CHAPTER 23 "LABAN YOHANNA" Warning: Prepare Tissue, pag wala Singot na lang. Hehehe.

2175 Words
3RD PERSON POV Mabilis na lumipas ang mga Buwan ay puro aral at training lang si Yohanna. Akalain mong 6 months na pala sya sa loob. Samantalang si Ae naman ay Mag ta tatlong buwan na sa bansang Georgia kung saan naroon ang isa sa mga Project na nakuha nya. Mas naging masigasing Si Ae sa Trabaho focus sya talaga dito. Meron syang pangarap pa na gustong matupad kaya Grab lang ng Grab ng project habang nasa loob ng Kampo si Yohanna. Pag may pagkakataon ay nag uusap sila ng Dalaga pero napaka dalang noon dahil talaga namang sabak kasi sila Yohanna Sa Training. Napansin nya rin ang Tila pamamayat ng Nobya. Maging ang mata nito ay medyo malalim.isang beses ng kausap nya ito ay napansin nya na tila maputla ito. Ramdam nya rin ang pagod nito habang magka video call sila. "B, Are You Okay? Bat parang ang putla mo? Saka namamayat ka ata B" "Gawa lang ng training Love, Maputla ba ako? Di ka lang siguro sanay ng wala akong Liptint, hehe..Ok lang ako love, Wag mo akong Alalahanin., Ikaw kumusta Ka dyan?" Tanong ng dalaga sa nobyo. "Ok lang B, Hindi naman masyadong pagod dito, Mababait pa mga katrabaho kaya Ok naman." "Ganon ba love, Nice buti naman.," Maya maya ay Inubo ito at napansin pa ng binata. "B, sure ka bang Ok ka lang, Inuubo ka." "I'm Ok Love, Ayos lang ako," saad ng dalaga saka pa ngumiti sa kanya. "Love, Pano, End call ko na ha, Baka tawagin na ulit kami." Paalam ng dalaga rito. "Sige B, I love You." "I love You too Love." iyon ang huling salita at Huling ngiti ngunit malamlam na iniwan ng dalaga sa binata. Ginugul lamang ng binata ang sarili sa trabaho samantala ng mga sumunod na araw ay tila may hindi naman inaasahan na pangyayari na di akalain ng lahat. Ala Singko ay nag alarm na ang orasan hudyat na kailangan na nilang gumising dahil kialangan 5:45 ay naka formation na sila. Habang nagkukumahog ang mga kasama si Yohanna naman ay Tila naginginig at hawak ang Tyan. "Yohanna, Ayos ka lang ba? Parang dinka Okay?" "Ang sakit ng Tyan ko Agatha, saad ng Dalaga kasunod ang Pag ubo." "Ok ka lang ba? Parang inuubo ka kahapon pa,." "Ok lang ako, Masakit ang Tyan ko pero Keri pa naman." "Sigurado ka ba? Magpahinga kana lang muna kaya." Saad naman ni Lina. "Sayang naman kung hindi ako mag paparticipate kaya ko pa naman." Pilit parin ng dalaga. "Ikaw ang bahala Yohanna, pero pag di mo kaya magsabi ka ha." "Oo, Salamat sa inyo." Wika pa nito saka muling inubo ng Bahagya Ramdam ng Dalaga na Hindi sya okay, ngunit mas pinili nyang Hwag paring lumiban sa kanilang training. Habang nasa kasagsagan ng Training ay tumatakbo ang dalaga, Pakiramdam nya ay napakainit nya at hindi sya makahinga at tila kinakapos ang kanyang paghinga, Kasunod noon ay ang matinding pagsakit ng kanyang Tyan. Nasa kalagitnaan na sya ng pagtakbo ng hindi nya na kayanin ang sobrang sakit. Kaya habang tumatakbo ay dahan dahan syang bumagsak sa g Damuhan hawak ang kanyang Tyan. "Escobar" sabay sabay na sigaw ng kanyang mga Kasama. Agad naman syang nilapitan ng mga ito nangunang dumalo si Drei. "Yohanna...Bakit anong nararamdaman mo? "Ahhh..Drei super sakit ng..ng Tyan ko," Umiiyak at halos mamilipit sa sakit na wika ng dalaga. Agad naman nilang dinala sa clinic ang dalaga. Nilagyan din ito ng oxygen dahil hirap ito huminga. Hangang sa Dalhin na ito sa Hospital. Agad namang ipinagbigay alam ng eskwelahan ang nangyari sa Dalaga. EVREN Hindi ki alam kung bakit di ako mapakali ng araw na iyon. Tila kinakabahan ako. Kakaiba ang nararamdaman ko hindi ito normal. Tinawagan ko si Yohan, Tinanong ko agad kung may operasykn ba syang pupuntahan, ang sabi nya naman ay wala at sa opisina lamang sya. Kaya medyo nakahinga ako. Pero iba parin eh. Di parin maganda ang pakiramdam ko. Hangang sa makatangap ako ng Tawag mula sa PMA. "Speaking Po." Saad pa ni Evren Sa kabilang linya. Kasunod noon ay ang pag hagulhol nya. "Ho?..Saan hong ospital nyo dinala ang anak ko? Kumusta ho ang lagay nya? Hindi naman po grabe diba? "Ano po? Ganon na kalala agad? Sige po pupunta po kami dyan." Umiiyak na wika ko. Agad ko namang tinawagan si Yohan upang puntahan ang anak namin. "Daddy, Umuwi ka muna..Kailangan tayo ng panganay natin, puntahan natin sya Daddy." Saad ko sa kabilang linya. Pinipilit akong pakalmahin ni Yohan pero di ko na kayang kumalma pa. Pagkarating ni Yohan ay Agad ko stang sinalubong ng Yakap at mas lalo pa akong naiyak. Nagdala lamang ako ng isang Backpack na may laman na ilang pamalit namin ni Yohan, Samantalang Nakiusap ako kina Kuya Hyde na doon muna sa Bahay upang may kasama sila Grae. Mabuti na lamang at one call a way lang si Kuya kahit na meron na rin itong Pamilya kasama nya ang Asawa nyang Si Astrid at ang anak nilang si Harriet na nasa 10 taong gulang. "Sige na Evren lumakad na kayo, Kami na ang bahala sa mga bata" saad ni Ate Astrid sa akin. Si Kuya naman ay Hinalikan ako sa Ulo saka ako tinapik sa balikat, Ganon din si Yohan. "Ingat Kayo Bayaw, Kami na muna bahala rito. Balitaan nyo kami ha." Saad pa ni Kuya at tumango naman ako. Agad kaming Umalis at nagtungo sa Baguio mabuti na lamang at di gaanong traffic kaya ilang oras lang ay nakarating kami sa Hospital. Pagkarating namin roon ay kita namin na napapaligiran si Yohanna ng mga doctor at Nurse. Kita king naka oxygen sya. Halos madurog ang puso ko ng makita ang panganay namin. Nakaratay sa kama, naka oxygen, wala itong malay at bakas pa ang luha nito sa gilid ng mga mata, kita ko ang ipinayat nya. Ang malalim nyang mata, hinawakan ko ang kanyang kamay. "Anak...Baby..Andito na kami ni Daddy anak," umiiyak na Wika ko "Misis, posibleng May Pneumonia ho ang anak nyo bukod din ho doon ay kailangan nyang operahan dahil meron syang appendicitis. "Ho? O..ooperahan ang anak ko?" "Oho misis, Delikado kapag pumutok pa. Kaya papirma na lamang po ng waiver para po ma operahan na po sya. "Pero Doc, Di naman ho ba delikado na operahan sya. "Wala ho kasi tayong magagawa.Mas mahirap po kung pumutok pa at baka malason pa sya.." dagdag pa ng doctor. Wala na kaming nagawa, kung yon ang makabubuti ay doon kami. Nang ipinasok na si Yohanna sa operating Room ay Doon na naman bumuhos ang iyak ko. Yakap yakap ako Ni Yohan habang hinahagod ang aking likod. Parang ang saya lang namin nung dumalaw kami, pero ngayon heto na sya. Ang laki ng binagsak ng katawan. "Mommy, Tahan na..Ayaw ni Yohanna na makita kang umiiyak, Kaya ng anak natin yan Okay, Kaya tumahan ka na, Mas malulungkot sya kapag nakita ka nyang ganyan ka." Saad ni Yohan habang nakatingin sa akin at pinapahid ang luha ko gamit ang kanyang mga kamay. Nasa ganong Eksena kami ng Nakatangap kami ng tawag galing kay Kuya Xav. Nalaman na nito ang nangyari kay Yohanna. Susunod daw ito pati si Ate Eris para daw may kasama kaming mag asawa. Nanatili kami sa labas ng pinto, Wala akong ginawa kundi ang Pumikit at Manalangin na sana ay matagumpay na ma operahan ang panganay namin. Samantala AEOLUS Kasalukuyan kaming nag me meeting, hindi ko alam bakit tila hindi ako mapakali sa pwesto, nakailang tayo ako sa upuan, mabuti na lamang at nasa gilid ako. Matapos ang meeting ay agad kong sinilip ang phone ko. Doon ko lamang na napakaraming message noon, mapa messenger man at mapa SMS. Binuksan ko ang message ni Ate, Halos manginig ang kamay ko ng mabasa ang mensahe. "Mommy Ate: Bunso, Punta kami ng Baguio, Susunod kami Kay Evren at Major, Si Yohanna nasa Hospital, medyo hindi maganda ang lagay, kailangan daw operahan. Kaya ikaw mag iingat ka dyan, I love you Bunso." Pagkabasa ko ng mensahe ni Ate ay halos manginig ako. Dali dali akong umuwi sa apartment na tinutuluyan ko. Sinubukan kong makibalita ngunit di online si Ate. Pumunta ako sa aking kama at doon ay binuksan ang laptop ko, Sa di sinasadya ay Nadali ko ang Picture frame na larawan namin ni Yohanna na naka display at bumagsag sa sahig dahilan ng pagkabasag nito. Pinulot ko iyon at dahil Padalos ang kilos ko ay nadali ang kamay ko at dumugo itk. Agad ko din naman itong hinugasan saka nilinis ang Bubog sa sahig. Ilang sandali pa ay Online na si Ate. Sinend nya sa akin ang picture ni Yohanna. Sa larawan ay naka Oxygen ito Naka dextrose at nananatiling walang malay. Halos mapaiyak naman ako ng makita sya sa ganong kalagayan. Nanganib ang buhay nya na wala ako sa tabi nya. Kaya pala iba yung awra nya nung huling usap namin, Ang tamlay nya, yun pala may nararamdaman na sya. Sinubukan kong mag paalam na umuwi kahit 1 week lang. Gusto ko syang makita. Kaya hihintayin ko lamang ang approval at lilipad ako kahit 1 week lang, makita ko lamang sya. Sa ngayon ay wala akong magagawa kundi ipagdasal sya na sana ay ligtas sya. Na Grant naman ang 1 week leave ko kaya agad akong lumipad pabalik ng pilipinas. Nag send ulit si Ate ng picture ni Yohanna wala itong malay ngunit tapos na raw ang operation nito. Matapos ang ilang oras na byahe ay dumiretso agad ako sa Baguio at doon nga ay naabutan ko su Yohanna ang mahal kong Nobya. Nakaratay sa kama at walang malay, Naka oxygen ito dahil hirap daw huminga. Si Tita Evren ang bantay dahil may binibili daw si Tito Yohan. "Ae, oh..Bat narito ka..diba nasa Georgia ka,?" "Sakto po na wala akong gagawin this week, nabalitaan ko po ang nangyari kaya po umuwi agad ako para kumustahin sya." "Ayan Ae, wala parin syang malay, pero ok ang operation nya, hinihintay na lamang ang pag gising nya." Saad n Tita Evren, saka inayos ang pagkaka kumot dito. "Tita, Magpahinga po muna kayo, Ako na po muna ang mag babantay sa kanya." "Salamat Ae, Kagabe pa nga kami walang tulog ng Tito Yohan mo." Saad ni Tita saka umupo sa may Sofa malapit sa pinto at doon ay sumandal ito at umidlip. Ako naman ay nananatiling nakatingin kay Yohanna, Napaka laki ng ipinayat nya, hinawakan ko ang kanyang kamay. Ang dating Makinis at malambot nyang kamay ngayon ay medyo gumsapang. May mga Galos na rin sya, marahil dahil sa training nya. Awang awa ako sa kanya, Bumigay na ang katawan nya sabayan pa ng appendicitis kaya talagang nanghina sya. Nanatili akong hawak ang kamay nya at di na napigilang maluha. "B, Tapangan mo ha, Magpagaling ka.. alam ko kaya mo yan, Andito lang ako palagi. Mahal na Mahal kita Baby ko. Aalagaan kita hangat naririto ako, basta ipangako mo sa akin na gigising ka agad. Mis ko nang makita ang masaya mong mukha, ang mata mong sumasabay kapag ngumingiti." Mahina lamang ang tinig ko pero sinigurado kong naririnig nya iyon. Mas lalo akong naluha ng makita kong may luha rin sa gilid ng kanyang mga mata. Pinahid ko iyon kinuha ko ang kanyanh kamay saka ko naman iyon hinalikan. Maya maya ay inalis ko na rin at baka may makakita pa. Hangang sa nakabantay na lamang ako sa kanya. Medyo nagulat pa ako ng tapikin ako ni Tito Yohan. At doon ay nagkwentuhan muna kami habang si Tita evren ay nagpapahinga. Pero sa Huli ay Sinabihan ko Si Tito na umidlip rin muna. MAJOR YOHAN Galing ako sa labas upang bumili ng ibang kailangan namin sa Hospital, Pagpasok ko ay nagulat ako ng makita Si Ae sa Harap ng kama ni Yohanna. Hawak nito ang kamay ng Anak ko. Saka inayos ang pagkakalapag sa gilid ng kama. Pansin kong tila lumuluha sya at doon ko na kompirma ng Punasan nya ang magkabila nyang mata. Matagal at Malapit na sa Buhay namin Si Ae, kita ko naman ang pagiging malapit nila ng anak ko. Pero lalaki ako, Tila may nararamdaman ako. Pero ayoko mang himasok. Dahil naniniwala ako na kung meron man ay Sila mismo ang magsasabi sa amin mg Totoo dahil alam naman nila na lahat ng gusto ko ay nasa legal na paraan. Pero dahil wala naman ay ayoko silang questionin dahil baka mamayaa mis interpret pa at baka mailang sa amin si Ae, eh Halos Anak na rin kasi ang turing namin sa kanya. Pero nagpapasalamat ako dahil palagi syang naririto sa tuwing kailangan namin ng tulong nya. Lumapit ako sa kanya at tinapik sya, medyo nagulat pa sya. Saglit din kami nag kwentuhan at nang maglaon ay sinabihan nya na rin ako na magpahinga at sya na muna ang bantay. Sumunod na rin naman ako dahil ang totoo ay antok na rin dahil wala pa talaga kaming tulog kaya tinabihan ko na rin ang aking asawa at umidlip na rin. Sana gumising na ang anak namin, hindi kami sanay na nakaratay sya. Ang Masaya at Masiglang Yohanna ang nais naming muling makita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD