3RD PERSON
Pagdating ng dalaga ay masaya syang sinalubong ng mga kapatid. Paborito kasi ng mga ito ang Lansones.
Nagulat pa si Yohanna nang madatnan ang Daddy nya, akala nya kasi ay may Duty ito.
"Dad, Rambutan po, kinuha po namin kina Tito Xav."
"Matamis yan nak, paborito namin yang noong Kabataan namin kapag tumatambay kami sa kanila., Mahantik doon Ah, Buti ka Di kinagat."
"Hi..hindi naman po Daddy, wala na po hantik ngayon."
"Mabuti naman kung Ganon anak."
Saad naman ng kanyang Daddy.
Matapos nyang ilapag iyon ay nag sanitize muna sya saka kinuha si Addison sa kanyang mommy.
"Mommy, akin na po muna si Addie doon na po muna kami sa kwarto.
"Sige Anak, Pwede mo bang bantayan muna mga kapatid mo, Nag aaya kasi ang Daddy mo Manood kami ng Sine."
"Sure po Mommy, wala pong problema,"
"Salamat Anak, Gusto kong i date ang Mommy mo, Syempre kahit ilang taon na kaming mag asawa at dalaga at binata na kayo eh deserve ng Mommy nyo na i date parin at ilabas" saad ni yohan sabay hawak kay Evren saka ito niyakap.
Napatawa na lamang ang dalaga. Natutuwa sya sa parents nya dahil kahit na nga naman matagal na ang mga ito eh parang teenager parin nasa 52 na ang Daddy nya ang mommy nya naman ay nasa 37 pero hindi halata sa Daddy nya na nasa 50's na ito para lamang itong matanda sa Mommy nya ng ilang taon.
"Ingat po kayo ang Enjoy Mommy and Daddy."
"Thanks anak, Pag nasa 28 ka na pwede ka na makipag Date " dagdag pa ni Yohan.
"Daddy, Ang tagal pa non, Baka naman pwedeng mga 20? Dagdag ni Evren.
"20? Baby pa yang anak natin Mommy, Pag iisipan ko pero kasama tayong dalawa." Dagdag pa nito.
Habang wala ang mga magulang ay nasa kwarto lamang si Yohanna at ang bunso nilang kapatid na si Addie. Buti na lang at Kahit malikot ito ay nakikinig ito, dahil naka dede na ito ay nakatulog na rin ito sa kanyang kama. Ang mga Lalaki nya namang kapatid ay nasa sala at nanonood ng Karera sa TV.
Maya maya ay Nag ring ang phone nya, nakita nyang Si Ae ang tumatawag mula sa messenger. Sinagot nya iyon at Pag bukas nya ay kita nya itong nakahiga sa kama sa kwarto nito. Pansin nyang wala itong damit pang itaas. Pero may hawak itong unan na nakatakip sa katawan.
"Hey, Kuya Ae, bat ka napatawag? Tanong nya rito."
"Wala lang, Grabeng init, Di ako makatulog,"
"Ah, Kaya pala e diba may aircon kayo kuya?"
"Meron nga pero aksayado sa kuryente kaya binuksan ko nalang ang mga bintana saka nag Topless na lang ako.
"Hmm.Ganon ba? kami andito sa kwarto ko, tulog si Addie, tapos na kasi dumede, Umalis kasi si Mom and Dad.
"Ganon? Wala sila Tito Yohan?"
"Oo eh, Nag De date Si Mom and Dad, alam mo naman yung dalwang yon.Once a week may Bebe time."
"Haha..astig si Tito Yohan ah, hehe sa bagay Ganyan din si Mommy Ate at Daddy Kuya, Di mawalan ng Moment."
"Oo nga eh..hehe..Sana All" saad ko pa nakita jong biglang natahimik si Kuya Ae at napangiti.
"Hmm..Bakit ka naman nag Sa SANA ALL B,"
"Hmm..wala lang hanga lang ako sa kanila kasi kahit ang tagal na nila magkasama eh para parin silang nagliligawan."
"Ganon naman talaga B, Deserve ng mga Babae I Date at Mahalin Palagi."
"Hmm..Kuya..May Babae ka nabang na i Date?
"Hmm..Friendly Date Oo, pero marami kami non, bakit?
Tanong nito sa akin.
"Hmm..Wala lang natanong ko lang kung anong pakiramdam."
"Hehe..Teka..Gusto mo bang mag DATE tayo B? Tanong ni Kuya Ae sa akin, tila may kabayo na naman na nagtatakbuhan sa Dibdib ko.
"Date? Eh..Baka Hindi ako payagan ni Dad Kuya Ae, Alam mo naman na Stricto yon, Saka parang nahihiya ako Kuya Ae, PERO KAILAN MO PALA AKO BALAK I DATE at SAAN?"
Excited na tanong ko. Pansin kong napatawa sya ng Husto, Bakit kaya? May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Hehe..hindi papayagan at Nahihiya pero Excited hahaha."
"Haha Hoy Gagi kuya, Baka nga di ako payagan."
"Shssh..Ako ang bahala okay." Wika ni Kuya Ae na syang nagpapanatag sa akin.
"Sige Kuya.. Ikaw ang bahala" nakangiting wika ko. Maya maya ay nagpaalam na rin ako at sinabing tatabihan ko na muna si Addie dahil inaantok na rin ako.
Samantala..
AEOLUS
Eighteen years old na si Yohanna, Dalaga na ito kung Titingnan pero may Part na makikita mo parin na napaka inosente nya sa ibang bagay. Nauunawaan ko na iniingatan lamang sya nila Tito Yohan kaya naghihigpit ito sa kanya.
Gusto kong ma experience ni Yohanna ang ibang bagay na di nya pa nagagawa. Nakapag decide na ako na ipag papaalam ko si Yohanna na lumabas minsan.
Isang araw habang nasa Eskwelahan sila Yohanna ay Dumaan ako sa kanila. Dinala ko ang Pasalubong ni Mama Xena kay Tita Evren. Sakto pag dating ko ay naabutan kong nakaupo ang mag asawa sa kanilang Terrace kasama ang Bunso nilang anak.
"Magandang Tanghali Tito Yohan,Tito Evren" magalang na wika ko sa mag Asawa saka inabot ang dala kong paper bag
"Magandang tanghali din naman Ae"
"Dinaan ko lang po pinabibigay po ni Mama Xena."
"Ah..Salamat Ae, Pasok ka muna." Anyaya sa akin ni Tito Yohan.
"Oo nga Ae, tamang tama nagluto ako ng ginataang bilo bilo, request ni Yohanna sandali at ikukuha kita." Saad ni Tita Evren.
"Sige po Tita Thank you po."
Habang hinihintay ay nagsimula kamingag kwnetuhan ni Tito Yohan.
Masarap din ka kwentuhan to, marami ka ring aral na makukuha. Mahigpit nga lang. Kaya minsan nag aalangan ako magsabi kasi baka mag iba ang patingin nito sa akin.
Dumating si Tita Evren dala ang isang tasang bilo bilo, paborito ko rin kasi ito. Habang kumakain ay mag kwe kwentuhan kami. Si Addie naman ay panay ang lapit sa akin at ibig pang magpabuhat kaya matapos kong kumain ay binuhat ko ang batang si Addieson.
"Naku ,Ae, panatag na panatag na sayo si Addie, haha nadagdagan ang magbubuhat sa kanya hehe."
"Opo nga Tita, kilala na ako ni Addie"
"Uya..Uya.." saad nito saka yayakap sa akin. Nakakatuwa itong batang ito dahil napakalambing. Bunsong bunso ito sa pamilya kaya mahal na mahal ito ni Yohanna. Habang nag kwe kwentuhan ay napunta kay Yohanna ang usapan.
"Ahm..Tita Evren Tito Yohan, gusto ko po sana ipag paalam sa inyo si Yohanna.
May Gift po kasi sa akin sa isang restaurant ang isa sa mga Cliente ko, Na kwento ko kasi Kay Yohanna eh Hindi padaw po sya nakakarating doon. Tinatanong nya po kung anong itsura, Kung Papayag ho kayo ipag papaalam ko po sana sya sa inyo na baka pwede ko po sya isama.?"
"Ganon ba Ae? Alam mo Ae, Pasensya na kung sa tingin mo ay ang higpit ko sa mga anak ko, Kita mo naman Yohanna is Eighteen years old pero never pang lumayo sa amin, Hangang Eskwelahan, Bahay, Simbahan, at dito lamang sa Palibot ng farm natin. Mag mall man kasama kaming buong Pamilya. Gusto ko lang kasi syang protektahan Ae, Alam mo na sa ganyang Edad, mahirap na, maraming lalaking mangloloko ngayon, baka mamaya sa maling tao sya mahulog tapos saktan lang sya, baka di ko kayanin Ae, baka makapatay ako. Kaya sa edad nyang yan hindi ko pa talaga sya hinahayaan na Makipag date Sa kung Sino, Hindi parin ako tumatangap ng mangliligaw nya. Mabuti na lamang din at wala pa syang mangliligaw.
Pero Ae, Dahil ikaw naman ang nag Aya, Papayag akong ilabas mo si Yohanna. Ayoko rin naman maramdaman ng anak namin na nakabilanggo sya rito.
Paraa experience nya rin nalan na lumabas Sige PAPAYAG ako, Kami ng Tita Evrem mo Kaso IKAW ang kasama nya. Alam kong di mo sya pababayaan.
"Oo nga Ae, Alam mo kung gano namin kamahal si Yohanna kaya ipagkakatiwala namin sya sayo. Para ma experience nya rin naman lumabas, At mag buhay teenager ng isang araw hehe " saad ni Tita.
"Naku, Salamat po, I'm sure matutuwa sya, ayaw nya nga po nung una dahil baka di po kayo pumayag."
"Hehe, Basta Ingat Kayo Ae basta Bat ibabalik mo ang Anak ko ng Ligtas Sige papayag kami." Saad ni Tito Yohan saka ako tinapik sa balikat.
Masaya ako dahil sa wakas, Mai lalabas ko na si Yohanna. Napagkasunduan namin nila Tita Evren na wag sabihin dito.
Sabado ng Hapon kami aalis, pero nangako rin ako na ibabalik ko sya hangang 11pm pero kung traffic man kailangan ay i update sila.
Excited na ako, Ano kaya ang mararamdaman ni Yohanna. Hindi ako nag paramdam sa kanya ng ilang araw. Saka na ako mag paparamdam pag malapit na.
Naka reserved na rin kami sa nasabing resto sa saturday 6 pm iyon. Nagpaalam rin ako kina Tita Yohan na Mag gagala rin kami sa Mall at puamayag naman sila.
Hangang sa Sumapit ang Araw mg sabado.
Samantala..
YOHANNA
Bandang Ala una ay Inaya ako ni Mommy sa salon samahan ko raw sya kaya sumama naman ako. Nag pa salon kaming dalwa. Hindi ko alam pero tila inaayusan ang buhok ko, bagay daw iyon sa akin sabi ni Mommy. Makalipas ang isang oras ay natuwa naman ako sa resulta dahil Bagay nga, nagtataka ako kay Mommy bakit tila may pupuntahan kami. Sunod naman ay dumaan kami sa bilihan ng cosmetic saka kami umuwi sa bahay.
Pagdating sa Bahay ay sinabi ni Mommy na Mag ayos ako. Gusto nya raw makita yung result ng binili naming cosmetic sa mall kanina kung maganda gamitin. Dahil nga game ako ay Kinareer ko talaga ang pag me make up. Maganda nga iyon, syempre mahal hehe.
Pagkatapos noon ay pinakita ko iyon kay Mommy. Tuwang tuwa si Mommy sa resulta. Bandang Alas kwatro ay may inabot sa akin si Mommy pagbukas ko ay isa iyong white dress na above the knee.
Napakaganda noon, at talaga namang tila sukat na sukat sa akin. Ipinasuot iyon sakin ni Mommy at talaga namang Bagay na bagay sa akin. Feeling ko tuloy ay may pupuntahan akong Date.
Habang nasa kwarto ay inaayos pa ni Mommy ang lapat ng damit ko. Saka kami bumaba ng hagdan.
Halos magulat pa ako ng Makita si Kuya Ae na nakaupo sa sala namin katabi ni Daddy.
"You're so Gorgeous Anak" saad ni Dad. Si Kuya Ae naman ay nakatingin lamang sa akin at di na makuhang magsalita.
Kaya ako na ang bumasag.
"Thanks Daddy, Ahm .. Kuya Ae Anong ginagawa mo rito.?" Tanong ko sa kanya saka tila doon lamang ito natauhan.
"Sasagot sana sya ngunit nagsalita na si Mommy."
"Anak, Ipinagpaalam ka sa amin ng Kuya Ae mo. Para naman ma experience mo yung mga bagay na di mo pa nagagawa."
"Talaga po Mommy? Payag na po kayo Ni Dad na Gumimik o lumabas ako.? So pwede narin po ako Makipag Date? Sunod sunod na tanong ko.
"Nope Anak, You're not allow na Gumimik or makipag date sa kung sino. Pumayag lamang kami dahil si Kuya Ae mo ang kasama mo, para naman ma experience mo." Dagdag pa ni Daddy
Napatingin ako kay Kuya Ae na titig ma titig parin sa akin. Hmm.Nagagandahan siguro to.
"Thank you po Mom and Dad" saad ko saka yumakap sa kanila.
"Enjoy Anak sa First date mo bilang Dalaga, Hwag masyado pasaway kay Kuya Ae mo ha.
Opo Mommy, Thank you po ulit." Wika kong muli
At Ae ikaw na bahala kay Yohanna Disiplinahin mo nalang pag nagkulet, hehe parusahan mo.."
"Salamat Tita ako na po ang bahala." Wika naman nito.
"Ahm Tita, Tito aalis na po kami, mag update na lang po ako."
"Sige Ae, mag ingat kayo ha, Ibalik mo si Yohanna 11pm SHARP." saad ni Daddy kaya natawa ako.
Sumakay na kami sa Sasakyan ni Kuya Ae, Nakatingin ako sa kanya, Bat nya napapayag ang mga magulang ko? Natawa ako dahil iniisip ko kung paano.
Nahuli nya naman ako kaya nagsalita sya.
"Hmm..anong iniisip mo "
"Ahm..wala kuya masaya lang ako dahil first time ko ito na lalabas.
Pano mo napapayag sila mommy lalo na si Daddy ha?
"Secret, walang clue, Basta B, wala tayong ibang gagawin kundi ang mag enjoy, moment mo to" saad pa ni Kuya Ae sa akin.
Maya maya lamang ay Ginagap nya ang kamay ko na nakapatong sa aking hita saka nya rin ipinatong ang kanyang kamay.
"Unang Date Natin to B, gusto ko maging Romantic. " saad nito saka hinalikan ang aking kamay. Hindi ko alam ngunit tila nakakaramdam naman ako ng kakaibang init at Kilig.