“Ilang araw pa ba bago tayo makarating sa kumander nyo kuno?” Tanong ko sa lalaking nag babantay sa akin ngayon,wala ito sumagot sa halip naka tingin lang ito sa malayo.
“Bakit!” Iwan ko ba pero ramdam ko sa sarili kong hindi nito gusto ang ginagawa ngayon,feeling ko napipilitan lang ito.
“Bakit kailangan nyong pumatay ng mga walang kalaban labang tao!?” Naaalala ko na naman ang nangyari kay Maeia at sa mag sasaka,wala paring imik ang kausap ko.
“Ikaw ba mga ilan na ang napatay mo?” Hindi ko alam kong bakit ganito ang way ng pakikipag usap ko sa kaniya. Nilingon ko ito,naka ngiti lang ito sa kawalan na parang natatawa sa tanong ko sa halip na sagutin tinanong ako nito.
“Tatanungin kita,bakit kailangan mong mag aral?” Nilingon ko ito,simple para makapagtapos at makahanap ng magandang buhay nilingon ko siya saka nag salita.
“bakit nga ba nag aaral ang estudyante sa School? siguro isa sa mga sagot dyan ay para matoto because Education is the key to success specially pagnakapagtapos most of them nagkaroon ng magandang buhay!” Naiwika ko,nakatingin parin ito sa malayo.
“Para matuto? Sa School??Alam mo bang mahigit kalahating natutunan natin ay wala sa libro,sa nararanasan natin,nabubuhay tayo dahil iyon ang dapat at iyon ang gusto natin,sabi sa nabasa ko 20% lang ang naalala mo sa isang araw na tinuro sa iyo ng guro the rest nakalimutan muna, unleast nalang kong assignment ito,minsan nga nakakalimutan pa ang assignment eh!” Mahabang paliwanag nito napa tango nalang ako tama naman siya eh,may mga lecture specially kung boring ang nagtuturo o mag rereport hindi ko binibigyan pansin yon,umaasa naman ako na nariyan ang google eh.Napalingon uli ako sa kaniya ng magsalita ito.
“Paano mo naman masasabing nasa magandang buhay kana??” Tanong nito,napaisip ako sa isasagot ko rito alam kong hindi joke sa kaniya ang sinasabi napakaseryuso nito malayo sa Mukong na kilala ko.
“Pag naabot kuna ang gusto ko maging, tulad ng isang sikat na model, makapag travel around the world ,lahat lahat ng gusto ko makuha ko na! but sad to say hindi na yon ngayon” Wika ko rito habang naka ngiti ng matamlay.Napalingon ako sa kaniya,naka tingin na ito sa kawalan.
“ Sana lahat yan ang problema gaya sayo. Paano ang mga hindi nag aral ang mga hindi nakapagtapos dahil walang pera makakamit kaya nila ang buhay na gusto nila?magagawa kaya nilang mag travel around the world ng hindi nauubusan ng pera gaya nyo??Ako gusto kong ipag tangol lahat ng mahihirap na inaaabuso but sad to say wala akong power para rito wala pa!” Seryuso nitong turan nilingon ko siya sa sinagot niya.
“Democratic ang bansa natin tayo ang nag halal sa kung sino ang gusto natin kaya for me nasa kamay natin ang batas we are law and we have the freedom of speech to voice out what we want to voice out.!” wika ko habang naka tingin sa mga taong nag lalakad.
“Sa mga katulad namin,freedom of speech lang ang meron kami hanggang speech lang kami,untill one of us say na walang mangyayari kung puro speech lang...!” Natamimi ako sa mga binitiwan nitong salita pinutol ko ang gustong sabihin nito.
“Kaya kayo pumapatay ng mga walang kasalanang tao ng mga inosente gaya ko?” wika ko rito.
“Yan lang ba ang nakikita mo?? Bakit hindi mo subukang idilat ang mga mata mo ng makita mo talaga ang totoong mundo sa mga mayayamang tulad nyo feeling nyo inosente kayo.” Napalingon ako sa tinuran nito wala akong nararamdaman kung hindi samot saring imosyon na hindi maipaliwanag ng kung sino man.
“Ano ba ang totoong mundo?”wala sa sariling natanong ko sa kaniya.
“Ang totoong mundo? mahirap,kailangan mo ng kapangyarihan para mabuhay,pag wala ka non kailangan mong pumatay para maka survive,yon ang toong mundo,ang mga mahihirap sa mahihirap namumundok,yong iba namamatay ng dilat ang mata dahil sa kahihintay ng ayuda na kinain na ng mga uod na nakadikit na animoy linta sa mga sanga!” Napabuntong hininga ito.
“Nasa tao na yan kung gusto nyang mamatay sa hirap choice nila yon,kung naiingit sila sa mayayaman magtrabaho sila!” Napataas ang boses ko na tinuran rito tama naman ako diba hindi nila kasalanan ang mghirap sila ang kasalanan lang nila ay ang mamatay ng mahirap.
“Kaya lang naman yumaman ang mga mayayaman ay dahil sa salaping galing din sa mahihirap sa kaban ng bayan! Bakit akala mo ba may makikita silang salapi kung walang mga mahihirap?” wika nito na unti-unting tumataas ang boses nito para kaming nag d debate shall I say nag d debate na nga kami sa kung anong paninindigan meron kami.
“Ang pagiging mahirap ba ang ipinaglalaban ninyo?kaya kayo pumapatay,bakit hindi nyo nalang ipaglaban sa batas kumuha ng..” Hindi ko na natatapos ang sasabihin ng tumawa ito ng payak.
“Batas? alam mo ba kung ilang libo ang kailangan bago ka maka kuha ng abugado? tingin mo bakit ka nandito? dahil sa pera?hindi.” Huminto ito saglit saka ipinagpatuloy ang nais na sabihin.
“Dahil may mga bagay na ..!” Ayuko na marinig ang gusto nitong sabihin ayuko ng makipagusap sa kaniya ng ganito,iba siya sa Mukong na kilala ko.
“Tama na,kung ano man yan gusto kong malaman sa takdang oras na lang..!” Kahit sino alam ang pupuntahan ko sa mga oras na ito.
“Kumain na kayo?” Tiningnan ko ang lalaking may dalang pagkain mukhang busog na ito.
“Ka To,kumain kana muna roon, ako ng magbabantay dini sya nga pala inaantay ka ni Medena!” wika ng lalaki sa katabi ko,napatango lang ito saka umalis,mas magandang magpalamig muna kami,ayuko makipag usap sa kaniya ng ganon aaminin ko natatakot ako malaman ang totoong mundo.
“Sige na Ka To kaya ko na to!” Tinanggal nito ang pagkakatali sa kamay ko saka iniabot ang pagkain nito,Karning baboy ang nakahain rito at kanin,ito lang ata ang kain ko na may ulam na matino ng mga nakalipas na araw hindi ko magawang sumubo dahil sa mga ulam na inihahain nila tulad ng ahas,daga sa bundok at ibat ibang hayop niluluto naman nila yon nga lang hindi ako kumbinsedo sa luto.
“Kumain ka ng kumain ining!” Wika ng katabi kong tatay seryuso ito sa pagakakasabi hindi ko nga napansin na may kasama pala ako rito dahil sa sarap na sarap akong kumain rito.
“Halata sayong gutom na gutom ka!” out of now where nitong wika. Mukhang mabait naman itong kasamahan ni Ka Guryong pero iyong kasamahan ni Ka Reyndar wala akong tiwala.
“Sino po ba si Medena?” Naitanong ko matapos kumain gusto ko lang malaman alam mo na bago man lang ma go away.
“Ang pangalawa ni Ka Reyndard.!”wika nito sa akin.
“Girlfriend po ng Mukong?”naiwika ko..
“Mukong?”kasabay niyon ay ang payak na pagtawa maging ako ay napangiti narin wala na dito si Ka To umalis na ng hindi nag pa oo o hindi.
“Ay sorry ,Ka To po ,si Ka To ang tinutukoy ko!’” Napatawa ito sa sa sinabi ko.
“Ah hindi,hindi nya kasintahan yon” Kasabay niyon ang paglapit ng mukha sa akin! hindi naman ako nailang rito.
“Yang si Ka To ang pilit na ni neririto sa anak ni Ka Reyndard!” Napadilat ako ng mata sa sinabi nito.
“Ho?” dilat na dilat na ang mga mata ko
“Oo si Ka To lang ayaw mukha kasing
aliligid ang babaing yon!” Kasabay ang simpling pag turo sa babaing naka short pa sa short backless na damit na akala mo nasa syudad kami ngayon o de kaya sa bar dahil sa suot nito hindi ko alam baka nga tad tad na ito sa kagat ng lamok dito sa bundok o baka naman na immune na ang katawam nito, baka sabihin nyo im so judgemental totoo naman e ayos lang sana kung damit lang e parang sinapak ang mukha nito sa kapal ng highlight tsk.. Napangiti nalang ako sa tinuran ni tatay.
“Si Ka To at Ka Guryong ay magkamag anak sa side ng tatay nito,si Ka Fred ang dating pinuno ng hukbo dahil namatay siya itong si Ka Guryong ang pumalit.
”Mukhang madaldal itong si Ka Reyo ata ang name nito nakinig nalang ako rito iwan sa Earth kung bakit malapit ang luob ko sa mga ito even I knew na isa lang naman akong kaawa awang bihag dito.
“Eh kayo po ba paano kayo nasama sa hukbo nila,parang wala naman po sa etsura nyo ang namumundok!” Paliwanag ko rito,naka ngiti ito sa kawalan na parang hindi makapaniwala sa nangyari.
“Dati kasi akong taga Sulo, itong tatay ko ang tunay na may ari roon ng lupain ng namatay siya kami na ang pumalit,mayaman ang lupain namin,kahit saan marami nga ang nag sasabing pinagpala raw ito,nag alaga kami ng mga hayop nagtanim at pinag aral ang mga anak mamin.!” Tahimik lang akong iniisa isa ang detalye sa salaysay nito.
“Hanggang sa may isang mayor ang pumalit samin,gusto nitong bilhin ang lupa na pag aari namin,hindi ako pumayag rito sapagkat maliban sa edukasyon para sa aming mahihirap. Ang lupa ang isa sa mahahalagang at katangi tanging pamana ng mga magulang ko sa akin. Hindi naman ako tanga para ibigay ng ganon ganon ang lupang alam koy akin.!” Napahinga ako ng malalim.
“Hindi po ba kayo kumuha ng abogado?” Wika ko,naalala ko si Dad siya ang isa sa magagaling na abogado in terms of tax declaration.
“Kumuha ako,nagbayad ako ng mahigit dalawang daang libo para sa unang bayad sa trial namin maliban pa roon kumuha ako ng mga papeles at lahat ng iyon ay sarili kong salapi!” Namumula na ang mukha nito tanda na naiiyak na ito ayuko nakakakita ng lalaking umiiyak at pinakikita ang kahinaan sa harap ko,because Dad taught me that when a guy cry infront of you it means He's vulnerable man who can't do nothing but to cry.
“Tahan na ho!” But when I saw him crying in front of me,I change my mind,this time i saw the true definition of brave.Brave is showing how oddle You are but still do what you want because after dark there' sun which shine for both strong and weak.Lumingon ako rito ng matapos nitong umiyak payak akong ngumiti napa singhot ito at sinimulang i kwento ang nangyari,kala ko sa mga correct grammar at tamang punctuation mo malalaman ang ganda ng story hindi pala sa kung paano ka naka relate rito, the value of story is to feel it.
“Dahil sa lakas impluwensya nito nabago ang takbo ng kaso,sa madaling salita natalo kami,wala naman akong magagawa ayon ang guhit na nakatadhana!” Parang silyang pinagsampok ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
“Naglalasing nalang ako at laging naka tingin sa mahigit binte hectaria kong lupain, maliban pa roon nag ka baon baon na rin ang pamilya ko sa mga utang sa kamaganakan namin,para sa lupaing ipinaglalaban namin,hindi naman namin alam na pinirahan lang pala kami ng abogadong yon eh,dahil sa wala akong pinagralan maging ang asawa ko tapos nag aaral pa ang anak ko kaya ayon nagkabaon baon kami sa utang,mabuti nalamang at nanduon si Ka Guryong,siya ang nagbayad ng halos kalahating milyong utang namin sa pamangkin ko.At gumastos para mabawi ko ang lupain na para naman talaga sa amin” wika nito na parang naiwan bigla sa limot ang malaking dagok na dumaan.
“Ho?e diba ho ba sa bundok sila?”Wika ko rito.
“Kaming mga narito sa bundok,ay nakikisalamuha rin sa mga tao o mamamayan kaya alam namin ang inaabuso sa nangaabuso!Mabait yang si Ka Guryong sa mga kasamahan namin halos nga lahat ng narito lahat ng hukbo niyan ay malaki ang utang na loob sa kaniya.!” Wika nito mahahalata sa mukha nito ang pagiging masigla,ibig ko sanang itanong kung saan ba nakukuha ni Ka Guryong ang pera nito na itinutulong pero alam kong magiging marahas na iyon.
“Ne recruit ka rin po ba nya o sumama ka lang ng kusa?” Tanong ko rito,kahit nag mumukha na akong reporter sa tanong ko,iwan ko ba kung bakit napaka interisado kong malaman ang totoo,malay mo pag nakatakas ako rito maituturo ko ang kumader maging ang mga sangay nito.
“Si Ka Alex ang kumander ng hukbo ilang araw pa bago natin siya makikita,siya ang nangre recruit,pero kung ako ang tatanungin mo kusa akong sumama sa grupo dahil dito ko nabawi ang lupang sa akin naman talaga,at ito lang ang naiisip kong paraan para tumulong rin sa iba,kung hanggang kamatayan gagawin ng halos lahat dito mailigtas lang si Ka Guryong!” Napa nganga ako Oo literal na napanganga sa mga sinabi nito, mga Pilipino nga talaga ang dugong lumalakbay sa mga ugat ng mga tao rito,dahil hindi sila nawawalan ng pag asa sa mga mithiing gusto nila,at mga pangakong binibitiwan nila hindi rin sila na kakalimot sa mga taong tumutulong sa kanila.Napangiti ako sa mga tinuran nito,saka naisip ang mga bagay na nangyari sa akin mabait nga naman si Ka Guryong,pero kung mabait ito sa magsasakang kasamahan at mga inaabuso bakit nito pinatay si Maiea?at ang magsasaka,nagliligpit na ang kasama ko at tangka ng aalis sa pwesto ng hawakan ko ang braso nito saka nagsalita.
“Kung mabait si Guryong bakit pumapatay ito ng mga inosenting tao?” Napansin kong nangunot ang noo nito saka bumaling na muli sa akin.
“ Hindi namamatay ang tao ng walang dahilan.!” wika nito
“Ano po ba ang dahilan sa pagkamatay ni Meaia??” wala naman po natahimik ito sa tinuran ko.
“Iniisip mo ba na si Ka Guryong ang pumatay?”Napa singhap ako syempre sya ang pinuno kung hindi man siya still kasamahan niya
“Bakit nya ginihitan sa leeg ang magsasakang nangangaso lang naman?”. Seryuso na ako sa mga tanong ko maging ang mga mata kong nakatingin sa kaniya ay gustong sagutin ito
“ Sa dami ng bundok tingin mo bakit sa lugar pa nayon at sa oras na yon siya naroon,ang mga ordenaryong mag sasaka matatakot na gumawi sa lugar namin dahil sa baliktad na pangunawa ng mga ito,nag mukha kaming nga halimaw na hindi malapit lapitan.!” Natahimik ako ginawa nitong pagsalita,aaminin ko first impression ko sa kanila ay mga halimaw dahil pumapatay ng mga walang kalaban labang tao,at siguro nga may mga ganon talaga pero baka may mga mababait din gaya ni Ka To at ng mga kasamahan nito.
“Bakit nga ba??”Ibig sabihin ba non spy ang lalaking magsasaka na pinugutan ng ulo? na sa madaling salita pagpinakawalan namin ito,nila ito magiging mapanganib ang hukbo.. Naiwika ko sa sarili saka sinundan ng tingin ang mga hakbang nito palayo.
“Baka gusto mong maki kape at makiligo narin sa mga kababaihang yon!” Turo nito sa mga babaing naliligo sa balon,napalingon ako sa mga ito naliligo nga sila habang ang mga m******s na tauhan ni Ka Reyndar ay sayang saya sa nakikitang basang katawan ng mga kababaihan hindi ko akalaing matapos ang nagyari kanina babalik ito ng bitbit ang mga ngiting nakakaloko ganon ba talaga sila kagaling magtago ng tunay na nararamdaman nila??nilingon ko siya saka nagsalita.
“ Sige nalang kahit hindi na ako maligo ang mahalaga walang mga m******s wagas kong makatingin,tingin ka sa kanila wala man lang naiilang ang mga ito sa mga matang halos lumuwa na sa katitig ng mga ito!” Napataas ang kilay ko ng tumingin sa kausap,Aba ang walang hiya titig na titig din sa mga babaing naliligo napabaling ang paningin ko sa katapat nitong kubo makikita ron kasi mula sa punong ito ang mga kalalakihan maging si Ka Guryong na nakikipag kwentuhan sa mga pinono pero sandali tama ba tong nakikita ko.
“Si Ka Guryong ba yon?” Naiwika ko sa lalaking wala na naka salakot makikita mula rito ang military cut nitong itim na buhok,maging ang maputi nitong leeg na lutang sa mga naroon,hindi mo ito mapapansin dahil sa lagi itong naka salakot, mahabang manggas na damit na pambukid at laging naka jaket na itim maging ang pantalong ginagamit rin sa bukid at pang hiking nitong sapatos nakatalikod ito kaya hindi ko maaninagan ang kabuohang itsurang taglay nito.Akala ko si Mukong lang ang maputi rito hindi pala.
“Ano naman na sayo?” Parang wala lang ito sa kaniya.
“Wala masama bang magtanong bakit ba lagi itong naka salakot? I mean diba...! dapat nakasalakot ito”Hindi ko pa natatapos ang gusto kong sabihin ng basagin nito.
“Ano naman na sayo?mga pinuno ang kausap nyan wala ng iba,tsaka sila Ka Reyndard at nga anak lang naman nito ang naroon!” Mahabang litanya nito,maging ito ay napatingin narin duon.
“Siya ba ang anak ni Ka Reyndard?” Yong babaing naka suot ng yellow green na damit mabuti nalang at maputi ito.
“Ah!Si Katrina!” Wika nito saka lumingon na muli sa mga naliligo.
“Ang ganda nya ano?” wika ko rito iwan ko ba pero parang sarcastic ang tuno ng pagkasabi ko,nangunot ang noo nito sa tinuran ko.
“Si Katrina?”Napa smirk ito saka lumingon sa kubo, maging ako ay nangunot din ang noo sa nakita wala man lang itong pasentabi sa mga naguusap basta nalang itong umupo sa tabi ni Ka Guryong let say sa pagitan ng dalawang pinuno napa urong si Ka Guryong.
“Mabuti naman!”Naiwika ko sa sarili.
“Mabuti na?”Napatingin ako sa katabi kong naka ngiti ng maluwang akala ko sa mga kababaihan na ito nakatingin.
“Anong mabuti sa kanila o I mean sa kaniya at pansin ko parang nag mumukha kang reporter kanina pa??”
Naiwika nito sa akin na nakataas na ang kilay.Napakunot ang noo ko sa tinuran nito.
“Bakit nga ba nag tatago ito ng mukha?” wika ko.
“See,nag tatanong ka na naman!”wika nito,nangunot ang noo ko sa tinuran nito lagi malang nitong nahuhuli ang para sa aking sarili.
“FYI,alam mo bang kanina ikaw ang tanong ng tanong sa akin,sinagot lang kita tapos napaka bias mo dahil nong..”Kasabay niyon ang pag atras nito ng kaunti na parang may hindi nagustuhan sa ginawa kong pagpapataksik ng laway,sabagay sino nga ba naman ang gustong mag paspray ng laway sa buong mukha?? akala nyo walang mayamang bastos? will ako na ata ang pinakabastos sa kausap actually sinasadya ko talagang patalsikin ang laway ko sa mukha nito.
“Oo,na may salakot yang si Ka Guryong dahil sa repotasyon namin,naiintindihan mo? May salakot sya para halimbawang makatakas ka. Mukhang to ang ipakukulong mo”wika nito ng nakangiti na parang wala lang sa kaniya ang kulungan.
“alam mo hindi ko ma gets yang sinasabi mo!oo alam kong mag kamag anak kayo pero hindi ko malaman kung..!”Marami pa sana akong sasabihin ng bigla itong nag salita.
“Paano mo nalamang mag kamag anak kami?”Seryuso na ang turan nito sa akin.
“Huh ah eh...someone na nag ku kwentuhan!”My Gosh kinakabahan na ako pupugutan na ba ako ng ulo nito,samantalang nakatingin lang ito ng deretso sa mga mata ko.
“Huminga ka naman!”Kasabay ang hagalpak ng tawa,nawala na ang seryuso nitong mukha.
“Grabi ang mukha mo,ang saklap..hahahaha!” tawa ito ng tawa ako naman ang nangunot ang noo sa ginawa nito so Its Just a JOKE?
“Walang hiya ka kinabahan na ako doon ah.”Akala ko totoo na e hindi man lang ako nagdalawang isip na hampasin ang ulo nito na parang mag barkada lang kami,wala naman ito sa kaniya ang totoo tawa pa nga ito ng tawa napangiti naman ako sa ginawa nya, gumaan tuloy ang pakiramdam ko aba kung hindi sa kaniya hindi nawala ng panandalian ang stress na nararamdaman ko ngayon.
“Yeah,magkamag anak nga kami,kung anong mukha ang nakikita mo sa akin ganyan din si Ka Guryong,lamang lang siya ng mga limang paligo!”Tawa ito ng tawa sa sinasabi.
“Paano mo naman naging kamukha si Ka Guryong kong singkit ang mata mo at bilugan naman ang sa kaniya,kulay kape ang mata nito samantalang mas pusyaw na brown ang sayo!”wika ko rito.
“Isa lang ibig sabihin nyan gwapo ako kisa sa kaniya! aba hindi ko alam na masyado ka palang observer sa amin lang ata ni Ka Guryong!” Napataas ang kilay nito na parang may gustong sabihin saka ito tumawa maging ako ay napahampas narin sa kaniya at natawa nag mumukha na siguro akong baliw na sabog,pero kung susuriin hindi ko alam kung ano ba talaga ang mukha ni Ka Guryong dahil sa salakot nitong tanging mata lang nakikita maging ang taas nitong tingin koy nasa mahigit limang talampakan at ang malapad nitong balikat maging ang mga muscle nitong bumabakat sa mahabang manggas nitong kasuotan Ashhh ano ba naman to.
“Ang totoo,3/4 ng dugo ko ay Chinese,while Ka Guryong 50/50 50%ang dugong Pilipino while 50%Spanish..see..kaya magkaiba talaga kami! but kahit midyo malayo na ang dugo namin yang si Ka Guryong ang tumayong kuya ko sa loob ng mahigit sampong taon,sya yong nag sasandok ng pagkain ko specially pag may pasok even nong namatay ang parents ko sya yong nandyan kaya kahit na midyo malayo at mag kaiba ang paniniwala namin you know chinese? while sya naman Catholic wala paring nagbago sa relationship namin,alam mo bang minsan sabay kaming maglaba sa balon,mukha lang yang suplado but deep inside napakabait niyan.Sa mga kababayan namin,dati syang kilalang basagulero at nag papaiyak ng mga babae wala naman siyang kasalanan sa mga yon sila lang talaga ang assume ng assume,and takenote never pa syang umiyak sa babae” proud nitong wika.Napatango nalang ako saka lumingon sa lalaking nakatalikod sa amin.
“Sino naman si Katrina sa buhay nya?” Napangiti ito sa tanong ko saka humarap sa akin.
“Bakit mo naman tinatanong kala mo ba hindi ko napapansin na andami mong katanungan sa kaniya,Kayo huh!” iwan ko kung anong nangyayari sa taong kausap ko ngayon nakakaluko na nakakaintrega ang mga ngiti nito sa manipis na labi.
“Huh?bored lang siguro?!”Tumingin ako sa maulap na kalangitan mukhang hindi kasi ito magandang idahilan isa pa Iwan ko sa sarili ko bat bigla akong nailang sa lalaking kaharap ko ngayon.
“Ahh??!”Napatango ito sa tinuran.
“Bakit naka ngiti ka riyan? may gusto ka ba kay Ka Guryong?”Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin rito,ano ba naman to hotseat na ang lagay ko ngayon sa out of the blue nitong tanong.
“Wala a,wala no!”wika ko rito saka bumalik ng tingin sa mga dahon ng naka ngiti?hala self bat naka ngiti ka na?
“Wag kang maiinlove kay kuya!” seryuso ang mukha nito ng nilingon ko ito saka nangunot ang noong tinanong.
“Bakit naman?”Tanong ko sa kaniya,huli ng ma realize ko kung bakit ba ako nag tanong ng ganon,mula sa seryuso nitong mukha napunit ang mga labi nito at humurmang parang saging,naisahan ako ng mukong sa ginawa nitong triks.
“Sabi ko na nga bang sa bibig mo mahuhuli ang pilit na tinatago?”Nakangiti ito maging ang mga matang namumula parin.
“Oyyy magiging ate na kita kung magkagayon?”Maging ito ay nag iisip na sa mga susunod na mangyayari.
“As if naman makakapayag ako no!”Wika ko rito,nakangiti na ako ng loko rito.
“Kung hindi mo ako pamilya isa lang ibigsabihin nyan hindi ka magiging asawa..!”Napatabon ako gamit ang daliri ko sa walang pakundangan nitong bibig, mahirap ba baka bigla itong magsalita ng kung ano ano,mahirap na nasa teretoryo pa naman kami ng mga anak ni Ka Reyndard baka hindi pa ako nakakaalis sa lugar na ito wala na.
“But sad to say,pihikan si kuya,marami na siyang napaiyak at wala syang paki don maliban nalang kay Katrina!”Wika nito saka tumingin na naman sa kubo maging ang mga panga ko ay umigting sa nakita iwan ko ba alam ko namang..
“Wala kang karapatan para mag react ng ganyan,jowa ka jowa?” Napalingon ako sa nagsalita saka ngumiti ng mababaw Bihag nga pala ako rito hindi Jowa.
“Alam mo maganda kana man na e,mas maganda ka pa nga sa Medena na yon!” Napalingon ako sa itinuro nito ang babaing naka red short na short pa sa short at hindi mo malaman kung croptop ba ang suot o b*a nalang ang damit nito.
“Mabuti nalang at maputi kung hindi tatawa ako ng sobra!” Hindi naman siguro halatang nanlalait ako ano?
“Atleast sya maganda,maputi MALINIS,at MABANGO!” Saka ito humagalpak ng tawa,napalingon ako rito saka lumayo ng kaunti,kahit papaano nahiya naman ako ng ma realize ko kung ano nga pala ako right now.
“O akala ko ba MABAHO,AT MARUMI AKO?”wika ng umabanti ito palapit sa akin,umatras ako ng kaunti sa kaniya makulimlim na naman ang paligid malamig din ang simoy ng hangin sa akin lakas ba naman ng hangin nitong sa gilid ko.
“Nang aasar ka ba huh?” Wika ko rito ng umaabanti rin ito para maging magkatabi kami.
“Bantay ako rito no!” Nawawala na naman ang mata nito sa pagngiti.
“Mukha ba akong tatakas??” tanong ko rito,saka umatras ng kaunti sa kaniya kasabay niyon ang pasimpling pag amoy sa sarili ko.
“Wag kang mag alala hindi ka naman mabaho e!” Tawa nito sa akin. “Good!” saka ako ngumiti rito.
“Hindi ka mabaho kasi SOBRANG BAHO MO NA! Wala pang ligo ligo” saka ito humagalpak ng tawa, napatingin naman na ako sa Kubo maging sa mga babaing katatapos lang maligo ay naka ngiti na sa akin ,hindi rin halatang nakiki chismis sa amin a, edi sila na ang maganda,kasabay niyon ang pag irap sa mga kababaihang naroon, Kasabay na non ang pagbagsak ng ulan sa madamong bahagi.
“Hindi ba tayo magpapasilong?”Kahit naiinis ay tinanong ko ito ayuko kayang mabasa nakaraan pa ako nagpatuyo rito baka kung ano na mangyari sa akin nito e.
“Ano ba naman yan paano ka magugustuhan kong never kang naligo!”Wika nito napatingin ako sa kubo ginalaw na ni Ka Guryong ang panakip nitong damit upang gawing salakot na sa tingin koy dito balak pumunta.
“Asa ka pa na makakarating yan dito!” Hindi nga nagkamali ang mukong tinawag ito ni Katrina halatang kinalabit nito si Ka Reyndard na huwag ituloy ang ginagawa.
“See,maligo nalang tayo sa ulan.Sister in law... wag kang mag alala sayo lang boto ko!” kasabay niyon ang paghila sa akin sa ulanan.
My Gosh ang sarap ng tubig..sariwa at manamis tamis ang lasa.
wala naman na sigurong mga matang nakatingin sa amin dahil kumakain na ang mga ito ngayon.
“Sis...habulin mo ako!”wika nito hindi alintana ang lamig ng dampi ng hangin sa mga balat namin,ang saya makipaghabolan sa kaniya,parang wala lang naman sa kanila na nag hahabulan kami,Iwan ko ba bat ang gaan ng loob ko sa Mukong na ito.
“Pag naabot kita lagot ka!!”Natawa ako rito hindi nyo ata naitanong na runner ako when I was on Highschool.
“Aba...sige !!”Siya naman ang humahabol sa akin..Ang sarap maligo sa makulimlim na paligid sabayan pa ng malakas na buhos ng ulan.
“Magpasilong ka raw po,Ka To!” wika ng isang tatay na kasamahan namin.
“Hindi naman na po ako,kami bata!”wika nito saka itinalsik sa akin ang tubig ulan.
“Loko ka...ito ang dapat sayo!”kasabay niyon ang pag sipa ko sa tubig papunta sa kaniya .Just feel the moment,dahil ngayon ko lang na experience ang ganito sa tanang buhay ko.
“Ka To?” Wika ng boses sa gilid namin,maging ang mga matang naroon naka titig sa amin.
“O! Medena?”Alam kong napipilitan lang itong maging mabait Best actor talaga ang isang to ang galing magpanggap e.
“Mag anlaw ka na ng tubig tabang baka magkasakit ka nyan!”wika nito sa malambing na tuno, saka hinila ang kamay nito.
“Lagot ka...!” Pabuling kong wika saka nauna sa kanila hindi ko na nilingon pa ang mukha nito sa halip nauna na akong naglakad sa kanila.
“Tsk..!”Naiwika nito,napangiti nalang ako,akalain mong kailangan nyang mag panggap na ayos lang kahit hindi naman.
“Mag anlaw ka na!”
~Alam ko ng mahal ka nya
Ngunit paano na itong aking nadarama
Batid ko ring ikay higit
Sa paningin maging sa pag tatangi nya.
~Alam kong kay bigat sa puso pag ika‘y inibig nya
Nguniti anong magagawa,sadyang minamahal ko sya,
Maari bang kami nalang dalwa hindi ako mag tatanong kung nasaan ka o sya ba ang iyong kasama..
Maari bang kami nalang dalawa....
Mula sa baretong boses sa likod ko napaka monotone nito,hindi ko magawang lumingon rito sa halip isang kaidaran ko lang ang nasa pinto ngayon may dala itong twalya at damit.
“Mag bihis na po kayo,ito po ang gamot sapagkat mahirap mag lakbay na masakit ang katawan.!”wika nito.Sa morena nitong kulay maninipis na mga labi,at midyo slim na katawan masasabi kong maganda ito,wala na siyang ibang kapara sa ganda,mas maganda pa nga ito sa Medena ni Ka Lenydard e.
“Salamat!”Nakangiti kong turan walang lingong likod akong pumasok sa isang kubo.
*****************
Author ‘s Note.
The story is not edited by professional writer so expect lot of slip in terms of spelling and grammar.
The names,places is just a product of imagination of writer.
Song: Maari ba by Beverly Caimen