YOHANNA
Dinala ako ni Kuya Ae sa Al Di La Conrad Pune sa may CONRAD MANILA Seaside sa may MOA . Iginiya naman kami ng staff nito patungo sa upuan na naka reserved para sa amin. Tumingin ako sa paligid. Iilan lamang ang mga tao na naririto at ang mga kasabay namin ay tila mag Partner rin. Mga nag de date siguro. Kagaya ng ginawa ni Mom and dad nung nakaraan.
Pinapili ako ni Kuya Ae ng gusto ko at pumili naman ako ng gusto kong pagkain. Habang naghihintay ay nagulat ako ng may iabot si Kuya Ae na bulaklak.
"For You B," saad nya sabay abot sa aking ng Bouquet.
"Hala.. may Flowers pa Kuya, Thank you ah."
"Hehe natural, date nga eh kaya dapat may bulaklak" saad nya pa sa akin. Hangang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala kung pano nya napapayang ang mga magulang ko.
"Pero Kuya Ae, Pano mo nga napa Oo si Mommy at Daddy?" Taka paring tanong ko sa kanya.
"Simple lang, Sinabi ko kung pwede kitang isama na kumain sa labas. Tapos ayon, Nag open naman si Tito Yohan. Gusto nila na ma experience mo rin ang mga ganitong bagay kaya pinagkatiwala ka nila sa akin." Dagdag pa ni Kuya Ae.
Napatango na lamang ako, Habang nag hihintay kami ay dumating na rin ang order namin. May wine din na dumating kasama ng order namin.
"Kuya, papayagan ba ako nila Daddy Na uminom nyan?" Tanonh ko habang nakatingin sa wine na nasa aking harapan.
"Hmm..Tikman mo lang pero Hwag mong ubusin." Saad ni Kuya Ae sa akin.
Na curious naman ako kaya tinikman ko iyon, Lasang matamis na medyo mapait, na medyo maasim.
"Ano? Masarap ba?"
"Hmm..medyo mapait, pero keri lang."
"Ok, B, pero that's enough. Hindi mo uubusin yan, pinatikim ko lang sayo." Dagdag pa ni Kuya Ae saka kinuha ang baso ng wine sa aking harapan.
Nagsimula na kami kumain masarap ang food nila. Habang kumakain kami ay may tumutugtog pa ng Violin.
Nakakakilig naman,Ganito rin siguro ang nararamdaman ni Mommy at Daddy kapag nag de date sila. Eto siguro yung time na nag lalaan talaga sila ng moment sa isat isa.
Matapos naming kumain sa nasabing resto ay lumabas na kami. Sakto paglabas namin ay mahangin at malamig sa labas. Naka dress lamang ako kaya ramdam ko ang dampi ng lamig sa aking braso at mga hita.
Maya maya lamang ay nagulat ako ng patungan ni Kuya Ae ang balikat ko ng suot nyang Tuxedo para di daw ako ginawin ng husto. Kaya ang suot nya na lamang ay long sleeve na black na tinupi hangang siko.
Napaka gwapo ni Kuya Medyo maputi kasi Sya, Matangkad, Sakto ang katawan, Hindi sya Macho pero pwedeng pang modelo. Bigla ko naalala si Kuya Ae nung bata pa ako. Kapag naglalaro kami sa Farm. Madalas nya akong babahin sa kanyang Likod lalo na kapag inaabot ako ng hapon kalalaro sa hacienda nila tito Xav dahil nga andon sila ate Xierra. Kapag uuwi naman ay sya ang laging naghahatid sa akin. At isang araw ay nasugatan ang tuhod ko sa school at dumugo iyon sya ang naghatid sa akin sa bahay sya rin ang naglinis ng Sugat ko, pero nananatili syang tahimik habang ginagawa iyon. Hindi kasi sya palasalita at palaimik. Parang Suplado sya at malungkot kaya labis ang saya ko na ngayon ay kinakausap nya na ako at nakikita ko syang nakangiti, malayo sa teenager na Ae na nakilala ko. Nasa ganoong pagbabalik ko sa alaala ng bigla syang lumapit sa akin. Doon ko lamang napagtanto na nahuli nya pala akong nakatingin sa kanya.
"Woi...Bat titig na titig Ka My B" saad nya saka ako bahagyang pinitik sa may noo.
"Wa..Wala kuya" saad ko saka nagbiwas ng tingin.
"Weh, hehe.. let's go B, " saad nya saka iniabot ang Kamay para akayin ako. Nakatalikod na sya habang inaabot parin ang kamay ko. Pero imbes na hawakan ko iyon ay bigla ko na lamang syang niyakap mula sa likod. Bahagya naman syang napahinto sa pag hakbang ng maramdaman nyang nakayakap ako sa kanya.
Nasa may Seaside kami, madalang ang tao kung saan kami naroroon. Ilaw ng mga Gusali at Buwan ang nag sisilbing liwanag habang rinig namin ang hampas ng alon ng dagat sa may seawall.
Nanatili akong nakayakap sa kanya. Ramdam kong hinawakan nya ang aking kamay saka iyon dinala sa tapat ng kanyang dibdib. Ramdam ko ang lakas ng t***k ng puso nya. Kasunod noon ay ang pagharap nya sa akin.
Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para bitawan ang mga salita na di ko rin alam na kaya ko palang isiwalat.
"Mahal kita Kuya Ae, Siguradong sigurado ako, hindi ako nagbibiro" saad ko habang nangingilid ang mga luha.
Tumingin ako sa kanya ngunit tila sya ay nagulat din ata sa sinabi ko. Nakatitig lamang sya sa akin at di ko mabasa ang expression ng kanyang Mukha. Medyo nakakahiya sa part ko dahil nagtapat ako sa kanya, pero wala eh. Nagsabi lang naman ako ng Totoo.
"Ahm..Turn off ka ba Kuya Dahil Umamin ako, Dyahe ba?" Tanong ko ngunit wala parin akong maasahang sagot sa kanya nananatili syang tahimik ngunit kita ko rin na parang namumula rin ang kanyang mata.
"Ahm..Sorry Kuya Ae, Nagsabi lang naman ako ng Totoo, pero kung..pero kung hindi okay sayo eh..Kalimutan mo nalang yung sinabi ko, Ahm Sige Kuya Doon lang muna ako." Saad ko saka akmang lalayo sa sobrang hiya sa kanya. Pero nang paalis na ako ay nagulat ako ng bigla nya akong Pigilan at kinabig papalapit sa Kanya. Kasunod noon ay ang pag Lapat ng Labi nya sa Labi ko. Halos di naman ako makapaniwala. Nag kiss na kami noon, pero iba tong ngayon dahil nasa public parin kami, may mangulan ngilan paring taong dumadaan kung saan kami naroon.
Napapikit na lamang ako sa ginawa nyang Paghalik. Masuyo iyon at Marahan.
"Wala kang dapat Ikahiya B, Mahal rin kita" saad nya saka ngumiti sa akin. Sa sobrang saya sa pakiramdam ay nagyakap kaming dalwa. Matapos iyon ay inaya nya na ako sa parking dahil may Pupuntahan daw kami.
Hindi ako masyadong gala kaya di ko alam kung saan kami pupunta pero nagulat ako ng mapagtanto kung nasaan kami. Isa iyong mataas na lugar kung saan kita ang magandang View.
"Hala..Ang ganda dito Kuya" saad ko ngunit hinarangan nya ng kanyang daliri ang aking labi"
"B, pwede bang Ae nalang ang itawag mo sa akin kapag tayo na lang dalawa."
"Bakit Kuy."
"Shhhh" awat nyang muli sa akin.
"Diba Mahal Kita, Mahal mo ako, Nagmamahalan tayo, Hindi mo na dapat ako tatawaging Kuya kapag tayong dalwa lang." Saad niya sa akin
"Okay Ae, So Tayo na bang Dalawa?" Saad ko habang kagat ang ibabang labi at naghihintay ng Sagot nya.
"Hmm..Pag iisipan ko B," saad nya sa akin pero kita ko ang pag pigil nya ng ngiti.
"Hala, Akala ko ba mahal mo ako, Bat ayaw mo pa sumagot.?" Tanong ko rito
"Secret, "
"Hala ang daya sabihin mo na kaya , Ang daya mo naman eh."
"Bawal sabihin hehe saka wag kang Pasaway B, remember sabi ni Tita Evren kapag pasaway ka parusahan daw kita kaya mag Behave ka." Saad pa nito sa akin
"Napakamot na lamang ako sa ulo, at di na lamang umimik, naramdaman naman ata nya na tila nagtampo ako.
Kung kanina sa sea side ay ako ang yumakap sa kanya, ngayon naman ay sya ang Yumakap sa akin. Habang nakatingin kami sa Mga mumunting ilaw na kita sa taas na Kinaroronan namin.
"Hmm..Wag kana mag Tampo B, Alam mo ba kaya ayaw kitang sagutin? Kaya ayaw kong Sagutin ang tanong mo? Kasi ang gusto ko ako ang magtatanong non sayo." Wika nya habang nanatiling nakayakap sa akin.
"I love You Yohanna ko.. Sinasagot mo ba ako bilang Nobyo mo?" Tanong ni Kuya Ae sa akin. Nanatili akong nakatingin sa mga mata nya. Ramdam kong unti unting lumalabo ang mata ko dahil alam kong may luha na unti unting lumalabas roon.
"Yes Ae,Sinasagot na Kita, Kahit ako naman ang lumalabas na unang nanligaw sayo, Mahal na Mahal din kita Ae." Saad ko saka di na muling napigilan ang luha.
"Napakasaya ko B, Hindi ko alam pero sobrang saya ko, na yung batang hinahatid ko pauwi, yung batang iyakin at takot sa Dilim noon ay Nobya ko na ngayon, I love You B, " Pero B, hayaan mong ako na amg magpaliwanag kina Tito Yohan at Tita Evren., Gusto kong ipag paalam ka sa kanila ng maayos." Saad nito sa akin. Bigla naman aking natahimik at napansin nya rin iyon.
"Ae, pwede bang sa atin na lang muna king ano ang meron tayo, Ayoko muna sanang ipaalam kina Daddy, I know daddy, Hindi ako papayagan noon na makipag Nobyo."
"Pero I try natin B, Mag papaalam tayo ng Maayos,"
"Ae Please, Saka na lang natin sabihin. Ang mahalaga naman Ok tayong dalwa. Ilihim na lang muna natin." Saad ko pa sa kanya.
"Sige ikaw ang bahala, pero Sasabihin din natin ah, Ayokong magalit lalo sa atin si Tito kapag pinatagal pa natin."
"Sige Ae, pero sa ngayon, gusto kong tayo lang muna" saad ko habang nakatingin sa kanya maya maya lamang ay muling naglapat ang aming mga labi. Maalab ang palitan namin ng halik. Agad kaming pumasok sa sasakyan at doon ay patuloy kami sa paghahalikan. Habang nasa sasakyan ay mabilis din na gumagapang ang kamay ni Ae, naibaba nya ang damit ko at sa aking leeg at dibdib ay hinalikan nya na naman ako. Para akong nalalasing sa ginagawa nya.halos mapapikit pa ako. Naramdaman ko na lamang din ang Kamay nya na humihimas sa aking mga hita hangang sa ibabaw ng aking p********e, hinaplos nya lamang iyon ngunit binalik almg din agad sa hita
Samantala...
AEOLUS
Napakainit ng paghahalikan naming dalwa. Nag eespadahan ang aming mga Dila. Ang dila ko ay Kinakabisado ang loob ng kanyang bibig. Maya maya lamang ay naging malikot ang kamay ko at nakarating iyon sa kanyang dibdib. Hinalikan ko ulit iyon at nag iwan muli ng marka doon. Ang kamay ko ay naglilikot na rin sa kanyang Hita hangang sa dumako iyon sa ibabaw ng maselan nyang parte, hinaplos ko lamang iyon nguni tinangal ko rin agad. Halos di kamo makahinga sa ginawa namaing halikan. Halos mag init na kasi kami pareho nang mag ring ang phone ko at timatawag si Tito Yohan.
Pigil hininga kong sinagot ang Telepono.
"Tito Yohan, Pauwi na po kami Ni Yohanna nasa CR lang po sya, Andyan na po kami bago mag Eleven."
"Salamat Ae,Ingat kayo Pag uwi."
"Salamat po Tito." Saad ko sa kabilang linya medyo nakaramdam na naman ako ng guilt dahil pinagkatiwalaan nila ako sa anak nila, pero heto ako at Pinapapak ang anak nila. Pero Naguguluhan din ako, MAHAL NA MAhal ko ang Dalaga nila. Kaya siguro tama si Yohanna. Ililihim na lamang muna namin siguro ang kung anong Meron sa aming dalwa. 'Mas Walang nakakaalam, mas walang makikialam'