CHAPTER 24 "BULONG SA HANGIN"

1459 Words
3RD PERSON POV Ikatlong araw na ni Yohanna sa Hospital ngunit di parin ito nagigising. Walang araw na hindi nagbantay ang binata rito. Nag renta ito sa isang hotel malapit sa hospital. Alternate sila sa pagbabantay sa Dalaga. Isa sa ipinag papasalamat nila ay hindi na nito kailangang Tubuhan kahit papano ay nakahinga sila ng maluwag. Samantala habang binabantayan ni Evren ang anak ay nakita nyang Gumalaw ang daliri nito. Tatawagin nya sana ang nurse ng biglang magmulat ito ng mata. "Mo..Mommy ..asan po ako." "Anak,..Gising ka na...Salamat sa Dyos, Inoperahan ka anak dahil sa Appendicitis mo, Ilang araw ka ring naka oxygen. Tatlong araw ka walang malay anak." D1agdag ni Evren rito. "Mommy..Napanaginipan ko po si Kuya Ae na dinalaw nya po ako. Alam nya po kaya na nagkasakit ako?" Tanong ng dalaga na animoy bata. "Anak, Di ka nananaginip, Narito talaga ang Kuya Ae mo, katuwang namin sya sa pagbabantay sayo." Saad ni Evren, sa sinabing iyon ng ina ay tila umaliwalas ang Mukha nito. "Talaga po Mommy?" "Oo anak, Sya naman ang nagpapahinga ngayon, mamaya narito na iyon." Saad ni Evren sa anak. Dumating naman ang doctor at sinuri si Yohanna. Doon lamang din nalaman ni Yohanna na na operahan na sta at nararamdaman nya na ang minsan pagkirot nito. Habang sila lamang din mag ina ang tao ay nilinisan at binihisan din sya ni Evren. Noong una ay tila nahihiya pa syang magpabihis sa ina dahil nga simula ng matuto sya ay sya na amg nag aayos ng sarili pero ngayon dahil sa kalagayan nya ay ang ina ang gumagawa nito sa kanya. "Sauce nahihiya na ang baby ko, Ako nga ang nagpalalit sayo nitong nakaraan hehe." "Salamat po Mommy, Kumusta po pala ang mga kapatid ko? Kanino po sila naiwan? "Tinawagan ko sila Kuya Hyde at doon muna pinag stay sa atin para may kasama sila." "Ganon po ba, Kawawa naman si Addie first time maiwanan ng matagal." Saad ng dalaga. "Kaya magpagaling ka anak para makauwi na tayo sa atin."saad pa ni Evren, nasa Ganong moment sila ng dumating si Ae at Si Yohan. Pareho itong May Dalang Pumpon ng Bulaklak. Fresh Red Roses ang Dala ni Yohan at Cappuccino Fresh Roses naman ang kay Ae. Patakbong lumapit ang mga ito ng makitang gising na si Yohanna. Agad na niyakap ni Yohan ang anak, halos maluha ito ng makita na muling nagising ang dalaga. "Salamat sa Dyos anak at nagising ka na, Kumusta ang pakiramdam mo anak? May gusto ka bang kainin? Sunod sunod na tanong ni Yohan sa anak. Ngunit advice ng doctor na light food lang muna ang ipakain kay Yohanna. Sunod na lumapit naman ay Si Ae, Inabot nito ang mga rosas na dala sa dalaga. "Yohanna, Buti at Gising kana, flowers, nakita namin ni Tito Yohan kaya binili namin." Saad ng binata sa dalaga. Ngumiti naman ang dalaga dito. "Salamat Kuya Ae, bat pala andito ka, Diba nasa Georgia ka? "Yup, Bale may 1 week vacation kasi ako, nang malaman ko yung nangyari sayo eh nag decide ako na kumustahin ka." Sa sinbing iyon ni Ae ay tila nag blush naman ang dalaga. Mabuti na lamang at busy Si Evren at Yohan na iayos sa Vase ang dala nilang mga bulaklak. "Salamat Kuya Ae, lumipad ka pa para kumustahin ako." "Walang anuman Yohanna, Magpalakas ka ah, gusto ko bago ako umalis malakas ka na ulit." Saad ng binata rito at tumango naman ang dalaga. Sinusulit ni Ae ang pagbabantay kada araw. Naroong pinag papahinga nya muna ang mag asawa sa unit nya at sya ang magbabantay kay Yohanna dahil ok naman na ito. May time din na ipinag papaalam nya ito sa mag asawa upang ipasyal sa labas ng hospital habang tulak nya ito sa wheelchair. At isang araw nga ay nasa park sila na sakop ng Hospital walang gaanong tao roon. Gusto nyang makalanghao ng sariwang hangin ang dalaga. "Love, Thank You." Saad ni Yohanna pagkahinto nila sa lilim ng isang puno. "Thank You Saan?" "Sa pag aalaga mo sa akin, Sa pag uwi mo para kumustahin ako., Hindi ako naniniwalang Wala kang work, I'm sure nag leave ka para umuwi dito." Saad ng dalaga habang nakatingin sa malayo. "Hmm..Kasi Mas importante ka, Masiguradi ko na okay ka, doon lang ako mapapanatag. Kung alam mo lang yung Kaba at takot na nararamdaman ko ng makita ko yung Kalagayan mo na sinemd sa akin ni Ate. Sobrang takot ako B, yung mga What If's ko pano pag ganito, Pag ganyan? Kaya nag paalam nalang ako ng 1 week para makita ka, malaman ang Kondisyon mo, maalagaan ka kahit ilang araw." Saad ng binata. Unti unti namang nangingilid ang luha ng dalaga dahil sa narinig sa binata. "Sorry Love kung nag alala ka, Alam kong mahirap sa part mo." "Ganon talaga B, sa Love minsan di mawawala yung Sacrifice, pero ipangako mo sa akin na Mag iingat ka at mag papagaling, Mahal na Mahal Kita B," "And I love You Too Love" saad ng dalaga saka hinawakan ang kamay ng binata. Doon ay sabay nilang pinanood angga ibon, paro paro na lilipad lipad sa Park. AEOLUS Sinulit ko ang natitirang araw ko sa Pilipinas. Nag presinta talaga akong magbantay kay Yohanna. Dahil Stable na naman sya at Okay na ay Sinabi kong pwede munang bumalik sa manila si Tita Evren at Tito Yohan ngayong Umaga, Kahit bukas na sila ng hapon bumalik, Medyo nakakakilos na naman si B, Aalalayan lamang sya kapag mag C CR. May mga nurse din naman na pwede hingan ng tulong if ever. Kaya ng araw na iyon nga ay kami lamang ang magkasama. Pinagpahinga ko sya nasa Tabi nya lamang ako. Pero kapag tulog na sya ay nalipat ako,dahil malawak pa ang espasyo sa may paanan nya ay doon ako na pwesto para sumubsob saka ko tila hahaplusin ang binti nya. Sa ganon ay nakakalma sya lalo. Hangang sa makatulog kami pareho. One time ay nag kwe kwentuhan kami, nang makaramdam sya na tila maiihi, kaya inalayan ko sya patungo sa CR. Nang matapos ay ibinalik ko na sya sa hospital bed. Maya maya naman ay pumasok ang nurse nila para i check at linisin ang sugat ni B, doon ko nakita for the first time ang tahi nya. Naka Stapler pa ito. At nasa gitna ito ng Puson nya, hindi naman ito gaanong mahaba pero tila parang na CS ang pwesto nito. Ang sabi ng Doctor ay pwede na Sched na Tangalin ang staper nito bukas dahil medyo tuyo na. Sa wakas ay maganda naman ang improvement ni Yohanna. Basta sinulit ko ang araw na pagsilbihan at alagaan sya. Hangang sa dumating na naman ang araw na kailangan na naman namin mag hiwalay dahil kailangan ko na naman bumalik sa Georgia. Tangal na ang stapler sa Tahi nya, nagpapagaling na lamang sya para makauwi na rin sya. Parang ang bigat para sa akin na iwan sya pero kailangan, pero lahat ng ginagawa ko ay para sa amin, sa future naming dalawa balang araw. Pinigilan kong maiyak sa muli kong pag alis. Ayoko kasi na malungkot sya. Pinalakas ko pa lalo ang loob nya kahit ako ang tila nasasaktan pero wala eh. Kailangan muna. "B, Pagaling ka ah, Mahal na Mahal kita, palagi mong tatandaan yan. After 5 months andito na ulit ako B." "I love you too B, Hihintayin kita, Mag iingat ka rin parati ah, Pangako pag balik mo Okay na po ako." Saad nya saka bahagyang ngumiti. Habang walang tao ay sinamantala kong halikan sa labi Si Yohanna. Mabilis lamang iyon ngunit maya maya ay muli o syang hinalikan, Mabagal at Maalab. Naghiwalay lang ang labi namin ng makarinig kami ng tila May paparating at Tama nga Dumating na sila Tito at Tita buti na lamang at tapos na ang paghahalikan namin ng anak nila. "Ae, Andon na yung sasakyan mo pa airport, Salamat Hijo sa pag tulong sa amin sa pagbabantay kay Yohanna." Saad ni tita Evren. "No problem po Tita, Mahalaga po ok na sya," saad ko saka muling tumingin kay Yohanna. "Hijo, Ingat ha..At Salamat parin,.See you after 5 months tama ba?" "Opo Tito, 5 months po " "Yeah, mabilis lang naman ang araw sa susunod narito kana ulit, basta ingat ka din doon." "Salamat po Tito, tita, At Yohanna, Ahm..paano po, Mauuna na po ako." "Sige Hijo, Ingat," sabay na wika ng mag asawa. Papalabas na ako ng biglang magsalita si Yohanna "Salamat Kuya Ae, Hintayin namin ang pagbabalik mo." Saad nya na may luha sa gilid ng mata. Tumango lamang ako saka kumaway, at umalis na rin kung magtatagal pa kasi ako ay baka di ko na magawang umalis at iwan ang Nobya ko. "Babalik ako B, I love you" tanging nasambit at naibulong ko sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD