination ng pangalan nating Dalawa." Turan ni Kuya Ae habang nakatingin sa akin ng Mata sa Mata, Saka kinagat ang kanyang ibabang labi. Hindi ko tuloy alam kung saan papaling ng tingin.
Sa sobrang kaba ko ay tumingin na lamang ulit ako sa Aso at Nilaro laro ito.
Akala ko tapos na ang lahat, hindi pa pala nagulat ako ng muling lumapit si Kuya Ae sa akin.
"B, Aalis na muna ako, Hinatid ko lang talaga si Aea dito para ibigay sayo, Paano mauna na ako, Bye Aea, Be A Good Girl, Hwag magpapasaway sa Mommy, Aalis na muna si Daddy" saad ni Kuya Ae, Saka bahagyang hinawakan si Aea Saka tumawa at ngumiti labas ang mapuputi at pantay nyang mga ngipin.
"Hahaha..Feel na Feel maging Fur Dad ano po?"
"Haha Syempre naman B, hehe pano mauna na ako, pakisabi na lang kay Tita Evren." Dagdag pa nito.
Maya maya lamang ay umalis na nga ito saka kumaway sa akin.
Hindi ko Alam kung ano ang nararamdaman ko, kung Kinikilig ba ako o ano, On the Spot naging Ina ako,at sya naman ay naging Daddy ng Aso naging Fur Parents kami, Hahha Kilig Yarn?
Pero ang totoo nyan masaya ako, Masaya ako dahil kahit papano nakikita ko nang ngumingiti si Kuya Ae, Yun naman ang importante don eh, Yung nakikita ko na syang masaya.