YOHANNA
Hindi ko akalain na madadatnan ko si Kuya Ae sa bahay. Kasalukuyan pa namang sinasabihan ko si Graeson dahil nakipag suntukan sa estudyanteng nambastos sa akin. Na guidance naman ang estudyante, Yun nga lang Nasuntok din Si Grae dahil may Tumulong sa lalaki. Pero isang suntok lamang naman iyon.
Pagdating sa bahay ay labis na lamang ang gulat ko ng Makita si Kuya Ae may dala pa syang mga paper bag na sa tingin koy naglalaman ng mga pasalubong.
"Ku.. Kuya Ae..Narito kana pala." Wika ko sa kanya.
"Ahm..Oo Yohanna, Kadarating lang din, Ahm ano palang nangyari bakit may dugo ang labi ni Graeson?
"Pano Kuya, Si Ate Binastos ng Grupo mgga lalaki sa school. Pinagtangol ko lang."
"Ganon ba..Anak. Anong Ginawa sayo? Hinawakan ka ba?
"Nope Daddy, Hindi naman po. Mga walang modo lang ang mga bibig mga bastos pero yun lang po. Don't worry po. Di maman nila ako hinawakan.
"Mabuti kung ganon anak, pero dapat parin silang managot, Ahm Graeson anak, halika na muna, gamutin natin yan." Saad ni Mama kay Graeson, agad naman itong sumunod.
Si Daddy naman ay Pumasok na rin muna sa loob dahil buhat nito si Bunso.
"Kumusta Yohanna, Bat parang Iba ka ngayon?
"Haha, Ako? Iba? Parang hindi naman." Nakangiting wika ko habang humakbang papalapit sa kanya.
"Ahm..Eto nga pala ang pasalubong ko for you, naibigay ko na yung kina Tita Evren." Saad ni Kuya Ae sa akin.
"Huh? Bat amg dami pa nito Kuya?
"Hehe, Para sayo na talaga yan."
"Wow.. Okay, thank you Kuya Ae."
"You're welcome Yohanna." Saad ni Kuya Ae sa akin. Habang nananatiling nakatingin.
"Halika na muna sa loob dito Kuya, I check mo nga gawa ko hehe"
"Hmmm..Sure tingnan ko nga kung nag aral kana nga talaga noong wala ako."
"Haha Sige ba..ako pa talaga hinamon ah.
Nag aral po talaga ako, hehe." Nakangiting wika ko.
"Umakyat lamang ako sandali upang magbihis at pagkabihis ko ay Bumaba na rin ako."
Nakaupo Si Daddy sa sala habang Buhat si Bunso, Si Mommy naman ay katatapos lamang na lagyan ng gamot ang sugat ni Graeson, Ang kambal naman ay Busy din sa pag gagawa ng kani kanilang asignatura.
Lumapit ako Kay Daddy at Kinuha at binuhat si Bunso.
Pag kakuha ko kay bunso ay lumapit naman ako kay Kuya Ae. Na busy sa pagbabasa ng Notes ko.
"Hello Baby Meet Kuya Ae, amd Kuya Ae, Meet our Baby Bunso Addison." Saad ko.
Napatingin naman sa amin si Kuya Ae.
"Hehe..Ang Cute, Hello Baby Addie."
Pagkabati ni Kuya Ae ay Tila Masaya at nagpapadyak naman si Bunso, mag aanim na Buwan na kasi ito kaya Nakakaag response na."
Maya maya ay binuka pa nito ang dalwang braso na tila nagpapabuhat kay Kuya Ae."
"Hehe Gusto mong magpabuhat sakin Baby, wait lang ah." Saad nito saka tumayo at kinuha sa akin si Baby Addie.
Tuwang tuwa naman si Addieson na akala mo ay matagal na kilala si Kuya Ae. Maya maya lamang ay Umemlay na ito sa Balikat nito. At ilang sandali nga lamang ay Nakatulog na rin ito kaya ibinigay na rin namin kay Mommy at Kami naman ni Kuya Ae ay nagsimula na rin mag aral.
Nag kwe kwentuhan kami ni Kuya Ae habang tinatapos ang aming activity. Sinabihan din sya ni Dad na dito narin kumain sa amin.
Habang kumakain kami ay kinakamusta ni Dad Ang Project ni Kuya Ae. Mabuti na lamang at successful ang resulta. Nakakahanga talaga si Kuya, 23 years old palang sya pero grabe na yung achievements nya.
Nag kwentuhan pa kami Sandali at maya maya ay Nagpaalam na rin ito. Nagulat pa ako ng bahagya nya akong tawagin.
Nagulat ako nang iabot nya sa akin ang isang Necklace na Parang Letter Y pero pag binaligtad mo naman ay tila letter A ito. Isang Ambigram Necklace.
"Ang cute naman nito Kuya, para sa akin ba talaga ito?" Nagtataka kong tanomg habang tinitingnan ang Kwintas."
"Uh..umm.., hindi mo ba nagustuhan? Taning nya habang sinusuot sa akin ang kwintas.
"Gusto syempre, ano yung ibig sabihin ng Design Kuya Ae, pag tinitigan parang Y na parang A?"
Tanong ko parin dito.
"It's our Initials" pabulong na wika nya sa akin ramdam ko pa ang mainit nyang hininga malapit sa aming tenga.
"Ahm..Ka..kaya pala." Saad ko na lamang. Hindi ko alam parang bigla akong namila at tila nakaramdam ng init.
"I told you before Yohanna, liligawan kita sa tamang Panahon, Kapag pwede na B. pero sa ngayon, just focus on your studies. But remember na narito lamang ako sa oras na kailangan mo." Wika nya saka inilapit ang mukha nya sa mukha ko. Sobrang lapit noon. Akala ko na naman na dadampi ang mga labi namin pero hindi. Mahusay talaga tong si Kuya Ae magpa wow mali.
Matapos iyon ay Muli sya pumasok sa loob at nag Paalam na kina Daddy at Mommy.
Saka sya muling nag paalam sa akin at tuluyan ng umuwi.
Nang gabing iyon ay hindi ako agad dinalaw ng Antok. Suot ko ang necklace na bigay nya na may Initials pa naming dalwa. Napangiti naman ako. Liligawan daw ako ni Kuya Ae sa tamang Panahon, Sya namam sasagutin ko na agad sa araw na yon hehe bakit hindi? Eh ngayon pa lang hindi paba panliligaw tong ginagawa nya sa akin.
Sa isiping iyon ay doon na rin ako hinila ng antok.
AEOLUS
Tama nga Si Xylas sa sinabi nya Sa akin. Parang nag iba nga si Yohanna sa nakalipas na pitong buwan. Parang medyo nag matured ito.
Ilang taon at buwan na lang naman ang hihintayin ko at pwede ko nang ipag paalam kina Tito Yohan na liligawan ko sya.
Natatawa nga ako kapag sinasabi ko na liligawan ko sya. Pano kasi halos mamilog ang mga mata nya. Masaya lang muna ako sa kung anong meron kami ngayon, pero ngayon palang sinisimulan ko nang iparamdam sa kanya na narito lang ako kapag kailangan nya.
Mabilis na lumipas ang mga araw, Linggo at mga Buwan. May mga araw na sinusundo ko si Yohanna. Minsan kasi ay napunta rin naman talaga ako sa bayan dahil may mga inaayos din ako sa munisipyo dahil ipinatawag ako ni Mayor.kinuha rin akong engineer sa gagawin doon kaya madalas ako sa Bayan. Kaya minsan ay sinasabay ko na si Yohanna. Pinagpapaalam ko na lamang kina Tita Evren, Ganon din naman kasi Same Way lang kami. Dahil halos magkadikig lang ang Lupain nila Mama Xena at Nila Tito Yohan, Kaya nga super close at mag Best friend si Daddy Kuya at Tito Yohan dahil talagang Dikit lang ang mga Lupain nila.
At Oo nga pala, Nakabili na ako ng sarili kong Sasakyan sa Pera na aking Pinaghirapan at Pinagtrabahuhan Toyota Rush 2023 ang kinuha ko.
Kaya Ok na rin, May Extra Car naman na pinagagamit sa akin sila Mama Xena, pero iba parin ang Sarili kong pundar.
Kaya after ko mag Inspect sa Gubagawang Gusali sa bayan ay Dumadaan ako sa Eskwelahan nila Yohanna para sunduin sya. Mas nauuna kasing umuuwi ang Kambal nyang kapatid, Si Graeson naman minsan ay maaga rin ang labas. Minsan ay ipinasusundo na lamang si Yohanna sa Driver nila, since naroon na lang din naman ako ay ako na ang nag presintang sumundo sa kanya. Dahil 2 Buwan ang Kontrata sa Ginagawang Establishment sa Bayan ay halos 2 months ko din sya sinasabay. Minsan ay Silang magkakapatid. Nakakaaliw lang. Napaka simple kasi nila.
Mababait din ang mga kapatid ni Yohanna lalo na si Graeson. Magka Vibes kami ng batang yan, binatilyo na rin ito nasa 13 years old na matanda lang yata ito ng dalwang taon sa kambal nila.
Minsan bago umuwi ay Nag Dra Drive thru muna kami, O kaya naman ay kumakain muna kami ng Meryenda sa Park.
"Thank You Sa Libre Kuya Ae." Ang sarap ng ice creame" saad ng Kambal.
"Salamat Kuya Ae, Sinusundo mo na kami nililibre mo pa."
"Hehe, Wala yon, maliit na bagay." sagot ko naman kay Graeson.
Maya Maya lamang ay pumasok na si Yohanna at Umupo sa tabi ko. Bitbit nito ang Pina takeout kong Pizaa para kina Tita Evren.
"Kuya Ae, Nag abala ka pa, sinasakay mo na nga kami, ginagastusan mo pa."
"It's okay, Hindi naman palagi eh,"
"Hindi nga palagi pero 3 times a week, hehe hay Naku Kuya Ae.
Aandar na sana ako ngunit pansin kong di pa nakaayos ang seat bealt nya. Lumapit ako at Agad ko itong inayos. Huli na nang ma realize ko na malapit na ang mukha ko sa Dibdib nya.
Nag patay malisya na lamang ako. Nakakahiya rin naman dahil kasama nya ang mga kapatid nya.
Habang nag da drive ay Busy sa kwentuhan ang kambal, Si Graesom naman ay naka Headset. Bigla na lamang pumasok sa isip ko na tanungin si Yohanna sa Dream house nya.
"B..Kung ikaw ang tatanungin ano yung Dream House mo? Saka saan?
"Hmm..Ako? Kung ako ang tatanungin Kuya Ae Gusto ko yung Tahimik kagaya sa Mansion. Pero ang Gusto ko naman Kuya Parang nasa taas sa medyo bundok, tapos tahimik payapa. Walang polisyon, walang ingay yun ang gusto ko Kuya Ae."
"Ah..I see B."
"Bakit mo natanong Kuya Ae? E ikaw ano yung Dream house mo?"
"Hmm...Secret, syempre kung ano yung Dream house ng partner ko, yun yung gagawin ko,hehe"
"Hmm.Daya ayaw sabihin hehe." Saad ni Yohanna na kinukulit ako dahil sa di ko sinabi ang dream house ko. Kung alam nya lamang sana hehe.
Pag dating sa Bahay nila ay nasa may Terrace si Tita Evren at Tito Yohan.
Hindi na ako Bumaba, Nagpaalam na rin lang ako agad sa mga ito.
"Tita ,Tito Magandang hapon po, Idaan ko lang po sila.
"Salamat Ae, Di ka na ba bababa?
"Hindi na po muna Tito Yohan, hinihintay rin po ako ni Mama Xena.
"Sige Ae, pakikimusta mo na lamang kami kay Tita Xena." Saad naman ni Tita Evren.
"Makakarating po!"
Nang papaalis na ako ay nakita ko pa ang pagkaway ni Yohanna kaya bumusina ako bilang tugon.
May Pagkakataon na gustong Gusto ko nang mag paalam Sa mga Magulang ni Yohanna pero minsan nauunahan ako ng kaba, takot at hiya.
Isang Gabi araw ng Byernes ay di ko inaasahan na madadatnan ko sila Mommy ate at Daddy Kuya sa Mansion. Ang kambal na sila Xerxes at Xavia lamang ang kasama nila. Wala kasi ako buong maghapon dahil galing ako sa Manila. Umattend ako sa Isang Project Bidding, this time ay sa
Germany ang Proyektong ito. Isa rin ako sa nag pasa para rito, Napaka laki ng Proyektong ito kung saka sakali at medyo Tulad ng nauna ay aabutin ito ng 10 to 12 months. Mahirap pero kailangan, napaka gandang oportunidad nito kung saka sakali. Binati at Bineso ako Ni Mommy ate at ganon din ako sa kanya.
"Si Daddy Kuya?" Tanong ko kay ate.
"Nasa may Gazebo sa likod bunso, Knanina kapa nga hinahanap." Tugon ni ate.
Rinig ko naman ang boses ni Daddy Kuya at ng isang Pamilyar na Boses, walang iba kundi Si Tito Yohan..
"Daddy Kuya , Tito Yohan, Magandang gabi."
"Bunso andyan kana pala, Halika rito." Aya sa akin ni Kuya.
"Musta Ang lakad mo Ae?" Tanong naman ni Tito Yohan.
"Ok naman po, mag papatawag nalang po ng final meeting.
"Napakasipag Mo Bunso, hehe Akala mo eh may Bubuhaying Pamilya." Saad ni Kuya sabay abot sa akin ng Alak.
"Hehe..Syempre Daddy Kuya Kailangan nyon para sa Future."
"Hehe..Sa bagay Ilang Taon ka na Ae, Nasa 20's kana diba..E Di may GF ka na nyan siguro." Tanong ni Tito Yohan kaua medyo kinabahan ako.
"Hehe..Wala pa nga po Tito, Nag aaral pa po kasi sya, Hindi pa po pwede."
"Haha..Kung nasa tamang edad na Bunso pwede mo na siguro ligawan kahit nag aaral pa." Dagdag pa ni Kuya.
"Ahm.. ganon ba Kuya Sa bagay po kung nasa legal age na sya."
"Oo nga Ae, Saka Masarap ang may Nobya, May Inspirasyon ka. Saka alam mo na Lalaki tayo. May mga Pagkakataon na kailangan natin yung Alam mo na hehe.
"Haha Gagi ka Yohan, tuturuan mo pa si Ae."
"Hahah Totoo naman Xav, Masarap kapag May partner ka lalo na kung mahal na mahal mo. Yun nga lang sabi mo nga pala nag Aaral pa, Hehe pero kung legal age naman kayo Gumamit ka na lang ng KAPOTE para safe hehe." Saad ni Tito Yohan saka sila nagtawanan ni Daddy Kuya."
"Kapote Tito Yohan?" pagtatakang tanong ko.
"Oo Gamitan mo muna ng KAPOTE para di Mabuntis, Kasi sabi mo nag aaral pa diba.? In Short Gamitan mo ng COND*M.
Pagkasabi noon ni Tito Yohan ay halos maibuga ko ang chaser na iniinom ko.
"Haha Grabe ka mag payo Yohan"
"Hehe.. Syempre dapat turuan natin Si Ae.
"Ganon po pala yon Tito Yohan?"
"Yes, nung binata ako napaka dami kong stocks non hehe, Nakita pa nga ni Tita Evren mo nung unang sinama ko sya sa Condo. Pero Hwag mo gagayahin yon ah, Naging mapaglaro kasi ako nung Binata ako. Kasi nga Wala akong Nobya. Pero nung dumating ang Tita Evren mo sa buhay ko, Nagbago lahat. Sa kanya ako nag Focus, I love her very much. Sya lang ang babaeng di ko Ginamitan ng KAPOTE pero maingat ako dahil nag aaral pa sya that time. Pero nung naka Graduate na sya. Kaboom, Jackpot nabuo si Yohanna. Yun nga lang nung su surpresahin nya ako tungkol sa pagbubuntis nya kay Yohanna dun naman sya nawala. Kaya Sad to say, Hindi ko nasubaybayan at Naalagaan si Evren at Yohanna noong mga panahon na kailangan nila ako.
Kaya Mahal na mahal ko yang panganay ko Ae. Hindi ko maimagine yung dinanas nilang hirap nung panahong wala sila sa piling ko.
"Oo nga po Tito, But Yohanna is Doing well now. Isa syang Matapang na babae Tito."
"Oo nga eh, hehe.. Susunod daw sya sa yapak ko, Buti nga wala pa ipinakikilalang mangliligaw., Sabi ko nga mag Boyfriend sya mga 28 tapos magpakasal sya ng 30 hehe."
"Hahah..Grabe ka Escobar, Baka di na mag enjoy si Yohanna sa buhay nya nyan." Natatawang saad ni Daddy Kuya
"Hehe..Basta Hindi muna sya pweee mag nobyo ngayon, Saka na hehe "
Sa sinabing iyon ni Tito Yohan ay parang nawalan na naman ako ng Pag asa at nahihiya na naman ako mag sabi.
Balak ko pa naman na mag paalam sa ika 18 taon ni Yohanna.
Bahala na.