CHAPTER 4 "YOHANNA BABY"

1642 Words
YOHANNA Nakakapanibago ang pag alis ni Kuya Ae. Dahil magka iba ang oras ay bihira kami magkausap pero chinachat nya ako na kapag may tanong ay i chat ko sa kanya at susubukan nyang gawin. Ang unang linggo ay natutulungan nya pa ako, ngunit ang mga sumunod ay medyo hindi na. One time nagka videocall kami, Alam kong nilalabanan nya na lamang ang antok para maturuan pa ako. Hangang sa Makatulog sya na naka open ang Cam. Naaawa ako sa kanya. Dama ko ang pagod nya sa trabaho, rinig pa sa video ang munti nyang paghilik. Hangang sa pinatay ko na at nag iwan na lamang ng mensahe sa kanya. Lumipas ang mga Araw, linggo at buwan Mas pang focus ako sa pag aaral. Kasunod noon ay ang nalalapit na panganganak ni Mommy. Napaka maalaga ni Daddy kay Mom. Eto ang hinahangaan ko sa parents ko para silang mga newly weds parin kahit mag li lima na kaming magkakapatid pero yung sweetness nila at naroon parin. Hangang sa Sumapit ang Panganganak ni Mommy sa Bunsong kapatid namin. Hindi talaga sya iniwan ni Daddy. Mabuti na lamang at naipanganak ni Mommy ng maayos si Bunso. Sobrang saya namin sa pagdating nya sa mundo. Napaka cute ng bunso naming kapatid. Maputi sya, mamula mula ang pisngi,pati ang labi, sa wari koy Combination sya ni Mom and Dad at Pinangalanan namin itong Mary Addison. Aliw na aliw ako sa bunso naming kapatid, nakakatuwa pala mag alaga kapag malayo ang agwat nyo. "Hello Addie, Mis ikaw ni Ate, Ako muna kakarga sayo bunso." Saad ko saka inabot si Baby kay Mommy. "Kaya mo ba anak hehe, Medyo matagal ang interval ng buhat mo eh no 10 years. "Opo nga Mommy pero keribels para kay Bunso,.Hmm..ang bango bango mo baby Addie." "Hehe..Hwag mo pang gigilan ng husto si Bunso Ate," "Hehe, ang cute cute nya po kasi Mommy." Habang karga ko si Addie ay pumasok naman si Dad, May Dala itong breakfast ni Mommy. Habang buhat ko Si Bunso ay Kumakain si Mom and Dad. Kita ko pang sinusubuan ni Daddy si Mommy. "Hmm.. Yung Mommy and Daddy mo Baby Addie, Ang sweet sweet parin kaya nga nabuo ka pa eh, hehe tingnan mo naman ang Daddy at Mommy mo baby." Saad ko saka kunwaring Hinarap si Baby sa kanila. Nagtawanan naman Si Mom and Dad. Maya maya ay nakatangap ako ng Call kay Kuya Ae, Sakto na buhat ko si Baby dinala ko muna sa room ko dahil naglilinis ng room si Mom and Dad. Himala, Gabi sa kanila dapat nagpapahinga na to ah. "Hi Kuya Ae, Bakit gising ka pa? Tanong ko dito. "Hi B! Di pa ako makatulog, Hello Baby, yan na ba ang bunso nyo? "Oo kuya Meet Baby Addie. Ang cute no, saka mabait tong batang to, hindi iyakin hehe." "Hehe mukha ngang gustong gusto nya sayo, marunong ka na pala mag karga ng bata hehe." "Hehe syempre pang 5 kapatid ko na to kaya sanay na ko hehe." "Kumusta ka naman, bihira kana magpa turo." "Medyo nakakasabay na ako sa lesson namin Kuya Ae kaya hindi na muna kita ginugulo hehe. "Good, I'm glad na you're doing well sa school." "Yep, nga pala Kuya Ae..malapit kana rin umuwi 3 months na lang" "Oo nga pero feeling ko ang tagal, gusto ko na talaga makauwi dyan." "Hehe Chill lang kuya, malapit na, mabilis lang ang 3 months." Saad ko pa dito. Samantala... AEOLUS Walang araw na hindi nawala sa isip ko si Yohanna. Kahit nasa trabaho ako ay sinisilip ko kung may message ba sya, kung may itatanong ba syang assignment. Kahit sobrang pagod sa trabaho sinisikap ko paring makapag vc sa kanya kahit sandali. One time ay pinakita nya sa akin amg bunsong kapatid nila. Nakakatuwa sya nangingiti na lamang ako dahil feel na feel nya talaga mag alaga ng baby nilang kapatid. Napaka reaponsible ate nya sa mga ito. Halos araw araw ay dinarasal ko na sana ay maging mabilis ang oras. Mis ko na sya, yung presensya nya. Hindi ko alam kung anong meron kay Yohanna bakit sya yung gustong gusto ko, bakit yung presensya nya yung hinahanap ko. Mas pinursige ko ang trabaho dito, Kailangan ko mag trabaho, mag ipon para sa Future at sana si Yohanna ang babaeng iyon. Konting Panahon na lamang naman at pwede ko na syang ligawan, magsasabi ako kina Tita Evren at Tito Yohan. Mabilis na lumipas pa ang araw, linggo at buwan. At sumapit ang muli kong pagbabalik sa Pilipinas. Hindi ako nagsabi ng araw ng pag uwi ko. Dumiretso ako kina Mommy ate at Daddy Kuya, mis ko na sila at ang mga pamangkin ko. Graduating na rin Ang Triplets, Ang alam ko si Xylas ay mag tra trabaho sa Company nila Daddy Kuya, Si Xierra naman ay Sa Hospital at Si Xavi naman ang alam ko ay mamamahala sa Farm nila Daddy Kuya mula sa lupain ng mga Leviste. At ang mgaas bata naman ay Nag sisipag aral pa sa High school. Nakakatuwa lang kahit 2 taon lang ang tanda ko sa Kanila ay Tito talaga ang turing nila sa akin. "Tito, Kumusta, Ayos ah ginagawa mo lang kapit bahay ang pilipinas ano haha " Saad ni Xylas sa akin. "Haha..Loko, natural tapos na kontrata ko eh," "Sauce, parang di ko alam na may na mi mis ka, hehe" "Sira, Wala...haha." "Weh .Sabi ni Xierra may nabasa sya sa Journal mo aksidente haha..Crush mo si Yohanna..haha..Ayie.." "Loko, ang bata pa non." "Haha..Hindi Tito Ah..Dalaga na si Yohanna ngayon. Nakita ko nung nakaraan sa Mansion. Dinalhan ng ulam si MommyLa, hehe Gulat nga ako eh..Dalagang dalaga na kimilos hahaha." "Shhh..Wag kang maingay dyan. Basta di pa pwede, Bata pa yon, wala pang 18." "Hehe pag 18 ba liligawan mo na?" Tanong ni Xylas sa akin. "Hmm..Oo sana.." "Ayiee..Go..Tito..Ligawan mo na, Kapag babagal bagal ka, ako ang manliligaw don sige ka, hehe." Biro ni Xylas sa akin. "Gagi! Xylas! "Joke lang tito, Hindi kana mabiro hehe." Dagdag pa nito. Habang nag Uusap kami ay dumating naman si Mommy Ate at Daddy Kuya. "Bayaw kumusta, Kanina ka pa?" "Hi Bunso, Nariyan kana pala, bat di ka naman nagpasabi sinundo ka sana namin." Saad naman ni Ate. "Kararating ko lang din po Daddy Kuya, Ok lang naman Mommy Ate nag Grab nalang ako, Hindi naman masyadong marami ang dala ko kaya keri lang." Saad ko sa mga ito. Maya maya ay ay nagtakbuhan nadin ang mga mas nakababata ko pang pamangkin. "Hi Tito Ae, Kumusta? Saad ni Xavina sa akin. Sa lahat ng pamangkin ko sya ang tahimik lamang. Masasabi ko rin na although lahat sila ay mahal ko pero si Xavina ang paborito kong pamangkin. "Ok naman Xavina, ikaw kumusta? "Ok din naman po Tito, Nga po pala tito Salamat po sa Pag tuturo. Highest po ako sa Math namin." Magiliw na wika nya. "Talaga.. Nice congrats mag aral ka lang mabuti. Nga pala may pasalubong ako para sa inyo." "Yown..Salamat Tito yan talaga ang hinihintay ko, Dapat kanina pa hehe" dagdag pa ni Xylas. Inilabas ko ang isang maleta na puno ng pasalubong. Agad ko namang ibinikod ang pasalubong ko para kay Yohanna. Perfume, Necklace and Chocolates. Sila Xylas, Xavi, at Xerxes naman ay mga Sapatos ang binili ko. At kay Xierra, Xavina at Xavia naman ay mga bracelet. Kina Mommy Ate at Daddy Kuya naman ay Couple Watch. Tuwang tuwa sila sa pasalubong ko. "Ae, bunso, gumastos kapa, ikaw talaga, pati kami ng Kuya meron din." "Hehe Ok lang ate, Wala pa yan sa binigay nyo sa akin ni Kuya. "Salamat Ae, Congrats Bayaw, Proud kami sayo ng Ate mo, palagi mo yan tatandaan." "Salamat Kuya, Wala naman ako dito ngayon kung hindi dahil sa inyo ni Ate." Saad ko saka nakipag fist bump kay Kiya Xav. Nagpahinga lamang ako ng araw na iyon. Ngunit kinabukasan ay umuwi na rin ako sa Mansion. Nagkataong Wala naman si Mama Xena dahil nagbakasyon kasama si Kuya Xandreb at Daddy Vernon kaya ako lamang ang tao sa Mansion. Kumuha ako ng paper bag upang ibukod ang mga pasalubong ko Kina Yohanna. Nang maayos ko ay saka ako nagtungo sa kanila. Pagdating ko roon ay naabutan ko si Tito Yohan na kadarating lang, Si Tita Evren naman ay Sinalubong si Tito Yohan habang Buhat ang bunso nilang anak na si Baby Addie. "Magandang hapon po Tito, Tita." Bati ko sa mga ito. "Oh Ae, nariyan kana pala. Kelan ka pa dumating." Tanong ni Tito. "Kahapon lang po, pero kakauwi ko lang po sa mansion dahil kina Kuya po ako Dumiretso. "Ah, Ganon ba, kayq pala..Pasok ka muna Ae. Parating na rin si Yohanna. "Thak you po Tita." "Kumusta ka naman sa Work mo Ae? "Ok namnn po tito, Mahirap pero kaya naman po." "Mabuti naman, sa bagay ngayon halos lahat ngayon mahirap na." Dagdag pa ni Tito. Ilang minuto pa kami nagkwentuhan. Nahinto lamang kami ng Malayo pa lang ay Dinig ko na ang boses ni Yohanna at Grae. "Wag mo na uulitin yon Graeson, paano kung pagtulungan ka.?" "Hindi pwede yon, anong gusto mo? Hayaan lang na bastusin ka? Di ako makakapayag Ate.!" "Pero kita mo Yan nasaktan ka." Saad pa nito. Unang pumasok si Graeson, kita ko na putok ang labi nito. Kasunod nito ay Pumasok si Yohanna. Tama si Xylas. Bat parang dalagang dalaga na ito. 7 months lang ako nawala pero parang ang laki ng ipinagbago nya. Hindi nya pa expec na darating at naroon ako kaya medyo nagulat sya. "Ku.. Kuya Ae? Andito kana pala." "Yes, kadarating ko lang saad ko rito. Napakaganda ni Yohanna kahit naka uniform pa ito. Lumapit sya sa akin at Yumakap pero mabilis lamang iyon. Napangiti naman ako. Na miss ko ang babaeng ito, Ang Dalagang nasa aking harapan. Ang dalagang Gusto kong Ligawan, Ang babaeng Handa kong pag silbihan wala iba kundi Si Yohanna
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD